Chapter 20: New things happen.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Debbie's POV

Pumasok na ako ng school, nabasa ko din ang mga text nila. Si seven nga talaga yung naghahanap sa akin, si bessy agad ang nareplayan ko, balak ko na sanang replayan si Seven kaso ubos na yung load ko. Eh, tinatamad na akong magload kaya 'di ko na din siya nareplayan.

Habang naglalakad ako, nagsisi-tinginan naman sa akin yung mga tao. Para silang insecure na ewan ang tingin sa akin. Yung iba naman maka-irap naman sa akin wagas.

Nakita ko naman sila Gab na nasa tambayan, malapit sa building namin yun. Nakatitig naman sila sa akin at nakadilat ang mata.

"Hello guys!" Sabi sa kanila.

Nagkusot pa ng mata si James parang di makapaniwala na nandito ako.

"Deb! Buti nandito kana!" Sabi ni Anne.

"Grabe! Pinagalala mo kami!" Singit naman ni Natasha.

"Halos, mabaliw baliw na kaya kami kakahanap sayo! Ba't ka ba kasi nagtu-turn-off ng phone?!" Sabi naman ni bessy.

Ngumiti naman ako sa kanila bago sumagot. "Nalowbat kasi yung phone ko kahapon e. Sorry guys. Pero ang sarap sa feeling nagaalala kayo sa akin." Sabi ko sa kanila at niyakap sila.

"Si Seven nga halos di na magkanda-ugaga sa paghahanap sayo e!" Sabi naman ni Gab.

"Lahat nang lugar na pinupuntahan mo pinuntahan namin, buti na lang nagtext sa amin yang si Roxanne kaya medyo nakampante na kami." Sabi naman ni Kyle.

"Oo nga, pero yang labi mo tsaka pisngi mo anong nangyari ba't may band aid?" Sabi naman ni James, napahawak naman ako dun sa sugat ko. Naalala ko tuloy yung mga kupal na yun! Tsk!

"Ah! Eto ba? Napagdiskitahan ako diyan sa parking lot kahapon e. Nung time na hinahanap ko kayo, akala ko kayo yung mga naguusap dun sa likod ng kotse kaya lumapit ako, kaso hindi pala. Lumaban ako pero madami kasi sila e. Haha! Ayan nasuntok na nasampal pa. Muntik pa nila akong galawin." Pagpapaliwanag ko sa kanila, para naman kasi akong nasa hotseat.

"Nako! Tangina naman pala ng mga yun e!" Sigaw ni James, aw. Concern siya sa akin.

"I'll inform mom about this. Para din sa security nating lahat." Sabi naman ni Kyle.

"Buti walang nangyaring masama sayo?" Sabi naman ni Gab agad naman siyang binatukan ni Natasha.

"Tanga! Masama na yun no! Gusto mo tuluyan pa siya gahasain?! Sira ulo ka talaga!" Sabi ni Natasha. May pagka-amazona din to. Buti natatagalan siya ni Gab. Hahaha.

"Sorry naman. So yun nga buti di ka "Ginahasa" may nagligtas sayo?" Sabi ulit ni Gab.

"Oo, buti na lang narinig ni Chard yung sigaw ko. Kaya ayun, kaso nawalan ako ng malay, pagkagising ko nasa bahay na ako nila Chard." Sabi ko naman sa kanila.

Nagtinginan naman sila, tinginan na parang naguusap sila gamit lang ang mga mata.

"Oo nga no, ba't di natin tinawagan si Chard kagabi?" Sabi naman ni Bessy.

"Nawala din sa isip ko sa sobrang pagaalala kay Deb." Sabi naman ni Anne.

"Eh, guys. Okay naba si Seven? Papasok na ba siya? Wala na ba siyang sakit?" Sabi ko sa kanila, nakatitig lang sila sa akin at ngumiti.

"Hoy! Ba't makangiti kayo diyan, para kayong may binabalak na masama!" Sabi ko sa kanila pero nagtawanan lang sila.

"Si Seven ba?" Sabi ni James.

"Okay na siya!" Sabi naman ni Bessy.

"Halos nga magkanda ugaga na yun kagabi kakahanap sayo!' Sabi naman ni Kyle.

"Nagtawag pa ng pulis para lang sayo." Sabi naman ni Anne.

"Halos nga sigawan na niya si Roxanne kagabi sa sobrang pag-aalala sayo." Sabi naman ni Gab.

"Halos, di na makatulog yun kakahanap sayo, yun pala nakanila chard ka lang." Sabi naman ni Natasha.

"So, kailangan sunod-sunod kayo? Ganern?" Sabi ko kayo.

Ngumiti lang sila sa akin na halatang nagpipigil ng tawa.

"At halos, mabaliw na ako kakaisip sayo." Sabi ng isang lalaki na nakatapat pa ang labi sa mga tenga ko.

Agad namang naginit ang pisngi ko. Namumula na siguro ako. Dahil dito, napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Seven na nakatayo sa harap ko at nakatingin sa mga mata ko.

Magkatitigan kami ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Sobrang higpit na akala mo nawala ako ng sobrang tagal sa tabi niya.

"Akala ko, kung saan kana napunta, akala ko mawawala ka din, alam mo ba kung paano mo ako pinagalala? Di ko alam kung saan lumalop kana nagpunta, bigla ka na lang nawala. Saan kaba nagpupunta?" Sabi niya sa akin habang nakayakap. Para naman akong tood na nakatayo lang at parang hindi matanggap ng utak ko ang mga nangyayari.

Gustuhin ko mang magsalita pero walang lumalabas na letra sa bibig ko parang wala akong masabi.

"Paano na lang pag nawala ka? Paano na sila? Paano na ako?" Sabi niya ulit. Alam kong mas lalo akong kinilig sa mga sinabi niya sa akin.

Wala pa din akong masabi, kumalas siya sa pagkayakap sa akin. Nakatingin pa din ako naghahantay na parang may sisira ng moment o baka panaginip lang ito.

Kinurot kurot ko naman yung pisngi niya pati yung braso niya kung totoo.

"Totoo 'to? As in? Walang halong biro?" Sabi ko.

Pinisil naman niya yung pisngi ko at biglang sinabing "Oo, totoo 'to di ka nanaginip." Sabi niya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact pero biglang----

"Deb!" Sabi naman ng isang lalaki na papunta sa lugar namin si Chard. Hawak hawak niya ang bag niya at nakatingin sa amin.

Napatingin din si Seven sa kanya at nagkatitigan silang dalawa, parang may something sa mga mata nila.

"Oh tara na! Kumpleto na tayo. Sakto nagbell na din." Singit naman ni James.

Tumango naman kami at nagsimula nang maglakad.

Hinawakan naman ni Chard yung balikat ko at sinabing "Kanina kapa nandito?"

"Oo." Sagot ko.

Bigla namang hinila ni Seven ang kamay ko, bigla na namang nanginit yung pisngi ko. Chansing na to ah? Haaha!

"Saan ka ba galing kagabi?" Tanong niya.

"Ahm.. ka-kanila.." Di ko alam pero parang di ko masagot yung tanong niya.

"Kanila?" Sabi niya ulit.

"Kanila Cha-chard." Sabi ko.

Napatigil naman siya sa paglalakad pero naglakad ulit siya.

"Anong ginawa mo dun? Di ka man lang nagtext miski isa sa amin? Anong nangyari diyan sa labi at pisngi mo? Ba't may sugat?" Sunod sunod niyang tanong. Daig pa yung tatay ko magtanong e.

"Alam mo na yun e, nasabi na nilang alam mo na ang dahilan pero kasi akala ko sila James yun, muntik na nila akong gahasain, buti na lang nandun si Chard, narinig ata ang sigaw ko. Sorry lowbat din kasi yung phone ko kagabi. :(" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Okay kana ba?! Eh yang pisngi at labi mo? Anong nangyari?" Tanong niyang muli.

"Eh kasi, pinilit kong lumaban kahapon naasar sa akin sinuntok yung tyan ko tapos sinampal yung mukha ko. Sorry na. Di ako nakapagsabi." Sagot ko naman sa kanya.

"Tsk! They will pay for what they had done to you! Di na ba masakit yan?" Nagaalala niyang tanong, bakit ba siya ganito ngayon? Anong nakain niya at ang sweet niya?

"Hindi na, okay na. Ginamot na siya ni Chard kagabi." Sabi ko naman sa kanya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Buti na lang pagdating namin wala pa ang teacher namin para sa Math. Ba't yun pa ang first subject namin?! kaasar naman.

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

"Okay class. That's all for today. Do this exercise on page 143 and we will have a Quiz tomorrow." Sabi ni Ms. Villajuan.

"What?! Quiz?!" Sigaw ko, pero dapat naman talaga hindi eh. Nakakahiya.

"Yes, Ms. Enriquez. Do you have any problem with it?" Sabi naman ni Ma'am.

"Ma'am nothing. Sorry." Sabi ko.

Nagpaalam naman siya at umalis na. Grabe quiz. -.- Wala naman akong masasagot dun e. Ayoko sa lahat ng subject na Math, kinamumuhian ko yan.

Tinignan ko naman si Chard pero naalala ko nga pala, binago na ang seatplan, di ko alam. Bigla na ng binago ng president namin.

Pero si Seven, katabi ko pa din. Tinignan ko naman siya at napatingin naman siya sa akin.

"Uhm.. Hehe. Seven." Sabi ko. Nakakahiya, kababae kong tao di ko nagets yung math. -.-

"Bakit?" Sabi niya nang may malapad na ngiti.

"Nakinig ka ba kay Ma'am pwede magpaturo? Hehe." Sabi ko.

"Sige, basta ikaw! Hahaha. Tara na, ganito lang naman yan. Nung third year ka tinuro naman na ito e, sana naaalala mo pa. Kung oo, mas madali ko na lang mae-explain to." Sabi niya sa akin, nahihiya ako pero kailangan dahil graduating student pa naman ako.

"Ano ba yung tinuro ni Ma'am? Hehe. ^________^v" Sabi kong muli.

"Ikaw talaga. Pasalamat ka. Ganito, basta kailangan mo munang tignan yung equation, at i-analize mo. Then, you'll need to find the answer when you multiply the index and the radicand." Sabi niya. "So what is it?" muli niyang sabi.

"4 times 4 equals 16. Yun yung nasa labas! Tama ba? Sagot ko naman.

"Correct! Tama! Galing!" Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Ano ba talagang meron sa buhok ko?

"Then you'll need to get the answer. Take it easy. Isa isa lang. x times x raise to 3 first."

"x raise to 4. Ahh! I get it naaa!"

"So the answer will be?"

" 16 square root of x raise to four y raise to three and z is still the same because the other equation has no Z." Sagot ko.

"Correct!" Sabi niya at nakangiti ng malapad.

"Basic lang pala yan e! Hahahaha! Ang yabang e no?" Sabi ko naman.

"Mas mahirap sa susunod kaya dapat alam mo na yung mga ganito. Okay? Just ask me when you don't understand somethings. Okay? Don't hesitate." Sabi niya naman sa akin at kumindat.

"Okaaaay! ^_____^" Sabi ko.

Dumating naman na si Sir Bustamante ang teacher namin sa Science. Favorite ko ito sa lahat ng subject!

"Okay class, goodmorning class." Bungad ni Sir sa amin na may malapad na ngiti.

"Goodmorning sir!" Bati naman namin.

"Prepare your 1 whole sheet of paper, we will have a surprise quiz." Sabi ni Sir, at lumabas tinawag kasi siya ng ka co-teacher niya.

Nagrereview ako ng bigla namang nakita kong nakatitig si Seven sa akin. Yung quiz namin ngayon is About chemistry. Pinapa-refresh ni Sir ang utak namin e. Kaya madali lang to, madami kasi sa amin ang nakalimutan na ito dahil ayaw daw nila ng mga computations. Ang daming alam.

"Pwede magpatulong? Di ako fan ng teacher natin sa science e." Sabi niya sa akin, nginitian ko naman siya at pinalapit.

"Paano ba yang covalent bond na yan? Di ko talaga magets e." Sabi niya at nagkamot pa ng ulo.

"Here, covalent is all about sharing of electrons. The keyword is "Sharing" Okay? Then, ang nagshe-share lang dito ay non-metals to non-metals only. Okay?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

*After several minutes of explaining the lesson*

"I get it! Thank you deb! Hahaha. Mukhang may magiging tutor na ako sa Science ah? Ako na ang tutor mo sa Math. Malapit lapit na din ang exam." Sabi naman niya. Tumango naman ako.

Yey! Kasama ko siya sa pagrereview ilang minuto na lang magsta-start na ang quiz.

Dumating naman na ang teacher namin at nagsimula na ang quiz. Pagkatapos ay nagbanggit na ng mga pangalan.

"Enriquez, Debbie Frey?" Sabi ni Sir.

"50 sir." Over 50 kasi ang quiz namin. Buti nga mabilis ko lang nasagutan. Madali lang naman kasi. Hehehe. Kami kami na lang mga magkakaibigan ang hindi natatawag.

Nagpatuloy lang na tinawag ang iba.

"Ms. Adams?"

"39 sir."

"Ms. Santana?"

"30 sir"

"Ms. Williams?"

"40 sir."

"Mr. Smith?"

"49 sir." Isa lang mali nice! Parehas kasi kami ng subject, science pero medyo nakakagulo ang physics, mas gusto ko ang chemistry.

"Mr. Schidmt?"

"40 sir."

"Mr. Osborne?"

"36 sir."

"Mr. Copper?"

"30 sir."

"So class that's all for today. You need to study more on physics. But you need a refresh all about chemistry."

Napansin naman naming hindi tinawag si Seven. Tinignan ko naman siya at nakatingin lang siya sa kawalan na ewan.

"Sir, hindi niyo po ata natawag si Seven?" Sabi ko. Totoo naman e. Ba't ba?

"Oh, you're there Mr. Swayze. I thought you are never interested in my class right?" Sabi ni Sir, napatingin naman si Seven kay Sir mukhang may away sila sa isa't isa. Dahil natahimik ang aming klase.

"I'm interested with the subject. Not in your face. Okay?" Sagot naman ni Seven.

"Oh, is that so? May ipagmamalaki kana ba sa akin? Tell me what is your score." Sabi ni Sir.

"what will you do if I got a High grade. Will you be out of this room and not ruin my day? And you will not be here in this class again?" Sabi niya.

"What if not?" Sabi naman ni Sir.

"You will not see me again." Maangas na sabi naman na sabi ni Seven, nagsmirk siya at mas gwapo siyang tignan. *o* ^____^

"So what is your score?" Sabi ni Sir.

Yung iba naming kaklase nakatingin lang talaga kay Seven, parang kinakabahan. May narinig kasi ako dati na never talagang umaatend si Seven ng class namin pag Science lalo na pag yun ang teacher namin. Ba't ngayon ko lang naalala yun?!

"As I told you, you may now go out of our class." Sabi ni Seven. Nakasmirk niyang sabi kay sir.

"Why? You don't even tell us your score." Sabi naman ni Sir.

"You lose. I pass that fucking quiz. I got..." Sabi ni Seven, loko to! Kinakabahan ako mamaya nagjojoke lang pala siyang nakapasa siya! Mamimiss ko yung gwapo kong kaklase. ^____^v Kunwari na lang wala akong sinabi. Hahaha!

"You got what?" sabi ulit ni Sir.

"I got 50. See? You may now go out of our class. Back off!" Sabi ni Seven.

Lumabas naman si Sir ng may ngiti, parang gago lang. Normal lang ata sa kanya to e.

"Tangina! Seven! Himala na ata ang nangyayari sayo!" Sabi ni James agad naman siyang binatukan ni Seven.

"Woooooh! Wala na siya! Sa wakas! Magdiwang!" Sabi ng isang kaklase namin. Madami ding nagsisigawan. May iba kasing ugali si Sir na hindi naman maganda kaya ayaw din ng ibang kaklase namin sa kanya.

"Pumapasok kana ng Science! Iba kana!" Sabi naman ni Gab. Sabay tapik ng balikat ni Seven.

"At naka perfect ka ng quiz sa science! For the first time! Himala talaga!" Sabi naman ni Kyle. Parang gago tong mga to. Hahaha.

"Dahil lang naman yan sa tutor ko. Diba deb? Pasalamat kayo. Magaling magturo yan." Sabi niya.

Naka-okay sign naman sila kaya ngumiti lang ako. :) Parang may improvement na sa buhay niya.

----

Uwian na din, saan kaya pwedeng pumunta? Ayoko nang magpunta ng parking lot no! Mamaya makita ko na naman yung mga kumag na yun.

Nagpa-announce na din ang Principal ng school tungkol sa mga nangyayari sa parking lot. Ayoko ko namang mamention. Suspended sila, ayoko namang makick-out sila. May magandang puso pa din naman ako. Hahahaha. :))

"Saan ka pupunta?" Sabi ng isang lalaki na pamilyar ang boses sa akin. Si seven lang pala. Himala wala ata siyang dalang kotse ngayon?

"Oh, ikaw pala. Pauwi na ako e. Wala ka atang dalang kotse ngayon at bakit bike yang dala mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wala lang, nabobored na akong magsasakyan e. Sabay kana sa akin?" Sabi naman niya, binigyan ko naman siya ng "Palagay-mo-kasya-ba-tayo-diyan?" look. Tumango naman siya. Mukhang naintindihan naman niya.

"Ate Deb! Sama ka sa amin!" Sabi ng isang babae galing sa lower year.

Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Seven. "Sorry di siya pwede, may pupuntahan na siya e. Diba Babe?"

"Babe.."

"Babe.."

"Babe.."

"Babe.."

"Babe.."

"Babe?!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Yes. Babe, why? Diba aalis tayo kaya di ka makakasama sa kanila right?" Sabi niya. As in babe talaga? Endearment?! :"'>

"Y-yea. S-sorry g-guys. Aalis kasi kami e." Yan na lang ang nasabi ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. :")

"Okaaay. Ang sweet niyo naman. :') Hihihihi. Sige babyeee! Bubuo na kami ng fansclub niyo ni kuya seven. <3 Byeee!" Sabi niya at umalis na sila ng nga kaibigan niya.

"Huy! Bakit babe ng tinawag mo sa akin?!" Tanong ko sa kanya, mamaya jinojoke lang ako nito.

"Gusto ko lang. Ayaw mo nun? Di kana magpapakahirap kakatawag sa akin ng Seven. Babe na ang tawag mo ha! Wag ka nang magreklamo!" Sabi niya sa akin sabay higit sa balikat ko bali parang naka-akbay siya sa akin. What what what is happening in the world?!

"May lagnat ka ba ulit?!!" Sabi ko.

"Huh?! Wala ah! Wag mo nga akong hawakan!" Sabi naman niya.

"Napaka-arte mo! Psh. Makaalis na nga." Sabi ko at nagsimula nang maglakad ng bigla naman niyang higitin ang kamay ko.

"Oh bakit? Aalis na ako." Sabi ko.

"Tara. Sakay. Hatid na kita." Sabi niya at tinuro niya pa yung bike niyang dala.

"Kaya ko naman ang sarili ko no. Sige na, umuwi kana. Mag-gagabi na din oh. 5 na." Sabi ko naman sa kanya aalis na sana ako ng bigla na naman niyang higitin yung kamay ko.

"Ba't ba higit ka ng higit ng kamy diyan?!" Sabi ko.

"Tara na, paano pag may nangyari na namang masama sayo diyan? Hahanapin na naman kita?" Sabi niya. Minsan hindi ko talaga alam kung nangaasar lang to e.

Bigla naman siyang nagsalita ulit "I insist. Please babe? Please?" Sabi niya ng naka-pout. Ang cute niyaaaa! ^____^ Siya na gwapo.

"Fine. Let's go. Gagawa pa ako ng assignments." Sabi ko sa kanya. Pagkasakay ko hindi ko naman alam kung paano na lang pag nalaglag ako dito?!

"Kapit." Sabi niya.

"Huh?" Sabi ko. Eh sa hindi ko alam kung papaano ako kakapit?!

"Haha. Kapit kana babe sa bewang ko. Wag ka nang mahiya. Mainlove ka pa sa akin." Sabi niya sa akin. Namula na naman ang mukha ko dahil medyo uminit.

"You're cute when you are blushing." Sabi niya ulit.

"Ano ba?! Wag ka nga! >.< kala mo talaga ang gwapo e." Sabi ko at pinipilit na huwag kiligin sa mga sinasabi niya.

"Matagal na akong gwapo babe." Sabi niya ang kapal talaga ng mukha nito kahit kelan. "Sige na babe. Kumapit kana sa akin."

Dahan dahan ko namang kinapit ang kamay ko sa bewang niya. Waaah! Wag kang matutukso Deb! Magtigil ka!

May abs kaya siya? *o*

Magtigil magtigil!

Isa lang naman e, di naman niya siguro mahahalata. Hahaha. :")

"Babe, may abs ako. Nagwoworkout ata ako no. Kaya wag ka nang mangapa diyan" Sabi niya.

Nakakahiya talagaaa! >.<" Tsk. Nakakatempt naman kasi e. :3

Natahimik kaming dalawa ng bigla siyang nagsalita. "Inaantok kana no? Sige, lagay mo muna yan ulo mo sa likod ko."

"Okay. Thankyou!" Sabi ko, medyo inaantok na din ako.

----

Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa isang kama na mahaba. Parang master's Bed. Kaloka!

Kulay red ang kulay ng pintura pero di naman siya sobrang red. Slightlang, di naman namin bahay to ah?!"

"Oh, gising kana pala. Di na kita ginising e. Ang himbing kasi ng tulog mo kanina." Sabi ni seven. Ibigsabihin kwarto niya to?! Ang laki ah. Parang bahay na namin to e.

"Ay, da't ginising mo na lang ako. Nakakahiya nama binuhat mo pa ata ako." Sabi ko. Nakakahiya kaya.

"Kuyaaaa! Is ate Debbie already wake up?!" sabi ni Chichi na kumakatok pa sa pinto.

"Yes baby! Come in." Sabi naman ni Seven.

"Ateeeee! Waaah i mish you so much!" Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko. Ang cute niya talaga kahit kelan. :')

"Ate also miss you so much. How are you baby?" Tanong ko sa kanya at nakaupo siya sa kabilang side ko.

"I'm okay. Hihi. Kuya always buy me chocolates. So see my teeth? Its full of chocolotes. ^_____^" Sabi naman niya.

Tinignan ko naman si seven at ngumiti lang siya, di niya siguro matanggihan yung kapatid niya na babae ang cute pa naman. ^___^

"Hey kuya! Come here. Why are you so far away from us?" Sabi ulit ni Chichi tumingin muna siya sa akin tumango naman ako na tumabi na siya.

"Kuya, see? You're like husband and wife. You are fit to each other." Sabi mi chichi, nagkatitigan naman kaming dalawa ni seven.

Grabe kay bata bata pa niya alam na niya yung mga ganung words. Saan naman kaya niya natutunan yaaan?!

"Baby, where do you learn that?" Sabi ni seven.

"In my classmate. He's name is Raymond." Sabi naman niya.

Nagtinginan naman kami at bumulong "Uy. Di kaya lumalovelife yung kapatid mo?" Sabi ko sa kanya.

"Di ko alam pero masyado pang bata yang kapatid ko para mag-mahal." Sabi naman niya.

"Hey. Why are wishpering." Sabi ni Chichi medyo bulol pa siya sa S. Haha.

"Nothing baby." Sabi naman ni Seven.

"Hey. Lesh take a picture." Sabi naman ni Chichi.

"Why baby? Why do you want to take a picture with us?" Tanong ko. Nakikibaby na din ako.

"Becaush we are like family. Plish? Lesh take a picture. I'll get the camera of Ate. Wait!" Sabi niya at labas ng kwarto.

"Haha. Ang cute ng kapatid mo. Sana may ganyan din akong kapatid." Sabi ko.

"Wala ka bang kapatid?" Sabi naman niya.

"Meron pero he died already. Nabunggo kasi siya nang dahil sa akin. It's been 5 years ago. *Hik!* Ganito kasi yung nangyari."

*Flashback*

"Ate! Tara let's buy Ice cream sabihin natin kanila mom and dad." Sabi ni Daniel.

Siya ang nakababatang kapatid ko, 10 years old ako nun, samantalang siya 5 years old. Medyo tuwid na siyang magsalita. Tuwang tuwa talaga ako ng pinanganak siya e. dahil akala ko di na ako magkakaroon ng kapatid.

"Sige, let's ask mom and dad okay?" Sabi ko naman sa kanya, tumakbo naman siya agad kay Mom and Dad at nagpaalam.

Bumalik naman siya sa akin dala dala ang bola niya. Hinila naman niya ang kamay ko papunta sa nagbebenta ng Ice cream.

Habang inaantay ko ang ice cream bigla na lang naglaglag ang bola ng kapatid ko.

"Ate! Yung bola ko!" sabi ni Kapatid ko.

Pero bago ko pa man siyang pigilan ay huli na ang lahat biglang tumakbo ang kapatid ko, at nasalubong niya ang sasakyan.

Nabunggo siya at kumalat ang dugo sa daan. Nabagok ang kanyang ulo. Nalaglag ko ang ice cream at tumakbo sa kapatid ko.

"Danieeeeel! Mama! Papa!!" Sigaw ko, narinig naman ata ni dad at umiiyak silang dumating sa amin.

"Isakay mo na yung kapatid mo sa sasakyan. Bilisan mo!" Sabi ni dad, kahit na may dugo ay binuhat ko ang kapatid ko.

Pagdating namin sa ospital.

"Doc! Doc! Yung kapatid ko pooo! Unahin niyo po siya please!" Sabi ko.

Lumapit naman agad ang mga nurse pero huli na ang lahat.

Wala na, wala na ang kapatid ko. :'(

"Sorry but, we can't do anything already. We do all what we can do, sorry." Sabi ng doctor.

Halos maglumpasay ang mga mama ko. Simula nun medyo nagli-low ang pamilya namin pero naka-moveon naman kami after a year.

*End of Flashback*

"Yun, sorry ha? Hahaha. Umiyak ako, namimiss ko yung kapatid ko kaya natutuwa ako sa mga bata e."

"Sorry kung umiyak ka. Sorry talaga." Sabi niya at niyakap niya ako at nagsalita ulit. "Kung gusto mo umalis tayo bukas? Sabado naman e. Para di mo masyado mamiss yung kapatid mo. Isipin mo na lang kapatid mo si Chichi." Sabi niya.

Ngumiti naman ako at nagpunas ng luha.

"Hey! Why are you crying? We will take a picture Ate!" Sabi ni Chichi.

"Kanina ka pa ba diyan baby?" Sabi ni Seven.

"Yea, I shaw her crying. Ateeee!" Sabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you baby. Let's take a picture na! Ate Juliaaaaaaa! Come here!" Sigaw ng chichi.

"eto na! Ow, hi deb! Kakauwi ko lang din di ko alam na nandito ka. Haha!" Sabi ni Ate Julia.

"Hello po!" Sabi ko.

"Game. Magpicture na kayo. Smileeee! 1 2 3 Smile!" Sabi ni ate at ngumiti kami.

"Parang anak niyo dito si Chichi oh. Para kayong magasawa." Sabi ni Ate Julia, nanlaki naman at namula dahil nahihiya ako.

"Sige ate, iuuwi ko na si Babe. Gabi na din e." Sabi ni Seven.

"Ay, ayaw mo bang magdinner na dito? Ay! Ay! Babe tama ba pagkakarinig ko?" Sabi ni Ate Julia.

"Nako ate, hindi na po. May gagawin pa po ako. Ewan ko ba diyan. Sabi niya e." Sabi ko naman.

Hinawakan naman ni Babe este ni Seven yung kamay ko. Hilig manghawak ng kamay. Nakakaloka. Nang bigla kaming may nagflash.

"Oh! Padevelop niyo to ah? Tignan niyo yung kamay niyo kapit na kapit sa isa't isa." Sabi ni Ate Julia.

"Ateee! Idelete mo na yan!" Sabi ni Seven. Dinilaan lang siya ni Ate julia.

"Ate. Kiss!" Sabi ni Chichi.

"Kiss?" Nagtataka kong tanong.

"Kiss ko po. Hihihi!" Sabi naman niya.

"Baby nakakadami kana ah. Daig mo pa si Kuya!" Sabi ni Seven.

"Manahimik ka nga diyan." Sabi ko. "Halika dito baby." Lumapit naman siya at kiniss ko sa noo.

"Thankyouuu!" Sabi niya.

"Baby, get ready tomorrow ah? We will go somewhere." sabi ni seven.

"Really?

"Yes baby. So you need to sleep early okay?"

"Okay kuyaaa. Bye Ate Deb! Ingat" Sabi ni Chichi. Ang cute niya magsalita ng tagalog.

Bumaba naman na kami at nagpaalam sa mga kasama nila dito sa bahay. Wala daw kasi sila tito at tita baka next week daw ang uwi nila.

-----

@ Debbie's Residence.

"Thank you ha?" Sabi ni Seven.

"Thank you din." Sabi ko.

"I'll pick you up tomorrow. 10 am." Sabi niya.

"Sige, alis kana. Gagabihin ka pa. Mahirap na." Sabi ko.

"No, pumasok kana muna. Okay?" Sabi niya, mukhang hindi to magpapatalo.

"Sige na. Eto lang naman yung bahay ko di naman ako mawawala." Sabi ko.

"Mas maganda na yung sigurado. Sige na babe." Sabi niya.

"Sige na nga. Bye. Ingat ka ah! Aalis pa tayo bukas! Goodnight." Sabi ko.

Maglalakad na ako ng bigla niya akong higitin at...

At...

At...

At...

At...

HINALIKAN NIYA AKO SA NOO. :">

Kyaaaaah! Gusto kong sumigaw dahil sobrang kinikilig ako.

Yung feeling na nirerespeto ka niya. Ang sweet pa naman ng ganito. :')

'Di ko alam pero biglang kumilos ang mga kamay ko at niyakap siya ng sobrang higpit.

Pakiramdam ko secure na secure ako sa yakap niya yung parang walang magyayaring masama kapag kasama ko siya. :')

Kumalas na siya at sinabing "Pwede isa pa babe? Last na talaga. Pramis." nang may ngiting malapad.

"Nakakailan kana ngayong araw?" Sabi ko sa kanya.

"Sige na please babe?" Sabi niya.

Niyakap ko naman siya at mas mahigpit pa yung yakap niya sa akin.

"Sige babe. Bye na. Sweetdreams. *Kiss*" Sabi niya at kiniss niya ako ulit sa noo.

Umalis na siya at pumasok na ako sa loob.

Nagbihis at nagshower bago matulog.

Hays, ang saya naman ngayon. ^____^

Ano kayang ibig sabihin nun?

Alangan namang wala.

Mae-explain naman siguro sa akin to someday diba?

Aalis pa kami bukas, makatulog na nga.

Nagdasal na ako at natulog.

-------

Author's Note:

Basahin niyo to. XD Nangako ako na may update pa diba? Haha. So eto na yun. :') Pinilit ko siyang matapos. Hahaha. Kailangan ko talaga ng feedbacks pramis. :))) Parang awa niyo naaa.

Don't forget to VOTE and COMMENT. ^_____^

Follow me on twitter: @Latakatherine

Thankyouuuu! :*

-LataKatherine

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro