Chapter 12: Day 1- Project making

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Debbie’s POV

Papasok na ako ng school, 'di ko kasabay yung dalawa dahil may kanya-kanya silang Agenda. Naglalakad ako at para akong lutang ngayon dahil maaga akong nagising, at pinilit ko namang matulog, ayaw na. Sabi naman ni Seven, uwian daw gagawin. Wag daw akong tatakas. Siya na nagisip wala naman daw akong matutulong, Parehas daw kaming kakanta iibahin lang daw ang lyrics, pauso talaga akala mo naman ang ganda ng boses..

Bigla namang may umakbay sa akin at nakita kong si Seven, napalunok naman ako at napangiti pero 'di ko na lang pinahalata sa kanya. Pagkapasok na pagkapasok namin ng gate may nakita na akong mga babaeng nakatitig sa'kin at parang gusto na nila akong kainin ng buhay. Hays, muntik ko na nga palang makalimutan heart throb nga pala to.  Minsan 'di ko talaga ang dahilan kung bakit nagkagusto ako dito e.

“Alam mo ba, yung babaeng hampaslupa na yan ay isang Bitch! Inaagaw saatin si Seven!”

“Oo nga! Siya pa nga daw ang lumalapit! Niyakap pa si Seven?! So Ew! KADIRI SIYA! ANG LANDI!”

“Let me correct  SOBRANG LANDI! Tapos kinaibigan pa niya yung ibang kaibigan ni Seven, baka nga pinaakbay lang niya si Seven sa kanya at napilitan si Seven! Desperada!”

Yan ang sinasabi nila sa akin, magbubulungan na nga lang naririnig ko pa! Naiinis ako sa kadahilanang tinawag nila akong MALANDI, okay lang sana kung hampaslupa eh. Gusto ko sana silang sigawan pero sinasabi ng isip ko na HUWAG. Kailangan kong magtimpi, mamaya kung anong magawa ko sa mga hipon na 'to. Kaya nga ako lumipat para magkaroon ng bagong buhay.

“Don’t mind them.” Sabi ni Seven habang naka-akbay pa rin sa akin habang naglalakad.

“Ba’t ka ba naman kasi nang-aakbay diyan?” Pabulong ko na lang na sabi, gusto ko mang tanggalin yung kamay niya sa balikat ko pero 'di ko naman magawa.

“Wag mo nang alamin, mamaya magka-utang na loob ka pa sa akin. Maglakad ka na lang.” Sabi niya, anong pinagsasabi nitong utang na loob?

'Di na ako nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad, Magkakaroon pa daw ako ng utang na loob sa kanya? Paano naman mangyayari yun? Wala naman siyang ginagawang maganda. Ininsulto pa nga ako ng mga babae kanina e. Kung ibang babae nakarinig nun malamang umiiyak na siya, pero dahil iba ako, iba din ang epekto sa akin ng salitang mga sinasabi nila.

“Uy! Ano diyan ka na lang nandito na tayo sa classroom oh!” Sabi niya. Napatingin naman ako sa section ng classroom. Bumalik na sa Reyalidad ang Diwa ko.

“Ay, sorry. Ba’t ba ang haba mo magsalita ngayon at nagtatagalog ka ah.”

“Psh.” Singhal niya't bumalik na naman siya sa pagiging One word man.

Pumasok na kami sa loob at nagsimula na ang klase, puro pointers lang naman ang mga binibigay sa amin dahil malapit nang mag-exam next week na din yun. Walang klase kaya, pinapagawa na lang kami ng reviewer para memorization na lang sa bahay.

“Bessy! Miss na kita, sorry ah. Minsan 'di na tayo nakakapagsabay umuwi alam mo naman malapit nang mag-exam.” Sabi ni Bessy, magkatabi kasi kami ngayon dahil gusto naming magkapartner kami pagdating sa mga Review.

“Okay lang yun no! Sorry din ah. Nga pala, nakapagsimula na ba kayo ni James para sa last ating project sa Mapeh?” Sabi ko. Yun yung project namin kay Sir Jose, yung music Video and Mini Video.

“Ah. Oo! Nakagawa na kami, pero 'di pa naman tapos itutuloy namin siya mamaya. Music Video yung amin, lahat naman daw e. Walang pumili ng Mini Movie. Kayo?” Sabi naman niya.

“Di pa e, mamaya pa lang kami din naman music Video. Parehas daw kaming kakanta, lakas maka-leader eh no? Pero 'di ko naman alam kung maganda ba ang boses niya so 'di ko naman masasabing hindi.” Pagpapaliwanag ko.

“Grabe naman kasi makapagbigay ng project kung kelan 1 week na lang bago mag-exam.”

“Oo nga e. Kamusta na pala kayo ni James? Yie!”

“Ayun okay lang naman. Masaya! Ikaw kamusta na ang lovelife mo? Hoy! Nakita kitang pinagbubulungan kanina ah? Buti di mo pinatulan?” Sabi niya, malamang sa malamang nag-aalala 'to sa'kin.

“Okay lang, ganun pa din. Normal feeling. Anyways, alam mo namang kaya nga ako lumipat dito para makapag-bagong buhay? Ayoko naman nilang maranasan nila yung ginagawa ko dati.” Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

“Basta wag kang magpapa-api ah! Nako, sinasabi ko sayo sasapakin ko yung mga pagmumukha ng mga yun.”

Nagsimula na ulit kaming magreview, medyo inaantok na ako. Hanggang sa matapos na lahat ng klase, nagpaalam na ako sa kanila at nagsimula nang maglakad papunta sa bahay ng Leader kuno, ang gentleman naman nun. Ba’t ba kasi ako nagka-crush dun pwede namang iba na lang.

“Ang gwapo talagaaa! Kyaaaaah!”

“Ang gwapo niya nga, tas dala pa niya yung sasakyan niyang bago."

“Iloveyou seven!”

May nakita naman akong mga babae na nagkukumpulan dun sa labas ng Campus, yung iba nagtitilian ang sakit sa tenga nakakakaasar, dumaan na lang ako dun sa kabila dahil medyo malawak dun at dun lang din naman ang may space. 'Di naman ako interesado dahil gagawa pa kami ng  project, at may rehearsals pala kami today.

Pero napalingon naman ako ng may tumawag sa pangalan ko, Deb daw. Alam ko na kung kanina galing yun, boses pa lang eh. Bakit naman kasi siya nandito? Akala ko ba magre-rehearse kami sa bahay nila? Malayo pa ang lalakarin ko baka pinagi-tripan nga lang ako nito e.

“Sakay.” Sabi niya, aba! Intusan pa ako. Psh!

“Malayo ang bahay mo, maglalakad pa ako. Sige na.” Sabi ko magsisimula na sana akong maglakad ng tawagin niya ako ulit.

“Sakay. Sabay tayong pupunta ng bahay. Bilis!” Sabi niya, medyo nabingi naman ako sa sinabi niya. Akala ko ba magisa lang akong pupunta sa bahay nila?

“Ano? Anong sabi mo?! Sabay as in, sasakay ako sa kotse mo?”

“Oo nga! Sakay na. Psh. Slow mo.”

'Di ko alam pero ang saya sa pakiramdam, sabay kaming pupunta sa bahay nila. Nandun kaya ang parents niya? Baka makilala ko na ang soon futuere in laws ko! Hihi!

Naglakad naman na ako papalapit sa kotse niya akala ko ba naman pagbubuksan niya ako ng pinto! Akala ko Gentleman na talaga siya oo! Yun pala hindi. Narinig ko na naman ang bulong-bulungan pinilit ko na lang na 'di pakinggan baka ano pang magawa ko.

Inistart na niya yung kotse, at nagdrive na siya, napagusapan na namin yung sa project pero 'di ko pa naman nakakalimutan kung ano yung Dare namin! Sana kalimutan na lang niya~

“Hoy! Ayusin mo ah. Nakasalalay ang grade mo at grade ko dito!” Sabi niya sa akin, akala ko ba wala 'tong pakialam sa project.

“Oo na po! Psh  Dami mong alam. Sino naman ang magvi-video diba? Tsaka ba’t ba ang bilis bilis?! Ngayon na magrerecord? Aba! Wala nga akong nadala-dalang admit e.” Sabi ko. Magvi-video na daw ng kalahati. 'Di madali yun no!

“Ang dami mong alam! Sumunod ka na lang!” Nagpatuloy naman siya sa pagda-drive nakita ko naman yung mga bahay dito ang dami tapos ang tataas at mukhang malalawak sa loob.

Hininto naman niya yung kotse siguro dito naman na yung bahay nila. At ang laki nung Gate!

WOAH!

Automatic namang nagbukas yung gate at pinasok niya yung kotse, may Fountain din sila dito. Ang Astig! Ang ganda pa!

“Baba na. Naka-nganga ka pa diyan.” Sabi niya, ang sungit talaga nito.

“Ano ba 'to! Panira ng moment.”

Bumaba naman na kami at nakita ko yung mga maids nag-Good afternoon sila. Nakakailang, pare-parehas lang naman kaming kumakain pero sabagay kasi kasambahay sila dito. Ang laki nung bahay, ang daming kwarto malawak. Nagkikita-kita pa kaya sila dito? May narinig naman akong footsteps at may nakita akong magandang babae! Ang ganda niya! Swear.

“Hi. Ikaw ba si Debbie?” Sabi nung babaeng nakashorts tas mahabang t-shirt. Ang cute! Tapos ang liit niya mga nasa Flat 5 ang height.

“Ah eh, opo. Hello po.” Nahihiya kong bati sa kanya.

“Ako nga pala si Julia. Ate ako ni Steve.”

“Don’t call me steve.” Sabi naman ni Seven. Pati pala sa Ate niya ang sungit niya.

“Bakit maganda naman ah! Psh. Anyways, magkaklase  ba kayo?” Tanong naman ni Julia.

“Oo, Magkaklase nga kami. Anong year mo na?”

“3rd year College na ako. Ang liit ko no? Saklap nga e. Pero okay lang, I’m pretty naman. Anyways, pasok na kayo.”

Naglakad lakad na kami, humiwalay sa'min si Seven dahil magbibihis daw siya. Ang init daw kasi, nahiya naman ako sa akin diba? Naka-longsleeve pa ako. Ang laki nung leaving room nila, tapos malaki din yung kitchen, may Music Room sila, Intertainment room basta! Lahat na ata ng gadgets nandito pero may nakita akong dalawang kwarto. Yun daw ang sa Mom and Dad nila. Pero magkasama talaga sila sa iisang kwarto, minsan pag may bisita daw sila dun daw natutulog.

Tumambay naman kami sa Kwarto niya, ang dami niyang damit 'di gaya ko. Puro lang kasi ako pantalon diba? Tapos 'di naman madami yung t-shirts ko yung sasakto lang sa akin.

Hanggang sa pumunta na kami sa sala, inantay namin si Seven. Kumuha naman siya ng maiinom dahil baka daw nauuhaw na daw ako. Ang bait naman niya, kakaiba dun sa kapatid niya.

“Hoy, tara na! Magre-record pa tayo muna ng kanta, pagkatapos magre-rehearse na tayo at magte-tape.” Bungad na sabi sa akin ni Seven. Ang bait talaga no? Tumayo naman ako.

“Grabe ka, talaga. Tsk! Anyways, dadating si Mom and Dad mamayang 6, dito na siya magdi-dinner ah?” Sabi ni Ate Julia.

“Psh. No Choice.” Tugonni Seven.

Nagpunta na kami ng music room. Harana daw ang kakantahin tapos ipapakita na parang inlove daw yung babae at lalaki sa isa’t isa pero tutulungan daw kami ni Ate Julia dun dahil wala naman daw siyang alam dun.

“Alam mo naman na yung gagawin diba? Basta magrerecord ako. Pindutin mo lang yung start pagka, tapos na pindutin mo yung stop okay?” Pagpapaliwanag niya sa akin. Anong akala niya sa akin?! Bobo?!

“OO NA! Paulit-ulit. Go! Shoo! Shoo! Galingan mong kumanta ah! Mamaya pangit yang boses mo!”

“Makinig ka ng mabuti diyan. Mamaya mainlove ka pa sa akin.” Sabi niya at pumunta na dun sa loob.

“Ewan ko sayo.”

Inayos niya muna yung mga kailngan, parang recording studio naman siya. Mayaman talaga 'to! Inaantay ko naman yung senyas niya.

Uso pa ba ang harana

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Mayron pang dalang mga rosas

Suot nama'y maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Naka-porma naka-barong

Sa awiting daig pa ang minus one

At sing along.

Totoo nga maganda nga ang boses niya, nakatingin lang siya as akin habang ako naman nakaupo lang dun sa labas tapos nakikinig sa boses niya. 'Di ko alam may hidden talent pala 'to, masarap sa tenga yung boses niya. 'Di naman matining yun boses, swabe lang. Pinindot ko na yung stop dahil, ako na ang susunod.

Pumunta na ako sa loob antayin ko lang daw yung Go signal niya. Bago pa man ako kumanta nakita ko si Ate Julia na Nandun pumasok at umupo. Nahihiya naman akong kumanta.

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Binubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa'yo..

Ginandahan ko naman yung pagkanta ko, pero palagay ko talaga alam kung maganda ang kinalabasan. Maganda yung taste niya sa pagpili ng kanta ah. Ang ganda nung meaning. Kanino naman kaya niya dinededicate to may pakanta-kanta pa siya ng ganito. Lumabas na ako ulit at sumigaw naman si Ate Julia.

“Woooh! Ang galing mo naman kumanta. Ang soft ng boses mo. Amazing!” Sabi ni Ate Julia.

“Ay, Hehehe. Salamat. Parang hindi nga e, matagal na din kasi akong hindi kumakanta.” Sabi ko naman.

“Anong hindi tignan mo nga yang kapatid ko oh!” Sabay duro kay Seven. Nakatulala siya sa akin, hawak hawak yung phone niya. Tignignan ko naman yung pindutan dun, na-stop naman niya.

“Uy! Ba’t ka tulala diyan?” Sabi ko habang niyuyogyog ko siya. Bigla naman ata siyang nagulat at nanlaki yung mata niya.

“O-oh! B-bakit k-ka ba nandyan?! Bilis na! Tapusin na natin yun!” Sabi niya. Ang weird naman neto. Naninigaw bigla oo.

“Ang Weird mo.”

“Ate, Ikaw na bahala ah. Alam mo naman yung gagawin, matagal ka nang nandito.”

“Oo na. Akala mo di ko alam to? Go. Kanta na kayo dun! Go go go!”

Pumasok naman na ako sa loob at pati din siya. Dalawang side yun, tas may Space sa gitna na para makita ang isa’t isa. Sa mga nabasa ko sa Article, ang gamit nun ay kapag gumagawa daw ng mga ganun para daw magkaroon ng Eye to eye contact mga ganun.

Di ba parang isang sine

Isang pelikulang romantiko

Di ba't ikaw ang bidang artista

At ako ang 'yong leading man

Sa istoryang nagwawakas

Sa pag-ibig na wagas

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw

At sa awitin kong ito (Awitin kong ito)

Sana'y maibigan mo

Binubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa 'yo..

Saba’y naming kinanta yan, nagtititigan lang kami hanggang sa matapos, 'di ko alam pero nakangiti ako sa kanya. 'Di ko alam pero automatic na biglang gumalaw yung bibig ko at napangiti ako.

Bigla namang pumalakpak si Ate Julia at parang natauhan naman kami at sabay umiwas ng tingin, ngumiti naman ako kay Ate Julia at lumabas na kami.

“Pwede na kayong mag-duet! Ang galing!” Sabi ni Ate Julia.

“Salamat, siya nga yung magaling kumanta e, 'di ko alam may talent pala yan.” Sabi ko sabay duro kay Seven at tumawa ng bahagya.

“Ano?! Ikaw nga diyan e, ang panget ng boses.” Sabi naman ni Seven.

Pero nakatulala ka sa akin kanina, At pumayag ka pang magduet tayo? Aminin mo na kasi, Humble naman ako.”

“Psh. Tara na, ie-edit ko na lang yan mamaya. Ate, tara na mag-video kana!”

“Ang bossy mo naman. Psh.”

Lumabas na kami at pumunta kami ng garden, dun daw yung unang scene. Nakaupo lang ako dun tas makikilala ko siya. Paulit-ulit kasi ang kulit ni Ate Julia, pag kinikilig biglang sisigaw at maririnig dun sa DSLR. Ang saya diba? Nakakapagod kaya. Hanggang magtagal, mga 6 na din kami natapos para sa 1 minute na video na 1 hour namin natapos.

Pagkapasok namin sa loob, uminom kami ng juice at nagkwentuhan kami. Magkatabi naman kami ni Seven pero may distance. Ayoko ng dumikit sa kanya, parang nakukuryente yung katawan at balat ko e. Bigla namang may dumating na batang babae, Ang cute niya. Chubby cheeks tapos ang puti.

“Hi Everyoneeee!” Sabi nung bata, ang hyper.

“Hi baby. Come here to Ate. How’s your day? Is it Good?” Sabi ni Ate Julia. Lumapit naman yung batang cute sa kanya.

“Yaaaah! It is so Good Ate, look!" Sabi niya't itinaas ang kamay niya. "I got 5 stars. I’m so good in my studies Ate. Hihihi.” Englishera ang bata, baka pag kinausap ako nito dumugo yung ilong ko.

“Nice. Keep it up baby, How’s your friends?”

“Uhm, I think it’s not that good.”

“Why? What happened?” Singit naman ni Seven. Aba! Nagiging concerned din pala to no, mabait din pala.

“Because, they are saying that I just got many stars today because they think that I am the favorite of our teacher. And also because we are sponsoring the school.”

“Aw, don’t believe in them baby. We know that you are doing your best in studying. Just believe in your self. Okay baby? And tell me if someone is bullying you ha?” Sabi ni Seven. Aba, mahal na mahal niya ang kapatid niya ah.

“Thank you kuya and Ate! Iloveyouuu!” Lumapit naman siya sa dalawa at niyakap.

Nung palapit na siya sa kuya niya, napatingin naman siya sa akin. Nakangiti siya tas ang cute cute talaga. Hihihi! Gusto kong pisilin yung mukha niya.

“Hello! What is your name?” Nakangiting sabi nung bata.

“I’m Ate Debbie, nice meeting you. You know, you're so cute.” Sabi ko sa kanya, at inilahad ang kamay ko.

“Hello. You are also pretty. Hihihi! I am, Chichi. Nice to meet you too. Are you the girlfriend of my Kuya?” Sabi niya. Napanganga na naman ako pati na din si Seven sa sinabi niya.

“NO!/NO!” Sabi naming dalawa ni Seven.

“Ow, I see. You know, I like you Ate. Hihihi! You are so cute together with my kuya. Can you carry me? Please?” Sabi ni Chichi, sabay pout at puppy eyes. Ang cute niya talaga.

Nakita ko naman yung dalawa na nakanganga pero sakto lang pero napawi din at ngumiti sila.

“Sure, Come on to Ate.” Sabi ko't binuhat ko naman siya.

“Thankyou! I like you already so much ate. I wish you are also my real older sister.”

“I wish also, I wish I can have you. Hihihi.”

Bigla namang may pumasok na Isang babae at lalaki na matatanda na, pero mukha pa rin silang bata. Nakatingin sila sa akin, at parang nagtataka kung sino ako.

“N-nagpabuhat s-sayo ang anak ko?” Sabi nung babae.

“A-ah O-opo. Nagpapabuhat po kasi siya e.”

“Nice. First time kong nakita na nagpabuhat siya sa ibang tao. Maliban sa Ate at Kuya niya pati na din kami.”

“She’s pretty and kind not like the other girl that girl named Patricia. I don’t like her." Sabi niya't umirap, sino naman yung patricia na yun? "She’s so perfect. So I like her. Hihihi.” Pagpapatuloy niya.

“Oh, I see.”

“Hi Mom! Hi Dad!” Sabi ni Ate Julia, si Seven naman 'di nambati. Akala mo namn 'di niya magulang.

“Good evening Mom and Dad.” Sabi ni Seven. Nakita ko naman yung mukha ng mga magulang niya na gulat.

“G-good evening din anak. M-may B-bago ata sayo?”

“Anyways, Dad and Mom This is Debbie.” Pagi-introduce niya sa akin.

“Hello po. Goodevening.” Bati ko sa magulang niya.

“Ow, so Ikaw yung kasama sa project ng Anak ko? Sabay ba kayong pumunta dito?” Tanong ng tatay niya.

“O-opo Sir.” Sabi ko.

“Nako wag mo na akong tawaging Sir, Tawagin mo na lang akong Tito Daniel, Tas siya naman si Tita Kim mo. Ang pormal mo naman, mabait kang bata panigurado.”

“Ah, Sige po Si-- Este Tito Daniel.”

“Nga pala, Close ba talaga kayo neto? Buti ng nagdadala na ng ibang tao After 2 years. Nagsasawa na nga ako sa mukha nung ng mga kaibigan niya. Hahahaha.” Sabi ni Tita Kim.

“Hindi naman po kami ganung ka-close pero magkaklase at seatmates po kami.”

“Ah. I see. Pero mukhang close kayo. Tara, sabay kana sa aming mag-dinner.”

“Ay, hindi na po. Gabi na po kasi e,  uuwi na lang po ako. Salamat na lang po sa pag-aya.” Binaba ko naman si Chichi at pinaupo.

“I insist give me the contact number of your parents and I’ll call them.” Sabi ni Tita Kim.

Nahiya naman ako kaya binigay ko na lang yung card na binigay sa akin ni Tatay. Sabi niya lagi ko daw ilagay sa wallet in case of emergency.

“Ow, so Tatay mo pala si Vergilio Enriquez?”

“A-ah Opo. Bakit po?”

“Wag kang kabahan, sa company namin siya nagta-trabaho. Kaya pala medyo kamukha mo siya. Napalaki ka siguro ng maayos ng tatay mo.”

“Ah. Opo. Salamat. Hehe.”

Naglakad na sila papunta ng lamesa, nakaluto na pala, parang wala naman akong namoy kanina, nagpalit naman ng damit si Chichi, tapos dumiretso na kami sa lamesa. Actually, kapag kumakain talaga ako nakakalimutan ko ang table manners, at baka mamaya ganun na naman ang mangyari sa akin. Umupo naman ako ng maayos at inantay namin si Chichi, abot naman niya yung lamesa kaya nakakasabay siya sa pagkain.

At lumabas na yung mga maid. Natakam naman ako sa nakita ko dahil may PAKBET! Yes! Makakain ko na naman yung favorite ko, iba ibang putahe and nasa lamesa. Nagsimula na kaming kumain.

Kain lang ako ng kain. Pero, napansin ko nakatitig sila sa akin.  Bigla namang nag-beep yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung nagtext.

From: Seven

Ang dami mong nakaing kanin, ganyan kaba talaga kumain?

Tumingin naman ako sa kanila at nakatitig pa rin sila sa akin, isama mo na si Seven. Nahihiya naman ako buti na lang ubos na din yung pagkain ko. Kaya 'di na ako kumuha. Nakakahiya.

'Sabi ko na ba e, magiging ganito ang pangyayari. Dapat talaga umuwi na lang talaga ako.’

“Hahahahahahahaha.” Tumawa si Tito Daniel at si Tita Kim.

Sa sobrang hiya ko, yumuko na lang ako at pinikit ang mata ko.

“Nako, wag kang mahiya. Okay lang yan, ganyan din ako no. Buti ka nga hindi maarte kumain e.” Sabi ni Tita kim. Medyo nabuhayan naman ako at Tinaas ang ulo ko, huminga muna ako ng malalim.

“Hehehe. Sorry po, ganito po talaga kasi ako, ayoko pong magpaka-plastic tsaka, may nakita po kasi akong pakbet kaya natutuwa akong kumain.”

“Ah. Kaya naman pala, Okay lang yan. Mas maganda ang magpakatotoo! Yan nga din ang nagustuhan ko sa Tita Kim mo e.” Sabi ni Tito Daniel.

“Hays. Akala ko po tatarayan niyo po ako. Salamat!”

Nagusap kami hanggang sa mga 8 na nang gabi, niyaya naman ako ng nanay ni Seven na pumunta kami palabas ng sabay, pinahatid na lang nila ako sa driver nila.

“Iha, salamat ah.”

“Bakit naman po? Tsaka, saan po kayo nagpapasalamat?” Nagtataka kong tanong kay Tita.

“Kasi, parang nagbabago na ulit si Steve.”

“Nagbabago po? Sa paanong paraan?”

“Di mo pa ba alam yung dating siya? Yung laging nakasimangot, parang galit sa mundo, ayaw ng kausap, 'di nagso-sorry, :l'di nagte-Thankyou at kung magsalita man one word lang.” sabi ni tita. Ang haba naman nun, parang lahat naman na ata yan nakita ko sa kanya.

“Ah! Yun ba po? Ganun pa din naman po siya minsan. Pero mas maaliwalas na po siya ng konti ngayon.”

“Di lang yun, Alam mo bang 'di na siya nakasimangot sa bahay, 'di na siya nagagalit gaya ng dati, Kinakausap na niya ako na parang nanay niya talaga, nagso-sorry na siya at nagte-thankyou, at nagsasalita na siya ng mahaba, at higit sa lahat nagpapa-alam na siya sa akin. Dati 'di siya ganyan, at ikaw pa lang ang pangalawang babaeng pinapunta niya sa bahay.” Mahabang paliwanag ni Tita.

“Di naman po yun dahil sa akin, sa inyo po yun lahat po kayo nakakatulong sa kanya. 'Di ko man po alam yung nakaraan niya, pero alam ko pong mabait siya sa inyo sa lahat pero 'di niya lang po pinapahalata pero alam ko pong concern siya.”

“Nako, andrama naman natin. Pwedeng humingi ng Favor?” Sabi ni Tita, at hinawakan ang kamay ko.

“A-ano po yun?” Nauutal kong sabi.

“Sana, wag mong iwanan si Steve, sana lagi ka lang nandyan para sa kanya.” Bulalas niya, nagulat naman ako sa sinabi niya, anong iiwan? Bakit iiwan?

“H-ha b-bakit naman po?”

“Kasi, alam kong may kakaiba sayo, sana tiisin mo kahit na minsan moody ang anak ko. Yun lang ang hiling ko.”

“Di ko po mapapangakong 'di ko siya iiwan pero lagi po akong nandito para sa kanya.”

“Salamat. Oh sige, umuwi kana. Sinabi ko na sa Driver kung saan ka nakatira. I hope makita kita ulit, at makapagdinner ka ulit dito.”

“Ako din po. Maraming salamat po.”

Sumakay na ako ng kotse at kumaway kay Tita, nasanay na ata akong nakiki-tita? Aba. Pero bakit ganun naman yung sinabi sa akin ng nanay niya? Para namang mamatay yung anak niya? Joke!

Pero, nakakapagtaka talaga, bakit sabi niya wag kong iwan? Eh, magkaibigan lang kami nun, 'di ko nga sure kung friends kami e. Mabait naman sila, buo ang pamilya at masaya.

Sana ganun din ang pamilya ko, sana buhay pa si mama.’

“Ma’am dito na po ba ang bahay niyo?”

“A-ay! Opo. Maraming salamat po. Hahaha.”

“Sige po.”

Umalis naman na si Manong, kumatok naman ako at bumungad sa akin si Tatay. Medyo wirdo yung mukha niya, parang ang daming tanong. Nagmano muna ako bago tuluyang pumasok.

“Tay, tulog na po ako ah?”

“Oh sige anak. Bukas na lang natin pag-usapan.”

“Opo Tay.”

Umakyat naman na ako ng hagdan at nagbihis ng damit, naligo at tuluyang nahiga. Iniisip ko pa din kung bakit ganun ako kausapin ng nanay niya. Bigla namang tumunog yung phone ko.

From: Seven.

‘Goodnight. Thankyou.’

Napangiti naman ako, at nagreply.

To: Seven

‘Goodnight din. Thankyouuuu!’

Nilapag ko na sa lamesa yung phone at natulog. Panibagong bukas na naman.

-----

~ A U T H O R S N O T E  ~

I hope you enjoy reading the update! :)

Chapter 12: Day 1- Project making.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :* ^____^v

Thank you so much! :*

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro