39: Happy Birthday

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Step by f(x)






"Easy right?," tiningnan ko ng masama si Hyungwon. Anong madali sa mga sinabi nya?




"Anong madali? Iexplain mo sa alam ko na lingwahe. Para ka namang nakorean sa sinabi mong yun," natawa sya sakin.




Tinatawanan nya lang ako dahil magaling sya sa Statistics e. Edi sya na nga ang matalino. (Matalino din naman ako pero hindi talaga pagdating sa Math.)




"Step by step mong ipaliwanag Hyungwon," utos ko. Tiningnan nya ako.



"Stop looking at me like that. Nakakaasar ka," tinawanan nya ako. Kaasar talaga.




Inexplain nyang muli ang mga hindi ko naintindihan. (Lahat ata.) Tapos ayun medyo gets ko na matapos ang ilang examples na ginawa nya.


"Makakapasa ka Biscuit. You'll be fine," best in moral support tong si Hyungwon. Tinanguan ko sya.




"Sana nga talaga," saad ko.




Bukas na ang second exam at kailangan kong makapasa sa Statistics. Kaya inubos ko ang isang linggo para lang sa subject na yun. Tsaka pati oras din ni Hyungwon ay inubos ko kaya dapat ang talaga ako makapasa. I need to do my best.





Kaya kinabukasan habang hinihintay ko na ipasa sakin ang testpaper ay nagdarasal na talaga ako. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim bago ko pasadahan ng tingin ang testpaper.



Ghad. Napag-aralan ko tong lahat! Dininig ang dasal ko! Ghad!



Bago ko pa ako mamental block ay agad ako ng sinagutan iyon. Pinasadahan ko ng ngiti ang teacher namin nang ipasa ko ang papel ko. Pinapahiwatig ko sakanya na makakapasa ako ngayong exam.




Masaya akong lumabas ng classroom. Feeling ko ang tali-talino ko na sa Statistics. Pero syempre ngayon lang to dahil pagkatapos magdaan ng ilang araw ay makakalimutan ko na rin ang mga pinag-aralan ko. (May amnesia nga kasi ako lol.)


Nang dinner time ay pansin ni Cindy ang ngiti ko. At kinuwento ko sakanya ang tungkol sa Statistics. Ang babaw ng ngiti ko pero sa masaya ako e.



"Nasaan nga pala si Alaska?," she asked. Nagkibit-balikat ako.




"Hindi ko alam, baka nasama sa boys? Gangster naman sya diba?," pahayag ko.




Nasa labas kasi ang boys. Hindi ko alam kung may gangfight sila o ano. Masyado akong kinain ng Statistics ngayong araw. Napatango si Cindy.



"Anyway, okay ka na ba Queen? Wala na bang gumugulo sayo? After what happened sa closet mo nakakabahala nang mag-isa ka," she pouted after saying that.


Tinanguan ko naman sya.


"Wala naman ng nangyayaring masama. Siguro gusto lang talaga ako takutin ng taong gumawa nun," I answered.



"Do you have any idea kung sino ang gagawa sayo nito? Para kasing ang lakas ng loob ng gumawa nun, you're the Queen of Monsta X Clan kaya dapat lang na matakot ang kung sino man na gawan ka ng masama," pahayag nya.




Hindi ko masyadong iniisip kung sino ang taong gumawa sakin nun. Ayokong istress ang sarili ko sakanya. Masyado na nga akong pagod sa Statistics palang tapos iisipin ko pa sya.



"Anyway Queen, anong isusuot mo sa party?," kumunot ang noo ko.



Party? May party na naman? Ang hilig magparty ng mga tao dito.



"Ako, wala pa akong naiisip na costume na isusuot," saad nya.



"Kelan at anong party ang tinutukoy mo?," I asked. Pinandilatan ako ni Cindy.




"Ah. Hindi mo pa nga pala alam ang tungkol sa Holloween Party na sa susunod na linggo na mangyayari! Everyone's talking about it," well, maliban na lang siguro sakin na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.



"Malapit na ang one week vacation e," ani nya pa. Napatango ako dun. Naiisip kong bisitahin si Mommy Rose sa one week vacation ko na iyon. Si dad kasi mukhang imposible na makapunta dito.



Nag-usap kami ni Cindy tungkol sa mga pwede naming maging custome. Madami syang sinuggest pero hindi ko pa alam kung ano ang pipiliin ko dun. Maybe I'll ask Alaska kung anong bagay sakin.



Matapos naming kumain ay nabalik ako sa Hideout. Tahimik ang Hideout kaya naisipan kong matulog na lang. At kakahiga ko pa lang ay tumunog ang cellphone ko at binasa ko kung sino tumatawag bago sagutin.


"O. Napatawag ka ata Hyungwon?," tanong ko. I heard him chuckled.



"Nasaan nga pala kayo? Mag-isa lang ako dito sa Hideout e, ang tahimik. Kasama nyo ba si Alaska?," tanong ko. Hindi sya nasagot kaya napakunot ang noo ko.



Tiningnan ko kung tama ba na kay Hyungwon tong number. At tama nga, sakanya nga.



"Hoy? Andyan ka pa ba?," muli kong tanong.



"Magsalita ka naman! Para naman akong baliw na nagsasalita dito," wala parin akong narinig na sagot mula sakanya. Pero alam kong nakikinig sya.



"Sleeping Pills? Hello? Ano ba yan! Para talaga akong tanga ngayon!," rinig ko ang pagtawa nya.


Ghad. Anong trip to Hyungwon?


"Tinawagan mo lang ako para pagtawanan? Iba din tong trip mo e," saad ko. Hindi parin sya nasagot at naaasar na talaga ako.


"Bahala ka nga. Ibaba ko na to," sabi ko. Rinig ko ang pag-ubo nya. Magpaparamdam ka parin pala e. Kailangan pa kitang takutin.


"Just talk," ha? Ano daw?

"Ano naman ang sasabihin ko? Ginagawa mo naman akong tanga. Nakakaasar ka na," tumawa sya. Ang weird nya.


"Hmmm...anything. Tell me about your exam in Statistics," saad nya.



"Well, salamat nga pala sa pagtulong sakin na magreview dahil nasagutan ko ang lahat ng mga tanong sa exam!," napabangon ako.


"It's good to hear that. I know you can do it," napangiti ako.



"Anyway. Nasaan na nga pala kayo ngayon?," tanong ko. Pansin ko kasi na parang nasa daan si Hyungwon dahil sa mga tunong ng sasakyan.



"On their way," saad nya. Napatango ako.


"Biscuit," napakagat ako ng labi.

"Yeah?," tanong ko.


"You'll be fine. I'll be back, goodnight," sabi nya. Napatango ako.


"Okay goodnight. Ingat kayo," saad ko at natapos na ang aming usapan.



Matapos iyon ay dinalaw din ako ng antok. Ang tagal kasi ng boys na dumating.



Kinabukasan ay pagkamulat ko ng mga mata ko ay tahimik parin. I mean. Umuwi ba ang boys kagabi? Bumangon ako. Ang sarap ng tulog ko. Dahil siguro sa nasagutan ko ang Statistics.







Naghilamos muna ako at nagbihis (dahil Sabado ngayon, walang pasok.) Saktong nakarinig ako ng katok (boses ni Jooheon yun.)


"Wait a minute!," sigaw ko at matapos kong suklayin ang buhok ko ay lumabas na ako.


"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY QUEEN!!!,"


May sumabog na confetti at nabato ako sa kinatatayuan ko.



Pinasadahan ko ng tingin ang buong living room. Ang daming balloons na kulay pink at mukhang pinaghandaan nila ang birthday ko? Nabalik ko ang tingin sakanila.



"Bakit ganyan ang reaskyon mo?Hindi mo ba Birthday ngayon?," tanong ni Kihyun na may party hat na suot. Lahat sila ay may suot na party hat.


"Queen? Hindi ka ba natuwa? Pangit ba ang ginawa namin?" Cindy asked.




Napailing ako. Hindi lang ako makapaniwala na naalala nila? Kahit kasi ako ay hindi ko tintandaan ang kaarawan ko. Hindi rin ako nagcecelebrate e. Paano ako makapagcecelebrate kung ako lang mag-isa diba?



"Paano nyo nalaman ang tungkol sa Birthday ko? Hindi ko naman nasabi sainyo ang tungkol dito,diba?," gulat na gulat talaga ako ngayon.


Nilapitan ako ni Alaska.


"Sabihin na lang nating magaling kaming manghula. But it's not what matter today. What matter is that, it's your day at dapat masaya ka! You're finally 18!," she exclaimed.


May nilahad syang regalo at tinanggap ko iyon.



"Open it later because right now you need to blow the candles and make a wish!," sumang-ayon ang lahat.



Pinanood ko ang pagsindi ni Minhyuk ng 18 candles. Yep. I'm finally 18! Makukulong na talaga ako kapag may ginawa akong krimen.



Anyway, ang ganda ng cake na pinili nila. Parang ang sayang kainin. Binasa ko rin ang nakasulat sa cake.



'Happy Birthday Queen of Monsta X!' ❤- Monsta Family


My heart is melting right now.

Matapos masindihan ni Minhyuk ang mga kandila ay pinaupo ako sa harap ng cake at pumikit. Ano pa ba ang mahihiling ko ngayon? Hmm.. siguro yung mga alaala ko na lang. Tama Mozy. Yun ang dapat mong hilingin.


I wish and hope that I will remember everything that I have lost.



After wishing that, I blew off all the candles.



Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masyadong overwhelming to. They even prepare food for me at mga regalo.(Napaaga ang pasko sakin.) Napag-alaman kong kagabi nila ito hinanda. Kaya pala iniwan akong ma-isa dito sa Hideout. They're even sorry dahil hindi daw nila ako mabigyan ng magarang birthday celebration. Napailing na nga lang ako sa sinabi nilang iyon. Masayang masaya na nga ako sa ganito dahil hindi ako mag-isa sa birtday ko.



Dahil Sabado naman ay nagkaraoke din. (Ang gaganda ng boses mga boys. Nagtataka nga ako kung gangsters ba to sila o isang boyband.) May mga games din silang hinanda and I had a lot of fun today. Pero may napapansin ako. Parang may kulang sakanila. May kulang na isa. Hyungwon's not here.


Kinulbit ko ang kumakain na si I.M.

"Where's Hyungwon?," I asked. Napalunok muna sya bago sagutin ako.


"Ah. Nakalimutan naming sabihin na umalis sya patungo America. His grandfather died," pinandilatan ko si I.M.

Ghad.

Kaya ba tumawag sya kagabi dahil dun? Bakit hindi nya sinabi? Nainis pa ako sakanya tapos namatayan pala sya! That Sleeping Pills!



"Pero akala namin alam mo na. He called you last night, right?," tumango ako. Pero hindi naman sinabi ng Sleeping Pills na yun na aalis pala sya! Darn. Mahirap bang magsabing aalis sya? May pa goodnight pa syang nalalaman! I'm so frustrated right now!

Kinuha ko ang cellphone ko at baka may text sya na hindi ko nabasa. Pero pangalan ni dad ang nababasa ko ngayon. He's calling.

I think my wish was granted today. Kailangan kong tanungin si dad tungkol sa mga hinala ng boys. May koneksyon nga ba ako sakanila?



×××

Another update ❤
Thank you for supporting this monbebes! 😚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro