Chapter 6: Bitter isn't Better

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vaughn's POV

Dinala kami ng driver namin kanina sa Abode. Ito ay tila isang maliit condominium sa loob ng Cuppio University. May mahigit labing dalawang palapag ito. Dito namamalagi ang mga bumibisita sa Cuppio University. At dahil maraming pumunta upang manood ng Sarva Rankings ngayon ay alam kong punuan rito ngayon. Pero alam ko ring hindi kami dadalhin rito kung wala ng bakanteng mga unit para sa amin.

Kasalukuyang kaming naglalakad nila Auriel at Dyzon papunta sa aming unit matapos namin maihatid sina Quia at Zadiana sa kanilang unit. At gaya ng madalas, kapag nasa iisang lugar si Auriel at Dyzon, hindi magiging tahimik ang kapaligiran. Pinapagusapan nila ang kanilang pustahan--na akala ko ay hindi na nila itutuloy, pero mali ako.

Hindi nagtagal ay narating na rin namin sa wakas ang aming unit. Dahil nasa akin ang card ay ako ang naunang pumasok. Pero agad din akong napako sa aking kinatatayuan nang biglang bumalik sa aking isipan kung papaano tumibok ang aking puso kanina, kung paano gustong-gusto kong lumapit kay Quia, kung paanong tila may kumikiliti sa aking tiyan, kung paanong ayaw ko siya lubayan ng tingin.

Bakit?

At, nanlaki ang aking mga mata nang may napagtanto ako.

"Pare, you are blocking the door," rinig kong sabi ni Dyzon, pero hindi ako gumalaw--hindi makapaniwala sa "pwedeng" nangyari kani-kanina lang.

This can't be happening...

"Huy, dude, bakit--"

Hindi na natuloy ni Auriel ang kanyang sasabihin dahil tumunog ang aking cellphone. Wala sa sarili ko itong sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag dahil kung sino man ang tumatawag sa akin ay alam kong isa iyon sa mga kadugo ko--kung sakaling tama man ang aking hinala.

"Vaughn," bati sa akin ng baritonong boses ng aking ama, "congratulations!"

Mariin akong napapikit--dahil mukhang tama nga ang aking hinala--at agad na nag-chant. Sa isang kisap mata ay nasa poolside na ako, nasa harapan ng Abode.

"Padre..." tila bulong kong sabi.

"Uy, no me lo esperaba así," gulat na sabi na aking ama, hindi niya akalain na magiging ganoon ang aking reaksyon.

"Vaya, pues no me lo esperaba tampoco," sarkastikong sagot ko na man sa kanya.

Narinig kong napabuntong-hininga ang aking ama sa aking sagot. At kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong napapa-iling siya ngayon--isang mannerism na namana ko sa kanya.

"¡Tienes suerte de tener pareja! Lo que está destinado, está destinado--"

"¿Entonces yo también estaba destinado a una familia destrozada, padre?" putol ko sa sinasabi ng aking ama.

What is destined, is destined?! Bullshit!

Bilang isang altus, oo, alam kong isa itong biyaya--isang biyaya na hindi lahat ay nabibigyan, isang biyaya na hindi lahat nabibigyan sa tamang oras. Kung tutuusin, ang swerte kong makita at malaman kung sino ang nakatakda para sa akin ngayong hindi pa ako nakakabuo ng sarili kong pamilya--hindi gaya ng aking ama.

"Ah, claro, por eso no puedes celebrar..."

Napatingin ako palayo.

Dapat masaya ako ngayon, eh. Dapat masaya ako kasi, nakita ko na siya--ang babaeng itinakda para sa akin. Dapat masaya ako dahil binigyan ako ng ganito. Pero, bakit? Bakit hindi ko mapigilang malungkot para sa pamilya naming nasira dahil sa pagdating ng nakatakdang babae kay ama?

Why did I let the bitterness overpower the sweetness of this whole situation?

"Lo siento mucho," biglang sabi ng aking ama.

"Deja de culparte, padre. I have to go. Adiós," sabi ko at agad na ibinababa ang tawag.

~

Alas sais na ng gabi. Kasalukuyang kaming nakaupo sa bilog na lamesa sa ilalim ng maliwanag ng buwan. Katabi ko si Quia--na parehong iniiwas ang kanyang mata sa akin. Sa kabilang gilid ko naman ay si Dyzon kung saan katabi niya si Zadiana. Katabi naman ni Zadiana si Auriel. Bakante naman ang silyang pinapagitnaan nina Quia at Auriel dahil hindi pa dumadating si Olive--na siyang pakay namin dito sa Cebu.

Habang naghihintay kay Olive ay pinapakwento nila si Quia tungkol sa diyosang Klovia at ang mga nagawa na ni Quia para dito. Hindi man ako nakatingin sa "kanya" ay nasa kanya naman ang aking mga tenga.

Nalaman naming noong una ay akala rin ni Quia na guni-guni lang ng kanyang isipan ang tungkol sa diyosang Klovia. Ngunit, isang araw ay para makumbinsi ng diyosang Klovia si Quia na totoong siya nga ang nagpapakita sa kanya ay pinapunta niya si Quia sa Catania--sa isla ng Sicily sa Italya. Bukod sa mataas na crime rate sa lugar na iyan ay may isang clan rin ng bampira ang naninirahan sa isla.

Dahil labing-walong taon pa lamang si Quia ng panahon na iyan--ibig sabihin ay pang nuwebe anyos pa ang kanyang katawan--ay sinamahan siya ni Kingkong para hanapin ang ika-anim na libro ng orasyon na sinasabi ng diyosang Klovia at nahanap nga nila matapos ang madugong paglalakbay dahil sa pag-atake ng mga bampira.

"Bakit hindi sinabing kasali ka pala sa nakahanap ng ika-anim na libro ng orasyon?" tanong ni Zadiana, "I mean, didn't you deserve to be recognized as well? We thought it was all Kingkong, yet without you, there will be no sixth book of spells in the history of altus."

Damn, why did the goddess Klovia gave me such a special mate?

Ngumiti si Quia--ngiting hindi ko kayang iwasan pa, bahala na--at tumingin siya sa buwan, "I had to protect my identity because it's the only way to protect my mission--this mission."--Binalik niya ang kanyang tingin sa amin--"And, I am not doing this mission for recognition either."

A smile formed in my lips.

"I'm sorry for being late," umalingaw-ngaw na sabi ng bagong dating na si Olive.

Agad kong inalis ang aking paningin kay Quia agad na tumayo upang makipagkamaykay Olive--na nakasuot ng all-black running attire kahit nasa isang mamahaling restaurant kami at formal attire ang dress code. Bakas sa kanyang mukha at katawan ang natamong sakit sa Sarva Rankings niya kanina.

"No, we are actually glad for your efforts to meet us right after your Sarva Rankings, Olive," sabi ni Dyzon, sabay nakipagkamay kay Olive.

Isa-isa kaming nakipagkamay kay Olive. Pagkatapos ay sabay kaming anim na naupo. Tinawag din namin agad ang waiter at um-order na ng dinner. Habang nihihintay ang first course ay pinakilala ulit ni Quia ang kanyang sarili kay Olive at hinihingi ang kung sakaling magiging tulong ni Olive sa misyon.

"You can count on me, Quia," simpleng sabi ni Olive, "After losing this year's Sarva Ranking, I also need a distraction--"

"Wait, what?" Nanlaki ang mga mata ni Auriel.

"You didn't lose, right?" puno ng pag-asang sabi ni Dyzon.

Naningkit ang mata ni Olive.

"Did someone place bets on me?" puno ng dudang sabi ni Olive, na ikinangisi ko.

This is going to be interesting...

"Vaughn," biglang sabi ni Quia sa aking isipan na agad ikinalaho ng ngisi sa aking labi.

Agad akong tumingin sa kanya nang may kunot sa noo. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatingin siya kay Olive.

"Have you figured it out?" patuloy ni Quia.

Biglang may mga tila lumilipad sa aking tiyan, pero hindi ko ito pinansin.

"Can you be more specific?" sagot ko sa kanya.

"You know what I meant," sabi niya, sabay tingin sa akin.

Hindi ko alam bakit uminit ang aking mukha kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Do you want to talk about it now?" tanong ko.

At hindi siya sumagot.

Why do I have a bad feeling about us?

Well, last night, Olive discovered that both Dyzon and Auriel had placed bets on her Sarva Ranking performance. To compensate for losing the bet, Dyzon, on top of owing Olive a favor like Auriel, offered her another favor as well, which she accepted.

(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

Good morning, guys! Here's an early--currently at 5 in the morning--update! This will be the first update for this week. Please wait for the next one either within this day or tomorrow.

By the way, translations will be attached in the comments of each line.

Let me know what you think in the comments. Your votes is highly appreciated too!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro