22:~20 Days Later

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.22.Pt.1~I.M

“Mr. Preston,” -Sir.

“Binabati kita. You're improving,” sabi nya pa sabay bigay ng test paper ko. Kahit maganda ang sinabi ni Sir ay kabado parin akong tingnan ang nakuha ko sa exam sa Philo 2.

Isa..

Dalawa...

Gulat na gulat kong tiningnan ang score ko.

Nilingon ko si Erica Erah.

“Pa-sa-do,” I mouthed.

Abot mata naman ang ngiti nya. I need to thank her for being patient with me. Kung hindi dahil sakanya ay mababagsak na talaga sa subject na to at baka hindi ako makasali sa mga gagraduate ngayon. Kahit naman isa ako sa mga may-ari ng school na to ay hindi ako pwedeng bumagsak.

Kaya pagkatapos ng klase naming iyon ay sabay kaming bumaba ni Erica Erah ng building.

“Uhm..salamat talaga Erica Erah,” nahihiyang sabi ko.

“Hmmm..walang anuman I.M,” sagot nya.

Natahimik kami matapos iyon.

Ano na I.M? Yun lang ang sasabihin mo?

“Uhh...ano. Punta tayo sa Cafeteria,libre kita,” tiningnan nya ako. Mukhang nag-iisip pa sya pero tumango din naman.

“Pero dumaan muna tayo sa locker room, may kukunin lang ako. Ayos lang?,” sabi ko.

Tahimik ulit kami. Ganito talaga kapag magkasama kami. Lalo na sa Library, mas lalong nabingi ang tenga ko sa pagiging tahimik nya, pero magaling syang magturo kaya nga nakapasa ako sa exam namin sa Philo 2.

“Mabilis lang ako,” sabi ko nang makarating kami sa locker room. Mabilis akong pumasok saka binuksan na nga ang locker ko.

Ay. May letter na naman at chocolates. Gusto ata ako magkadiabetes. Galing na naman kay Bear.

“Hindi ba sya napapagod na sulatan ako?,” napailing ako tapos kinuha na ang sadya ko.

Pagkalabas ko ay pansin kong nakatingin sya sa hawak ko.

Yung letter ni Bear.

Agad ko namang tinago.

“Uhh..Ano yun?,” tanong nya.

Kakahiya namang sabihing love letter yun.

“Ahh..listahan ng pinagkakautangan ko?,” sagot ko.

Anong klaseng sagot yun I.M? Listahan ng pinagkakautangan pero may disenyo ng puso at teddy bears ang envelope?

“Gusto mo? Sayo na lang. Hindi ako mahilig sa matamis,”-sabi ko sabay abot ng chocolates.

“Para naman talaga yan sayo,” sagot nya.

“Ha?,”-Ako. Hindi ko narinig e. Binulong nya kasi.  Sayo lang ang narinig ko.

“Ah..ano pala I.M. May gagawin pa ako---Uhmmm..sa susunod mo na lang ako ilibre,”sabi nya at umalis kaagad.

Hindi pa nga ako nakakapagpaalam.

Pinanood ko na lang syang tumakbo palayo hanggang sa makaliko sya.

“Hoy. Anong tinatayo-tayo mo dito? Nahihintay ka ng himala?,”-Wonho.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Pero teka.

Di kaya umalis si Erica Erah dahil nakita nya si Wonho?

“Pansinin mo naman si Erica Erah kapag kasama natin sya,” sabi ko.

Kumunot noo nya.

“Kinakausap ko naman sya ah. Bakit pala?,” tanong nya.

“Tss..manhid naman neto. Gusto ka nun,” sabi ko. Pinandilatan nya ako saka tumawa. Timang. Tawanan ba naman yun.

“Gago. Mas manhid ka. Batang to,” sagot nya. Tinatawag na naman nya akong bata. Sabagay, baby face naman ako.

“Huwag mo ngang ipasa sakin ang feelings nya,” sabi nya pa. Ipasa ang feelings? Ano ba tong sinasabi ni Wonho. Hindi ko na masundan ang usapan namin.

“By the way. May balita kay Snow?,” tanong ko.

“Hmmm..wala pa. Hindi pa nabalik si Hyungwon,” pareho kaming bumuntong hininga.

“Ipahanap na kaya natin sya?,” suhestyon ko. Tagal na nyang nawawala.

Umiling si Wonho saka tinapik ang braso ko.

“Mahahanap sya ni Hyungwon. Hintay-hintay na lang tayo,” aniya.

“Pero gusto ko ring hanapin si Snow,” nasabi ko. Hindi lang naman si Hyungwon ang gustong mahanap sya.

----

Pt.2~Jooheon

“May iuutos ka pa Madam?,” tanong ko matapos kong ilagay ang mga pinaphotocopies ko.

“Meron pa,”-Monica.

Kakabanas naman to. Abusado na tong si Monica! Limang araw na akong nagpapakaalila sakanya!

Eh sabi mong kahit ano Jooheon gagawin mo, kaya ayan. Panindigan mo.

“Hanapin mo yung libro sa Phil Lit. Apat yun. I need it asap,” sabi nya.

Huming ako ng malalim. Kalma lang Jooheon.

“Okay Madam,” tiningnan nya ako. Sayang-saya syang utusan ako ah.

Lumabas ako ng SC Office at walang ganang naglakad patungo sa Library.

Ganito kasi ang napag-usapan namin. Dahil sampung violations ang gusto kong burahin nya, kailangan kong maging utusan nya sa loob ng 10 araw! Grabe talagang babaeng yun. Hanep. Mabuti sana kung hindi ganito ang mga utos nya. Daig pa si mom kung utusan ako.

“Alaska! Mag-isip isip ka nga!,”

Natigil ako. Boses ni Miesza yun a.

Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago at nakikinig sa dalawang to. Nag-aaway ba to?

“We don't have any idea kung nasaan si Mozy! Saan tayo magsisimulang maghanap?!,”-boses ni Miesza.

“May lead ako. Baka napunta sya sa Mommy Rose nya,”-boses ni Alaska.

“May unang clue na tayo. Yun lang naman ang kailangan natin,”-boses ulit ni Alaska.

Teka nga. Nagbabalak ba tong dalawa na hanapin si Mozy?

“We can't sneak out again,”-Miesza.

“Naiisip mo pa ang mga rules ngayon? God Miesza! Si Mozy tong pinag-uusapan natin!, ”-Alaska.

Di naman siguro magsasabunutan tong dalawa diba?

“Ayaw mo ba syang hanapin? Dahil ako Oo! Hindi dapat natin iasa kay Hyungwon ang paghahanap sakanya. We need to do something,”-Alaska.

“Gusto syempre! Alam ko namang naguiguilty ka dahil pakiramdam mo kasalanan mo ang pag-alis nya pero Alaska, this is so risky! Maaari tayong hindi makagraduate kapag nagkataon,”-Miesza.

Sumilip ako. Natahimik sila e.

“Akala ko ba kaibigan ka nya,”-Alaska na mukhang sinampal si Miesza dahil nakahawak si Miesza sa pisngi nya.


“Alam mo, kung si Mozy ang nasa sitwasyon na to at isa satin ang nawawala, she will do exactly what I am thinking right now, she will take risks at uunahin nya parin tayo kahit na alam nyang pwede syang mapahamak,

Napaisip ako.

Tama si Alaska. Ang dami na nyang ginawa para samin. Kagaya nung Summer. Dapat aattend sya ng seminar related to arts pero hindi sya natuloy dahil naospital ako. Dahil walang pwedeng magbantay sakin dahil sa sobrang busy ng mga magulang ko ay sya ang sumalo nun. (Wala kasi ang mga ungas ng mga panahong yun.) Binantayan at inalagaan nya ako ng isang linggo. Inubos ko ang isang linggo nya at hindi man lang ako nakarinig ng reklamo sakanya. Selos na selos sakin si Hyungwon nun. Siraulo din.

“Hindi ko ginagawa to dahil lang sa guilty ako. I want to find her. Kahit ayaw nyang magpahanap ay hahanapin ko sya. Kahit mag-isa lang ako,” -Alaska.

Mabilis akong tumakbo palayo dahil nagwalk out na si Alaska papunta sa direksyon ko.

Hindi naman nya ako nakita dahil dire-diretso ang paglalakad nya. Pero tama si Alaska. Kailangan naming hanapin si Mozy kahit ayaw nya pang magpahanap.

-----

Pt.3~Miesza

Leche.

Ayaw na tumigil sa pagtulo ng mga luha ko. Umiiyak ako hindi dahil sa sampal ni Alaska kundi dahil ang sama sama ko. Kaya ako kinakarma dahil hindi na talaga ako nagbago. I'm still selfish. Akala ko hindi na ako ganun pero sa mga ganitong kritikal na sitwasyon ay inuuna ko parin talaga ang sarili ko.

Kainis talaga. Bakit ba kasi ganito ako! Kaibigan ko si Mozy pero hindi ko man lang masuportahan ang plano ni Alaska.

Kainis.

“Miesza,

Lumingon ako.

“Anong nangyari?,”-Minhyuk.

Agad akong napapunas ng luha ko.

No Miesza.

You can't run back to him.

“Wala. May kung ano lang napasok sa mata ko,” sabi ko.

“Sige. May pupuntahan pa ako,” umalis na ako bago pa sya makapagsalita.

I don't need his comfort. No. I just can't. Mahirap na at baka umasa ako na naman ako. I'm doing really fine without him. You can't ruin that just because you're emotional Miesza. Be tough.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsabng palda ko dahil naramdaman ko itong nagvibrate.

I thought it's Alaska.

But it's not.

It's Youngjae.

Youngjae: Miesza.

Huminga ako ng malalim bago magtipa ng reply ko.

Ako: Can I ask for a favor?




-----

Note:  😄❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro