4: His Warning

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Stuck by Monsta X

Nahiga ako sa kasunod na kama. Pinasadahan ko sya ng tingin nang makaadjust na sa dilim tong mga mata ko at dahil narin sa liwanag na nanggagaling sa full moon ay nakita ko ang mukha nya.

Nakapikit sya at mukhang tulog nga. Bakit ba ang hilig nyang matulog? Anyway, gabi na rin naman kaya natural lang na matulog yung tao Mozy.

Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit dito talaga sya sa kwarto ko napunta na naman. Wala ba syang sariling kwarto? O baka outsider to?

Ang dami ko namang tanong na hindi ko rin alam ang sagot. Tsss.. matulog ka na rin siguro Mozy. Napabuntong hininga ako kapag naaalala ko ang sinabi ni Minhyuk.

Pero dapat kong sundin yun. Iiwasan ko si Kihyun. Hindi naman mahirap gawin yun dahil hindi pa naman kami ganun ka close. Ang sakin lang ay sana hindi na rin nya ako lapitan.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang dalawin ako ng antok. Himalang nakatulog ako na hindi inaalala tong cutie na to.

At pagkagising ko ng umaga ay may kumot na ako at wala na rin yung lalaki sa kama ko. Nagtataka kong pinagmasdan ang kumot.

Di kaya yung cutie ang nagkumot sakin? Napailing ako sa tanong sa isipan.

Malabo yun Mozy. Bakit ka naman kukumutan ng lalaking yun?

Tuluyan na akong bumangon at nagpalit ng damit. Unang gabi ko sa Monsta X Academy ay hindi na masama. Ang lambot ng kama ko e.

Nang masigurado kong maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. This will be my first ever breakfast here in Monsta X Academy. Medyo kabisado ko naman ang daan patungo dun dahil nga isa yun sa mga pinuntahan namin ni Kihyun.

And speaking of him. I met his gaze when I entered the Dining Hall and Minhyuk's too.

Agad akong umiwas. Bigla kasi akong kinabahan! Iba talaga makatingin sakin si Minhyuk! Para bang pinapalayas nya ako sa Dining Hall. Pero hindi ko sya susundin. Nagugutom ako.

Kumuha ako ng tray dahil wala nga gaanong studyante ay walang pila sa pagkuha ng pagkain.

Pati mga pagkain dito sa academy parang sa hotel din! Eat all you can! Parang fiesta!
Mukhang mapupuno ang plato ko sa sobrang sarap tingnan ng pagkain ko.

Nagulat naman ako nang may maglagay sa plato ko ng fried chicken.

Pinasadahan ko ng tingin ang naglagay nun.

"Thank you for last night,"

Nabato ako dahil si cutie yung naglagay nun.

Hindi agad ako nakagalaw ng umalis sya. Kumakabog yung puso ko. Ang lapit nya kasi kanina kaya kita ko talagang makinis ang mukha nya. Ang gwapo.

Napailing ako. Huy Mozy! Gumalaw ka na!

Mabilis agad akong kumuha ng pagkain at umupo sa malayo sa pwesto nila Kihyun.
Hindi ko man nga lang sila matingnan!

I started eating nang may tumabi sakin. God. It's Kihyun.

"Hindi ka na nakabalik kagabi,"

Tama nga pala. Tsss. Hindi man lang ako pinagtakpan ni Minhyuk!

"Ah. Sumakit kasi ang ulo sa sobrang lakas ng music,"I lied.

Napatango si Kihyun.

"Dun ka na lang samin maupo,"kumakabog talaga ang puso ko sa ideyang yun.

Napailing ako.

"Hindi na. Dito na lang ako," sagot ko.

"Okay. Sasamahan na lang kita," aniya.

Tumango na lang ako kesa sa namang paalisin ko sya. Dapat hindi ako ang pinagsasabihan ni Minhyuk. It should be Kihyun. Hindi naman na big deal sakin kung hindi nya ako kausapin.

"Magkakilala ba kayo ni Hyungwon?," tiningnan ko sya.

"Sino yun?," natawa sya.

"Kakaiba ka talaga Mozy," aniya.

Sino yung Hyungwon?

"Yung nakaputi," turo nya sa pwesto nila kanina.

Nag-aalanganin na tumingin ako sa tinuturo nya at baka kay Minhyuk pa mapunta ang tingin ko. Pero lumingon parin ako.

"That's Hyungwon. Our sleeping prince,"

Napakurap ako. Yung cutie ba ang tinuturo ni Kihyun o mali ako.

"Nakita ko kasi kanina na nilapitan ka nya," ibinalik ko ang tingin kay Kihyun.

So si cutie nga yung Hyungwon. Kasama din pala to sa circle of friends ni Kihyun. Bakit ba ako napapasabit sa grupo nila.

"Are you two friends?," napandilatan ko si Kihyun.

"Hindi. Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan nya," saad ko. Ngumiti sya.

"Anyway. May gagawin ka ba ngayong araw?," napailing ako.

Gosh. Mozy dapat umu-oo ka! Iiwasan mo nga si Kihyun diba!

"Good, gusto mo bang sumama samin?," napalunok ako.

"Where?,"

At pinagsisihan ko ang tanong na yun. After we had our breakfast ay sumama na ako kay Kihyun. This is still awkward! Mabait naman yung iba sakin at kinakausap nga ako. Pwera na lang kay Minhyuk at Hyungwon. Tahimik pala tong si Hyungwon. Pamilyar nga ang pangalan nya. Parang narinig ko na kung saan hindi ko lang matandaan.

Pumunta kami sa parking lot. Ang sinabi ni Kihyun ay lalabas sila ng Monsta X Academy at hindi naman talaga ako sasama pero pinilit ako ni Kihyun. I can't say no to him.

And so, may apat na bmx sa parking lot. Alam ko ang tawag sa bisekletabng iyon dahil maraming ganun sa dati kong skwelahan. Mostly, mga gangster ang gumagamit nun.

"Sa akin ka na umangkas," ani ni Kihyun at napatango ako.

Sinimulan kaming tuksuhin ng mga kaibigan nya pwera na naman sa dalawa. Minhyuk at Hyungwon. Dahil si Minhyuk ay parang galit habanh si Hyungwon ay naka earphones.

Nakakahiya lang talaga.

Halatang halata ang inis sa mukha ni Minhyuk. Alam kong disappointed sya sa mga nangyayari at sakin. I said yes to him pero hindi ko parin napanindigan.

Lumabas na kami ng tuluyan ng Monsta X Academy. Pwede pang maglabas pasok sa academy dahil sembreak pa, but when the class starts. Going out is prohibited.

Kihyun told me we we're going in their resthouse na malapit lang sa academy. I'm not really used to be friends with guys. And honestly, wala talaga akong kaibigan noon pa man, kaya nga naninibago ako.

We stopped first in a store. At sila Shownu,Jooheon, I.M at Wonho ang pumasok para bumili ng pagkain, I supposed.

Nakaangkas ako kay Kihyun at ganun din si Hyungwon kay Minhyuk. Iniiwas ko na lang ang tingin sa dalawa. Nakakailang lang talaga.

Hindi rin naman nagtagal ay umalis kami dun at pumunta na nga sa resthouse nila Kihyun. Okay. Sila na nga ang mayaman.

Pagkababa ko ay pinasadahan ko ng tingin ang resthouse na malapit sa isang lake at pinalilibutan ng matatayog na puno or more like gubat.

Nagsitakbuhan ang mga boys papasok sa resthouse. They're really cute. Yes, I admitted it.

Naiwan naman kami ni Kihyun.

"Okay lang ba talaga na andito ako?," kumunot ang noo nya.

"What d'you mean?," balik nyang tanong.

"I mean, baka yung iba mong kaibigan ayaw sakin? Baka kasi nasisira ko yung lakad nyo o ano," sabi ko. Hindi naman ako nagsusumbong. Gusto ko lang malaman ni Kihyun ang tungkol dito.

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.

"Gusto ka nila. Don't worry too much," he said.

Parang boyfriend ang dating ni Kihyun sakin. Napagkakamalan kaming magboyfriend dahil dito. Kakikilala pa nga namin.

Sumunod naman kami matapos iyon. Naabutan kong naglalaro ng xbox si Wonho at I.M. Habang si Jooheon at Shownu ay nasa kusina. Ako? Nakaupo at nanood sa kanilang lahat.

Hindi ko naman mahagilap si Hyungwon. I mean, hindi sa hinahanap ko talaga sya pero sya lang kasi yung wala dito.

"Pizza!," masayang saad ng boys nang inilapag ni Kihyun ang apat na box ng pizza.

"Nasaan si Hyungwon?," tanong ni Shownu.

"Nasa taas. Natutulog,"napatingin ako kay Minhyuk. Tsss.. bakit ba ang sama ng tingin nya sakin.

"Natutulog na naman yun? Pinaglihi ba tong si Hyungwon sa sloth?," nagtawanan sila sa biniro ni I.M.

"Ang sabihin nyo, sa sleeping pills sya pinaglihi!," dagdag pa ni Jooheon.

"Nakalimutan natin yung energy drink ni sleeping prince," muli silang nagtawanan.

Oo nga. Parati na lang natulog ang lalaking yun. Bagay nga ang sleeping prince sakanya.

And so, nagsimula ang kasiyahan. Sobrang natutuwa ako sakanila dahil ang kukulit nila. Nakita ko na rin na tumawa si Minhyuk. May talent din naman pala tong si Minhyuk ngumiti eh. Akala ko magmasid lang sakin ang alam nya.

Tumayo ako para magbanyo at tinuro ni Kihyun kung saan kaya sinunod ko iyon.

Pero bakit mukhang nawawala ako? Ang daming kwarto. Ano bang pinto ng banyo dito? Mukhang pare-pareho lang naman sila.

Pinasok ko isa-isa ang bawat pinto na madaanan ko hanggang sa mapadpad ako sa isang kwarto at nakita ko ang natutulog na si Hyungwon.

Cutie. I thought.

Hindi na ako pumasok at baka magising ko. Hinanap ko na lang ang banyo pero nagulat akong makita si Minhyuk.

Nilapitan nya ako.

"Diba pinagsabihan na kita?," heto na naman.

"I know Minhyuk. Pero sana si Kihyun ang kausapin mo at hindi ako," aalis na sana ako nang hawakan nya ako sa braso.

"Mapapahamak ka lang kapag kasama mo kami, wala kang alam kung anong pinapasok mo," iba ang tono ng boses nya. Hindi galit kundi nag-aalala? Ah ewan.


Binitawan naman nya ako matapos sabihin iyon at umalis din. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.







Author's Note:

I will return everything. Just wait for some time 💓

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro