33: H x M

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Sunshine and City Lights by Greyson Chance





Pinasadahan ko ng tingin ang bawat madaanan namin ni Hyungwon. (Kahit mga ilaw at mga nagtitinda sa daan ay hindi ko pinalampas.) Hindi ko akalaing sobrang ganda ng Greenstone City kapag ganitong walang sasakyang dumadaan at tahimik. Parang kami lang ni Hyungwon ang nasa syudad. We can freely ride our bikes and not care for anything at all. Kaya nagpapasalamat ako sa Sleeping Pills na to at magandang routa nga ang pinili nya. Hindi nya ako binigo dun.

Mabilis na sumunod ako sakanya. Hindi ko na nga napapansin ang sakit kapag nagpepedal ako. Masyado akong namamangha sa gabing to.

Tumigil kami sa isang botique shop na open 24/7. Nagtataka ko syang tiningnan at sumenyas lang sya na papasok kami. So ayun, pumasok nga kami sa botique shop.

Dahil gabi na ay kami lang ata ni Hyungwon ang nasa loob (maliban sa nagbabantay.)

Nagsimulang tumingin ng mga damit si Hyungwon. Don't tell me gusto nyang magshopping?

May kinuha syang isang oversized sweater na kulay faded violet. Itinapat nya ito sakin.

"Para san ba to?,"tanong ko nang ipahawak nya sakin ang sweater na yun.

"Natalo ka diba? So you need to stay up all night with me," he said without looking at me. Busy sya sa katitingin ng mga damit.

Napatango na lang ako.

"I don't want you to die because of cold," saad nya pa. Napatingin ako sa suot ko.

Tama sya. Isang simpleng t-shirt ( na manipis) at shorts lang ako. Malamig na nga ang gabi at ramdam ko na iyon.

May binigay din syang isang cap saka lumapit kami sa counter.

Binati naman kami ng babae at pinanood kong ibigay ni Hyungwon ang credit card nya. (Sya na nga ang mayaman.) Hindi ako hinayaan ni dad na magkaroon ng ganyan dahil baka maging gastosera daw ako.

Hindi na namin pinagbalot ang mga binili namin dahil agad na pinasuot ni Hyungwon sakin yung sweater at yung cap. (Sya kasi ang comfy ng suot nya kaya ako lang ang kailangan ng protection sa lamig.)

Lumabas kami ng botique shop matapos iyon at sumakay ulit sa mga bikes namin. I want to ask Hyungwon kung saan kami pupunta. Ang sabi nya may mga gusto syang gawin ngayong gabi. Napapaisip ako kung ano ba ang mga iyon.

Lumiko kami at pagkaliko namin ay may nakita akong nakahilerang cart na nagtitinda ng street foods! Tumigil si Hyungwon kaya tumigil din ako.

Tiningnan nya ako.

"Do you eat foods like these?," agad na tumango ako. Of course naman! Ang tagal ko ng hindi nakain ng isaw dahil pinagbabawalan ako ni dad. (Nakakahepa daw kasi.)

"Good. Now let's feast, Biscuit,"

Akala ko nga na dadaanan lang namin ni Hyungwon to. Kung titingnan kasi si Hyungwon ay halatang anak mayaman dahil sa kutis at sa mukha nya, kaya nagugulat akong makita syang kumakain ng street foods ngayon na mukhang walang kaarte-arte sa katawan. (Masyado lang siguro akong judgemental at mataas ang tingin sakanya.) Ang sabi nya rin kasi ay gusto nya kumain ng pizza, wala namang pizza sa ganitong lugar.

"Oy gwapo! Subukan nyo to ng girlfriend mo oh. Bagong luto pa to!," kami ba tinutukoy ng tindero? Err.

Agad kong tiningnan ko si Hyungwon. Feel nya talaga ang pagtawag sakanya ng 'gwapo' ng tindero.

Napatingin ako sa kamay nya na hinawakan ang palapulsuhan ko at lumapit nga kami dun sa cart. (Ang galing magsalestalk ni manong dahil napalapit nya tong si Hyungwon.) Pero hindi naman nya ako kailangan hawakan. Nagpapadala sya sa sinabi ni manong e.

Tiningnan ko naman ang tinutukoy ni manong. Dumplings pala at mabango at mukhang masarap.

Pinanood kong kumuha si Hyungwon kaya kumuha din ako. (Feel ko talaga na ako ang magbabayad he he.)

Pagkalagay ko ng sauce sa Dumplings ay agad akong kumain. Nagtinginan kami ni Hyungwon at napatango dahil masarap nga.

"O diba masarap?," tanong ni manong.

Nag thumbs up ako bilang pagsang-ayon.

Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa nabusog ako. Napahawak ako sa tyan ko. I'm so satisfied right now.

Umalis kami ni Hyungwon dahil hindi daw kami dapat magtagal dun dahil may mga gagawin pa kami.

At dahil busog ay hindi kami nagbike. Naglakad muna kami para matunawan. (Ayokong mamatay dahil pumutok tong appendix ko.)

Dala-dala ang bmx ni I.M ay nilakad namin ang magandang kalsada ng city.

Sa di kalayuan ay may nakikita akong mga nagppractice ng sayaw at may nagsskateboarding din.

Tiningnan ko si Hyungwon.

"Saan tayo ngayon?," I asked.

Hindi nya ako tiningnan nang sagutin nya ako ng "basta,".

So ayun, hahayaan ko na lang ang Sleeping Pills na to kung saan man kami ngayon.

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar na tinigilan namin.(Tumigil kami sa Wallmart.) Curious talaga ako sa tumatakbo sa isipan ni Hyungwon. What are we going to buy here?

"Let's go Biscuit," rinig kong saad nya saka pumasok na sa loob. Sumunod naman ako.

Nakapamulsa syang naglalakad nang maabutan ko. Nilibot ko ng tingin ang lugar. Nag-iisip ako ng mga posibleng bilhin ni Hyungwon.

Pero nasagot ang tanong ko nang kumuha sya ng apat na spray paint na iba't-iba ang kulay. Kumunot ang noo ko.

"Para san yan?," pinandilatan ko sya.

Binigyan nya ako ng mahinang tawa saka naglakad na para magbayad.

Ano ba ang naiisip ni Hyungwon?

Patakbo akong lumapit sakanya at pinanood ko ang pagpunch ng babae ng mga spray paints ni Hyungwon.

Pagkabigay ng bayad ni Hyungwon ay inabot na rin ng babae ang binili nya.

Lumabas kami ng Wallmart. Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko ay may gagawin kaming kalokohan ni Hyungwon ngayong gabi.

"Let's find a nice spot as a canvas,"

Tama nga ako. Balak yata ni Hyungwon na vandal sa mga pader ng city na to. Grabe talaga Mozy. He's very unpredictable!

Nagsimula akong magpedal at sumunod kay Hyungwon. Nang may madaanan kaming malinis na pader ay tumigil kami dun.

Kinakabahan akong napatingin sa paligid. Baka kasi may makakita samin! Bawal ang pagvavandal dito! (Pwede nga kaming makulong e.)

Inabot ni Hyungwon ang isang spray paint sakin.

"I'll write your name. You write mine," aniya.

Tiningnan ko ang hawak kong spray paint. Hindi man kailan sumagi sa isipan ko na magvavandal ako!

Tiningnan ko ang chill na chill na si Hyungwon na shinishake ang spray paint bago magsimula magvandal.

Pinanood ko syang magsimulang magsulat ng malaking M.

"We'll be fine Biscuit. Let's have some fun tonight," he said.

So you call this fun Hyungwon? Tsss. Anyway. Okay. Magvavandal na ako. Hindi talaga sya magandang ihemplo. Pero heto ka Mozy at nagpapaimpluwensya sakanya.

I shaked mine too and then I started writing his name. (Patawad malinis na pader dahil hindi na talaga mapipigilan ang balak na to ni Hyungwon.)

H. Y. U. N. G. W. O. N.

Napatigil ako nang maramdaman ko ang tingin nya sakin.

"Nice. May talent ka sa vandalism Biscuit," he chuckled.

Napailing ako. Tiningnan ko naman ang pangalan ko na sinulat nya. Hindi pa sya tapos actually. M.O palang ang nagagawa nya.

Pinagpatuloy nya ang pagsusulat sa pangalan ko.

"Tapos na," tiningnan ako ni Hyungwon.

"You like it?," pinasadahan ko ng tingin ang pangalan ko na katabi ng pangalan nya.

HYUNGWON MOZY

Tumango ako bilang sagot kay Hyungwon. Kita ko ang pagngiti nya. Kahit kakaiba ang font ni Hyungwon ay nagandahan naman ako.

"Wait. May kulang," aniya.

Lumapit syang muli sa pader at pinanood ko syang lagyan ng x ang pagitan ng mga pangalan namin.

HYUNGWON x MOZY

"That's better," saad nya.

Ngumiti lang ako. Matapos iyon ay dinagdagan namin ng design ang boring na pader. Tawang-tawa ako kay Hyungwon habang nagddrawing sya ng kung anu-ano. (Wala syang talent sa art haha.)

Mabilis naman kaming umalis nang may makita kaming patrol car. Kabadong-kabado ako habang nagpepedal pero hindi ko maikakailang masaya ako ngayon. Hindi ko akalaing masaya palang labagin paminsan-minsan ang mga rules.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Tiningnan ko si Hyungwon. Malapad din ang ngiti.

"Where are we going now?," I asked.

"Watch the sunrise," he said.

Napatingin ako sa kalangitan. Wow. Mag-uumaga na ba talaga? Hindi ko napansin ang paglipas ng oras!

Sumunod ako kay Hyungwon at pansin kong patungo kami sa isang mataas na lugar. Nahihirapan na nga akong magpedal kaya tumayo ako at pinilit ang sarili ko.

Napahinga ako ng malalim nang makarating kami sa lugar. Inilagay ko ang bmx ni I.M sa gilid ng mga bato at umupo kami ni Hyungwon dun.

Tanaw ko mula dito ang kabuuan ng city. Naaalala ko tuloy ang treehouse ni Hyungwon.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Malayo din ang tingin nya at mukhang may iniisip din sya. Binalik ko na lang ang tingin sa magandang view. Maya-maya ay nakikita ko na ang pagiba ng kulay ng langit. Pasikat na ang araw.

"I can't believe I stayed up all night at hindi ako nakakaramdam ng antok ngayon," saad ko.

"Maybe because you're with me," tiningnan ko si Hyungwon.

"Tsss. Hindi no. Masyado ka namang feeling," saad ko. Tumawa sya.

Pero siguro Oo? Hindi ko alam. Siguro nga Hyungwon. Siguro nga dahil kasama kita.

Naging tahimik kaming dalawa. Napirmi naman ang tingin ko sa kalangitan. Nawawala na ang mga magagandang constellations sa itaas at napapalitan na ng asul na kulay.

Napatayo ako sa bato nang unti-unting sumikat na ang araw. First ever sunrise! Hindi na masama ang pagsama ko ngayong gabi kay Hyungwon.

"I had a lot of fun tonight. Thanks Mozy,"

Natigilan ako.

Did I heard my name? Hindi Biscuit ang tinawag nya sakin?

May kakaibang gumapang sa sistema ko. Err. Bakit kumabog tong puso ko?

Tiningnan ko sya at nasa sunrise ang atensyon nya.

Sinabi nya ba talaga ang pangalan ko? Eh ano naman Mozy? Big deal ba? Bakit parang big deal sayo?

Napakagat ako ng labi at binalik ang tingin sa araw. Huwag mong gawing big deal Mozy. Okay?








××××

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro