Sana

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa bawat paglipas ng panahon,
Sana atensyon mo'y sakin parin nakatuon,
Di man magkausap at magkita,
Sana tulad ko mga alaala'y laging ginugunita.

Nangako tayo hindi ipagpapalit ang isa't isa,
Yan din ang pangako ko sa Diyos sa tuwina,
Sa bawat pagkausap ko sakanya,
Walang ibang dasal kundi maging masaya na tayo sana.

Hindi ka man naniniwala sa Diyos,
Alam kong puso mo'y nalulungkot nang lubos,
Kaya sana payo ko'y iyong sundin,
Siya'y ituring na iyong kaibigan at Siya'y kausapin.

Heto ako nangangarap ng magandang kinabukasan,
Nakahanda sa anumang plano ang nais isakatuparan,
Sana ikaw ay gayundin at di nawawalan ng pag-asa,
Dahil ako'y buong pusong naniniwala,

Ikaw at ako ang bida sa istorya,
Na isinulat ng Diyos at ni Tadhana,
Para sila'y lubusang maniwala,
Sa pag-iibigang hangganan ay wala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro