17: Holy Mother Of Pizza

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.17.Pt.1~Miesza

Chapter Song: The way to find love by B1a4

“Hoy Wonho! Bitawan mo nga ako!,”-Delilah.

“Pwede mo na akong bitawan,” sabi ko.

Nagulat si Youngjae sa sinabi ko at mabilis nyang binitawan ang kamay ko. Feel na feel nya ang malambot kong palad no?

“What are you doing here! Stalker!,” singhal ni Delilah kay Wonho.

“Pasalamat nga kayo at sinundan ko kayo kundi nasali kayo sa raid!,”-Wonho.

So, sinundan talaga kami ng mokong na to. Bet nya talaga si Delilah. Sabi ko nga diba, hindi pa nagkamali ang kutob ko. Kita nyo yung kay Minhyuk,o diba? Tama ako.

Geez. Stop it Miesza.

“Let's go. Andito na ang mga pulis,”-Jackson? Malilimutin ako sa pangalan. Ang dami nilang hindi ko kakilala dito pero pamilyar naman ang mukha.

Anyway, sumakay na kami sa sasakyan. Rinig na rinig ko na nga na papalapit na ang mga pulis dahil palakas na palakas ang sirena.

“Si Darwin,” rinig kong sambit ni Delilah.

“Malalaki na ang mga yon. Yaan mo na,” sabi ko. Umiinom-inom na kaya dapat lang na responsable na ang mga yon.

“Di man lang tayo nakakanta,”reklamo nya ulit.

Yaan mo na Delilah. Maglalasing tayo sa loob ng academy. Bibilhan kita ng maraming beers. Mayaman naman ako.

Itinuon ko naman ang atensyon ko sa mga dinadaan namin. Sa likod kami ni Delilah kasama sina Wonho at iba pa.

“Daan muna tayo sa Convenience!,” walang hiyang pahayag ni Delilah. Sarap kurutin sa tagiliran ng babaeng to.

“Pwede ba?,” tanong nya kay Youngjae. At ang lalaking to ay tumango naman. Hay ewan.

“Okay lang ba? Baka may pupuntahan pa kayo,”-Wonho. Ayan, pagsabihan mo tong si Delilah Wonho na hindi sa lahat ng oras ay dapat maging walang hiya.

“Ayos lang Wonho. Negative na andito si Fire. Another fake information,”-Youngjae.

Nagbunyi sa tuwa si Delilah. Gusto talaga uminom ng babaeng to ano?

So ayun na nga, pinagbigyan ang request ni Delilah na tumigil kami sa isang Convenience Store. Mabilis na bumaba ang bruha at sumama ako sakanya sa loob. Ayokong magpa-iwan.

“Kuha ka lang Miesza! Libre kita,” sabi nya.

“I'm not poor, milyonarya ako pero sige,” sabi ko at narinig ko ang mahinang tawa nya.

Pumunta si Delilah sa mga beverages habang ako ay pumunta sa mga junkfoods.

“Dagdagan mo,” tiningnan ko si Youngjae na naglagay ng isang Nova sa basket.

“Damihan mo Delilah. Madaming iinom,” sigaw ko. Napatingin tuloy sakin yung kahera. Magbabayad naman kami miss! Bilhin ko pa tong Convenience eh. Flips hair.

Anyway, nakaharap ang malapad na  likod ni Youngjae sakin at namimili sya ng mga junkfoods.

Inalis ko na lang ang tingin sakanya saka kumuha ng madaming chicharon. Gusto kong kumain ng madami ngayon. Tsaka Y.O.L.O ako for tonight. I need to stop the
drama.

Mabilis naman kaming tumungo sa kahera at nilagay ang dalawang basket sa harapan nya. May pera kami miss.

Iba ang tingin nya saming tatlo, dahil siguro sa mga laman ng baskets. Naiisip nya sigurong ganito na ba ang mga kabataan ngayon? To answer that miss, it's a big Yes!

“3,590,” sabi nya.

Binigay ni Delilah ang credit card nya. Ayan miss. Masaya ka na?

“To na po maam,” sinauli nya ang card ni Delilah.


Si Youngjae ang nagdala ng lahat. Edi sya na nga ang gentleman! Pero wag papaloko sa mga ganitong lalaki dahil hanggang dyan lang sila. Lesson learned na ako kay Minhyuk. Hindi porket mabait at nginingitian ka ay mahal ka na. Wag maging bobita! Tingnan nyo nangyari sakin. Lol.

Tinulungan naman ni Wonho si Youngjae na ipasok sa sasakyan ang mga binili namin. Muli kaming sumakay ni Delilah sa likod. And speaking of being gentleman? Nilahad ni Youngjae ang kamay nya para tulungan akong makasakay pero tinanggihan ko yun. Duh.

“Pasan tayo? Roadtrip?,”-Delilah.

“May alam ba kayong lugar dito sa Greenstone City na pwede  nating tambayan?,” rinig kong tanong ng driver namin na si Jackson.

“Ikaw Wonho may alam ka?,” tanong ko. Ayoko pang bumalik sa academy.

Anyway,  nag-isip naman si Wonho.

“Hilltop? Maganda ang view dun at tahimik,” sagot nya.

“Alright! Sa Hilltop tayo!,”-Jackson na agad pinaandar ang sasakyan.

Bale ang nasa loob ay si Jackson,yung Bambam at tatlo pa na hindi ko matandaan ang pangalan. Tapos kaming nasa likod ay lima. Ako, Delilah, Wonho, Youngjae at isang babae.

“Hi! Delilah nga pala,” pakilala ni Delilah sa babae.

Tumabi ako sa babae.

“Marah Joeanne, but I prefer Marah na lang,” sagot nya.

“Gangster ka rin?,” usisa ni Delilah. Can she just shut up? Baka naiirita na tong si Marah samin.

“Nope,” tipid nyang sagot. I can sense na may attitude tong si Marah. Kauri ko to. Lol. I mean, palaban, ganon!

“Si Miesza nga pala,”-Delilah.

Tiningnan nya ako. Confirmed. We have the same wavelength. Mukhang magkakasundo kami ni Marah.

“Nice meeting you,” I said.

“Like wise,” sabi nya.

So ayun,  natahimik kaming mga girls habang si Wonho at Youngjae ay mag pinag-uusapan. Hindi na ako nakinig.

Gusto ko lang na ifeel ang malamig na hangin sa gabing to. Drama. Pero sa totoo lang gusto ko ng makawala. Tama na. Gusto ko ng matapos ang storya namin ni Minhyuk pero hindi ko alam kung paano.

May hangover pa ako sa mga sinabi nya sakin noon e. Nasa utak ko parin at bumaba na sa puso ko. Hindi na maalis kaya ganito na lang kahirap. Yung mga salitang I love you, I miss you and Always and Forever ay nasa puso ko pa kaya ang sakit kapag nakikita ko lang syang nakatingin kay Mozy ay ang sakit sa pakiramdam.

Pero ngayon, gusto ko ng makawala. Ugh. Move on ba ang tawag dun? Lol. Oo yun na nga. Tama na. This is it. Huli na to. Matagal naman na Miesza. He told you about it kaya hindi rin ako dapat magalit kay Minhyuk. I know he loved me, pero past tense na yun. Pero totoo namang minahal nya ako dati, ramdam ko yun. Now, I need to see the present at hindi na ako kasama sa buhay nya. I'm just a friend. The crazy ex-girlfriend. Hanggang dun na lang talaga.

Napangiti ako. Baliw na rin ako. I don't know, ngumingiti ako dahil natanggap ko na! I finally admitted it! Hay. Sawakas Miesza. Tapos ka na sa pagiging in-denial mo.


-----

Pt.2~I.M.

Dahil masyadong seryoso ang mga tao dito ay napagpasyahan kong maglaro na lang ng Xbox kasama si Jooheon.

“Nakita nyo si Wonho?,” rinig kong tanong ni Shownu.

“Hindi,” sagot ni Jooheon.

“Nasa kanya ang bmx ko,”-Shownu.

“Ewan. Hindi ko na sya nakita kanina pa,”-Jooheon.

Napamura ako nang matalo na naman ako ni Jooheon.

“Araw-arawin mo kasi ang pagpapractice I.M para matalo mo ko. Bwahahaha!,” tawa nya kahit hindi naman nakakatawa yun.

“Korny mo,” sabi ko at tumayo. Nagugutom na ako.

“Gutom na ako!,” reklamo ko habang papunta sa ref.

“Sinong gustong uminom?,

Nilingon ko iyon at si Kihyun pala. Ang dami nyang dala.

“We need to chill, masyado na tayong seryoso,”-Kihyun.

Inagaw ko sakanya ang dala nyang pizza. Gutom na ako!

Agad kong binuksan ang box at nakita kong pepperoni to. Galing din pumili ni Kihyun. Tong favorite pa talaga ni Mozy.

“May kasama nga pala ako,”-Kihyun.

Pumasok si Hadley kasama si Beauty. Sana hindi dumating si Hyungwon para hindi awkward.

Binati nila ang dalawa. Kinawayan ko rin si Hadley nang tingnan nya ako. It's good to see her again, pero sana hindi sa ganitong sitwasyon.

Pumunta ako sa living room dala ang pizza at nilapag ito sa mini table.

“Parang naiyak ka ah,”-Jooheon na tinuro pa ang mata ni Hadley. Sira talaga. Ngumiti lang si Hadley.

“I.M! Si Erica Erah nasa labas!,”-Kihyun.

Holy mother of pepperoni! Oo nga pala! Kalimutan kong ihahatid nya yung notes sa Philo dahil malapit na ang exam!

“Oy lumalandi na si Changkyun!,” ewan ko sayo Jooheon.

Lumabas ako ng Hideout at andun nga sya.


“Kanina ka pa?,” tanong ko. Inayos nya muna  ang salamin nya bago nasagot.


“Hindi. Ngayon lang,” napatango ako.

“To na ang notes ko. Sana makatulong sayo,”-sabi nya. Kaklase kami sa Philo kaya pinahiram nya ako.

Pagkatanggap ko nun ay aktong aalis na sana sya pero pinigilan ko.

Another holy mother of pizza! Nahawakan ko sya sa kamay! Sa kamay ko sya hinawakan!

“Ugh.. gusto mong pumasok muna? May pizza sa loob,” ang sama ng paraan ko ng pangyayaya sakanya.

“Sige ba,” sagot nya.



Pero wala si Wonho. Crush pa naman nya yun. Nasaan na kaya ang ungas na yun.



-----
Note: salamat at hanggang dito ay nagbabasa ka pa rin ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro