38: Familiar

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Cash Me Out by f(x)

Nang magsimula ang party ay nakaubos ata ako ng apat na slice ng pizza. (Pepperoni is life.) Nagsimula na rin ang kulitan ng mga boys lalo na nila I.M, Jooheon at Wonho. (Dahil na rin nakainom sila ay mas lalo silang kumulit.) Napuno ng tawanan ang Hideout dahil sakanila. Pati nga si Alaska (na katabi ni Minhyuk) ay hindi matapos sa kakatawa lalo na ng magsimulang sumayaw si I.M ng PPAP (bagong kanta na hindi ko alam.) I swear sumakit talaga ang tiyan ko dahil dun. Ang katabi ko namang si Cindy ay wala na. Lasing na.

"Oy oy oy! Laro tayo!," tumayo si Shown na may hawak na red cup at itanaas to. Wala na. Lasing na rin to.

"Oy leader! Hahaha itapon na yan sa kama nya!," ani ni Jooheon.

Umiling si Shownu at nagsabing hindi pa daw sya lasing. Sinubukan syang paupuin ni Minhyuk pero nagpumilit syang tatayo.

"Laro tayo ng truth or dare para masaya!," anunsyo nya.

Mukhang pumayag naman ang mga boys sa pahayag nya kaya agad na kumuha si Wonho ng bote saka nilagay sa mesa. Iba talaga kapag nakakainom. Ang daming naiisip na kalokohan.

"Kung sino ang matapatan ng bote ay iinom bago mamili kung truth or dare!," ani ni Wonho.

Hindi ako kasali sa larong to. Manonood lang ako para masaya.

"Lahat kasali ah! Walang kj! Ikaw rin Queen! Kasali ka hehe," nginitian ako ni Jooheon. Wala na. Singkit na singkit sya.

"Dalhin mo muna to si Cindy sa kwarto at wala na, tulog na," saad ni I.M. ( Katabi nya si Hyungwon.)

Sinunod naman ni Jooheon ang sinabing iyon ni I.M at dinala na nga ang tulog na si Cindy. So ayun, nagsimula na ang laro. Bigla akong kinabahan. Pero hindi ko alam kung sa pag-inom ba ako kinakabahan o sa laro. Hindi ko rin kasi alam kung ano ako kapag lasing. At baka isang inuman lang ay wala na. Kasama na rin ako sa team lasing. Err.

"Okay! Spin the bottle now!," manggigigil na pahayag ni Shownu. Ang cute nyang malasing.

Si Wonho ang taga ikot ng bote at nang magsimula na ngang umikot ang bote ay natahimik kaming lahat. Hinihintay na tumigil ang bote sa kaiikot at may matapatan. Nagdarasal na ako sa isip ko na sana ay hindi sakin matapat ang bote. Hindi pa ako ready!

Nakahinga naman ako nang kay Wonho natapat ang bote. Kagaya ng sinabi nya ay inubos nya muna ang laman ng red cup saka nag-isip kung truth ba or dare ang pipiliin nya.

"Hoy ungas! Dali na! Ano na?!," natatawang tanong ni Jooheon nang makaupo sya sa tabi ko.

"Hmmm..truth na lang," saad nya.

"Playing safe ang ungas o," saad ni I.M.

Tiningnan ko ang mga boys. Mukhang may mga tanong sila sa isipan nila.

Namili na rin si Wonho ng magtatanong sakanya. Tinuro naman nya si Alaska at naturo ni Alaska ang sarili nya.

"Oy daya naman! Sabing ako e!," reklamo ni Jooheon. Binelatan sya ni Wonho.

"Ehem,"ani ni Alaska kaya nabalik sakanya ang atensyon.

"Okay. My question for you Wonho is," huminga ng malalim si Alaska.

"What is your ideal girl?," inulan ng reklamo ang tanong na iyon ni Alaska.

"What was that Alaska? Ideal girl? Pft!," pahayag ni I.M. Sinita sya ni Alaska na tumahimik.

Pinanood ko ang nag-iisip na si Wonho. Interesante nga ang tanong ni Alaska.

"Sa yun ang gusto kong malaman e!," ani ni Alaska.

Tiningnan namin si Wonho.

He cleared his throat.

"Okay. Ang gusto ko sa babae ay maganda syempre tapos mabait, maputi tapos may magandang ngiti, mahaba ang buhok at may mapupulang labi,"

Matapos sabihin yun ni Wonho ay napatingin sila sakin.


"Gago! What ang tanong hindi who! You're just describing our Queen!," tinapunan ni Kihyun ng unan si Wonho. Nagbikit balikat lang si Wonho.

"Eh sa yun ang ideal girl ko e," aniya. Nagtawanan ang lahat. Lasing na talaga sya. Kung anu-ano na ang nalabas sa bibig e..

"Okay next!," tumayo na naman si Shownu saka pinaikot ang bote.

Ikinagulat ko ang pagtigil nito sakin. Ghad! Sakin natapat ang bote!

"Oy si Queen na!," masayang pahayag ng katabi kong si Jooheon.

"Dare ang piliin mo Queen!," segundo pa ni Shownu.


Inabot sakin ni Jooheon ang red cup. Dundundundundun. Okay.


Mabilis kong inubos yun at naghiyawan ang lahat. Okay. Now what Mozy. Truth or Dare?

"Mozy Dare para masaya!," suhestyon ni Alaska. No. Hindi pa ako ready sa dare at baka ano pa ang ipagawa nila.

"Truth," confident kong saad. I'm not hiding anything anyway.

Naghiyawan parin sila sa sinabi nila. Nagsitaasan sila ng kamay maliban kay Hyungwon at Minhyuk. Hmm. Interesting at hindi nataas ang dalawa.

"Si Minhyuk," sabi ko. Ghad Mozy. Lasing ka na rin ba? Dapat si Hyungwon nalang but anyway. I'm curious about Minhyuk.

"Ow. Ikaw daw Minhyuk! Itanong mo na yang gusto mong itanong!," pahayag ni Wonho.

Nginitian ko si Minhyuk.

"Hmmm.. nagkita na ba tayo dati Mozy?,"

Natahimik ang lahat. Kahit ako ay gulat at natigilan.

"Lasing na talaga si Minhyuk. Kung anu-ano na naiisip e. Paano naman mangyayari yun diba?," ani ni Jooheon.

"Siguro? Baka kasi kasama kayo sa mga nawawala kong alaala," sagot ko. Tiningnan nila ako. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.

Nalipat ang tingin ko kay Hyungwon. Nagsimula siguro to nung dahil sa playground.

"Yeah. You look familiar to me too," tiningnan ko si I.M.

"Sakin din," ani ni Wonho.

"Talaga?," natanong ko. Nagtanguan ang dalawa.

"Aish. Mga lasing na nga kayo! Ano ba tong usapan natin!," tumayo si Jooheon.

Nag-iba nga ang ambiance ng Hideout. Parang naging horror ang genre. Nagsitaasan din ang balahibo ko sa braso. Kakaiba ang nararamdaman ko sa sistema ko.

"Tama na nga yan! Next!," muling inikot ni Shownu ang bote.

We brushed it off. Siguro dahil na rin sa impluwensya ng alcohol kaya nasabi nila iyon. Baka nga bukas ay tawanan na lang namin ang mga pinagsasasabi namin ngayong gabi.

So the game went on. Tumagal din at nawala na nga yung usapan tungkol sa pagiging familiar ko sakanila. Nagbalik ulit ang tawanan at kulitan hanggang sa lahat ay nawalan na ng malay.

Pakiramdam ko nasobrahan din ako sa alcohol. Nadala ata ako sa sitwasyon.

Umiikot na ang paningin ko at gusto ko ng matulog. Ang manhid na ng katawan ko. Ang sarap sa pakiramdam ng lasing. Walang kahirap hirap matulog e.

Nakaramdam akong may bumuhat sakin pero hindi ko malaman kung sino dahil ayaw na mabukas netong mga mata ko.

"Hyungwon," sabi ko. Amoy tsokolate kasi.

"You're drunk," rinig kong saad nya. Tumango ako.

Maya-maya ay nakaramdam ako na nasa malambot na lugar ako. Maybe nasa kwarto na ako.

"Turn off the lights ang sakit sa mata," reklamo ko. Rinig ko ang mahinang tawa ni Hyungwon. Though I'm not sure kung si Hyungwon nga ba to.

Sinunod naman nya ang sinabi ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto kaya naisip kong nalabas na si Hyungwon. Pero nakaramdam ako na may nahiga sa kama.

"Salamat sa paghatid. Lumayas ka na," saad ko.

"I still want to talk to you," he replied.

Amoy na amoy ko talaga sya. Parang tsokolate tong katabi ko.

"You're cute when you're drunk," he stated. Ewan ko sayo Hyungwon.

"I can't talk to you when they're around," saad nya. Kumunot ang noo ko. Tss. Pansin ko nga na hindi nya ako kinakausap kapag kasama namin ang mga boys.

"Ang arte mo naman," sabi ko. Tumawa sya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko.

"Lumalabas ang attitude mo ngayon, and I like it," saad nya. Ewan ko talaga sayo Hyungwon. I just want to sleep.

"Anyway," panimula nya.

"Tungkol sa sinabi ni Minhyuk," aniya.

"Hmmm.. bakit," tanong ko. Dinadalaw na talaga ako ng antok.

"May posibilidad na tama ang hinala mo," sabi nya.

"Hmmm.. paano mo nasabi?," mahinang tanong ko. Wait. Ano nga ba ang tinutukoy ni Hyungwon?

"May naaalala ako," sagot nya.

As much as I want so badly to ask him about that ay hindi ko na magawa. Kalat na ang alcohol sa sistema ko. Wala na rin akong masagot sakanya. Hanggang sa hindi ko na marinig ang boses ni Hyungwon.

~

Nagising ang diwa ko nang may marinig akong pagkatok. Hindi ko pinansin iyon dahil gusto ko pang matulog. Ang sakit rin ng ulo ko kaya ayokong bumangon.

Kinapa ko ang kumot (dahil malamig.)

Pero natigilan ako nang hindi kumot ang nahahawakan ko ngayon. Iminulat ko ang mga mata ko.

Gulat na gulat kong tiningnan ang mukha ni Hyungwon na sobrang lapit sa mukha ko. Yung mukha nya pala ang ang nahahawakan ko.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa mukha nya.

Wait. Natulog sya dito? Dito sa kama kung saan ako natulog?! Ghad.

Nang makabawi ako sa gulat ay tahimik na lumayo ako at bumangon pero dahil sa may kumatok ay nahulog ako sa kama. Damn. Ang ganda ng umaga ko. (Note the sarcasm.)

Mabilis akong tumayo at napailing sa natutulog na Sleeping Pills. Feel na feel nya ang pagtulog dito.

"Hoy Hyungwon! Ilabas mo si Mozy!," kumunot ang noo ko sa kumakatok na mukhang si Wonho.

Wait. Did he lock the door? (Pinipihit kasi ni Wonho ang doorknob.)

Napatakip ako ng bibig. Di kaya? Ghad. Wag kang ganyan Mozy. Kompleto patong suot mo at bakit ka naman pagsasamantalan ng Sleeping Pills na yan. (Hindi ka pasok sa standards ni Hyungwon.)

"Hoy Hyungwon! Sisirain namin tong pinto kapag hindi ka pa lumabas dyan!," mabilis akong lumapit sa pintuan at pinagbuksan ang nagrereklamong si Wonho.

Natigilan ako nang sila pala apat nila Kihyun,Minhyuk,Shownu at Wonho.

"Goodmorning?," alanganin kong bati.

"Sa sahig ako natulog, hindi kami nagtabi," agaran kong dahilan. Yo even lied Mozy! But I need to lie!

Ghad. Nakakahiya sa mga boys. Iba ang tingin nila! Wala namang nangyari e.

"Gugulpihin na ba namin si Hyungwon?," tanong ni Wonho.

Pinasadahan namin ng tingin ang mahimbing na natutulog na si Hyungwon.

"Nah. Let's just have some coffee. Ang sakit ng ulo ko," saad ko.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko at nagsipunta kami sa kitchen. Umupo ako sa counter at humalumbaba. Ang sakit talaga ng ulo ko. Tinabihan ako ni Kihyun.

"Wala ngang nangyari," sabi ko. Tumawa sya. Iba kasi ang tingin nya sakin.

"Oy Mozy defensive," dinatungan pa ni Shownu.

"Mga sira. Sabing wala e," sagot ko. Naupo ako ng maayos.

Pinagmasdan ko ang cup of coffee na nasa harap ko.

"For hangover," saad ni Minhyuk. Nagpasalamat ako sa tinimpla nyang kape.

Namasahe ko ang ulo ko.

"Tama nga kayo,"

Napatingin kami kay Kihyun. He's looking at me. Sinabing walang nangyari e.

"What?," natanong ko.

"You look familiar to me too,"

Pati ba naman ikaw Kihyun?

××××

Updated! ❤❤ 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro