Hiling

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Puso ko'y palaging susundin
Kahit ano pang pilit sa akin,
Ang kalimutan ka, hindi pumasok sa isip ko,
Kahit gano katagal man tayo magkalayo.

Makita kang muli, hinihiling sa mga butuin,
Mga alaala ng pag-iibigan natin,
Talaga namang alam ko'y nakakabitin,
Pagtutuloy ng alaala'y hihintayin.

'Ingatan mo siya', pakiusap kay Bathala
Ang nag-iisang taong saki'y lubusang mahalaga,
Araw-araw ikaw ang inaalala,
Ng pusong lubusang pinagpala.

Marami pang iba, ika nga nila
Walang ibang payo kundi ang kalimutan ka,
Ngunit di naman ako isang manika,
Na mapapasunod sa anumang sabihin nila.

Sabi nila wala na tayong patutunguhan,
Di nila alam ang tunay na kapangyarihan,
Ng wagas na pag-iibigan,
Tayong dalawa ay handang patunayan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro