CHAPTER 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             CHAPTER 8

JANNA’S P.O.V.

It’s been two weeks since Clyde started to court me. Sa dalawang linggong iyon lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa dalawang linggong iyon unti-unti ko na siyang nakikilala. He’s sweet, kind, caring, and understanding. Madaling makaisip nang bagong topic kaya hindi kami nawawalan nang pinag-uusapan.

Sa mga pinaparamdam niya sa akin ay napatunayan ko na seryoso nga siya sa akin.

“Anak, bumili ka nga roon ng toyo at suka. Mag-aadobo ako ngayon,” utos ni Mama nang makarating ako sa kusina at naupo. Binigay niya sa akin ang limampung piso para pambili.

“Sige po, Mama.” Tumayo ako pagkatapos kong makuha ang pera kay Mama.

Kaagad akong naglakad palabas ng bahay para  bumili na ng toyo at suka sa tindahan.

“Alas nuwebe na pala ng umaga, kaya pala magluluto na si Mama,” ani ko sa sarili nang tingnan ko ang oras sa pambisig kong relo.

Kaagad din naman akong nakarating sa tindahan.

“Aling Pasing, pabili po ng suka at toyo.” Nakatayo ito habang inaayos ang mga paninda.

“Iyong malaki ba o maliit lang?” tanong nito.

“Malaki po, Aling Pasing.”

“Sige.” Kinuha nito ang suka at toyo. “Wala ka na bang ibang bibilhin, Janna?” tanong niya at ibinigay sa akin ang binili ko.

“Wala na po.” Kaagad na binigay ko kay Aling Pasing ang bayad.

“Ito na sukli mo.”

“Salamat po.”

Kaagad na akong umalis sa tindahan ni Aling Pasing at naglakad na pauwi sa bahay. Hindi naman ganoon kalayo sa bahay namin ang tindahan, kaya madali lang akong nakarating dito.

“Mama, ito na po ang suka at toyo.”

“Lagay mo lang dyan sa lamesa. Pinapakuluan ko pa naman ang manok para lumambot na at madali nang lutuin kapag inadobo ko na. Maghiwa ka na lang ng sibuyas at bawang para panggisa.”

“Mama, bawang lang ang hihiwain ko. Ayaw ko ng sibuyas, naluluha ako sa tuwing humihiwa ako nyan.” Ngumuso ako kay Mama habang sinasabi ko ang mga iyon.

“Paanong hindi ka maluluha eh sobrang lapit ng mukha mo sa sibuyas kapag naghihiwa ka, kaunti na lang idikit mo na ang mata mo,”natatawang sabi nito.

“Kahit naman po lumayo ako gano”n pa rin, naluluha ako.” Pagdadahilan ko.

“Basta maghiwa ka, malambot na itong manok.”

“Mama naman eh.”

“Dalian mo na, Janna Mae Jioson. Huwag mo akong artehan. Paano ka matuto kung wala ka pa ngang ginagawa umaangal ka na?” Galit na ito dahil binanggit na nito ang buo kong pangalan. Ganiyan talaga si Mama kapag galit, binabanggit ang buo kong pangalan. Mabait naman si Mama, huwag lang gagalitin.

Sa huli sumunod na lang ako. Hiniwa ko muna ang bawang dahil mas madali iyon at hindi ako pinapaluha. Hiniwa ko ito na sobrang liit lamang katulad nang nilalagay sa spaghetti para madaling igisa. Pagkatapos kong hiwain ang bawang ay ang sibuyas naman ang kinuha ko.

“Sana hindi ako paluhain nito,” bulong ko.

Hiniwa ko muna ito sa dalawa. ‘Yon pa lang ang ginagawa ko pero nagsisimula nang manubig ang mga mata ko.

“Ilayo mo ang mukha mo sa sibuyas kapag naghihiwa ka nito.” Nakatingin pala si Mama at nakita niya na pinupunasan ko ang aking mata dahil sa babagsak na ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko sa paghihiwa lamang ng sibuyas.

Tulad nang sinabi ni Mama, inilayo ko ang mukha ko sa sibuyas na hinihiwa ko at nagsimula nang hiwain ito ulit.

Natapos ko ang paghihiwa ng sibuyas, sumakit ang mata ko dahil sa luha na lumabas dito. Suminghot-singhot din ako dahil nagkaroon ako ng sipon.

“Mama, sa k’warto ko po muna ako,” paalam ko.

“Sige.” Wala sa akin ang atensyon niya dahil nagsisimula na siyang ayusin ang mga sangkap sa adobo.

Umalis na ako sa kusina at tinahak na lamang ang daan papunta sa k’warto ko. Maliligo muna ako at magbabasa ng libro. Wala rin naman akong ibang gagawin. Kaagad ko ring narating ang k’warto ko. Pumasok ako rito saka dumeretso sa banyo para maligo.

Nang matapos akong maligo ay kaagad akong nag-facebook gamit ang role play account ko.

“So. May manliligaw ka na pala?” Iyan kaagad ang bumungad sa akin na chat ni Zach.

“Meron.” Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako mag-reply, matagal ko naman nang nakakausap itong si Zach.

“Sabi mo ayaw mong magkaroon ng nobyo dito sa RPW, pero bakit ngayon nagpapaligaw ka, Zyrie?”

“Ayaw ko naman talaga eh.”

“Bakit nagpapaligaw ka? Noong ako ang may gusto na manligaw sa ‘yo, you rejected me, kasi sabi mo ayaw mo. Pero bakit ngayon pumayag ka na may manligaw sa ‘yo?”

“Hindi ko alam. Bigla na lang akong napa-oo sa kan’ya.” Totoo naman ‘yon e. Ayaw ko talagang magpaligaw, pero nang kulitin ako ni Clyde ay napa-oo kaagad ako at ramdam ko na hindi iyon pilit. Gusto ko si Clyde kaya pumayag akong magpaligaw sa kan’ya.

“Bakit sa akin hindi? Binabalik-balikan kita, nagbabaka sakaling payagan mo na manligaw ako sa ‘yo.”

“Sorry, Zach. Gusto ko si Clyde kaya pumayag ako na manligaw siya sa akin.”

“Ako hind mo gusto? Hindi mo ako gusto kaya you rejected me? Sorry, Zyrie kung kinukulit kita. Ang unfair lang kasi. Ako na matagal nang gustong manligaw sa ‘yo hindi mo pinayagan. Pero ‘yong taong bago mo lang nakilala at isang beses lang sumubok na magsabing manliligaw sa ‘yo, pinayagan mo.”

“Hindi naman sa gano’n, Zach. Magka-iba kasi. I didn’t let you to court me because I don’t like you. I like Clyde that’s why I let him to court me.”

“Sigurado ka ba na gusto ka talaga niya huh,  Zyrie? Paano kung hindi ka niya gusto? Pero wala naman akong magagawa dyan. Desisyon mo ‘yan. Sino ba naman ako para makialam? Masakit pero ayos lang. I’m here to support you. Huwag ka lang sasaktan ng gagong yun. Pwe-pwersahin kita na mapasakin kahit ayaw mo. What’s his complete name?”

“He’s Clyde Vexon. Salamat, Zach.”

“Clyde Vexon, huh. Lagot sa akin ‘yan kapag sinaktan ka.”

“Ano naman ang gagawin mo sa kaniya kapag sinaktan niya nga ako?”

“It’s for me to know and for you to find out. Just be happy to him. Hihintayin ko na lang na maging akin ka. Hihintayin ko break-up niyo.” Medyo natawa ako sa chat ni Zach.

Ma-swerte ang babaeng mamahalin ni Zach.

“Puro ka kalokohan, Zach.”

“Isip ko lang ang loko-loko, pero ang puso ko seryoso sa ‘yo.”

“Ewan ko sa ‘yo. Sorry talaga, Zach. Friendship lang ang ma-i-ooffer ko sa ‘yo.”

“Ayy friendzone. Ang saklap naman. Biro lang. Sige, let’s just be friends. ayos na ‘yon sa akin at least nakakausap kita.”

“Sira ka talaga.”

Si Zach ‘yong dating gusto manligaw sa akin na hindi ko pinayagan. Paulit-ulit siyang nagtatanong kung pwede ba siyang manligaw pero hindi ko siya pinayagan. I always rejected him.

“Bye muna, Zyrie. May gagawin ako. Ingat. Pakasaya ka sa kaniya kung ayaw mong maging akin ka.”

“Sige. Ingat ka rin.”

Iyon na ang huling conversation namin sa araw na ito.

Hindi pa rin online si Clyde. Nakakapanibago lang. Hapon na pero wala pa rin siya, hindi pa rin siya nag-o-online. Binuksan ko na lang ang real account ko at binukas sa messenger ang role playing account ko. Ni-back ko na ang messenger at sa Facebook na lang tinuon ang atensyon. Real account ang gamit ko kaya scroll lang ako nang scroll. Boring talaga rito sa real account ko, wala man lang ka-chat. Nag-scroll ako nang tumunog ang messenger ko hudyat na may notification ako rito.

ACE sent you a message. Basa ko rito.

ACE? Ito ba yung boybestfriend ni Via? Naka-one name at naka-capslock lahat ng letter ng pangalan. Kaagad kong binuksan ang messenger ko at binasa ang message nito.

Hi.

Iyan lang ang mensahe nito. Hi lang talaga? Ang tipid naman.

“Hello.” Reply ko na lang dito.

“I'm Via’s boybestfriend. She’s your friend right?” Inglesero ahhh.

“Hmm... Oo. Kaibigan ko siya.” Nakakahiya namang mag-reply dito.

“Are you still available? Do you have a boyfriend?” Kaunti na lang dudugo na ilong ko rito.

“I don’t have a boyfriend. Pero may manliligaw.”

“Who’s that guy?”

“Clyde Vexon, that’s his name.”

“Hindi pa naman kayo hindi ba?” Marunong naman palang mag-tagalog, may pa-ingles ingles pa. Ang sarap sapukin.

“Kaya nga nanliligaw pa lang kasi hindi pa kami.” Hindi ko maiwasang pilosopohin siya. Obvious na kasi, magtatanong pa.

“So, can I also court you? Hindi pa naman kayo, so p’wede ko pa siyang mahigitan.”

What the hell!? Baliw ba ang lalaking ‘to?

“Ayoko nang magpaligaw. May nanliligaw na sa akin.” Hindi ko mapigilan ang inis ko rito kaya diin na diin na ang pagtipa ko sa aking cellphone.

“I’m going to court you, whether you like or not. Hindi ako nagtanong kay Via tungkol sa ‘yo para lang mauwi sa wala. I want you to be mine. Pakisabi sa manliligaw mo na pag-igihan niya ang panliligaw sa ‘yo kasi baka may makauna sa kaniya.” Siguro nakangisi ito habang nagtitipa.

“Tigilan mo nga ako.” Kung malapit lang ito sa akin baka nasapok ko na ito. Bahala siya sa buhay niya.

“Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo man, Zyrie.”

Ni-back ko na lang ang messenger ko. Hindi na ako nag-reply sa kaniya dahil naiirita ako.

Clyde nasa’n ka na ba kasi? Bakit hindi ka nag-oonline? Nagpapa-miss ka ba? Kasi kung oo, panalo ka na, kasi sobrang miss na miss na kita. Ngayong araw lang tayo hindi nag-usap pero hindi ko maiwasang hindi ka ma-miss.

Ang dami pang gumugulo sa isip ko pero ‘yon lang ang nasabi ko sa aking sarili.

Alas singko na ng hapon. Tapos na ako sa mga gawaing bahay, nakapag-saing na rin ako nang pang-hapunan. Si Mama na lang daw ang magluluto kaya nagsaing lang ako. Dahil sa wala naman na akong gagawin ay humiga na lang ako sa kama ko. Matutulog na muna ako. Alam ko naman na gigisingin ako ni Mama kapag kakain na kaya hindi ko na poproblemahin na makasabay sa pagkain kila Mama.

Sana naman mamaya online na si Clyde. Ayaw ko nang makipag-chat doon kay Ace, sumasakit ang ulo ko sa kaniya. Kumukulo rin ang dugo ko sa lalaking iyon, hindi na ako magtataka kung tumaas ang dugo ko.

Kausap ko sa sarili ko bago ipikit ang mata. Dahil sa antok na talaga ako ay nakatulog din ako kaagad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro