Special Chapter: Minhyuk Trejos

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Paper Hearts by f(×)




Naramdaman ko ang pagbaba ni Mozy nang tumigil kami sa Cafeteria. Nang malagay ko sa safe place si M ay pumasok na kami sa loob.


Pinanood ko ang reaksyon ni Mozy nang makapasok kami. Manghang-mangha ang ekspresyon ng mukha nya dahil siguro sa Cafeteria namin. Natawa ako sa isipan ko. Sa tagal ko na dito sa Monsta X Academy ay nawala na ang pagkamangha ko sa ganda ng academy na to. But seeing her like this, parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman nya ngayon. Bumabalik yung pakiramdam na nakalimutan ko na kung ano.


Humarap sya sakin nang nakangiti.



"Anong pinapabili ng boys?," she asked.


I calm myself. Lumapit ako sa mga pagkain at itinuon ang atensyon dun. Ano nga ba yung inutos ng mga ungas sakin.


"Mukhang ang sasarap din ng pagkain nyo dito sa Cafeteria nyo. Pero the best ang pagkain sa Dining Hall," komento nya.


Tiningnan ko sya. Nakatingin sya sa mga desserts at cakes. Mahilig talaga sya sa matamis?


"Pumili ka lang kahit ano dyan. My treat," agad nya akong tiningnan. Nanlalaki ang mga mata nya at mukhang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.


"Talaga!? Ililibre mo ko?," dahan-dahan akong tumango.


Para syang nanalo sa lotto sa reaksyon nya ngayon. Ang babaw ng dahilan ng ngiti nya. May mga babaeng pa ba talagang sumasaya sa maliliit na bagay.

"Omg. Hindi ako makapili," rinig kong saad nya.


Muli akong natawa sa isipan ko. Natatawa ako sa reaskyon nya.


Binili ko na ang mga inuutos ng mga ungas sakin saka nagbayad na. Pinasadahan ko ng tingin ang namimili paring si Mozy. Napagdesisyunan kong lapitan sya.


"Hindi ako makapili," saad nya.


Tiningnan ko ang mga desserts and cakes.


"RedVelvet cake, masarap yan," I suggested.


Tumango sya. Favorite ko rin kasi yun.


"Sige. Mukhang masarap nga," aniya.


"I think it's best if you eat it here. Hindi ka makakain ng maayos sa gym," tiningnan nya ako. Mukhang nag-iisip sya.

"Hmmm..how about you?," tumaas ang kilay ko.

"I'm fine. Magkwentuhan na lang tayo habang kumakain ka,"

"Sige," she answered.


Matapos kong bayaran ang Redvelvet cake nya ay umupo kami sa bakanteng pwesto.

Nakatuon ang atensyon nya sa cake habang ako ay nakatingin sakanya.


Para bang kinakausap nya ito sa isipan nya bago kainin.


"Salamat sa libre Minhyuk," she happily said. Napatango ako.


Hmmmm.. now what Minhyuk? Akala ko ba magkukwentuhan kayo? Pero wala akong maisip na pwedeng itanong sakanya.




"Minhyuk," nagulat tuloy ako sa pagtawag nya.

Mukhang sya yata ang unang magtatanong.


"Galit ka ba talaga kay Miesza?,"


Hindi ko inaasahan ang tanong nyang iyon. Wala pa naman akong balak na isali si Miesza sa usapan namin. Pero sasagutin ko na lang sya.


Tumango ako. Nanliliit ang mga mata nya sakin na para bang mali ang sinagot ko.

"Hmmm. Galit ka ba dahil sa ginawa nya o galit ka dahil kailangan mong magalit?," kumunot ang noo ko.

Anong tanong yun?


"Pasensya na ah. Napapaisip kasi ako sa dahilan mo. Satingin ko kasi may nararamdaman ka pa para sakanya pero nauunahan ka ng galit dahil sa nangyari noon," napakagat sya ng labi matapos sabihin yun.


Ibig nya bang sabihin na gusto ko pa si Miesza?


Pero hindi ko masabi.


"You still care for her at kapag nag-aalala ka sa isang tao ibig sabihin nun ay may puwang sya sa puso mo," kapag nag-aalala? Muli akong napaisip.


Yeah. I still care about Miesza pero hindi katulad ng iniisip nya.


"Nasugatan ka nya ng malalim kaya tinataboy mo sya. If I were you, stop wasting time. Hindi mo kasi alam ang mga mangyayari. Katulad ng dad ko," biglang lumungkot ang mukha nya.


Nawala yung ngiti sa labi nya. I suddenly felt bad.

Gusto ko sanang itanong kung ano yung tungkol sa dad nya pero baka mas lalo lang syang lumungkot.



"I will tell a secret Minhyuk," inangat nya ang tingin nya.


"About my mom," nakangiti nyang saad pero kita ko sa mga mata nya ang lungkot.

Kasalanan mo ata to Minhyuk kaya sya nalulungkot ngayon.

Huminga sya ng malalim.



"Nung magising akong walang maaalala tungkol sa lahat ay nabulag din ako sa mga totoong nangyayari. Hindi ko nakita na may hindi pagkakaintindihan ang mga magulang ko dati. Nagising lang ako isang gabing maulan at nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. I was just 9 years old back then nang makita ko ang pag-alis ni mom. She was carrying her things at nakita ko mula sa bintana ng kwarto ko ang pagluhod ni dad. Begging her to stay,"


Tulala syang nagkukuwento. Parang inaalala nya talaga ang sandaling iyon.


She smiled.


"It turns out. My mom was having an affair with her workmate in the hospital,"


Great. Pinapaiyak mo talaga sya Minhyuk.


"Tapos nun. Sobra ang naging galit ni dad sa mom ko. Hindi nya ako hinahayaang makita si mom matapos silang maghiwalay. At lumipas ang isang taon na walang communication sa mom ko ay nalaman na lang naming namatay sya dahil sa isang aksidente," tumingin sya sa labas, pinagmasdan ko sya.




"Sabi ng iba, karma na daw yun ni mom dahil sa ginawa nya kay dad pero nakita ko sa dad ko ang pagsisisi. He was regretting as if sya pa yung may kasalanan sa kanilang dalawa. Or maybe he's regretting because he chose the hatred than forgiveness. Walang closure. At hanggang ngayon dinadala parin yun ng dad ko," binalik nya ang tingin sakin. Now she's smiling.




"Ang lesson kwento ko ay, always choose to forgive kahit na masakit. Mas gagaan ang nararamdaman mo kapag nagpatawad ka. Kaya kung ako sayo, talk to Miesza," nagpatuloy sya sa pagkain ng cake.


I was speechless. I want to comfort her pero hindi ko alam kung paano.


"Mozy," tiningnan nya ako.



"I'm sorry. Hindi naging maganda ang pinakita ko sayo dati. I was so hard on you. I judged you early without knowing you," humina ang boses ko.

I still feel guilty. Hindi ko alam kung bakit. Parang kulang yung sorry.




"It's okay. Bayad ka na dahil nilibre mo ko," malapad ang ngiti nya.


Ganun lang?


"Don't worry, your secret is safe with me," ngumiti sya abot hanggang mata.


Bakit ganito ang mga ngiti nya.


"It's a secret between us then," she pointed her finger to me.



"Promise?,"


Napangiti ako. Okay.


"I promise,"

No wonder why Kihyun likes her.










A's note:

Special Chapter is ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro