XX

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


INT. BEDROOM - EVENING

7:41 p.m.

Vanya
Kuya!!!!!!


Vonn
O? Bakit?


Vanya
May ipis sa room ko!
Hulihin mo!
Tapos i-squish mo.
Pero dahan-dahan lang.
Kawawa.



Vonn
Ha?



Vanya
'Yong ipis sa room ko bilis!
Hindi ako makagawa ng homework!



Vonn
Kay Mama.
Takot din ako.


Vanya
Mama!!!!!
May ipis sa room ko!



Nataline
Kay kuya mo!
May ginagawa ako.


Vanya
Scared din po si Kuya!


Papa
Ano ba 'yan?
Ipis lang takot pa?


Vanya
Papa!
'Yong ipis!



Papa
Asan na 'yang kuya mo?
At bakit takot kayo sa ipis?
Mas malaki kayo d'yan! Kaya n'yo 'yan.



Vanya
Papa, sige na please.



Papa
'Pag ako umakyat at 'di pa patay 'yang ipis na 'yan, makikita ninyong dalawa.


Vanya
Kuya . . .



Vonn
Nasaan ba?



Vanya
Sa ilalim ng study table.



Vonn
Pahiram ng tsinelas.



Vanya
Kuya, faster.
Naririnig ko na footsteps ni Papa sa stairs.



Vonn
Teka! Ikaw kaya dito?
Kuwarto mo naman 'to, e.


Vanya
Kuya . . .



Vonn
Oo na, teka.



Vanya
Dahan-dahan lang, ha?



Vonn
E paano mamamatay kung dahan-dahan lang?
Mas masakit 'yon.



Vanya
Kawawa kasi.



Vonn
Ikaw na kaya dito.


Vanya
No!



Vonn
D'yan ka sa likod ko.
'Wag ka madaya.
Samahan mo 'ko dito.



Vanya
Okay!



Vonn
May bayad 'to ha.
Bibigyan mo 'kong twenty!


Vanya
Hala!
Ten nga lang baon ko sa school.




Vonn
Edi hindi ko papatayin.




Vanya
Okay, okay!
May twenty ako sa piggy bank.



Vonn
Promise 'yan ha?
Kailangan ko ng twenty.



Vanya
For?



Vonn
Basta!



Vanya
No promise!



Vonn
Pambili ko ng Christmas gift ni Isla.
Kulang ako ng twenty.



Vanya
Oh! For Ate?
Siya nabunot mo sa exchange gift?
'Di ba si Mama magba-buy n'on?



Vonn
Hindi.
Iba nabunot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro