29: Please find me

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Song: Signal by f(x)

Kinagabihan matapos kong maligo at makapagbihis ay may kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan ko iyon. And it's Hyungwon. (Naka all black at nakasuot ng cap. Parang gangster talaga ang dating nya ngayon.)Anyway, anong ginagawa ng Sleeping Pills na to dito?

"Bakit?," I asked. Hindi nya ako sinagot pero pumasok sya sa kwarto ko ng walang paalam.

"You can't go with us," he said nang maupo sya sa kama.

Alam ko ang tinutukoy nya. Yung tungkol sa Underground Party.

"I know. Dito lang ako para iwas gulo," saad ko.

I'm aware of the situation. Hindi ako magpapasaway sa mga boys.

Ngumiti si Hyungwon. Err. Ayoko talaga sa ngiti nyang yan. Naiinis ako. Mas lalo akong nainis kapag naalala ko yung ginawa nya sa treehouse. Bakit ba kasi ang hilig nyang ilapit ang mukha nya sakin!

Pinanood ko syang mahiga sa kama. Napailing ako.

"You're suppose to be mine,"

Napatingin naman ako sa pintuan nang may kumatok na naman.

"Mozy?," nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong boses ni Kihyun yun.

Mabilis akong lumapit kay Hyungwon na nakapikit! Jusko natutulog ba ang lalaking to?!

"Mozy?," kumatok ulit sya.

Mabilis kong tinakpan ng comforter si Hyungwon. Ano ba tong ginagawa mo Mozy!

Pumunta na ako sa pinto para pagbuksan si Kihyun. Jusko bakit ako kinakabahan!

"Sorry natagalan ako," saad ko. Tumango sya.

"Ano kasi. I want you to be there but it's better if you just stay here," napatango ako.

"I understand. Pero mag-iingat kayo sa party na yun," saad ko. Ngumiti si Kihyun.

"We will,"

"Sweet dreams Mozy," I was about to say something pero hindi ko nasabi dahil hinalikan nya ako sa pisngi.

Ngumiti na lang ako. Jusko. Ano ba tong nangyayari sa puso ko! Ang bilis ng tibok ng puso!

Pagkasarado ko ng pinto ay nadatnan ko ang nakatingin na si Hyungwon sakin.

Nakita nya kaya? Namumula tuloy ang pisngi ko dahil sa hiya!

Tumayo sya saka lumapit sya sakin.

"Goodnight Biscuit," kumakabog ang puso ko ngayon. Inilapit nya kasi ang mukha nya sakin.

Tumawa sya ng mahina.

"I need to go," saad nya saka hinawi ang basang buhok ko at inipit sa tenga ko.

Napahinga ako ng malalim nang umalis na sya. Ewan ko na! Nakakainis na!

Napahiga ako sa kama matapos iyon. Bakit parang naiwan ata ang amoy ni Hyungwon dito? Nasampal ko ng mahina ang sarili ko. Baliw na Sleeping Pills yun!

Mabuti pang ipikit mo na lang ang mga mata mo Mozy at matulog. Tama. Matutulog na ako.

Pero wala pa atang five minutes ay nakarinig ako ng tunog. Teka. Ringtone ko yun ah?

Mabilis kong hinanap ang cellphone ko at baka si dad ang tumatawag! I need to talk to him! Ang dami kong icoconfess.

Patuloy parin sa pagtunog yung ringtone ko at hindi ko pa mahanap ang cellphone ko! Nasaan ko ba kasi nahulog yun!

Nang mahanap ko na finally ang cellphone ko ay nadismaya ako.

Unknown number kasi ang nakalagay but I answered it anyway.

("Hello? Si Mozy ba to?,")

Kumunot ang noo ko. Boses ba ni Miesza ang naririnig ko sa kabilang linya?

("Hoy sagutin mo ko! Si Mozy ba to?!")

Napapaface palm ako sa babaeng to.

"Oo ako to. What dyou want?," don't tell me tumawag sya para awayin lang ako?

("I'm outside Camp Deli. Lumabas ka at puntahan mo ko dito! Tell this asshole that I'm part of Monsta X Clan!,")

Napaawang ang bibig ko. She's here?! What on earth is she doing here!

("Hoy Mozy! Puntahan mo na ako ngayon na mismo!,")

Bumuntong hininga ako.

"Oo na. Just wait there," sabi ko at pinutol ang tawag.

Paano nya kaya nakuha ang number ko? Napailing ako. Pumunta ka na Mozy at baka ano pa ang gawin ni Miesza.

Dali-dali kong tinakbo si Miesza at kagaya ng inaasahan ko ay inaaway nya ang guard.

Natigil din naman sya nang makita nya ako.

"Thank God you're here! Now, tell him that I'm part of Monsta X Clan," utos nya.

Tiningnan ako nung guard at tinanguan sya.

Mukhang sumuko na lang ang guard at hinayaan na pumasok si Miesza dala ang maleta nya.

"Nasaan si Minhyuk?," she asked as soon as makatapak sya sa loob.

"Umalis sila. Let's just go to my room," saad ko.

"Saan sila nagpunta? Susunod ako," hopeless na talaga tong si Miesza.

"You can't go there. Hindi ligtas. Let's not cause any trouble tonight," saad ko. Mukhang nakumbinsi ko naman si Miesza at narinig ko ang 'alright' nya.

Pero habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ko ay natigilan kami. A group of guys ang humarang samin. This is not just a group of guys Mozy! They're definitely a group of gangsters!

"Sa larong chess. Hindi magandang iwang walang bantay ang Queen," saad nung lalaking mukhang leader nila.

Nang maaninag ko ang mukha nya ay napagtanto kong Burlington ang nasa harap namin ngayon ni Miesza.

"Pwede bang iwan nyo na kami? Nakakairita kayong lahat," saad ni Miesza.

Great. Mas lalo kaming mapapahamak sa bibig ni Miesza.

Tumawa sila.

"Mukhang hindi ata alam ng Monsta X Clan ang larong chess," saad nung leader nila.

Tiningnan ko si Miesza. Nasa panganib ata tayo Miesza at mukhang alam nya yun. Basa ko ang ekspresyon ng mukha nya.
 

"Get them. Lalo na yung Queen,"

Mabilis nila kaming nilapitan ni Miesza. Napasigaw ako ng takbo bago pa mahuli ang lahat. Mabuti nga at sumunod si Miesza sakin pero nagkahiwalay kami ng landas! Masyadong mabilis tumakbo ang mga gangsters na to! Sana ay hindi nila mahabol si Miesza! Nakaheels pa naman ang babaeng yun! Bakit ba kasi napakafasionista nya!

Nagtago ako sa madilim na lugar at mukhang walang pag-asa na makita ako dito. Pero napamura ako nang makita kong hawak nila si Miesza!

What to do Mozy?! Hindi ko pa naman dinala ang phone ko!

Napatakip ako ng bibig nang makita kong may hawak silang baril. Damn! Wala kaming mahihingan ng tulong dito dahil lahat ata ng clan ay nasa Underground Party!

"Lalabas ka ba o ipuputok namin tong baril sa ulo ng kasama mo, Queen?," naiiyak na si Miesza dahil nakatutok nga sakanya ang baril.

Dahan-dahan akong lumabas.

Kita ko ang pagngisi ng leader nila.

"Pakawalan nyo na sya. Mas kailangan nyo ko," saad ko.

Binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin ni Miesza. I'm not being a hero here. Iniisip ko lang na hindi dapat dalawa ang madamay dito! Nagkataon lang na andito si Miesza at mukhang ako talaga ang pakay nila.

"Sasama ako sainyo. Just let her leave," I pleaded.

Nakahinga ako ng bitawan nila si Miesza. Nalaman ko na lang na hinawakan nila ako sa braso at itinutok ang baril sa gilid ko.

Sumenyas ako kay Miesza na umalis na sya. Napakagat sya ng labi saka mabilis na tumakbo. Good. Now she needs to call for help. Hindi ko kaya ang mga gangsters na to!

Pero bago pa ako makapagsalita ay tinakpan nila ng panyo ang ilong ko hanggang sa maramdaman ko na lang na nahihilo ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Nagising akong may takip ang mga mata ko pati na ang bibig ko. Ramdam ko rin ang mahigpit na pagkakatali sakin. Pati sa paa ko ay hindi pinalampas.

Totoo ba tong nangyayari ngayon? Akala ko kasi panaginip lang ang lahat. Jusko Mozy. Binihag ka ng Burlington!

Iniangat ko ang ulo ko kahit na wala naman akong makita pero may naririnig ako. Isang yabag. At mukhang patungo yun sakin.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng isang malakas na sampal. Grabe naman tong Burlington at walang awa sa babae! Napatol pa sa walang kalaban-laban! Marurumi nga silang gumalaw! This is being coward!

Gusto kong murahin yung nagsampal sakin kaso may takip tong bibig ko. Tsss. Ang sakit e. Parang babae.

"Anong plano mong gawin sakanya?," tanong ng boses ng lalaki. Hindi nasagot yung kausap nya. Mukhang pinapasadahan lang ako ng tingin ngayon.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa pisngi ko at marahas nyang ginawa yun.

Minura ko na sya sa isipan ko nang marahas nyang bitawan ang pisngi ko. Ang pangit ng pabango nya! Naamoy ko dahil ang lapit nya sakin. Babae siguro to,  yung 'Ace' ng Burlington.

"Alam na ng nila na nasa atin ang Queen. They'll be here any moment," sabi ng boses ng lalaki.

Ramdam ko ang pag-alis nila sakin sa kinalalagyan ko at maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbuhat sakin. Saan naman kaya nila ako dadalhin!

"Okay copy," sagot netong bumubuhat sakin.

Nagpumilit akong makawala pero hindi ko kaya! Naramdaman mo na lang na parang pinasok ako sa isang lalagyan o ano. Parang kahoy?

Marahas nila akong nilapag! Ang harsh!

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tawa. What the! Anong gagawin nila sakin!

"Malas mo at naging Queen ka nila. Rest in peace by the way," saad ng lalaki.

Nang marinig ko iyon ay nagpumiglas ako kahit na mukhang imposible ang gusto ko.  Nakarinig ako nang pagsarado saka nagsimula na akong mainitan. Ang init-init! Parang wala ng hangin.

Pinilit kong alisin ang tali sa kamay ko at kahit sobrang sakit dahil mukhang ductape ang gamit na pantali sa kamay ko ay tiniis ko. I need to atleast try! Hindi ako dapat maghintay ng tulong. I need to be my own hero right now.

Okay Mozy. Malapit na. Kaonti na lang matatanggal na. Ayan.

Natanggal ko ang tali! Kaya agad kong inalis ang takip ng mata ko at bibig ko.

Pero hindi parin ako ligtas dahil nilibing nila ako ng buhay! Nasa isang kabaong kahoy ako! At tuluyan na akong natabunan ng lupa! What now Mozy! Mauubusan ka ng hangin at ikakamatay mo yun.

I can't die!Ang dami ko pang hindi nagagawa at nasasabi! Napakagat ako ng labi ko sa sitwasyon ko ngayon.

Napasabunot ako ng buhok ko dahil naiiyak na ako. Alam kong hindi ito ang dapat kong gawin ngayon dahil magiging malala lang ang mga pangyayari kapag umiyak ako at hindi naman to makakatulong sa sitwasyon ko. Pero naiiyak talaga ako at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.

Hinayaan ko na lang magpatakan tong luha ko.

Isa lang ang pinagdarasal ko ngayon. Yun ay sana ako naman ang hanapin at mahanap ni Hyungwon. Please. Hanapin mo ko Hyungwon bago pa mahuli ang lahat.











×××

Vote.

Comment.

Be a fan.

💔💔💔💔

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro