Chapter 22: New Transferees

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Seven's POV

6:00 am. Maaga akong nagising dahil susunduin ko si Babe! ^_____^ Agad agad akong naligo at nagayos ng damit. Kung tutuusin mga ganitong oras tulog pa ako at tinatamad pumasok... Pero simula nung dumating siya lagi na akong sinisipag nagaaral na din ako ng maayos gaya ng dati. ^____^

"Goodmorning baby." Sabi ni mom at hinalikan pa ako sa mukha.

"Goodmorning mom." Abot tenga kong bati ko sa kanya.

"Goodmorning son." Bati naman ni Dad, mukhang good mood din siya. Madalas kasi kapag umaga badtrip siya ee. Dahil nga sa aming company. Alam niyo naman pag manager.

Forever busy si dad, pero di naman siya nawawalan ng time sa amin. Haha! ^___^

"Goodmorning." Walang ka-kwentang kwentang bati ni ate. Wala siguro sa mood o baka maaga lang nagising kaya ganyan.

"Goodmorning din! Hindi ata maganda ang gising mo?" Tanong ko sa kanya, ako na aang worried na kapatid.

"Hindi. Ays lang, ganito naman ng momentum ko pag umaga di ka pa ba nasanay?" Sagot naman niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Nasaan si Chi?" Tanong ko naman sa kanila.

"Nandun sa kwarto niya, tulog pa. Eh mamaya pa naman ang klase niya e. So di ko na ginising tsaka gabi na kayo nakauwi kagabi diba?" Sabi ni mommy habang kumukuha pa ng bread at palaman. "Mukhang maaga ka ata nagising ngayon? 7:30 pa naman ang klase mo ah? Nagbago ba?" Sunod sunod na tanong ni Mom.

"Ez ka lang ho mom. Haha! Inagahan ko talagang gumising no. Susunduin ko kasi si babe kaya maaga akong nagising. Ganun pa din. 7:30 pa din naman ang sched ko."

"Babe?!" Sigaw na tanong ni Dad.

"Si Debbie po. Yung babaeng dinala ko dito sa bahay?"

"Ahh. Yung magandang dalaga. Nanliligaw kana ba?"

"Uhm... Di ko nga din alam dad e. Kasi parang iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko e." Kumuha naman ako ng Juice at ininom ito. "Pero MU na kami."

"MU?!" Singit naman ni Ate. "So isasama mo din siya sa collection mo ng babae na pinaiyak mo?!" sigaw niya.

"HINDI NO! Hell no! I will never do that to her. I like her that much to do that to her. Do you think i'm crazy to do that?!"

"You did that for the past few years. Marami ka nang babaeng napaiyak. But i'm begging you don't let her be one of your collection."

"Hey. Stup shouting you infront of food." Sabi naman ni dad na umiinom ng kanyang coffee.

"I'm sorry." Sabay naming sagot ni Ate.

'Tsk. Alam ko namang babaero ako dati no, pero di ko siya isasama sa collection ko.'

"How's your study nak?" Tanong naman ni Dad sa akin.

"Okay lang po dad. Mataas naman ang results. Not like the other year. Don't you see my report card?" Sabi ko.

"Not yet."

"Hon, nasa akin yung report card ng anak mo. Nakalimutan ko lang ipakita sayo. Maganda naman yung results. Puro nga nasa line of 9 yung grade niya." Pagpapaliwanag naman ni Mommy.

*Huk!*

"Sorry. Hehe. Di nga? Line of 9 lahat ng grade mo?!" Tanong ni Ate.

"Oo nga! Psh! Di porket nagloloko ako dati sa pagaaral e di na pwedeng magbagong buhay no!"

"Kaya pala. Sino namang naginspired sayo na mag-aral ng maayos ulit?"

"Si Deb. Aba, kung di din ako tinuturuan sa science nun edi bagsak na ako diyan!"

"Good influence talaga siya sayo bro! ^_____^ Kaya wag mo siyang sasaktan ah? Haha! Masyado ka kasing highblood e." Yan si Ate mabilis magchange ng mood pero madalas masayahin yan pag umaga lang nagsusungit.

"Anong plano mong course sa college?" Sabi ni Dad.

"Actually dad hindi ko pa alam e. Pero meron naman kami Career talk this coming week ata e. So baka don na din ako makapili ng kukunin kong course."

"Good to know. But sana makapili kana agad agad. Para makapag-prepare kana din."

"Take it easy hon. Di naman pwedeng agad agad pumili ng course yung anak natin diba? Mahirap na, mamaya di pala niya gusto yung kukunin niyang course."

Kumain lang kami hanggang sa 6:30 na pala. Antagal din naming nagkwentuhan at nagtawanan. Buti nga may family bonding pa kami e.

"Mom, Dad, Ate i'm going na." Sabi ko bago umalis.

"Sige. Sunduin mo ng maayos si Debbie ng maayos ah. Hihihi." Sabi ni mom.

~

@ Debbie's Residence.

Kumatok agad ako at pinagbuksan ako ng pinto ng.. Tatay niya.

"Goodmorning po." Bungad ko sa kanya at nag-bow.

"Goodmorning sir. Diba kayo po yung anak ni Mr. Swayze?" Sabi ng tatay ni Deb.

"Ako nga po, pero wag niyo po akong tawaging sir. Nakakahiya po."

"Ay, okay lang ba? Ikaw ba yung susundo sa anak ko?"

"Opo sir. Okay na po ba siya?"

"Oo kanina pa nga yan ready e. Nagmamadali di mapa---"

"Tay! Hindi ako nagmamadali no! Grabe ka naman!" Sabi ni Deb. Kakaligo lang nito panigurado basang basa pa yung buhok e.

"Goodmorning Deb." Bati ko sa kanya.

"Goodmorning din. Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman kakadating ko lang. Male-late na ba tayo?"

"Hindi pa. Take your time."

"Wait lang ah." Sabi niya at pumasok na ulit sa loob ng bahay.

'Ba't parang may bago naman ata sa kanya? Tsk tsk. Kung ano anong napapansin ko.'

"Pumasok ka muna mukhang matatagalan pa yung batang yun." Pumasok naman kaming dalawa at umupo. "Gusto mo ba ng tubig?"

"Nako 'wag na po. Okay lang."

"Nanliligaw kaba sa anak ko?" Seryosong tanong niya at nakatingin sa mata ko.

Kinabahan naman ako sa tanong niya at hindi nakasagot agad, ilang lunok ng laway pa ang nilunok ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Sir, sa totoo lang hindi pa po dahil hindi ko pa nasasabi sa inyo. Gusto ko po sanang malaman niyo muna bago ko simulan manligaw." Malinaw kong sabi na walang halong kaba.

"Malinis naman siguro ang intensyon mo sa anak ko diba?" Sabi niya muli at humigop pa siya ng kape niya.

'Ganito pala kapag hinihingi yung approval ng tatay ng babae! Nakakakaba!'

"O-opo n-naman po. Malinis po ang intensyon ko sa anak niyo."

"Mabuti naman kung ganon. Hindi naman ako sumasalungat sa nararamdaman niyo pero sana huwag mong saktan ang anak ko." Umubo muna siya bago nagsalita ulit. "Ngayon ko lang din kasi siyang nitang ganyan kasaya. Ayoko namang isang araw nakikita kong nasasaktan ang anak ko. Ayaw ko nang makita siyang malungkot gaya ng namatay ang mama niya at ang kapatid niya."

"Alam ko po yun. Nakwento niya po sa akin, alam ko po kung gaano kahirap mawalan ng mahal sa buhay."

"Salamat. Hahaha! Sana maging masaya kayo. Pinapayagan kitang manligaw sa kanya. Diba may tawag sa mga ganyan? Nakalimutan ko e. MU ata yun?" Sabi naman niya medyo nawala naman na yung kabang nararamdaman ko at nakaramdam ng saya sa puso ko na pumayag siya na ligawan ko si Deb.

"Opo. Hehehehe. Alam niyo po yun?" Tanong ko.

"Oo. Nabasa ko sa isang libro ng anak ko yun e. Mahilig siya sa libro lalo na sa mga mystery. Pero kadalasan ang binibili niya mga romance." Sabi niya, nakakuha na naman ako ng info. "Anak! Ang tagal mo naman! Diyosko. Maganda kana! Anak kaya kita!"

'Hahaha! Ang cute naman nilang magtatay. Parang magbarkada lang sila.'

"Eto na po tay! Matagal ko nang alam yun no!" Sabi niya habang bumababa ng hagdan. "Sorry kung matagal inayos ko lang yung gamit ko. Tara na?"

"Sige. Tara na. Wala ka bang nakalimutan?"

"Wala na." Sabi niya ng nakangiti. Kaya lalo akong nagkakagusto dito e. ^_^v

"Ako na magbubuhat niyan."

"Ako na, hindi naman mabigat e."

"Ako na i-insist."

"Sige na nga. Mapilit ka e."

"Ahhh.. sir alis na po kami. Sabay na po kaming papasok." Pagpapaalam ko sa tatay niya.

"Tito na lang wag na sir. Haha! Sige, ingat kayo. Ingatan mo yung anak ko ah? Nak! Ingat ka din. :)" Sabi niy at kumaway lumabas naman na kami at umalis na.

Nagda-drive ako ng mapansin kong nakatali yung buhok niya at parang kinakabahan siya na ewan.

'Sabi ko na ba e, may bago sa kanya.'

"Ba't nakatali yang buhok mo at kinakabahan ka ata?" Tanong ko sa kanya.

"E-eh kasiiii eeeeee! Kinakabahan ako! Diba nga? Dahil sa sobrang dami ng nagkakandarapang babae sayo mamaya kuyugin nila ako! Sabunutan! Pero kaya ko naman yun, kaso di ako pumapatol sa babae." Sabi niya, natawa naman ako ng natawa hanggang madating namin yung parking lot.

"Anong nakakatawa?! Tsk. Kaasar to." Sabi niya ulit at tinihil ko na ang pagtawa.

"Nakakatawa ka naman kasi, alam ko namang kaya mo yun e. Baka nga isang salita mo pa lang dun tumakbo na sila. Naalala mo ba yung araw na napaaway ka? Halos nga mamatay na yung babae sa sampal mo." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya. Nakatitig naman siya sa akin at nakikinig. "You know babe, I know you're strong okay? I know you can protect your self incase if that will happen. But I promise to you last saturday night right? I'll protect you with all I can. Ako nga si Superhero mo diba?" Sabi ko. Mukha namang nabawasan yung kaba niyang nararamdaman at ngumiti sa akin.

"Salamat. Kase naman, ilang buwan na din akong walang nakakaaway e." Sabi niya.

'Misteryosa talaga tong babaeng to. Kita mo ilang buwan na daw na walang nakakaaway. Tsk.'

Bumaba naman kami dala ko ang gamit ko pati ang gamit niya. Papasok na kami ng campus ng hawakan ko ang kamay niya.

Nakatungo naman yung ulo niya. Bigla ko namang hinila yung tali ng buhok niya.

"Ba't mo tinanggal?!" Sigaw niya.

"Gusto ko lang. Di bagay sayo ang nakapusod." Sabi ko naman, ngumuso naman siya sa akin.

'Bagay naman talaga sayo, trip ko lang na tanggaling dahil kasama mo naman ako.'

"Ayan inayos ko na. Psh! Wala akong dalang suklay sariling sikap yan no!" Sabi niya.

"Maganda ka pa din naman. Tara na!" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Maraming tao ang nakatingin sa amin at nagbubulungan, mga nagtitigan, mga di mo maintindihan ang ekspresyon.

'Anong meron at magkahawak sila ng kamay?!'

'Di kaya nililigawan na siya ni Seven?!'

'Sabi ko naman sa inyo e! Tsk. Ayan wala na! Di naman sila bagay e!'

'Baka kabilang din siya sa magiging collection ni Seven!'

'Basta gwapo pa din si Seven!'

'Crush ko pa din si James!'

"Mahal ko pa din si Seven'

'Crush ko din si Kyle kahit na sila ni Ate Anne!'

'Crush na crush ko pa din silang lahat!'

Mga bulong-bulungan, mga nakakainis na tao. Nakatungo pa din ang ulo ni Deb pero huminto ako sa paglalakad.

Humarap ako sa kanya at inayos yung buhok niya. "Chin up babe. Be proud na ako yung kasama mo. :) Nandito lang ako diba? Sige na." Page-encourage sa kanya.

Ngumiti naman siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

'Ang lambot lambot nang kamay niya ^_____^'

Naglalakad lang kami na parang wala kaming naririnig na bulungan at nagpatuloy lang hanggang makadating sa likod ng building.

"Woah. :o Nagiiba na ata ang ihip ng hangin?" Bungad ni Gab sa amin.

"Yieeeee! Nays naman. So kayo na niyan?" Singit naman ni Anne.

"May pa-hawak-hawak pa ng kamay niyan." Singit naman ng bestfriend ni Deb.

"May pa-sundo sundo pa ang loko." Sabi naman ni Kyle.

"Iba na talaga kapag inlove dre." Sabi naman ni Gab.

"May pabuhat-buhat pa ng bag oh! Iba na talaga!" Sabi naman ni Natasha.

"K-kayo n-na?" Tanong naman ni Chard na nauutal pa. Ba't parang malungkot siya na magkasama kami?

"Hindi no. Haha! Pero MU na kami!" Sabi ko naman sa kanila.

"Pang-ilan mo na ba siya?" Tanong naman ni Tash.

'Tsk keep calm seven. Ba't ba kasi ang big deal sa kanila yung mga naging ka-mu ko dati?!'

"Di siya kasama sa mga yun. Dahil siya ang seseryosohin ko." Sagot ko sa kanila, at napatahimik naman sila.

"Anak ka ng..." Sabi naman ni Gab.

"Inlove ka na dre ulit!" Sabi naman ni James.

"Good to know bro! Hahahaha! Congrats! Binata ka ulit!" Sabi naman ni Kyle na may payakap-yakap pa!

"Ang bading mo naman dre!" Sabi ko naman kay Kyle.

"Ew! Kesa naman sayo! Nagbibinata palang ang loko!" Sabi niya ulit.

Nagtawanan naman kami hanggang sa magsalita si Chard. "G-good t-to k-know bro! Ingatan mo yung bestfriend ko ah! N-ngayon pa lang ata magmamahal yan!" Sabi niya, pero parang may lungkot talaga sa mga mata niya di gaya ng dati.

"Oo naman bro! Iingatan ko to." Sabi ko at inakbayan si Deb.

"S-salamat. Sasapakin kita kapag sinaktan mo yan! Di kita mapapatawad!" Sabi niya at nag-bro fist kami. Atleast tanggap niya ako sa bestfriend niya.

Nagusap usap naman kami at mukhang okay na din si Deb, masaya na siya at parang walang nangyari nina. Masasanay din siya. :)

"Dre! Iba kana talaga, kamusta ang iyong panliligaw?" Sabi naman ni Gab.

"Di pa ako nagsisimula dre. Ez ka lang kasi. Syempre nagpaalam muna ako sa tatay no."

"Oh? Anong sabi? Di ka naman nilamon ng kaba sa dibdib niyan?!"

"Kinabahan ako dahil first time kong ginawa sa babae yun! Halos nga mawalan na ako ng laway sa kakalunok kanina!"

"Approved ka ba naman?!"

"Aba ako pa! Syempre pumayag ang aking soon to be father-in-law. Hahahaha!"

"Naaaaay! Kadire ka dre! Nababakla kana! May pa-father father-in-law ka pang nalalaman!" Sabi naman niya binatukan ko naman siya dahil ang lakas na naman niyang manukso.

"Tss."

"Congrats dre. Nagiging matured kana!"

"Matagal ko nang alam dre. Kamusta pala ang panliligaw mo diyan sa bestfriend ng soon to be girlfriend ko?" Sabi ko. Haha! Wala lang feel na feel kong boto sa akin ang tatay ni Deb e.

"Ayun! Excusively dating! Tsk. Sabi ko naman sayo dre e! Dadating yung magpapatibok ng puso natin! Sakto namang magtropa ang parents niya at parents ko nung highschool kaya ayan! Payag na payag sila sa amin!" Pagkwe-kwento naman niya.

"Naks naman dre!"

*Kringggg! Kringggg!"

Naglakad na kami paakyat sa classroom at pagkapasok namin ay may mga nadagdag sa upuan. May bago ba? Ang alam ko kasi pag ganito may mga transferees.

"Ba't parang ang dami atang bagong upuan?" Tanong ni Babe sa akin.

"Ang alam ko kasi sa tagal ko nang nagaaral dito, pag ganyan may transferees." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"So may transferees ganon?"

"Oo baka. Di ako sigurado."

Dumatin naman na yung adviser namin at tumahimik na ang klase namin. Nagbalikan na kami sa kanya kanya naming upuan at umayos.

"Goodmorning class!"

"Goodmorning sir!"

"Can you see the vacant seats? We have new transferees."

"Sir! How many are they?" Tanong ng isang kaklase namin.

"Lima sila. Dapat sa kabilang section sila pero dahil mas konti.naman tayo dito na lang sila nilagay ng ating principal."

"Sir. Mga babae ba?" Sabi ni John isa sa mga kaklase kong wala nang ginawa kung hindi mangbabae.

"Hay nako! John! Puro kababaihan ang nasa utak mo! Kung nag-aral ka na lang ng mabuti?!"

"Sagutin mo na lang sir. Sige na. Haha!"

"Walang babae. Sorry. Haha! Puro sila lalaki. Galing sila ata sa ibang bansa. Wala pa kasi akong alam a info sa kanila dahil ngayon ko lang rin naman nalaman."

Sino kaya yung mga transferees?

---

Roxanne's POV

Pagpasok namin sa school ay napagusapan namin agad sila Seven at Deb. Hinatid naman ako ni James papasok. Hihihi. :') Madalas na kaming magkasama at matagal na palang magkakilala ang mga magulang namin.

Bumili naman sila James ng breakfast namin dahil di pa kami nakakakain lahat. Ganun kasi ang usapan namin ngayon sabay kaming kakain.

"Grabe no? Ang bilis ng panahon." Bungad ni Natasha bumuntong hininga pa siya sa at nagsalit ulit. "Parang kelan lang nung magsimula tayong magkakilalang lahat. Haha! Tapos ngayon ikaw nililigawan kana ni James. Tapos si Deb parang liligawan na din ni Seven. :) Diba? Parang nakakahanap na tayo ng mga taong tutugma sa atin. Si Deb at Seven nagkakamabutihan na sila. :) Dating umalis sila nung saturday diba?" Sabi niya.

"Oo nga no. Ang sarap alalahanin yung days na yun. :)))" Sagot naman ni Anne.

"Umalis sila nung sabado. Kwinento nga lahat sa akin ni bessy e. Haha! Akala ko nakalimutan na ako nung babaeng yun. Hindi pa pala. Di kasi kami madalas magkasama. Haha! Lagi kasi kaming umaalis nito ni James e."

"Kamusta naman daw?"

"Ayun sobrang saya niya. Pero kinakabahan din ako e. Alam kong may masasaktan sa lahat ng mga nangyayari."

"HA?! Anong ibig mong sabihin?" Pasigaw na tanong ni Anne.

"Siguro dapat niyo na ding malaman. Mahal kasi ni Chard si Debbie elementary pa lang kami." napabuntong hininga naman ako bago ko ituloy yung sasabihin ko. "Ayoko ng gulo, pero alam ko namang maiintindihan ni Chard lahat ng to e, alam kong kinutuban na din naman siya sa nararamdaman ni Deb kay Seven. Pero bestfriend ko din naman siya. Ayoko siyang masaktan pero ano namang magagawa ko? Alangan namang pigilan ko yung nararamdaman ni Deb para kay Seven para hindi na lang masaktan si Chard. Kung pwede lang na ganun at makalimutan nila yung nararamdaman nila sa isa't isa ginawa ko na."

"Matagal ko na ding napansin pero di ko magawang matanong dahil nandyan yung mga lalaki lagi. Mukhang malaking gulo to." Sagot naman ni Anne.

"Just go with the flow guys. Take it easy. Wag tayong magassume ng mga bagay na pwede din namang hindi mangyari." Sabi naman ni Natasha.

'Sana nga ganun na lang kadali lahat ng bagay. Tsk.'

"Eto na yung breakfast natin! :) Kain naaaa!" Bungad sa amin ni Gab. Napangiti naman kami dahil gutom na gutom na di naman kami.

"Wala pa din sila Seven?" Tanong ni James habang sumusubo ng pagkain.

"Wala pa din e." Sagot naman ni Natasha.

"Eh si Debbie?"

"Wala pa din. Mamaya pa yun mga 7 siguro. 6:45 pa lang naman e. Maaga pa kaya di naman agad agad papasok yun."

Patuloy kami sa pagkain at pagtatawanan ng biglang dumating si Chard.

"Oh guys! Di niyo man lang ako inantay? Hahaha!" Bungad ni Chard sa amin, mukhang naganda naman ang gising niya.

"Goodmorning." Bati naman namin sa kanya.

"Musta weekends niyo?"

"Ays lang. Haha! Gala here, kasama yang lalaking yan." Sabi ko naman.

Nagkwento din sila hanggang sa maubos na din namin yung pagkain namin hanggang mapunta yung usapan namin sa jokes.

"Knock knock!" Sabi ni Gab.

"Who's there?!" Sagot ni James.

"Ano ang speechless sa korean?"

"Ano?!"

"WASABE! WAHAHAHAHA!" Tawa yan ni Gab, samantalang kami nakatingin lang sa kanya na hindi natawa sa joke niya ng bigla siyang magsalita ulit. "Tsk! Ganda ganda nga ng joke ko e! Mga leche to! Psh!"

Nagtawan naman kami at humirit naman si James.

"Knock! Knock!"

"who's there?"

"Pucha panalo tong joke ko! Titanium!"

"Titanium who?"

Nagpaubo-ubo pa siya bago simulan ang kanta niya. "Anak by Freddie Aguilar. *Ehem! Ehem!*Nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo atang kamay nila ang ang iyong ilaw. At ang nanay at titanium mo di malaman ang gagawin minamasdan pati pagtulog mo....." Hahahaha! Sabi niya actually di naman kami dahil sa joke nagtawanan. Dahil yun sa pagkanta niya! Ang pangit kasi ng boses! Haha!

"Pfffft yan ang tinatawag na joke Gab!" Biglang singit naman ni Chard.

Nagtawanan naman kami ng bumungad sa amin ang magkaawak kamay na si Deb at Seven. Kung titignan mo sila ang saya saya nila. Pero tinignan ko naman si Chard at alam kong di siya masaya sa nakikita niya. Kung kanina sobrang saya niya ngayon napuno na ito ng lungkot.

"Woah. :o Nagiiba na ata ang ihip ng hangin?" Bungad ni Gab sa kanilang dalawa.

"Yieeeee! Nays naman. So kayo na niyan?" Singit naman ni Anne.

"May pa-hawak-hawak pa ng kamay niyan." Singit ko upang di nila mahalata na tintignan ko si Chardie kung anong mangyayari sa kanya.

"May pa-sundo sundo pa ang loko." Sabi naman ni Kyle.

"Iba na talaga kapag inlove dre." Sabi naman ni Gab.

"May pabuhat-buhat pa ng bag oh! Iba na talaga!" Sabi naman ni Natasha.

"K-kayo n-na?" Tanong naman ni Chardie, eto na ng ba yung sinasabi ko. Hays. Pag nauutal kasi siya its either iiyak yan o nasasaktan talaga.

"Hindi no. Haha! Pero MU na kami!" Sagot naman ni Seven.

"Pang-ilan mo na ba siya?" Tanong naman ni Tash, ewan ko pero parang masyadong foul yun. Nakwento din kasi sa akin ni James ang pagiging babaero ni Seven pero tinigilan naman daw niya yun simu nung dumating ang bestfriend ko.

'Pakiramdam ko naman di niya lolokohin ang bestfriend ko.'

"Di siya kasama sa mga yun. Dahil siya ang seseryosohin ko." Sagot naman ni Seven kay Natasha. At napatahimik naman siya ng dahil dun.

"Anak ka ng..." Sabi naman ni Gab.

"Inlove ka na dre ulit!" Sabi naman ni James.

"Good to know bro! Hahahaha! Congrats! Binata ka ulit!" Sabi naman ni Kyle na may payakap-yakap pa!

"Ang bading mo naman dre!" Sabi ko naman kay Kyle.

"Ew! Kesa naman sayo! Nagbibinata palang ang loko!" Sabi niya ulit.

Nagtawanan naman sila hanggang sa biglang nagsalita si Chard. "G-good t-to k-know bro! Ingatan mo yung bestfriend ko ah! N-ngayon pa lang ata magmamahal yan!" Sabi niya, pero halata naman sa kanya na nasasaktan siya. Tsk! Great pretender talaga ang loko! Sinabihan ko na kasi siya dating manligaw na e! Ayan naunahan ng tuluyan.

"Oo naman bro! Iingatan ko to!" Sabi niya at inakbayan si Bessie. At nakangiti naman si bessie na tumingin kay Seven. Hanggang ngayon di pa din siya nagsasalita.

"S-salamat. Sasapakin kita kapag sinaktan mo yan! Di kita mapapatawad!" Sabi niya at nag-bro fist sila, mamaya ewan ko na lang pero sabagay. Wala naman na siyang magagawa e. -.- Ganun na talaga.

Alangan namang ipagsiksikan niya yung sarili niya kay Deb diba?

Ilang oras ang nakalipas nang makapunta kami ng classroom at dahil sa nagdadaldalan kaming dalawa ni James at kung ano anong pinaguusapan namin ay di na namin narinig yung mga usapan nila Sir.

Tumahimik naman kami at nakinig na kay Sir ng bigla siyang magsalita. "So Class, they are already here. And please be kind to them."

Pumasok naman yung mga new transferees. Pero may isang lalaking nakapukaw ng atensyon ko.

OMG! This can't be happening!

Ba't nandito sila?! At pati siya?!

Tinignan ko naman si Deb at normal lang sa kanya ang makita sila at pati siya.

Ano nga bang bago?! Eh parte lang naman sila ng nakaraan! Psh. Wala namang kaming naging karelasyon diyan pero nakakainis na nakikita ko sila ulit!

'Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, yung friendship pinalit niyo lang kami para sa isang grupo na wala namang ginawa kung hindi makipagbasag-ulo?! Tsk. Mga leche!'

"So class they are the transferees." Sabi ni sir, yung mga babae makatitig sa kanila wagas wagasan! Kulang na lang iluwa yung mga mata nila.

Sabagay di naman talaga mapagkakailang gwapo silang lima. Yung iba nagfoundation hala! Sige! Pulbo dun pulbo dito!

"Okay ka lang ba?" Bumalik ako sa ulirat ko ng bigla akong tanugin ni James.

"Oo. Okay lang ako  " Sagot ko naman.

"eh kung makatitig ka sa mga yan kulang na lang pagsasapakin mo. Parang inis ka diyan ah? Kilala mo ba sila?" Sabi naman niya.

"Oo. Kilalang kilala. Kaibigan namin sila dati e."

"Oh? Kelan pa?"

"Nung second year. Pero dahil pinagpalit nila kami sa ibang mga tropa kaming dalawa na lang ang magkasama ni bessy."

"Mmmm kaya naman pala. Take it easy okay. Mamaya bigla na lang akong magulat magwala ka diyan. Haha!" Sabi niya.

"Baliw ka talaga no! Sige na makinig na lang tayo sa kanila." Sabi ko naman.

"Roxy. Kilala ko yung dalawa diyan." Sabi naman niya at nakalagay pa yung isang kamay sa baba niya.

"Oh? Sino dyan?"

"Yung naka-pink tsaka blue." Sabi niya.

"At saan mo naman sila nakilala aber?!

"Yung isa pinsan ni Seven. Yung isa naman kapatid niya. Diba magkakaibigan kayo? Bakit di mo alam?"

"ANO?! Alam kong magkapatid sila pero di ko alam na magpinsan pala sila ni Seven."

"Basta magkapatid kasi ang nanay at tatay nila. Alam mo naman na siguro ang meaning nun!"

"Oo naman james no! Palagay mo sa akin bobo?!"

"Hindi. Wirdo lang kaya nga mahal kita e. Haha!" Ngumiti naman ako sa kanya.

"So introduce yourself guys." Sabi naman ni Sir.

Lumapit naman sa harap yung nakapink.

"I'm Brandon Miguel Sarrosa. I hope we'll be friends. ^_____^" Sabi niya sabay ngiti ng malapad at nagwink pa dun sa mga babaeng titig na titig sa kanya.

Medyo may hawig sila ni Seven pero kung tutuusin mas gwapo pa din si Seven. Mas matangkad nga lang si Seven sa kanya. ^______^v Pero mas gwapo pa din si Jamy. Mahal ko to e. Siya yung lalaking mapagkakatiwalaan mo incase of trouble. Siya yung unang nakilala namin ni bessy nung second year kami.

"Okay next. Thanks brandon." Sabi naman ni Sir.

Pumunta naman sa harap yung naka-blue which is kapatid ni Bradon, inayos niya yung damit niya bago nagpakilala. "I'm Liam Dominique Sarrosa. Were brothers but mas gwapo ako diyan. Haha! I hope you'll be always good to us." Sabi niya at bumalik sa pwesto niya.

Siya naman si Dominique, magkapatid sila ni Brandon. Halata naman diba?! Tsk. Parehas naman silang gwapo at malamang nagkamukha kambal yan e, kung yung kuya niya masungit, di ganon  ka friendly, kabaligtaran naman siya nito. Siya naman masaya at sobrang friendly, madalas mauto yan dati ni Deb e. Haha! Ewan ko lang ngayon. -.- Syempre alam niyo naman nagbabago ang panahon.

Sumunod naman yung naka-Green, at nagpakilala. "I'm Christian Zach Radcliffe. We were born to love each other." Sabi niya sabay wink dahilan upang kiligin yung mga babae. Psh! Babaero talaga.

Siya naman si Zach, dati bago kami maging magkaibigang pito nila deb,  babaero yan pero simula nung nakilala niya kami di na siya nambabae. Pero ewan naging babaero na naman ang loko! Tsk. Anong ginawa sa kanila ng sinalihan nilang grupo?!

Sumunod naman si kuyang naka-yellow. Para namang di ko sila kilala. Maka-yellow naman ako.

"I'm Timothy Cruz. I don't care about your life so please be good to me." Di pa rin siya nagbabago maangas pa din ang dating ng loko.
'Yabang naman neto, ang bago bago pa lang.'

'Ang angas dre! Kala mo kung sino!"

'Yaan niyo dre di yan sisikat!!

"Ang gwapo niyaaaaa! *o* Badboy effect. :')'

'Oo nga e. Crush ko na siyaaaaa!'

'Ang gwapo gwapo halatang may abs! Hihihi.'

Grabe na talaga yung kamandag ng lalaking to, di pa din kumukupas kahit ba badboy. Siya naman si Timothy short for timo siya yung maangas tignan sa personal, mayabang, mahangin. At kung ano ano pang isipin mo. Pero sa likod ng matapang niyang mukha nagtatago ang totoong siya. Mabait yan at matulungin, kung tutuusin nga ideal boyfriend mo siya kapag nakilala mo, pero dahil nga may mga piercing siya iisipin mong basagulero ang gago!

"Goodmorning everyone. Haha! I'm Daryll Greiter, from germany but I'm a Pilipino. ^_^ HAHA!" Sabi niya, at kitang kita yung dimple niya sa mukha.

'Kyaaaaaaaah! Ang gwapo niya! Hihi. :")'

'Nakita mo yung dimples niyaaaaa? Waaah! Ang cute niya. Hihi!'

'Ikr! Haha! For sure magiging akin yan. :')'

'In your dreams! Magiging akin siyaaaa!'

Siya naman si Daryll, mabait, friendly, maganda ang unang presence niya. Di siya marunong mangsnob. Wag mo lang talaga gagalawin ang stuffs niya sa bahay dahil panigurado di mo magugustuhan ang aura niya.

Pagkatapos nilang magpakilala ay nagsi-upo na sila sa likod at sakto namang magkakatabi si Brandon at Debbie. Napatingin naman si Seven kay Brandon at sinamaan ito ng tingin.

"So guys, I hope you enjoy your school year here in Schidmt university."

"Thank you sir." Sagot naman nung apat maliban kay Brandon.

Dumating naman yung lecturer namin sa science.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Discuss..

BREAKTIME!

Bumaba na kami at pumunta ng canteen at pagkapasok na pagkapasok namin ay isang sigaw ang bumungad sa amin.

'Andyan na sila seven!'

'Waaaah! Ang gwapo talaga nilaaaa!'

'Oo ngaaa! Lalo na si James!'

'Waaah! Ang gwapo ni papa kyle!'

'Mahal na mahal ko na si papa Gab!'

What the eff! Araw-araw na lang yan ang naririnig ko di na sila nagsaswa sa pagmumukha nila!

'Waaaah! Nakita mo na ba yung mga gwapo? Yung bagong lipat sa kabilang section?'

'Oo! Ang gwapo talaga nun!'

'Oo lalo na si Daryll!'

'Tanga! Mas gwapo si Brandon! :')'

'Si Zach gwapo din.'

'Lahat na sila gwapo! Hihihi!'

Pero isang ingay na naman ang nalikha mula sa pinto ng canteen.

"Tae ka! Lumayo ka sa akin!" Sigaw ni Debbie mula sa pinto, kausap niya si Brandon. Nasaan naman kaya si Seven?

"Sorry na kase! Tsk! Eto na nga diba? Humihingi na ng tawad!" Sigaw naman ni Brandon!

"Hihinga ka ng tawad?! Eh bakit sumisigaw ka?!" Sigaw naman ni Deb.

"Eh bakit ka rin ba kasi sumsigaw?!" Sigaw na naman ni Brandon.

"Nauna ka kaya diyang sumigaw!" Sigaw naman ni Deb.

"Look. Calm down okay? I just want to say sorry. Please forgive me na pinagpalit namin kayo ni Roxanne sa kanila." Sabi niya at nagbuntong hininga mun bago ituloy ang sasabihin. "Please forgive us. I want us to be back like the past."

'Past?! What's with that fucking past?! Leche!'

"Look. Alam mo namang madali akong magpatawad. Pero di ko alam para kay roxanne kung okay lang sa kanya ulit. Alam mo naman sigurong may nakaraan si Li----"

"Bes! Bat di kayo magkasama ni seven?" Singit ko kay Deb, ayoko nang pinaguusapan siya hangga't maaari.

"Ow. Pinapatour siya sa akin ni Sir e. Hinahanap nga namin yung apat pa niyang tropa e. Leche! Kung saan saan nagsisipunta. Mukhang galit nga sa akin yun e. Pero mamaya ko na siya kakausapin."

"Hays. Sige, gumora na kayo! :)"

"Sige. Hoy! Brandon! Tara na! Leche ka. Hanapin na natin yang kambal mo!"

"Babye! I'll talk to you later. Siya muna." Sabi naman niya sa akin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Ano naman paguusapan namin nun?! Leche. Mangarap siya ng gising. Isang malaking himala na lang kapag nangyari yun.'

Umalis na sila at hinanap yung mga tropa niya.

Bakit pa kasi bumalik pa sila? Tsk.

Ano bang balak nila at bumalik pa sila?

Ano pa kayang mangyari sa mga susunod na araw?

Bahala na. Juice colored! Please help meeeeee!

---
Author's note: (BASAHIN MO) 

Brandon Miguel Sarrosa and Liam Dominique Sarrosa, Syempre po kambal sila kaya magkamukha. Hahaha! They are on the side ------------>

Update uliit! Sinisipag na aketch e. Sembreak na kasi e. :)))

Thankyouuu! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro