Chapter 25: Jealous

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(A/N: Eto na po yung update! :))) Enjoy reading! ^_^v)

-

Debbie's POV

It's Saturday morning! Maaga ang pasok namin ngayon dahil whole day ang training namin. Isa na namang nakakapagod na araw to panigurado. Grabe naman kasi yung training namin kay Coach Fe. Nakakapagod sobra. Ugh.

Di ako nagpasundo ngayon kay Seven dahil may mga ginawa naman ako at ayaw ko siyang pagalitan ni Coach Arvine ng dahil sa akin.

Maaga pa naman kaya umakyat ako papunta ng rooftop. Pagka-akyat ko ay nakita ko na naman na may Cup of coffee dun.

'Di niya talaga nakakalimutan.'

Napangiti naman ako at kinuha yung coffee na may nakalagay pang sticky note at may nakasulat na..

"Kay Debbie Frey ang kape na to! Kay Babe! Gets mo? May laway na to! Pwe! Pwe! Enjoy drinking babe. Smile! :)"

Napangiti naman ako lalo dun at kinilig. Simula nung tuesday lagi na niya akong dinadalhan ng ganito sa rooftop nalaman niya kasi kay Roxanne na favorite ko yun kaya sabi niya pagpapasok daw ako dumaan daw ako lagi ng rooftop. :"">

Cappucino yung flavor. Ininom ko naman yun at may napansin namang sandwich.

'Ba't parang wala naman nun kanina?'

Kinuha ko naman yun at may nakalagay na namang sticky note sa ilalim.

'Alam kong di ka nag-aalmusal kadalasan kaya may libre kang sandwich! :) Ginawa ko to! Sana magustuhan mo. :)"

Napangiti na naman ako ng malapad habang binabasa yun, tinikman ko naman yun sabay higop ng kape at ang palaman ay nutella.

Ang sarap. ^_^ Pero parang nilagyan lang naman niya ng palaman yan. Pero nagustuhan ko kasi may paeffort effort pa siyang nalalaman.

"Para kang timang diyan." Sabi ng lalaki sa likod ko dahilan ng bigla kong naman akong masamid sa pag-inom ng kape.

"Tsk." Nasabi ko na lang at umubo ng umubo. Tinapik naman niya yung likod ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya si Brandon pala to, naka-jersey din siya.

"Ba't kasi sumusulpot ka diyan tas biglang magsasalita!" Pag sigaw ko naman sa kanya. Ang aga aga e! Ang sakit kaya sa lalamunan nun.

"Sorry. Napaaga ata pasok ko e. Trip ko kasing pumunta sa rooftop parang dati lang ganito din naman ako." Sabi niya at naalala ko naman yung mga araw na sa lumang school namin sa rooftop kami kumakain.

"Ah eh. Hehehe. Oo nga naaalala ko pa. Varsity player ka din?"

"Oo. Haha! Nagtry-out ako nung monday. Ang galing mo mag-volleyball nakita kita."

"Salamat. Haha! Di naman no. Grabe ka naman."

"Siguro matatanggap mo na din ang sorry ko diba?" Ito na naman siya sa sorry niya. Sorry niya na di ko alam ang isasagot ko. Pero siguro oras na din para patawarin ko siya di naman masama e.

"Oo. Pinapatawad na kita. :)" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya ng malapad na parang dati nung unang naming araw na magkaibigan yung ngiting makikita mo lang talaga kapag sobrang saya niya..

Yung ngiti niyang lumiliit pa yung mga mata niya kapag nakita mo..

Yung ngiting makikita mo lang kapag kasama niya kami ni roxanne.

"Di nga? As in?" Sabi pa niya.

"Ba't ayaw mo? Hahaha! Bahala ka diyan."

"Hindi! Hindi! Thankyou frey!" Sabi niya at niyakap ako.

Alam kong sobrang saya niya..

Niyakap ko din naman sya at tinapik sa likod. "Haha! Ikaw talaga. Mas bata kapa magisip sa akin e! Ikaw pa? Matitiis ba naman kita?"

"Ay sorry. Napatagal ata yung yakap ko. Hahaha. Thank you talaga."

Pero may ingay akong narinig sa likod nung pinto pababa ng rooftop.

'Baka naman hangin lang yun.'

"Narinig mo ba?" Tanong ko sa kanya, kanina pa kasi kami naguusap e.

"Ang ano?"

"Yung sa pinto?"

"Anong meron?"

"Wala ka talagang narinig?" Pag-uulit ko ng tanong.

"Wala e. May narinig ka ba?" Sagot niya.

"Meron e. Kanina, parang may tao diyan." Sabi ko naman.

"Baka naman hangin lang.

"Baka nga."

"Tara baba na tayo? Magsta-start na yung training nating dalawa." Sabi niya kinuha naman niya yung bag ko sa gilid.

"Uy. Ako na, wag mo nang buhatin yan." Sabi ko sa kanya, at pilit na kinukuha yung bag ko.

"Di ako na. Mabigat oh." Sabi niya.

"Alam ko, may dala ka ding damit diba? So ako na. Mapapagod ka lang." Pagpupumilit ko para makuha yung bag ko.

"Okay lang na mapagod ako, wag lang ikaw. Okay?" Sabi naman niya, makulit talaga wala akong magagawa.

"Alam mo parehas talaga kayong magpinsan!" Sabi ko sa kanya dahil pinauna niya akong lumabas, siya din yung nagbukas ng pinto.

"Ba't mo naman nasabi yan?" Nakataas niyang kilay na tanong.

"Ang kulit niyo e. Parehas kayo, sinabi ko nang ako na, magpupumilit pa." Sabi ko naman sa kanya.

"Yun lang pala. Nga pala, close pala kayo?" Tanong niya. Oo nga pala, transferee pala sila dito.

"Ah oo. Haha! Nung una di ko alam kung ba't badtrip sa akin yan e." Sabi ko naman.

"Ba't naman?" Nagtataka niyang tanong habang pababa kami ng hagdan.

"Nabunggo niya kasi ako nun. Ayaw niya ngang magsorry e. Pero wala naman akong magagawa umakyat naman kami tapos yun pala kaklase ko siya. Sabi niya mainit daw ang ulo niya nun." Pagke-kwento ko.

"Ganun naman yun e. Pero di naman ganyan yan dati." Sabi niya. Eto na naman ako, ang dami ko talagang hindi alam e.

"Anong dati?" Punong puno ng pagtataka kong tanong.

"Alam mo bang brokenhearted siya dati? Di mo ba alam?" Sabi niya. Narinig ko din yan sa mama niya pero di natuloy.

"H-hindi k-ko alam." Sabi ko.

"Oh? Akala ko alam mo, magkaibigan kayo e. Basta si Patricia wala na siya dito e. Nasa korea." Sabi niya.

Di ko pa nake-kwento kasi sa kanya kung anong meron sa aming dalawa ni seven.

"S-sino si P-Patricia?" Nauutal kong tanong.

Di ko alam pero pag naririnig ko yung pangalan na yan namumuo yung kuryosidad ko na anong meron sa kanya at parang kilala nilang lahat yung babaeng yun.

Parang lahat sa kanya konektado..

Lalong lalo na si Seven..

"Si Patricia? Ex ni Seven." Dire-diretsong sagot ni Brandon.

Napatulala naman ako habang naglalakad kami. May namuong kaba sa dibdib ko dahil Ex siya ni Seven, at di pa siya naike-kwento sa akin ng miski isa sa kanila.

May nabanggit si Roxanne dati. Pat daw ang pangalan e.. Pero baka siya yun si Patricia...

"Ayos ka lang?" Sabi ni brandon dahilan para bumalik ako sa ulirat ko.

"O-oo a-ayos lang ako. T-tara na?" Sabi ko naman sa kanya.

"Sigurado ka? Ba't parang gulat ka diyan? May nakita ka ba?" Sabi naman niya.

"Oo. Sigurado ako. Tara na! Malate pa tayo!" Sabi ko naman sa kanya at ngumiti ng pilit kahit na labag sa totoong nararamdaman ko, punong puno ng kaba ang puso ko at pagtataka kung anong meron sa kanya.

"Osige." Sabi naman niya at naglakad na kami.

Habang naglalakad kami nakita ko naman si Roxanne na tumatakbo ng malapit na siya sa amin agad agad siyang nagtanong..

"Bessy! Grabe! Kanina kapa namin.hinahanap ah!" Sabi niya at hingal na hingal pa. Magsasalita na sana ako ng magsalita siya ulit. "Magkasama kayong dalawa?"

"Oh ba't naman? Oo bulag teh? Di makita?" Pagtatanong at pamimilosopo ko sa kanya.

"Hinahanap ka kasi ni Seven e." Sabi niya.

"Ba't niya daw ako hinahanap?" Tanong ko ulit.

"Di ka daw niya kasi macontact e. Tapos hindi kapa namin mahagilap." Sabi niya.

Di kaya may tao talaga doon sa rooftop kanina?

"Nakapatay ang phone ko e." sabi ko.

"Tatawagan ko na lang. Tara na, malapit na magsimula ang training." Sabi niya kinuha ko naman na yung bag ko at nagpaalam na kay Brandon.

"Bes. Kausapin ka daw ni Seven." Sabi niya pero parang may mali din kay Roxanne ewan nararamdaman ko lang.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Okay ka lang?" Sabi niya pero halatang iba at hindi ganun ang way niya kapag kinakausap niya ako sa phone ngayon parang wala lang sa kanya at nagtatanong lang talaga siya.

"O-oo o-okay lang naman ako. Ba't parang iba yang boses mo?" Pagaaalala kong tanong napatingin naman ako kay bessy at tinatanong ko siya kung may nangyari ba pero syempre walang boses.

"Wala. Sige, magte-traning na kami. Bye."

"Bye. Galingan mo. :)" Sabi ko at binaba na ang telepono.

Halo halo yung nararamdaman ko ngayon..

Makapagconcentrate pa kaya ako sa training?

Hays... Eto naman kasing si Bradon! Makapagkwentoo....

Ang dami ko nang iniisip ngayon..

Una, Sino at ano ba talaga ang konekta ni Patricia kay seven...

Pangalawa yung narinig kong ingay sa rooftop..

Pangatlo yung pakikipag-usap niya sa akin na di gaya ng dati..

Pang-apat kung may problema ba siya..

Ugh! Sumasakit ang ulo ko! -.-

"Bessy. Ayos ka lang ba talaga?" Pagaalalang tanong ni Roxanne.

"Hindi bessy e. Ang dami kong iniisip." Sagot ko naman.

"Kung ako sayo uunahin ko muna yung kay Seven, alam mo ba kung gaano siya nagaalala kanina? Halos nga halughugin na niya yung buong campus e." Sabi niya

Kaya pala.. Pero ba't parang ang lungkot ng boses niya kanina?

"Di ko naman alam e. Magsosorry na lang siguro ako." Sabi ko naman.

"Tama yan! Cheer up! Smile na! Mamaya makaapekto pa yan sa training natin." Sabi naman niya ngumiti naman ako pero di gaya ng normal kong ngiti.

Naglakad naman na kami at pumunta sa lugar kung saan kami magte-training at magsisimula pa lang sila sakto.

Nagstart naman na kami ng traning at medyo okay okay na din yung nararamdaman ko pero di nababawasan yung pagiisip ko kay seven.

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Ba't kung kausapin niya ko napakalungkot niya?

Aishhhhh! -_________-" Masakit sa ulooooo!

-

Seven's POV

Pumasok agad ako ng maaga dahil kailangan sa training at para din kay Deb. ^_______^ Bibilhan ko pa siya ng coffee na pinakagusto niya, yung coffee shop na malapit sa amin.

"Goodmorning Sir! Welcome to Smile Coffee Shop!" Nakangiting sabi nung babae sa cashier. Sanay na siyang nakikita ako dito kapag umaga dahil umaga ang pasok niya.

"The same but cappucino for today." Sabi ko naman, sabi ni Debbie masarap daw yung pagkakahalo tsaka maganda daw ang ambiance dito kaya gusto niya.

"Here's your order sir. Matanong ko lang po, kayo talaga ang umiinom niyan?" Tanong niya.

"Hindi, para to dun sa babaeng dinala ko dito." Sagot ko naman sa kanya.

"Yung magandang babae?"

"Oo. Siya nga, di kasi nagaalmusal yun this week dahil sa training namin." Sabi ko naman.

"Uhmm. Bagay nga kayo e. Mabait din siya, dati umiinom na siya dito pero di naman araw araw. Wala nga lang siyang kasama." Sabi naman niya.

"Ganun po? Ngayon meron na nandito na ako para sa kanya e. Haha! Pwede pong humingi pala nung sticky note?" Tanong ko naman sa kany.

"Oo naman here. Anong gusto mong kulay?" Sabi niya.

"Yung peach na lang siguro. Maganda naman yung kulay diba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Gusto mo talaga siya no?" Sabi niya sa akin.

"Oo. Gustong gusto ko siya." I answered with a wide smile.

Hindi naman na siya nagtanong pa at kumuha ng ballpen dun sa gilid at nagsulat.

"Kay Debbie Frey ang kape na to! Kay Babe! Gets mo? May laway na to! Pwe! Pwe! Enjoy drinking babe. Smile! :)"

"Ito na miss oh. Thankyou!"

"You're welcome sir. Come back again! :)"

Lumabas naman ako at dumiretso na ng campus nakita ko naman na sila James na nandun na. Maaga talaga sila pumapasok kapag may training.

Sumenyas naman ako na iaakyat ko muna yung coffee bago pumunta sa court. Tumango naman ila at umakyat na ako, malamang wala pa si Deb  ang aga kong pumasok tsaka wala pa siya dito sa Rooftop.

Nilagay ko naman yun sa gilid kasama yung sandwich na ginawa ko. Sa susunod gagawan ko naman siya ng ibang sandwich. ^____^

Kumuha naman ako ng sticky note dun sa bag ko na galing pa kay Chi. Dahil sa tinatamad akong bumili, sinulatan oo naman ito.

'Alam kong di ka nag-aalmusal kadalasan kaya may libre kang sandwich! :) Ginawa ko to! Sana magustuhan mo. :)"

Niagay ko dun sa ilim ng sandwich at bumaba ng may malapad na ngiti.

"Dre! Aga-aga nakangiti ka diyan!" Bungad sa akin ni James na nakahiga at nakapatong ang ulo sa mga kamay.

"So what?" sagot ko naman.

"Inlove e. Parang di ka naman naging ganyan nung pinayagan  ni roxanne na manligaw sa kanya!" Pangaasar naman ni Gab.

"Shut up dre. Di ako yung pinaguuspan." Sagot naman ni james.

"Pikong gaming. Hahahaha!" Paggatong pa ni kyle kay James at mas kinampihan si gab.

"Nga pala, kamusta yung panliligaw mo kay Roxanne?" Tanobg ko sa kanya.

"Ayos lang. Masaya naman ako sa ginagawa ko e. Haha! Ba't dre?" Tanong niya.

"Wala lang. Natanong ko lang. Haha! Masama?" Sabi ko naman.

"Hindi. Pero wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Haha!"

"Whatever dre."

"Ang saya kayang manligaw. Pero kung si roxanne ang liligawan mo? Nako. Alam mo bang walang kasweetness yan sa katawan! Joke lang! Hahaha. Di siya ganun ka expressive pero mararamdaman ko namang mahal niya ko. Mahal ko din naman siya. Sobra nga e, kaya nga sana di lumihis yung pana ni kupido sa aming dalawa." Pagke-kwento niya nakikinig lang ako sa kanya dahil minsan lang naman ako makinig sa mga pinagsasabi niya at alam kong sincere siya sa sinasabi niya. "Nung unang araw na kita ko sa kanya, magaan na ang pakiramdam ko pero di ko naman inaasahan na magiging ganito. Akala ko infatuation lang nung una. Akala ko crush lang pero isang araw nagulat na lang ako mahal ko na pala. Kaya dre, di malayong mangyari sayo yun. Ayokong madaliin si Roxanne, ayokong sasagutin niya lang ako dahil pinipilit ko siya o tinatanong ko siya, gusto ko ako, sasabihin niya sa akin yun ng sincere, gusto ko sasagutin niya ako ng harap-harapan. Gusto ko kapag nalaman ko yun masayang masaya ako at matutuwa ako." Pagtuloy niya.

"Iba kana dre, tinamaan kana talaga sa kanya no?" sabi ko naman.

"Yea, Haha. I don't know also why i love her, She's loud, she's hurting me physically but I love her. It sounds gay but I don't care."

Nagusap lang kami nang bigla naman sumingit si Kyle at Gab.

"Ano yan? Realtalk mga dre?" Tanong ni Gab.

"Nagshe-share lang siya." Sagot ko.

"Pansin nga namin e. Mga 30 minutes na nga kayong naguusap. Haha! Kumain na ba kayo niyan?" Sabi naman ni Kyle.

"Ako hindi pa." Sagot ni Gab.

"Ako din dre! Di pa! Aga kasi tayong pinapasok!" Sagot ni James.

"Ako kumain na. Aga kong gumising kanina e. Haha!" Sagot ko naman.

"Tara kain muna tayo sa canteen." Yaya ni Kyle.

Lumabas naman kami ng court at pumunta ng canteen may mga luto na di pala ng ganitong umaga. Bumili lang ako ng inumin dahil kumain naman na ako, tiningnan ko naman ang relo ko at 6:30 na pala.

Kumain naman sila at nagsalita si Kyle. "7am training natin diba?"

"Oo dre. Bakit?" Sabi naman ni Gab.

"Di ko pa napapansin sila Brandon e."

"Oo nga no? Palagay niyo late sila?" Sabi naman ni James.

"Hindi naman. Di ugali ni Daryll at Liam ang magpalate. Haha!" Sabi ko naman.

"Sabagay. Natutuwa nga ako at nakapasok sa kanila sa Varsity e." Sabi naman ni Gab.

"Oo nga. Akalain niyo buong tropa natin tsaka tropa nila nakapasok sa varsity?" Pagsagot naman ni James.

"Malapit-lapit na din ang monday. Kailangan na nating magseryoso." Sabi naman ni Kyle.

"May Schedule na ba ng game?" tanong ko.

"Mamaya pa lang daw natin malalaman e. Pero palagay ko naman Herradura University ang unang kalaban natin."

"Hmmmmm. I see."

*Bzzzzzzzzt! Bzzzzzzt!*

Nagvibrate naman ang cellphone ko at agad ko itong kinuha.

Calling..
Roxanne Santana

Ba't naman siya sa akin tumatawag? Eh pwede namang kay James? -.-

"Dre, Phone call." Sabi ko naman at inabot kay James.

"Ay nasa bag pala yung phone ko." Sabi naman niya.

"Hello... Hmmm...... Oo si James to..... Nandito kami sa canteen.... Hindi e... Wait bibigay ko..." Sabi naman ni James at binigay sa akin yung phone.

"Hello." Sabi ko sa kabilang linya.

(Seven, Kasama mo ba si deb?") Wag niyo sabihing nawawala na naman siya?!

"Hindi. Bakit? Di mo ba siya kasama?" Pagaalala kong tanong sa kanya.

"Hindi e. Wala pa siya. 7am ang start ng training namin."

"Ano?! Sige sige. Hahanapin ko siya. Si chard? May alam ba?"

"Wala siyang alam e. May training din siya para sa table tennis."

"Sige. Tawagan mo na ako kapag nakita mo na ah?"

"Sige sige. Thankyou."

Buniba ko na yung phone ko pero nagisip muna ako kung saan ko siya pwedeng makita.

"Dre. Anong nangyari?"

"Si deb daw di pa niya nakikita."

"Nako. Nasaan na kaya siya?" Tanong naman ni Kyle.

"Hanapin muna natin siya dito. Baka nasa garden lang yun maghiwa-hiwalay muna tayo pupunta ako sa rooftop baka nandun lang siya." Instruction ko naman sa kanila. Tumakbo naman ako papunta ng paakyat.

Ba't kasi di nauso dito ang elevator?! Tsk!

Tumakbo naman ako ng mabilis hanggang sa marating ko ang rooftop...

Pero bago ko buksan ang pinto.. Isang kilalang kilala kong boses ang narinig ko...

"Siguro matatanggap mo na din ang sorry ko diba?" Sabi ni Brandon habang nakatingin kay Deb.

Ba't sila magkasama? Ba't kailangan ganyan kalapit?! >.<"

"Oo. Pinapatawad na kita. :)" Sabi naman ni Deb habang nakangiti sa kanya.

Ngumiti naman si Brandon ng malapad kay Deb. Ngiting nakita ko lang dati nung may nake-kwento siya sa aking nagugustuhan na babae.

"Di nga? As in?" Sabi pa ni Brandon na parang hindi makapaniwala.

Sinabi na nga at ngumiti pa sayo e! Ughhhhh! Nakakainiss! Ba't kailangan pang ganyan!

"Ba't ayaw mo? Hahaha! Bahala ka diyan." Sagot naman ni Deb at inirapan si Brandon.

"Hindi! Hindi! Thankyou frey!" Sabi niya at niyakap niya si Deb...

Na parang napatulala pa si Deb sa ginawa niya.... Di ko inaasahan na ganito... Masakit pala...

Ba't kailangan pa niyang yakapin e tinanggap lang naman yung sorry niya?! Bakit?!

Gusto kong pumasok sa pinto pero may pumipigil sa akin...

Naiiinis akong nakikita na parang okay lang kay Deb...

Di niya ba naiisip na magagalit o magseselos ako kapag nakita ko silang ganun?!

Niyakap ko din naman siya ni deb at  tinapik sa likod. "Haha! Ikaw talaga. Mas bata kapa magisip sa akin e! Ikaw pa? Matitiis ba naman kita?"

"Ay sorry. Napatagal ata yung yakap ko. Hahaha. Thank you talaga."

Buti naman alam mo! Nakaka-gago talaga!

Tang-ina naman talaga!

Wag sanang mangyari yung iniisip ko... Wag sana siya.. Nakaisa kana pero hindi pwedeng siya...

Wag siya... Wag si Deb.

Pababa na sana ako ng bigla akong may nalaglag na gamit mula dun sa pinto ng rooftop.

"Narinig mo yun?" Sabi ko ni Deb. Agad agad naman akong bumaba.

'Walang meron sila Seven, alam mong iba si deb sa laht ng babaeng nakilala mo. Hindi ka niya lolokohin.'

Salubong ang kilay kong naglalakad.

"Mukha siyang galit!!"

"Oo nga be! Ngayon ko lang siya nakitng ganyan!"

"Nakakatakot be! Huhu. May nangyari ba sa kanya?"

"Baka niloko ni Ate Deb!"

"Grabe ka naman! Di naman ganun si Ate deb!"

Mga naririnig kong bulungan na mas lalo akong naiinis!

'Badrtrip talagaaaaaaaa!!!!'

"Manahimik kayo! Mamaya di ko kayo matansta anong mangyari sa inyo!" Sigaw ko sa kanila at nagtakbuhan naman sila.

Sobrang badtrip talaga! Kingina. -.-

Malapit na ako sa court at nakita ko silang nakatingin sa aking lahat.

"Tingin niyo diyan?!" Sigaw ko naman, ba't di ko makontrol ang sarili ko?! Ugh.

Medyo lumayo naman sila pero syempre nanatili pa ding nandun sila James.

"Oh? Ba't salubong yang kilay mo?" Sabi ni Gab na halatang nagtataka.

"Wala. Wala." Sagot ko naman.

"So kung wala naman talaga ba't ka naninigaw diyan?" Tanong naman ni Kyle. Ano ba yan! Ang daming tanong.

"Wala! Gusto ko lang!" Sigaw ko na naman. "Sorry." Nasambit ko ulit.

Ughhhh! Nagpapadala na naman ako sa init ng ulo ko. Bwisit!

"Spill it out dre. We are your friends, we know when will you shout like that. What's the problem?" Tanong naman ni James.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Ganito kasi yan! Ugh. Bwisit talaga! Basta kapag sumigaw ako hawakan niyo na ako." lumunok muna ako bago tumuloy. "Dahil nga hinahanap ko si Deb, napapunta ako ng rooftop, pero nakita ko silang magkasama ni Brandon! Tang ina nga naman oo! Ugh! Tapos himingi siya ng sorry niyakap niya si deb! Nung una di naman yumakap si Deb tapos niyakap niya after ilang seconds! Bwisit talaga! Nakakabadtrip! Tinapik pa! Ang nakakainis parang di niya naisip kapag nagkita ko silang ganun! Nakakainis talaga! Tsaka may payakap yakap pa siyang nalalaman! Wag ko lang malaman na pati si Deb isasama niya dito!" Pagalit kong kwento dahilan parang ibato ko yung hawak kong bote. Ganito talaga ako kapag nagagalit. -.-"

"So? What's the matter if he hug her? Maybe there's a big reason." Sabi naman ni james.

"Tangina dre! Pinatawad lang kailangan may payakap yakap pa?! Anong klaseng kagqguhan yan?!" Sagot ko.

"Look. Calm down dre. Maybe he's just happy that she already forgive him." Pagpapaliwanag naman ni kyle.

"Fuck that reasons! Unaccepted reasons! Di ako bulag para di makita kung gaano kasaya si Brandon ng patawarin siya ni Deb! Hindi yun e! May iba pang dahilan!" Sagot ko naman sa kanya, di ko talaga makahanap ng magandang dahilan bakit kailangang ganun!

"Okay? I get your point. You're just getting jealous. You already said that she did not hug her when Brandon hug her.. But after how many seconds she did.. I think... She just hug him because she just want brandon to be okay. You're immatured. You know? Don't get mad because of what you see! Did they kiss? No! So why are you acting that they did something wrong to you!" Pagpapaliwanag naman ni Gab na medyo napaisip din ako... Tama nga naman siya wala naman silang ginawang mali.maliban dun e.

"Sorry." Yan na lang ang nasabi ko.

"You know bro, you don't need to act like that as if she did something really wrong. Okay, let's say that you did that, you shouted because of getting jealous but don't let your self to be like that! You're getting imatured." Sabi ni kyle lalo naman akong nanlumo dahil sa narinig ko. Nakakainis nagpapadala kasi ako sa galit ko.

"Just talk to her. I know that she can't do that to you. She will not cheat on you. I know that she's matured enough to think. She like you that much to did that." Sabi ni James.

"Okay lang yan dre, wag mo na lang ulitin. Nagtext pa naman kami sayo na di mo ata nabasa."

"Thankyou mga dre. Sorry ulit." Sabi ko at nakahinga ng maluwag. Tama naman kasi sila. Kakauspin ko na lang siya pero parang di pa ngayong mga oras na ito dahil medyo badtrip pa ako.

*Bzzzzt! Bzzzzt!*

Nag-vibrate naman ang phone ko at tumatawag na naman si Roxanne.

"Hello." Walang ganang sagot ko.

(Nakita ko na si Deb. Kasama niya pala si Brandon.)

"Magkasama pa din ba sila?"

(Hinatid lang. Alam mo pala di mo man lang sinabi sa akin?!)

"Nakalimutan ko e. Pwede ko ba siyang kausapin?" Sabi ko naman. Gusto ko marinig ang boses niya. Wala namang magagawa yung pagseselos ko.

"Hello." Sabi niya na malungkot na parang naguguluhan.

"Okay ka lang?" Sabi ko pero di gaya ng normal namin na paguusap na dalawa.

"O-oo o-okay lang naman ako. Ba't parang iba yang boses mo?" Pagaaalalang tanong niya, napansin niya din siguro.

"Wala. Sige, magte-traning na kami. Bye." Sagot ko at inantay ang huling sagot niya.

"Bye. Galingan mo. :)" Sabi niya at binaba na ang telepono, pero wala pa ding epekto badtrip pa din talaga ako.

Bumalik na ako sa court at sakto naman kakadating lang ni coach at kinausap muna kami.

Sana maging maganda tong saturday training namin...

Sana maging okay na din kami...

Nagstart na ding kaming magtraining at nagfocus..

-

A/N:

Updated na poooo! Ngayong araw ko lang din ginawa to. Haha! :)))) Chapter 25 na! Nakaraos din. :) Ano kayang gagawin nilang dalawa kapag nagusap sila? :)

Thank you very much sa mga nagbabasa at nagvovote! :* *Hugs!* lovelots! :*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro