Muli

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Di ko inakala,
Muling pagbibigyan ng Bathala,
Muli kang makapalitan ng salita,
Buong araw puno ng saya.

Kaytagal hinintay,
Babati sa umaga ng sabay,
Makita iyong mga matang mapupungay,
Kahit sa larawan lamang, ako na'y tinatangay.

Wag kang mag-alala,
Sa ganitong sitwasyon labis akong napasaya,
Ating mga alaala'y masiyang ginugunita,
Habang ako'y sumusulat nitong aking tula.

Darating din ang panahon,
Mas mabuti at masaya pa kaysa sa ngayon,
Tayo'y umayon lamang muna sa pagkakataon,
Panigurado sila'y matatauhan, di maglaon.

Muli, ikaw aking mahahagkan,
Muli, mga pisngi ko'y iyong mahahawakan,
Muli, patutunayan ang walang hanggan.
Ikaw at ako, mula sa ating mga mata'y bubuhos ang ulan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro