15: Stalker

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.15.Pt.1~Miesza

Chapter Song: Bang Bang Bang by BigBang

"Totoo ba yang sinasabi mo?," tanong ko kay Delilah.

Hindi nya ako nilingon pero kita ko ang pagtango nya.

"Kelan nangyari ang engagement?," tanong ko na naman. I'm very surprise right now. Si Hyungwon? May fiancee na? At hindi si Mozy yun? Kundi yung Harley?

"Uh.. naalala mo yung bago mangyari ang aksidente ni Mozy dahil kay Cindy? Yung mga panahon daw na wala si pinsan dahil namatay si lolo ay napunta pala sya sa Korea at dun nangyari ang lahat," sabi nya.

Muli akong natigil sa paglalagay ng make up. Yung mga panahong yan ay lumayas na ako sa academy dahil hindi ko na maatim ang lahat. At yung mga panahon na pinagpangako ko si Mozy to never fall in love with Minhyuk dahil nangako akong babawiin ko si Minhyuk. Hays. Promises were really meant to be broken.

"At hindi mo alam ang tungkol dun?," tanong ko ulit.

"Syempre wala akong alam tungkol dun. Si tito, ang dad ni Hyungwon at si dad ay medyo may hindi pagkakaintidihan ng mga panahong yun kaya wala kaming nalaman. Sinekreto ata talaga ni tito, kaya nga hindi ko rin masisisi si pinsan kung hindi nya sinabi satin o kay Mozy. Besides, hindi naman pumayag si pinsan dahil mahal nya si Mozy!,"

Okay. Bigla kong gustong puntahan si Mozy at tanungin sya kung okay lang sya. Ang laking issue kasi nito! Hindi tulad sa pagddrama ko na dahil lang sa nakita kong paghalik ni Minhyuk sa pisngi ni Mozy. Oo. Alam kong maliit lang yun at hindi dapat ganito kamugto ang mga mata ko, pero dahil ang tagal ko ng pinapaasa ang sarili ko ay ang sakit. Sobrang sakit. 😧

"Wait. Anong ginagawa ng Harley dito sa academy kung ganun?," tiningnan ako ni Delilah.

"Hadley! Hindi Harley!," napairap ako. Yeah, whatever.

"Sagutin mo na lang tanong ko!," sabi ko.

"Hinahabol nya si Hyungwon," napataas ang kilay ko.

"Kilala mo ba yang si Hadley?," she looked at me.

"Ewan. Siguro nagkita na kami pero hindi pa kami nagkaroon ng interaction kaya mahirap magbitiw ng mga salita tungkol sakanya," sagot nya.

"If umayaw si Hyungwon sa engagement dati, wala na syang mahahabol ngayon," nasabi ko. Medyo kilala ko si Hyungwon, hindi na magbabago ang isipan nun.

"Besides, he proposed to Mozy already!," dagdag ko. Hindi sya pwedeng magkaroon ng dalawang fiancee!

"Yun na nga. Pero rinig ko sa usapan ng boys na pipilitin nila si Hyungwon, " nanlaki ang mga mata ko.

"Mga sira! Anong pipilitin! Mga baliw!," okay. Nagagalit na ako. Leche.

"I heard din na nalulugi ang kompanya ng pamilya ni Hadley kaya kailangan nya si pinsan,"-Delilah.

Nasosobrahan na talaga ako sa Kdrama. Panaginip ba to ngayon? Dahil ang komplikado! Ano kaya ang reaksyon ni Mozy tungkol dito? Sasabunutan ko yun kapag nagparaya sya! Hindi uso yan! Huwag nya sanang paandarin ang pagiging mabait nya sa ganitong sitwasyon! Minsan, talo ang pagiging mabait.

"Baka naman desperado lang talaga si Hadley na mapakasal kay Hyungwon? Bet na bet nya siguro?," sabi ko. Bigla ko lang naalala si Cindy.

Umiling si Delilah.

"I heard na may boyfriend sya pero pinakawalan nya," namasahe ko ang noo ko sa sagot nya.

"Pumunta sya dito sa MXA kasabay si Beauty para lang makausap at kumbisihin si pinsan. Naawa nga ako sakanya kanina," nagkibit-balikat si Delilah matapos ikwento yun. So alam din to ni Beauty in the first place pero wala syang binanggit samin? I thought we we're friends already! Di talaga dapat magtiwala.

"Pero mas dapat yata nating isipin si Mozy," sabi ko.

Sobrang drama ko kasi kagabi at hindi ko na nasagap ang tungkol sa issue na to! Nagsuntukan pa si Hyungwon at Minhyuk dahil nagconfess si Minhyuk kay Mozy tapos narinig ni Hyungwon. Paano ko nalaman? Kalat na kalat na sa net! Geez!

"Kaya nga umalis ako sa Hideout dahil ang depressing ng mga tao dun," dagdag pa nya.

Si Mozy talaga ang inaalala ko ngayon. Ang komplikado ng lahat. Dumagdag pa si Minhyuk! Ngayon pa sya nagconfess kung kelan sumulpot si Hadley!

"Dali na Miesza! May curfew parin tayo! Let's have some fun tonight dahil malakas ang pakiramdam ko na sa mga susunod na araw ang lalala ang sitwasyon,"

I hate to say this but I feel the same way too.

---

Pt.2~Kihyun

"Kinausap mo si Alaska?,"-Shownu

Tumango ako. Inis na inis yun sakin ngayon.

"Nagalit sa usapan namin," sagot ko. Kami lang dalawa ang nasa living room. Yung iba nasa mga kwarto nila at nag-iisip pa.

"Kausapin kaya natin si Mozy?," suhestyon ni Shownu. Umiling ako.

"Hindi ko kaya. Ikaw? Kaya mo?," umiling din sya.

Mahirap to. Pareho naming kaibigan si Mozy at Hadley. Tapos si Hyungwon kilala din namin yun. Hindi na magbabago ang isipan nya. Ngayon pa na binigyan na nya ng singsing si Mozy.

"Wala na ba talaga tayong maitutulong kay Hadley bukod dun? Kausapin kaya natin ang mga dad natin na tulungan sila," sabi ko. Kagaya ng sinabi ni Alaska sakin kanina. Dahil pati ako ay naiipit na sa mga nangyari.

"Pwede rin. Pero satingin mo hindi pa ginawa lahat ng pamilya ni Hadley ang lahat? Paniguradong lumapit na sila sa mga pamilya natin,"-Shownu.

Napasandal ako at muling nag-isip.

"Ayos na ba kayo ni Hyungwon?," pag-iiba ko ng topic.

Tumango sya.

"Nagsorry na ako. Nadala lang ako kaya ko nagawa yun. Agad kasi na pumasok sa isipan ko si Mozy matapos ikwento ni Beauty ang tungkol sa bagay na yun, naisip ko kaagad kung paano sya, kung ano ang mangyayari dahil sa ginawa ni Hyungwon," napasandal din si Shownu katulad ko.

"Dahil si Mozy ang maiipit sa sitwasyon," sabi nya pa.

Tama sya. Kaya nga hindi ko magawang kausapin si Mozy tungkol sa bagay na to. Masyado syang mabait at baka pumayag sya. Ang sama kapag nagkataon. Pero malapit na kaibigan namin si Hadley at ang pamilya nila.

Naguguluhan na rin ako.

Ang napapasok sa isipan ko ngayon ay hindi pwedeng dalawa ang panigan namin. Kailangan naming mamili at alam kong hati ang mga opinyon namin sa mga nangyayari.

"Nga pala, may gang fight tayo bukas," bigla ko lang naalala.

Tumikhim si Shownu.

"Pass muna. Dapat muna nating ayusin to bago pa lumala," napatango ako. Tama sya.

----

Pt.3~Wonho

Ano ba tong ginagawa mo Wonho? Dapat nasa academy ka at tinutulungan ang mga ungas na ayusin ang problema pero heto ka at sinusundan ang dalawang yun.

Bihis na bihis kasi at gabi na. Baka kung anong gawing kalokohan ni Delilah tapos sinasama sama pa si Miesza.

Sumakay sila ng taxi. Mabilis akong nagpedal nang umandar na ang taxi. Susundan ko sila. Saktong dala-dala ko ang bmx ni Shownu kaya masusundan ko ang dalawang to. Pero lagot talaga ako sakanya kapaga nalaman nyang tinakas ko ang bmx nya.

"Bahala na nga," mabilis akong nagpedal.

-

Tumigil ako nang tumigil ang taxi sa isang KTV bar. Magkakantahan ba ang dalawa to?

Tsss. Makaalis na nga.

Pero teka Wonho. May mga lalaki silang kasama. Tsss. Sino naman kaya yan.

Pinanood ko silang pumasok sa loob. Ano na Wonho? Aalis ka na o susundan mo silang dalawa?

"Ano ba tong ginagawa mo Wonho," kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Napalingon ako nang may bumusina saka tumigil na sasakyan sa gilid ko. Pagkapatay ng headlights ay nalaman kong sina Jackson pala to.

"O? Anong ganap? Napadpad ata kayo sa syudad namin?," bungad ko nang bumaba si JR.

"Looking for Fire," sagot nya. Napatango ako. Hanggang ngayon parin pala hindi pa nila nahanap si Fire. Last year nakita pa namin sya.

"Andito na naman si Fire?," tanong ko ulit. Bumaba din si Youngjae at si Bambam.

"Yep! May nakapagsabi samin,"-Jackson.

"Ikaw? Bakit mag-isa ka lang dito Wonho?," tanong nya.

Nagkibit-balikat ako. Alangan naman sabihin kong sinusundan ko ang dalawang babae. Baka akalain pang stalker ako.

"Naglilibot-libot lang," sagot ko.

Tiningnan ko yung babaeng bumaba.

"O. Sino naman yan?," nguso ko.

"Si Marah Joeanne,"-Yugyeom.

Napatango ako.

"Kaninong girlfriend?," tanong ko. Masama ang tingin ng Marah Joeanne sakin.

"Ah. Ace nyo?," tinanguan ako ni Jackson.

Sorry naman! Nagtatanong nga!

"Teka. Papasok kayo sa KTV bar na yan?," tanong ko.

"Yep,"-Jackson.

"Bago pa lusubin ng mga pulis ang lugar na to,"-Youngjae

Lusubin? Raid? Anong meron?

"Bakit naman pupunta ang mga pulis dito?," tanong ko.

"Binebentahan nila ng drugs ang mga customers nila,"-Jackson.

Gago. Nasaan na yung dalawa!

----

-jareditsme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro