35: Hindi ko alam

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Milk by f(x)

Tama nga talaga ang kasabihang "Kapag may aalis yun ay dahil may darating" (kung meron ngang ganung kasabihan Mozy. )

Pinagmasdan ko si Alaska habang patungo kami sa kwarto. Yep. Sya ang new roommate ko. Hindi parin ako makapaniwala na sya ang first Queen ng academy at mas kilala sya bilang Ice Queen. Napapaisip ako ngayon sa mga nagaganap.

Kapag naalala ko ang nangyari sa Camp Deli ay nahihiya ako dahil gangster sya. Tapos ako. Heto. Ano lang. (Sya kasi yung instructor namin sa Camp Deli. Si Alaska Winters, kaya inassume ko na isa syang gangster.) Pero akalain mo talagang kaharap ko lang noon ang First Queen ng academy? At inatake ko pa sya? Ghad Mozy. Naninindig ang balahibo ko kapag inaalala yun.

Nang makapasok kami sa kwarto ay sinundan ko parin sya ng tingin. Tama nga si Cindy sa sinabi nyang 'ang ganda nya'. Bagay talaga sakanya ang Ice Queen.
Ice Goddess nga dapat.

"Bakit?," she asked. Nanlaki ang mga mata ko. Napansin nya siguro ang mga tingin ko.

"Ugh. Ano kasi. Hindi lang ako makapaniwalang ikaw ang First Queen ng academy. I mean, nagkita na pala tayo dati, kapag naiisip ko ang nangyari sa Camp Deli ay hindi parin ako makapaniwala," nangangapa ako ng mga dapat sabihin sakanya. She smiled.

Naupo sya sa kama ni Miesza habang ako ay nakatayo lang at tinitingnan sya.

"Yeah. Pasensya na dahil hindi ako nagpakilala ng tama sayo dati. Parang hindi naman na kasi importante na sabihin ko pa yun," sabi nya. Iginala nya ang tingin sa kwarto.

"You're the new Queen, wala ng dahilan para sabihin kong ex-Queen ako ng Monsta X Academy," nabalik ang tingin nya sakin. Nilalamig ako kahit na hindi naman masama ang tingin nya sakin. Err.

"Nang makita kita sa Camp Deli, alam kong tama ang napili ng mga boys, they need a Queen like you," nakaramdam ako ng kakaiba sa sistema ko. Big deal sakin na pinupuri ako ni Alaska. Ang ganda nya kasi. May girl crush na ako.

"At may masama akong ginawa dati kaya hindi ako proud na sabihing ex-Queen ako," ngumiti sya ulit.

Napaisip ako sa sinabi nya. Masamang ginawa? Katulad ni Miesza? Pero mukhang hindi naman sya kinaiinisan ng mga students dito. Infact, napansin kong masaya silang makita sya ulit.

"Namiss ko rin ang lugar na to at ang kwartong to," sabi nya.

Nahiga sya sa kama. (Tama nga din ang hinala kong dito din ang kwarto ny dati. Roommate sila ni Miesza.)

"Where's Miesza by the way?," she asked.

"Kaaalis nya lang two days ago. Sayang nga at hindi nyo naabutan ang isa't-isa," sagot ko. Napahinga sya ng malalim. Sayang talaga at baka natulungan pa ni Alaska si Miesza na makipagbati sa mga boys. Hindi kasi kaya ng powers ko na pagbatiin silang lahat lalo na at inis sakin si Miesza. Mukhang close kasi sila ni Alaska at madami din syang alam kay Miesza kumpara sakin.

"I thought she's back for good," she said. Napatango ako. Akala ko rin.

"Hindi pa kasi sya napapatawad ng boys tungkol sa nangyari dati. Sayang talaga, kung sana hindi sya umalis ngayon ay pwede mo syang tulungang kumbinsihin ang mga boys," napabangon sya sa sinabi ko.

Tumikhim sya. Pansin kong malungkot ang ekspresyon ng mukha nya? Hindi ako sure.

"Hindi ko rin sya matutulungan dahil wala ako nung mangyari yun. I can't testify that she's inoccent. And besides, I don't think----,"

Natigil sya sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan.

Pareho kaming napatingin ni Alaska dun. Dahil ako naman ang nakatayo ay ako na ang nagbukas.

Gulat akong makita ang mukha ni Kihyun sa harap ko. Pansin ko ang kaonting sugat nya sa mukha (na mukhang nakuha nya sa gang fight kanina) at ang kakaibang ekspresyon ng mukha nya. Parang hinihingal din sya.

"Is..she..there?,"

Binuksan ko ng tuluyan ang pintuan para sa tanong ni Kihyun.

Tiningnan ko si Alaska. Napatayo sya nang makita nya si Kihyun at mukhang gulat din sya. Tapos ako naman ang nagulat nang masaksihan ko ang paglapit ni Kihyun at ang mahigpit nyang yakap sakanya.

Para akong nanonood ng palabas sa t.v dahil sa eksenang to. Nakatingin sakin si Alaska at nilalamig ako ngayon.

"It's her. She's really back," sabi ng boses na galing sa likod ko.

Agad akong napalingon at nakita ko ang mga boys. Mukhang lahat sila ay naririto para kay Alaska. For their first Queen.

"Don't leave me again," alam kong boses iyon ni Kihyun kaya napunta naman sakin ang tingin ng mga boys.

I was about to say something nang maramdaman kong may humawak ng kamay ko at maya-maya ay nalaman ko na lang na hila-hila ako ni Hyungwon paalis sa kwartong yun.

Hindi ako nagreklamo sa ginawang iyon ni Hyungwon. Infact I was thankful. Napaka awkward kasi ng pangyayari sa kwarto. Parang hindi tama na andun ako? Ewan ko ba. Iba kasi ang tingin sakin ng mga boys.

Nalaman ko namang patungo kami sa treehouse ni Hyungwon. (Dahil hapon pa naman ay hindi na kailangan ng flashlights patungo dun.)

Binitawan nya lang ako nang makarating kami sa treehouse nya.

"That asshole," saad nya.

Nakaharap ang malapad nyang likod sakin kaya hindi ko kita ang ekpresyon ng mukha nya pero sa tono ng boses nya kanina ay galit o inis sya?

"Hyungwon," tawag ko. Teka. Bakit ko nga ba sya tinawag na wala naman akong sasabihin sakanya.

Humarap sya sakin "Do you like him?," gulat kong syang tiningnan.

"Do you like Kihyun," hindi patanong ang pagkakasabi nya nun.

"Answer me now," he sounded demanding. Okay. Bakit nya ako tinatanong tungkol kay Kihyun.

"Hindi ko alam," sagot ko.

He was disappointed with my answer. Napailing sya saka pinanood ko syang umakyat na sa taas. Kumunot ang noo ko. What was that Hyungwon?

So ayun, sumunod ako sakanya sa taas dahil may mga sugat sya sa mukha. Tsss. Bakit ba kasi naging gangster pa to.
Tsaka naguguluhan ako sa inaasta ni Hyungwon ngayon.

Nakita ko naman syang nakaupo at nakapikit ang mga mata nya. Tinulugan nya agad ako?

"Hyungwon may first aid kit ka ba dito? Kailangan gamutin yang sugat mo," sabi ko pero hindi nya ako pinansin. Tsss. Alam ko namang naririnig nya parin ako pero heto sya at deadma lang.

Bumuntong hininga ako at tumabi na lang sakanya. Galit kaya sya?

"Hindi ko talaga alam Hyungwon. Hindi ko masabi na gusto ko sya o hindi. Pero alam ko lang na masaya ako kapag kasama ko sya, kapag kasama ko kayo," tiningnan ko sya pero deadma parin.

Bahala na nga at magsasalita na lang ako dito. Alam ko namang naririnig parin ako ng Sleeping Pills na yan.

"I don't know anything about love. Hindi na ako naabutan ni mom na lumaki kaya puro kay dad lang na advice ang alam ko kaya hindi ko alam kung paano o ano na ba talaga tong nararamdaman ko. At mukhang nagmana ako kay dad dahil pati yun hindi expert pagdating sa bagay na to," natawa ako nang maalala ko ang mga sinabi ni dad sakin nung tumawag sya. Baliw din talaga yun.

Napahinga ako ng malalim matapos kong sabihin yun. May napasok sa isipan ko.

"Naalala ko ang sinabi sakin ni mom noon, na hindi ko daw mahahanap yung taong para sakin. Nalungkot ako nang sabihin nya yun sakin pero hindi pa pala sya tapos,"

Huminga ako ng malalim bago ituloy yun.

"What she wanted to say was, I won't find him because he will find me," ngumiti ako matapos sabihin yun.

I was 8 years old when she told me about that. Nagpapakwento kasi ako sakanya ng bedtime stories at natanong ko ang tungkol sa pag-ibig(puro fairytales kasi ang kinukuwento ni mom dati). Ang eksaktong tinanong ko sakanya ay "Sino po ba ang Prince Charming ko mom?,". Natatawa ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun. Wala naman kasing ganun sa realidad. Prince Charming?

"Pero dahil siguro sa mga nangyari kay mom at dad ay hindi ako masyadong naniniwala sa salitang 'love'. Lumaki akong realist kesa sa pagiging hopeless romantic," napabuntong hininga na naman ako.

Ang dami ko ng nasabi pero deadma parin si Hyungwon. Nakapagsenti pa ako ng wala sa oras dahil sa tanong nyang iyon.

Tsss.. Nakatulog na ata to o wala lang syang pakialam sa mga sinasabi ko.

Anyway. Tumayo ako at naghanap ng medicinal kit sa treehouse na to at nakahanap nga ako. Nilabas ko ang betadine, alcohol,cotton buds at band-aid. Kailangan malinisan ng sugat ni Hyungwon.

Naupo akong muli sa tabi ni Hyungwon na tulog. Pagkalagay ko ng betadine sa cotton, I gently dad it on Hyungwon's face (na may sugat). Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha nya. He's sleeping like angel.

Natigil lang ako sa pagtitig sakanya nang magsalita sya.

"I see you again in my dream and it felt so real," aniya.

Natigil ako sa panggagamot ko sakanya dahil dun. Hindi ko alam kung nagssleep talk ba tong si Hyungwon o talagang gising sya.

Hindi ko rin alam kung anong tinutukoy nya.

Pinagpatuloy ko ang panggagamot sakanya hanggang sa malagyan ko sya ng band aid. Dahil nakapikit parin naman sya at mukhang tulog nga ay dapat na siguro akong umalis. Mukhang kailangan nya ng oras para matulog at magpahinga.

"Sleep tight Hyungwon," saad ko at bumaba na ng treehouse.

Palubog na rin ang araw kaya nadilim na ang paligid. Mabilis kong tinungo ang daan palabas sa gubat at naisip kong bumalik na rin sa kwarto.

Pero habang papalapit ako sa building F ay natanaw ko sa di kalayuan si Kihyun at mukhang hinahanap nya ata ako dahil kumaway sya nang makita ako at papalapit sya ngayon sakin.

I need to talk to him too. Dapat ko na sigurong sabihin sakanya.









×××

Krystal Jung as Alaska Winters

❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro