11: Hadley

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.11. Pt.1~Alaska

Chapter Song: You're Mine by Vixx ft. Minah

“Hindi na ba magbabago ang isip nyo?,”-Miesza.

“Tumigil ka Miesza. Manatili na lang tayo dito,” sagot ko. Hinimas himas ko naman si Cutie na nakaupo sa lap ko. Ang bigat na. Ano bang pinapakain ni Hyungwon dito?

“Manood na lang tayo ng movies. Madami ako sa laptop ko. Saka may mga pagkain naman,”-Mozy na ino-on ang laptop nya.

“Isarado mo na lang yang mga bintana Miesza para hindi pumasok ang ingay galing sa ball dito sa kwarto natin,” utos ko. Padabog syang tumungo sa mga bintana.

Hindi talaga kami pwede tumakas. Andun si Ally at makikita nya kami. Kahit naman kilala nya kami ay hindi nya daw pwedeng pabayaan lang ang ginawa naming pagtakas. Ewan. Hindi na kami pinagsalita ni Ally eh. Disappointed talaga sya samin. Napapaisip tuloy kami kung ano ang sinabi ni George. Anyway. Yun na nga ang plano naming tatlo. Ang magmovie marathon at alisin sa isipan ang tungkol sa on-going ball.

“Anong gusto nyo?,” tanong ni Mozy na pinakita ang listahan ng movies nya.

Lumapit si Miesza para pumili rin.

“500 days of Summer,” sabi ko. Napanood ko na yan pero gusto kong ulit-ulitin dahil favorite movie ko talaga yan.

“Camp Sawi na lang,” tiningnan ko si Miesza.

“May pinaghuhugutan ka talaga Miesza?,” tanong ko. She flips her hair. Mannerism ng babaeng to.

“Yang Train to Busan na lang, ayaw nyo naman sa Camp Sawi dahil hindi naman kayo makakarelate, hindi tulad ko,” sabi nya.

“O sha! Camp Sawi na ang panoorin natin!,” sabi ko. Nagbunyi naman sya. Baka kasi magdrama pa sya at sabihing hindi kami supportive friend ni Mozy.

“May speaker ka ba Mozy? Para feel na feel natin ang movie,”-Miesza.

Tumayo naman si Mozy para kumuha ng nirequest ni Miesza. Naglabas din si Mozy ng mga biscuits at kung anu-ano pa. Hindi na ako nagtataka kung bakit tinawag syang Biscuit ni Hyungwon. Ang hilig nya sa mga yun eh.

Naglagay kami ng tatlong comforter sa sahig at kinuha namin ang mga unan namin. Inayos naman ni Mozy ang laptop nya at speaker. Nilapag ko naman si Cutie sa kama dahil tulog na.

Binuksan ko yung Richeese na paborito ni Mozy. Walang araw ata na hindi sya kumakain neto. Pero masarap naman kasi. Try nyo 😛.

“Nakakasilaw yang singsing mo Mozy,”-Miesza. Sang-ayon naman ako sa sinabi nyang iyon. Grabe.

“Ang bitter ng dating nun Miesza. Stop eating ampalaya please,” inirapan nya ako. Tinawanan lang namin sya ni Mozy.

“Wala ako sa mood Alaska. Huwag mo kong pagtripan,” sabi nya at tumabi na sakin.

Matapos ang kalikutin ni Mozy ang lahat ay tumabi na sya kay Miesza. Bago pa magsimula ang movie marathon namin ay nagpicture muna kami. May dala akong polaroid eh. Gagamitin ko sana ngayong gabi para sa ball. Kainis.

Pinahawakan ko kay Miesza ang lumabas na picture.

“Tagal naman,” reklamo nya habang pinapaypay ang picture.

“Patience is a virtue Miesza,” saad ko.

“Yeah whatever,” sabi nya at muling tiningnan ang picture na ngayon ay kita na ang mga mukha namin.

“Mas maganda parin talaga ako sainyong dalawa,” sabi ni Miesza na nakatingin sa picture.




-----

Pt.2~Shownu

“How do I look?,”-Kihyun matapos isuot ang coat nya.

Ganun parin dude,”-I.M. Napangisi ako sa sagot ni I.M. Pero tama sya, wala namang pinagkaiba ang mag itsura namin ngayong gabi.

“Diba wala ka namang date? Sinong pinaghahandaan mo doon?,”-Wonho.

“Bakit ikaw may date ka rin ba? Kanina ka pa kaya dyan sa harap ng salamin,” sagot ni Kihyun.

Nagkibit balikat si Wonho.

“Wala. Masama na bang tumingin sa salamin ngayon?,” dahilan ni Wonho.

“Kanina ka pa kaya dyan. Ako naman!,” singit ni Jooheon.

“May date yan si Jooheon kaya hayaan nyo na,”-I.M.

“Wala ungas! Ikaw yung may date! At alam kong kabado ka,” sagot ni Jooheon.

Pinagmamasdan ko lang silang lahat. Nakakaaliw pakinggan ang mga walang kabuluhang talunan nila. Kanina pa ako bihis. Tagal matapos ng mga to. Si Hyungwon tapos na rin at katabi ko ngayon na nakapikit. Mukhang tulog na ata hindi pa nga nagsisimula. Si Minhyuk rin na nakasuot ng earphones.

“Tingnan mo si Shownu o. Chill lang,” nakita pa ako ni Wonho.

“May date e,” I.M.

“Ganda na ni Beauty. Swerte ni Shownu,” pahayag pa ni Wonho. Napailing lang ako.

“May Delilah ka naman Wonho a,”-Jooheon.

“Siraulo yun. Hindi kami bagay,” sagot ni Wonho.

“Siraulo ka rin nama a,”-Kihyun.

Nagtawanan kami sa sinabing iyon ni Kihyun.

“Dahan-dahan ka sa pagsasalita Wonho at baka kayo ang magkatuluyan ni Delilah. Sige ka, baka kainin mo lang din yang sinabi mo,”-Jooheon.

“The more you hate, the more you love ika nga,”sabi ko.


Si Wonho at Delilah ang naging topic nila hanggang sa matapos na ang lahat. Alas syete na.

Nagsilabasan na kami. Pagkarating namin sa Party Hall kung saan ginaganap ang ball ay agad kong hinanap si Beauty. Madami ng tao pero agad ko rin syang nakita. She's pretty as always.

“Hi,” bati ko. Nginitian nya ako. Kasama nya pala si Delilah.

“Andun si Wonho o,” turo ko. Bumasangot si Delilah.

“Ang sama mo naman Shownu! O sha maiwan ko na kayo!,” sabi nya at iniwan kami ni Beauty.

“Puberty hit you so hard,” pahayag nya. Natawa ako.

“Maruno ka ng mambola ngayon. Where did you learned that?,” she chuckled.

I miss this kind of conversation. Ang tagal nya rin sa Korea. I hope she's staying for good. Pero yun naman ang sinabi nya sakin.

“Maupo na muna tayo,” sabi nya. Naghanap naman kami ng bakanteng table.

“May dapat nga pala akong sabihin sayo Shownu,” sabi nya pagkaupo namin.

“I was with someone when I returned here,” sabi nya. Kumunot ang noo ko.

“I was with Hadley,” dugtong nya. Akala ko kung sino yung someone. Pero si Hadley?

“She's here?,” tumango si Beauty.

“Yes. Nasa Greenstone City sya,” sabi nya.

“Bukod sayo, may isa pa akong dahilan kung bakit ako pumunta dito. I want to help her,” hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

“Aren't you aware about their business state? Nalulugi ang Brenzel Company,” -Beauty.

Mas lalo akong naguguluhan sa sinasabi ni Beauty. Kilala ko naman si Hadley pero hindi ko mapunto ang sinasabi ni Beauty.

“Base sa reaksyon mo ay hindi mo nga yata talaga alam. Kayong lahat,” sabi nya pa.

“She's our friend pero matagal na nung magkita kami kaya wala kaming balita sakanya,” ngayon, sya naman ang gulat.

“Gosh. Hindi sinabi ni Hyungwon sainyo?,” umiling ako. Bakit naman nasali si Hyungwon dito.

“Pumunta si Hyungwon sa Korea last year. Wala syang nabanggit tungkol dun?,” napailing ako.

“Bakit? Ano bang nangyari?,” tanong ko.

“I can't believe Hyungwon. Nagtataka nga ako kung bakit may girlfriend sya even though he's already engaged,



-----

Pt. 3~I.M

Umalis si Shownu para puntahan si Beauty. Naghiwa-hiwalay na din kami. Dahil may date ako ay dapat ko na siguro syang hanapin. Nakita ko si Delilah kaya baka andito na si Erica Erah.

Kumuha ako ng maiinom sa naglilibot na server saka ininom to.

“Uh..

May kumulbit sakin kaya napalingon ako.

Muntikan kong maibuga ang laman ng bibig ko dahil sa kumulbit sakin.

“Erica Erah?,” tanong ko matapos ko malunok ang laman ng bibig ko.

“Ang ganda mo,” nasabi ko. Grabe I.M. nasabi mo yun?!

Ngumiti sya.

Seryoso? Si Erica Erah to? Hindi ko sya nakilala. Nakakahiya ang reaksyon ko.

Kanina ka pa ba?,” natanong ko. Umiling sya. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. I admit. Ang ganda nya.

“Gusto mo ng maiinom?,” tanong ko. Bakit bigla akong kinabahan? Sa sobrang gulat siguro. Grabe talaga. Maganda sya kapag walang suot na salamin at nakalugay ang buhok nya.

Mabilis akong lumapit sa waiter. Nahagip naman ng tingin ko si Jooheon na may kausap na babae. Teka, yung President ng Student Council. I didn't know he was hitting on her. Pareho nilang ayaw ang isa't-isa pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang nagkakasundo sila?

Pagkakuha ko naman ng maiinom ay binalikan ko ang kadate ko. Napapatitig talaga ako sakanya dahil sa ayos nya ngayong gabi.

“Uh. I.M,” sabi nya. Hindi talaga makatingin ng diretso sakin. Ayaw nya siguro sa presensya ko. Siguro may gusto to kay Wonho.

“Bakit?,”tanong ko naman. Napatingin sya sa paligid.

“Uh. Nakita mo ba si Hyungwon?,” tanong nya. Napataas ang dalawang kilay ko. Huwag mong sabihing hindi si Wonho ang gusto nya kundi si Hyungwon? May Snow na yun e.

“Bakit mo hinahanap si Hyungwon?,” dudugtungan ko sana  ng “may gusto ka ba sakanya?” pero baka mali ako.

Umiling naman sya.

“Hindi. May naghahanap kasi sakanya,” napatango ako. Masyado lang akong nag-iisip. Si Wonho ang gusto nya.

“May nagtanong saking babae e. Nakita ko ba daw si Hyungwon,” sabi nya.

Kumunot noo ko.

“Sinong babae?,” tanong ko. Pagkakaalam ko kasi hindi makakapunta si Snow dito dahil grounded silang tatlo kaya imposibleng sya yun. Pero baka fangirl lang ni Hyungwon. Prinsipe ang lalaking yun dito e.

“Ano. Uh,” sabi nya saka nilibot ng tingin ang Party Hall.

“Yun o,” tiningnan ko ang tinuro nya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Sobrang kunot talaga dahil sa nakikita ko. Namamalik mata ata ako dahil si Hadley yung nakikita ko. Anong ginagawa nya dito? At bakit hinahanap nya si Hyungwon?



-----

Note: Dundundundun! Hahaha. 👅💞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro