Chapter 36: Awarding

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DEBBIE'S POV

MATAPOS ang proposal ni James kay Roxanne ay napuno kami ng saya, syempre may another chance na naman para sa kanilang dalawa kaya kailangan mag-celebrate kami. Yung ngiti nilang 'di matutumbasan ng kung ano man.

Magkakasama kami ngayon sa Creamlies tapos na din kasi ang laro nila Chard, galing nga eh. Champion sila, isang game na lang at tatawagin na naman kaming home of the champions. Nakakatuwang isipin sa totoo lang. Kabado kami kanina dahil lamang ang kabila ng ilang puntos pero agad naman nilang nabawi at kami ang nanalo. Kaya mukhang mamaya talaga magcecelebrate kaming lahat para sa pagiging champion namin.

"Babe, kanina mo pa ako hindi kinakausap. May problema ba?" Tanong sa 'kin ni Seven. Hindi ko maintindihan, simula nung makita ko siyang naggi-gitara parang mas lalo ko siyang nagustuhan.

Nakatutok pa naman sa kanilang tatlo yung spotlight kanina, ang gwapo niya  tignan, nakataas yung buhok, parang rakista, tapos ang galing pa niyang mag-gitara.

Hindi ko na maintindihan, hindi ko maipaliwanag. Masasabi ko na nga bang mahal ko na siya? Ilang buwan na rin ang lumilipas parang mas lalong pang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

"W-wala." Nautal ko pang sagot sa kaniya. Simula kanina yan ang naging tanong ko sa sarili ko, hindi pa din ako maka-move on sa pagkapanalo namin ngunit mas natuon ko ang atensyon ko sa tanong na 'yon.

"Hindi eh." Sabi niya't napatingin ako sa kanya, magkasalubong ang kilay niya habang nakaringin sa 'kin. "Tapos kanina, nung matapos yung laro nila Myca, wala ka man lang kaemo-emosyon, parang wala yung utak mo at lumilipad sa kung saan." Dagdag pa niya ngunit mahina ang boses, nagke-kwento din kasi sila.

'Kasalanan 'to ni Myca eh! Huhu! Kung hindi niya ba naman kasi ako tinanong kanina kung mahal ko na si Seven eh, hindi ako lutang ngayon.'

"Hindi." Mapait kong sabi sa kanya upang hindi na siya magtanong pang muli. "Hindi kasi ako maka-move on dun sa proposal ni James kay Roxanne. Nakakakilig kasi, kadalasan nababasa ko lang yung ganun sa wattpad o kaya sa binabasa kong mga libro." Pagsisinungaling ko sa kaniya, mukhang naniwala naman siya sa Aliby ko at tumango-tango siya.

"'Wag kang mag-alala babe!" Sabi niya't inakbayan pa ko. "Pag ako nag-propose naman sa 'yo ng gano'n sigurado akong hindi mo makakalimutan." Saad niya't ngumiti pa sa 'kin ngunit sobrang magkalapit ang aming mukha, sinuklian ko na lamang siya ng ngiti at ipinagpatuloy ang kumain ng Ice cream.

"So paano ba yan, newly couple? Haha! Natuloy yung plano mo Roxanne!" Saad ni Myca at nakangiti ng malapad sa kaniya, masaya siya para kanila James at Roxanne, lahat naman kami. Tinutukso pa nga namin sila habang naglalakad dahil magka-holding hands sila.

"Oo nga no! Nawala sa isip ko 'yon kanina!" Sabi ni Natasha.

"Ano yun? Anong plano?" Tanong ni James, wala nga pala siyang alam sa dapat na gagawin ni Roxanne pagkatapos ng Tournament.

"Balak kasi kitang sagutin after the tournament. Kaso wala eh, naunahan mo ako." Wika ni Roxanne at sumubo ng Ice cream.

"Ah, sayang naman! Tsk! Dapat pala 'di kita binalikan kaagad." Pagbibiro ni James at agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Roxanne at pinalo. "Joke lang! Haha! Eto naman masyadong seryoso." Sabi niya at hinaplos pa ang braso niya.

"Game na ninyo mamayang 3, hindi kami manonood!" Sabi ni Anne at lahat kami'y napatingin sa kaniya, maliban sa mga babae.

"HA?! BAKIT?!" Sabay-sabay na sabi ng mga lalaki.

"Aba! Hindi niyo kami pinanood kanina tapos kayo papanoodin namin?!" Sabi ni Anne at umirap pa. "No way! Magdusa kayo." Pagtataray pa niya.

"EH?! KASALANAN MO 'TO JAMES EH!" Sabay nilang sabi maliban kay James at Chard, pinanood na kasi namin ang laro nila ni Myca. Nakaligtas ang mokong. Tss!

"Aba malay ko bang may balak silang ganyan?" Nanlulumong sabi ni James at ngumuso pa. "Manood na kayo! Para kay Roxy naman ang ginawa ko!" Pagrereklamo niya kay Anne. "Hindi mo din ako papanoodin mamaya?" Parang batang tanong naman niya kay Roxanne.

"Hindi." Diretsong sabi ni Roxanne.

"Tsk! Ayan! Kasalanan mo talaga eh!" Saad nilang lahat.

"Babe papanoodin mo naman ako diba? Diba?" Panlalambing niya sa 'kin ngunit sinabayan ko ang trip nila kaya humindi ako. Mukha naman siyang nalugi at ngumuso kaagad.

"Anong ko para manood ka?" Tanong sa 'kin ni Seven, eto talaga ang plano namin. Nag-isip naman ako ng pwede niyang gawin.

"Uhm. Bili mo ko nung fries yung large tapos gusto ko ulit ng cookies and cream. Ayos na 'ko dun." Saad ko.

"Yun lang po? Bibilhan na kita!" Wika niya at agad siyang ngumiti at hinalikan ako sa noo na nagbigay ng kung anong kilig sa akin, hindi kaagad ako nakagalaw at napako ang tingin ko sa kinauupuan niya. 

'Eto na ba yung pakiramdam na 'yon?'

Ganun din sila at ng makaalis ang mga lalaki ay nagtawanan kami.

"Hahaha! Nakita niyo yun? Sabi sa inyo effective eh!" Sabi ni Anne at pinipilit na huwag nang tumawa pa ngunit hindi niy mapigilan.

Nagsabihan kami kung ano ang mga pinabili nila ngunit pare-parehas lang pala kami, natawa na lang ako dahil pwede naman nilang sabihin ngunit kinailangan pa nilang pag-tripan ang mga lalaki.

"Guys." Tawag ko sa kanilang lahat. Tumingin naman sila sa 'kin at ipinagpatuloy ang ginagawa nila. "Paano niyo ba masasabi kapag mahal mo na ang isang tao?" Wala sa sarili kong tanong sa kanila.

Natigilan naman sila sa pag-inom ng tubig at napatitig ng matagal sa akin. "WHAT?" Sabi ko dahil kanina pa sila nakatitig sa 'kin.

"B-bakit? M-mahal mo na ba si Seven?" Nautal na tanong ni Myca sa 'kin habang nanlalaki ang mata na nais makakuha ng kasagutan.

"H-hindi ko din alam.." Sabi ko't napatingin sa direksyon ni Seven kung saan nakapila pa din siya para bumili ng fries at ice cream.

"Sumisikip ba ang dibdib mo kapag nakikita mo siya? Yung para bang hindi ka mapakali kapag makikita mo siyang papalapit sa 'yo?" Tanong ni Anne.

"O-oo. Madalas nang mangyari 'yon." Sagot ko, nanlaki ang mata ni Anne ngunit napakapit na lang siya kay Natasha.

"Hinahanap-hanap mo ba siya kapag wala siya sa tabi mo? Yung para bang lagi mo siyang namimiss?" Tanong naman sa 'kin ni Natasha.

"O-oo."

"Eh yung bumibilis yung tibok ng puso mo kapag hahawakan ka niya, kagay nung kanina nung hinalikan ka niya sa noo." Tanong sa 'kin ni Roxanne.

"Oo kanina, madalas talagang mangyari 'yon. Lalo na yung sa beach na halos 'di kami mag-usap ng isang araw." Balisa kong sabi. Parang wala ako sa sarili ko habang sinasabi 'yon.

"Bakit girl? Anong nangyari sa beach? Yan ba yung umalis tayong lahat?" Tanong ni Myca.

"Oo. Yun yung araw na umalis tayong lahat." Kabado kong sabi sa kanila, namamawis na ang kamay ko dahil baka husgahan nila ako kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol dun. Pakiramdam ko kasi'y hindi pa nila nagagawa 'yon.

'Mapagkakatiwalaan sila, kaya nga kayo bestfriends eh.'

Bumuntong hininga ako bago nagsimulang magsalita. "Nung nanood kami ng sunset.." Pagtigil ko dahil kinakabahan akong sabihin sa kanila. "N-nahalikan niya 'ko sa labi." Kabado kong sabi sumikip ang dibdib ko, pakiramdam ko'y dapat hindi ko na lamang sinabi dahil nakakahiya.

"OH MY GOD." Hindi makapaniwalang sabi nilang apat sa akin.

"Ano ba naman yan! Alam niyo yung kinakabahan na 'ko dahil sa sasabihin niyo? Pakiramdam ko nga parang sasabihan niyo ko ng kung ano eh!" Pagmamaktol ko naman sa kanila.

"KYAAAAAAH!" Sabay-sabay nilang sabi na apat at pinalo pa ang isa't isa. Ngunit naging mahina lang ang kanilang tili at sunod sunod na pinalo ang isa't isa.

Agad na kumunot ang noo ko dahil sa tili nila, mahina ngunit namumula silang lahat na akala mo'y mga kamatis!

"Grabe girl! Nakakakilig 'yon! Sa sunset?! Kyaaaah! Ikaw na girl! Ikaw na!" Kinikilig na sabi ni Myca sa 'kin at uminom pa ng tubig, napangiti na lang ako sa kaniya.

"Oo nga! Grabe, kung ako 'yon kinilig na 'ko ng sobra-sobra!" Saad ni Anne.

"Bessy, 'wag kang mahiya. Naranasan ko din yan. Nung panahon na nililigawan pa lang ako ni James, kilig na kilig nga 'ko nun eh. Kaso nahihiya akong sabihin sa 'yo. Parang may kung ano pa nga siya tiyan ko nun eh." Paglalahad naman ni Roxanne, nang dahil do'n ay nakahinga ako ng maluwag. Naranasan na din pala niya!

"Anong feeling?" Interesadong tanong ni Natasha.

"Huh?" Tugon ko.

"I mean, masarap? Malambot o ano? Ano?" Sabi ni Natasha.

"Kasi.. Ano eh.." Hindi ko mapakaling sabi. "Masarap sa feeling. Nawala nga sa isip ko na nasa beach kami eh. Malambot yung labi niya. Hindi naman ako nagalit sa kaniya eh. Kasi sabi ko ginusto ko din naman." Saad ko.

"Tanong mo kung paano mo masasabi kung mahal mo na ang isang tao diba?" Sabi ni Anne, tumango naman ako. "Ikaw na ang nakasagot sa tanong mo, mahal mo na si Seven." Dagdag pa niya't ngumiti na lang ako.

'Mahal na kita Seven..'

"Grabe! Ang daming nangyayari ngayong araw ah! Haha! Nililigawan kana ba niya?" Tanong ni Myca, pero hindi ko alam kung anong isasagot ko..

"H-hindi ko alam." Sagot ko.

"HA?!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Wala naman siyang sinasabi eh." Sagot ko't nagkamot pa ng ulo, tinignan ko muna si Seven at sila ang susunod sa pila.

"ANO KA BA DEB! NANLILIGAW NA 'YON!" Sabay sabay nilang sabi sa 'kin ngunit hindi naman gano'n kalakasan.

"Ganun ba 'yon? Sabagay nagpaalam naman siya kay tatay." Sabi ko.

"Nako bessy, ewan ko sa 'yo. Sabagay, nandito naman kami para bantayan ka. Haha!" Saad ni Roxanne.

"Thank you guys!" Sabi ko't ngumiti sa kanilang lahat.

Nag-usap kami ng iba at puro kami tawanan ng bumalik na silang lahat.

"So manonood na kayo?" Tanong nilang lahat?

"Opo honey!" Nakangiting sabi ni Anne.

"Opo By!" Sabi naman ni Natasha at kinuha agad ang Fries.

"Opo Rich!" Saad ni Myca.

"Opo Jamy!" Sagot naman ni Roxanne.

"Yes babe!" Sagot ko't kinuha yung Ice cream.

Kinain naman ang ice cream, umupo sa tabi ko si Seven at kinuha yung kutsara ng ice cream ko at kumuha ng isang kutsara sa ice cream ko.

"Uy! Ba't mo kinuha yung ice cream ko!" sita ko sa kaniya.

"Tinatamad na 'kong bumili babe eh." Sabi niya't ngumiti sa 'kin.

"Wala na kong magagawa edi kumuha ka na lang din. Oh, gusto mo fries?" Alok ko sa kaniya.

"Okay lang? Diba gusto mo niyan?" Paninigurado pa niya.

"Oo naman. Pero mas gusto ko naman i-share sayo 'to." Sabi ko't ngumiti sa kaniya.

May kung ano akong naramdaman sa aking dibdib, na napangiti ako ng kusa, para akong timang na nakangiti kahit na may kanya kanya kaming usapan at kumakain lang naman kami na dalawa.

"Ba't ka ngiting-ngiti diyan babe?" Tanong niya sa 'kin.

"Wala, masaya lang ako." Sabi ko ngunit nakangiti pa din ako. Hindi ko mapigilan 'yon.

"Alam mo ba?" Sabi niya't kumuha siya ng fries at sinawsaw dun sa Ice cream. "Masaya din ako." Dagdag pa niya at sinubo ang fries.

"Bakit?" Tanong ko naman sa kanya at kumutsara do'n sa ice cream.

"May natuklasan kasi ako ngayong araw, masaya naman akong nadiskubre ko 'yon sa sarili ko."

"Ano naman yang natuklasan mo sa sarili mo?"

"Sekreto ko na 'yon. Basta, manood ka mamaya babe ah? Mananalo kami pag nando'n ka."

"Oo naman manonood ako. Promise."

Inubos namin 'yon at nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa awarding, excited na nga daw siya maglaro eh, manonood daw kasi ako. Atsaka, magiging maganda ang performance nilang lahat mamaya.

-

Oras na ng laro nila, syempre nasa court na sila dahil nag-warm up pa sila, magkakasama naman kaming lahat pati si Chard, mukha nga silang ewan kanina eh, minake-upan kasi siya kanina ni Myca, mukha tuloy siyang bakla. Haha! Halos maubusan na nga kaming lahat ng hininga kakatawa.

Masaya ako sa kanila, syempre ngayon ko lang nakitang ngumiti ng ganyang kalapad si Myca at si Chard, kami din naman ang nagtanggal ng make-up niya, syempre alangan naman na lumabas siya ng gano'n.

Matapos no'n at bumaba na kami upang pumunta ng court. Sa kanan kami kaya do'n kami umupo, may reserve slots na kami dahil players kami sa harap kami syempre. Malapit sa committee.

Ilang minuto magsisimula na din naman ang laro, bumalik ng side nila Seven at kinindatan pa 'ko nginitian ko na lamang siya ng malapad at umiwas ng tingin.

Bigla naman akong siniko ni Myca at ngumiti ng makahulugan. "May pa kindat-kindat pa ah!" Pang-aasar niya.

"Haha! Siya yung nangingindat diyan eh, hindi naman ako." Saad ko naman.

"The most awaited game between Xavier University and Schidmt University! Who do you think guys will win? Shout for your team! Xavier University!" Sigaw nung MC, basketball naman talaga ang inaantay ng lahat ng estudyante dito, nandyan daw kasi sila Seven, hanggang ngayon marami pa din namang nagkakagusto sa kanya pero ganun talaga.

"GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER! GO XAVIER!"

"LET'S GO XAVIER! LET'S GO! LET'S GO XAVIER! LET'S GO XAVIER! LET'S GO! LET'S GO XAVIER! LET'S GO XAVIER! LET'S GO! LET'S GO XAVIER! LET'S GO XAVIER! LET'S GO! LET'S GO XAVIER!"

"GO XAVERIANS! GO! GO! XAVERIANS! GO XAVERIANS! GO! GO! XAVERIANS! GO XAVERIANS! GO! GO! XAVERIANS! GO XAVERIANS! GO! GO! XAVERIANS! GO XAVERIANS! GO! GO! XAVERIANS!"

Sunod sunod na sigawan ng mga Xaverians, madami din sila makikita mo din ang mga efforts nila dahil sa mga banners at mga tarpaulins nila.

"What about for Schidmt University?!"

"WE ARE THE CHAMPION! NO ONE CAN BEAT US! WE ARE THE CHAMPION! NO ONE CAN BEAT US! WE ARE THE CHAMPION! NO ONE CAN BEAT US! WE ARE THE CHAMPION! NO ONE CAN BEAT US! WE ARE THE CHAMPION! NO ONE CAN BEAT US!"

"LET'S GO SCHIDMTIANS! UH-AH! LET'S GO SCHIDMTIANS! UH-AH! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS!"

"GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS! GO SCHIDMTIANS! GO! GO! SCHIDMTIANS!"

"The game is on fire so LET'S START THE GAME!" Sabi ng MC.

Pinakilala na rin niya ang mga players ng bawat kupunan bago sinimulan ang laro, pumunta sa gitna si Kyle at Dela Cruz ng Xavier University, nakuha ng Dela Cruz ang bola at ipinasa do'n sa kakampi niya, at binantayan naman ito ni James, nakuha ni Dela Peña ang bola at ipinasa kay Suarez, itinakbo naman ni Suarez ito at ishinoot!

"2 points for Schidmt University!" Sabi ng MC.

Nagsigawan at naghiyawan naman ang mga schidmtians at nagpatuloy sa paglalaro, si Kyle at James pa lang ang ipinapasok sa team namin na kaibigan namin si Gab at Seven it's either 2nd quarter or 3rd quarter pa.

Nagpatuloy ang laro, pagudan at puro agawan ng bola ang naganap, ngunit lamang kami ng limang puntos, matatapos na din ang first quarter, patuloy sa pagdribble ng bola si Kyle na ipinasa naman niya kay James at ishinoot ito! Pumasok ang bola at agad itong kinuha ng isang player ng Xavier at shumoot din ng isa.

Natapos ang first quarter na lima pa din ang lamang at ipinasok na sila Seven, syempre todo sigaw ang cheerers namin, pero mamaya na ko magche-cheer hindi naman niya maririnig kung saka-sakali.

--

Nasa gitna ng second quarter ng biglang mag-foul at biglang natumba si Seven! Napatayo ako dahil do'n dahil hindi ko nakita, namimilipit siya sa sakit at agad akong kinabahan no'n.

"ANONG NANGYARI?" Nag-aalala kong sabi habang nando'n pa din sa kinatatayuan ko.

"Natulak siya ng kalaban, natumba pero hindi inaasahan na gaganun ang paa niya." Sagot ni Chard ngunit makikita mo sa kanyang mata ang pag-aalala.

"And a foul! Injured si Mr. Swayze!" Sabi nung MC, lumapit naman ako sa kanya't nagtanong.

"Pwede po bang pumunta dun?" Nagmamadali kong tanong.

"Ano ka ba ni Mr. Swayze?" Tanong sa 'kin ng MC.

Hindi agad ako nakasagot, ngunit nakaisip ako, ng sabihin ko 'yon ay pinayagan niya kong bumaba, kita kong namimilipit sa sakit si Seven, mukhang na-dislocate ang buto niya, tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Ma'am okay lang po ba siya?" Tanong ko kay Ma'am Farah.

"Na-dislocate lang yung ankle niya, makakapaglaro naman siya kailangan lang na lagyan ng yelo at hilutin. Depende naman din sa kanya kung gusto niya pang maglaro." Sagot ni ma'am sa akin.

"Kaya mo ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Medyo okay naman na, masakit lang ng konti." Saad ni Seven. "Coach! Maglalaro pa din ako, ipapahinga ko lang ho itong paa ko."

"Sige Swayze!" Sagot ni Coach at binantayan ang mga players na nasa court, naging substitution ang naganap kaya iba ang nag free-throw.

"Nak!" Tawag pansin kay Seven ng isang babae. Nang lingunin ko naman ay si Tita Kim 'yon.

"Mom!" Sagot naman ni Seven. Lumapit naman ito sa 'min.

"What happened? Are you okay?" Tanong ni tita.

"I'm okay mom don't worry. I thought you are not going?"

"Nah, we are all here and also Chi, we want to watch your championship game. Are you really sure you are okay?"

"Yes mom."

Tinanomg naman ni Ma'am Farah kung hindi na masakit, tumango naman si Seven at kinausap si Coach, sa fourth quarter na lang daw siya ipapasok dahil baka mapaano ang paa niya.

"Hello po." Bati ko sa mama ni Seven.

"You are getting pretty huh." Sabi ni tita at ngumiti sa 'kin. "Chi is looking for you a while ago but we can't see you."

"We are beside of the commitee, the players have reserved slots so we are sitting there infront." Sagot ko kay Tita.

"Mmmm." Sabi ni tita at tumango. "Are you still staying with Brandon?" Hindi agad ako nakasagot, naalala ko kasi si tatay eh.

"Yes tita. But, tomorrow I will be going home already."

"Why don't you join in our dinner later?"

"No tita, it's your family dinner. You don't need to join me."

"Nah, you are also part of our family, right son?" Sabi ni Tita at ibinaling ang tingin kay Seven na kasalukuyang nakikinig sa usapan, nakangiti lang siya sa 'min at tumango.

"Mom! I think, we will be having a bonding later after the awarding." Saad naman ni Seven.

"Ow, is that so? You're father insisted but I will talk to him later, I will just scheduled it some other time, okay son?" Saad ni tita at ngumiti sa 'ming dalawa.

"Take care of my son." Sabi ni tita at kinindatan pa ako, ang cute parang teenager. "I will go back there, maybe Chi is looking for me already."

"Sige po." Sabi ko naman at kinuha na niya ang bag niya at umakyat na.

"Sure ka bang kaya mo nang maglaro?" Tanong ko pa sa kaniya, naiigagalaw naman na niya ito ng maayos kaya tumango na lamang ako.

"Diba sabi ko ipapanalo ko 'to? Para sayo." Wika niya't ngumiti. "I-cheer mo ko mamayang fourth quarter. Parang energy kita eh." Dagdag pa niya. Naginit ang mukha ko sa di malamang dahilan. "Cute ka pag nagba-blush. Para kang kamatis." Pang-aasar niya't pinalo ko siya at inirapan. Nginitian naman niya ako at parang hindi ininda ang sakit.

"Aakyat na ako." Pagpapaalam ko sa kaniya.

"Dito ka na lang." Sabi niya't hinawakan ang kamay ko't pinaupo ako. Nagpa-puppy eyes pa, akala mo naman bagay sa kanya. Haha.

"Mamaya hinahanap na nila ako. Iche-cheer pa naman kita." Sabi ko't pinisil ang ilong niya.

"Aray babe." Sabi niya't hinawakan ang ilong niya.

"Sige na, bye!" Sabi ko't kumaway pa sa kaniya atsaka umakyat at ngumiti sa kanila.

"Okay na siya?" Tanong ni Chard.

"Oo, makakapaglaro daw siya mamayang 4th quarter." Sagot ko't tumango naman siya.

Habang nanonood ay tawa kami ng tawa Kay Roxanne at Natasha, sigaw kasi sila ng sigaw at chinecheer ang mga boyfriends nila. Kapag titingin naman sa kanila'y masho-shoot ang bola. Nagkaroon ng substitution dahil magfo-fourth quarter na din at ipapasok na si Seven.

Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko at ng tignan ko iyon ay si Seven ang nagtext, i-cheer ko daw siya. Hindi ko naman siya nireplayan dahil wala rin akong load.

Tumutok na lamang ako sa panonood, nando'n si Brandon at naglalaro sila nila Timothy lahat sila, lamang ang kabila, ng sampu kaya malaki ang hahabilin, tatlong minuto na lang at matatapos na ang ikatlong quarter.

Nag-aagawan ng bola at ang shooter nila ay si Brandon, ngunit napapansin kong sa bawat tira niya'y tumitingin siya sa 'kin ayaw ko mang maging feeler pero ayun talaga ang nakikita ko, siniko nga din ako ni Anne dahil nakikita daw niya na tumitingin sa akin si Brandon.

Si Liam naman ay diretso sa mga kalaban lamang na tumtingin desidido din siyang manalo dahil ayon sa kanya dahil nakatira ako sa kanila ay hindi daw sila nakuhang varsity sa Korea.

Natapos ang third quarter at pantayvna ang score si Brandon ngayon ang highest pointer kaya maaring siya ang maging MVP pero kaya naman ni Seven yan, gusto niya kasing makuha ang 4-consecutive MVP player.

Ipinasok na nila si Seven at nagtilian ang mga babae ngunit nasasanay na din ako, wala akong magagawa masyado siyang gwapo. Ngumingiti na nga lang ako minsan ng palihim kapag may nagkakagusto sa kanya.

Nagsimula ang fourth quarter at lumilipas ang oras parehas pa din ang score 86-86 bola namin kaya todo cheer kami, kung tutuusin ay para kang nanonood ng NBA dahil sa cheer ng mga tao at sa labanan nila. Kung susumatuhin ay apat na minuto na lang ang natitira, mabilis lang itong matapos sa totoo lang.

Na kay Seven ang bola, kasalukuyan niya itong hinahanap ng lusot dahil dalawa ang nakabantay sa kaniya. Habang dirinidible niya ito ay tumingin siya kay James kaya binantayan nila si James ngunit ipinasa niya 'to kay Gab atsaka niya ishinoot.

"2 points for schidmt university!"

Nagpatuloy ang laro, ngunit lamang na kami ng dalawa ng biglang maagaw ng kabila kay Brandon ang bola at naishoot ito! Isang minuto na lang ang natitira, mas lalong dumami ang sigawan, mas lalong napuno ng crowd.

Do or die game na naman. Agad na ipinasa kay Seven ang bola humanap ng pwedeng maging galaw si Seven kung saan hindi siya matatapalan ng kalaban umikot siya papunta sa harap ngunit bantay sarado pa din siya. 30 Seconds na lamang nagu-ubos na ang oras..

Nang maitaas na niya ang bola ay may 'di inaasahang..

"FOUL! FREE THROW FOR SCHIDMT!" Sabi nung MC at nagtalunan kami! May tiyansa na kaming manalo!

Pumunta sa gitna si Seven at ipinatalbog ang bola.. Sumigaw ako ng tatlong beses at mukhang hindi niya 'yon naririnig dahil sa sigawan at cheer ng team namin.

Lumapit ako sa MC upang kunin ang mikropono ngunit nagpaalam muna ako.

"Who do you think will win? Is it Xavier or Schidmt? Will Schidmt University will be gaining again the Home of the Champions or they will lose this time?"

Nasa free throw line pa din siya't hindi niya na-shoot ang isang bola. Ibinigay naman sa akin ng MC yung mic at naghello pa ko.

"Go babe! Shoot that ball!" Sigaw ko ngunit hindi naman nakakabingi sa tenga, ngumiti sa 'kin si Seven at naishoot niya ang bola!

"WOOOH! LET'S GO SCHIDMTIANS!"

Nakuha ng kalaban binantayan si Dela Cruz ni Seven at nakuha ni Seven ang bola, 10 seconds na lang at mabilis na tumakbo si Seven at shinoot ang bola bago pa mag-buzzer!

"SCHIDMT UNIVERSITY IS THE CHAMPION AGAIN!" Sigaw ng MC at nagtilian kami sigawan at hiyawan.

Hindi makapaniwala ang bawat isa dahil hindi akalain na mananalo pa ang basketball dahil sa dikit na labanan.

"Please proceed to the auditorium for the Awarding! Congratulations again, Schidmt University!"

Pumunta naman kami lahat sa baba upang salubungin sila Seven, sinalubong ko siya ng isang malawak na ngiti.

"Ang galing mo." Sabi ko't inabot sa kanya yung dala kong gatorade.

"Sabi sayo eh, ipapanalo namin 'yon. Salamat sa Cheer babe!" Nakangiti rin niyang sabi.

Ang saya ko dahil nanalo sila, panalo kaming lahat para kaming nanalo sa lotto sa sobrang saya. Nagpaalam naman ako na ico-congratulate ko lang sila Liam, pumayag naman siya.

"Congratulations. Ang galing niyo kanina." Sabi ko't kinamayan silang lahat ngunit ang pinakamatagal ay ang kay Brandon, matagal ang kanyang pagakahawak ngunit hindi ko binigyan ng kahit ano mang malisya 'yon. Para na rin kaming magkapatid niyan.

"Ayos ba?" Sabi ni Zach at niyakap pa 'ko.

"Kadiri ka!" Pagrereklamo ko't tumawa pa sa kaniya.

"Hoy! Mabango ako no! Tsaka wala akong pawis 'wag kang ano diyan Enriquez!" Sabi niya't nagtawanan na lang kami.

"Nga pala, pupunta kaming lahat kanila Brandon mamayang 8, may celebration daw tayong lahat after ng awarding eh. Hanggang 7 daw, magpapakain si Mr. Schidmt." Sabi ni Timothy.

"Sige, papaalam ako kay Seven hanggang 7 lang naman."

"Kayo ba? Haha! May paalam paalam pa?" Sabi ni Daryll, nginitian ko na lang siya.

"Sige, kita na lang tayo sa bahay nila Brandon."

"Sabay kana sa 'min!" Sabay nilang sabi. Kaya mapatingin din sa amin sina Seven.

"Kasabay ko sila eh. Okay lang." Sabi ko sa kanila at umalis na. Sabay sabay kaming pumunta ng Auditorium puro players lang ang nando'n at walang ibang tao.

Ilang minuto ay nagsimula na din, nahati 'yon sa tatlong rows, para sa basketball, Volleyball at Tennis, nasa unahan ang Champion sumunod ay 2nd at 3rd para sa dulo.

"Please settle down and stand up for the singing of the National Anthem." Sabi nung MC at tumayo naman kami at kumanta hanggang sa matapos.

"And for the Chairman of the 7 schools, let's give him a warm round of applause Mr. Andromeda!" Sabi ng MC at nagpalakpakan naman kami, ngayon ko lang siya nakita siguro nasa 50's na siya dahil sa kilos niya at tindig.

"So Good Afternoon everyone. Another year for the new battle. I want to congratulate does who exert their efforts in this tournament specially to our players, I know you did your best to win this game. Remember that we are having this kind of tournament because we want to train your abilities, not for the school but for you. We want the best for you, this is a Friendly competition no hard feelings if whether your team win or lose. Learn to be fair and be proud of your self! And I want to congratulate the MVP's of Basketball and Volleyball! I hope you'll not forget what you've learned here in our school. See you again in the next tournament! Thank you." Speech ni Mr. Andromeda. Nagpalak-pakan naman kami matapos no'n. Bumalik siya sa kanyang upuan niya, kung saan siya'y pinaggi-gitnaan ng bawat principal ng iba't ibang school.

"Thank you for that wonderful speech Mr. Andromeda!" Sabi nung MC at nag-bow sa harap nito at nginitian naman siya nito. "So let's start the awarding!" Masiglang sabi nito. "First for the Table Tennis! We want to congratulate the Schidmt University for being the champion!" Nagpalakpakan naman kami. "2nd runner up, is for the Rocketeer University and for the Third, we have Cavalier University!"

Pumunta naman ang principal namin sa harap at nag-picture sila, madaming photographers sa totoo lang aakalain mong may kung ano mang event o party.

"For the girls division, who will be recieving a certificate and a trophy we have, Myca Mich Mendez!" Saad ng MC at naghiyawan at palakpakan kami, nakangiti habang papunta sa stage si Myca at nagpicture kasama si Mr. Andromeda at si Mr. Schidmt, matapos ay pinicturan siya mag-isa.

"Kailangan ba may Solo talaga for the Champions?" Tanong ko kay Anne, siya kasi ang nasa harap ko, at sa likod ko naman ay si Bessy.

"Oo, nilalagay kasi yan sa Year book, parang alaala lang for the last year players tsaka pinopost yan ata sa site, kinukuha ng Admin." Sagot sa akin ni Anne. Hindi na ako sumagot at nakinig na lamang sa MC.

"And for the boys we have Bry Richard Smith!" Sabi ng MC, palak-pakan din at hiyawan ang sumalubong sa kaniya. Ganun din ang kanya't pinicturan din siya.

"Next, for the Volleyball! For the Champion we have Schidmt University! Second placer, we have Calders University! And for the third placer we have Xavier University!"

Lumapit naman ang principals namin at matapos ay pinicturan silang tatlo habang hawak-hawak ang mga tropeyo.

"For the players, we have our mythical five, which will be chosen to the Champion, we have.. Natasha Williams!" Nagpalak-pakan naman kami at pumunta siya sa harap, syempre supportive ang kanyang boyfriend at tumayo pa upang palakpakan siya. "Next, Anne Adams, Carina Villaruel, Roxanne Marie Santana and Debbie Frey Enriquez!" Tawag sa aming pangalan at malaking ngiti ang pumorma sa aming mga labi, ang saya malamang kasama kaming apat sa Mythical Five. "And for those who are not called, you will come up on stage for the picture taking."

Isa-isang lumapit samin ang iba ibang prinicipals at ibinigay ang isang isang certificate na nakalagay na sa Frame kaya mas lalong nakakatuwa, nagbungga lahat ng paghihirap namin. Isa-isa kaming sinabitan ng mga medalya na may naka-ukit na Mythical Five, pinicturan kami kasama ang aming principal at kasama si Mr. Andromeda.

Matapos ay kaming lahat at nag-solo din, matapos ay pinaakyat lahat ng Schidmtians at kinuhanan kami ng litrato. Bumaba kami at umupo sa aming designated area.

"And for the MVP of Volleyball! We have.. DEBBIE FREY ENRIQUEZ!" Masiglang sabi ng MC at ikinagulat ko ng banggitin niya ang aking pangalan, hindi agad ako naka-react dahil sa gulat hindi ko inaasahan na ako ang magiging MVP dahil sa mga tira ko na sumasablay naman minsan.

"Deb! Tawag kana, umakyat kana dun!" Nakangiting sabi ni Natasha kaya ako ay umakyat sa stage at nakipag-handshake muli ako kay Mr. Andromeda binigyan niya ako ng trophy at medalya ngumiti sa kanya't kinuhaan muli kami ng litrato.

Matapos ay biglang may tumulong luha mula sa 'king mata, tears of joy 'to pinahid ko naman 'yon at ngumiti sa camera.

"Do you have any message Miss Enriquez for being the MVP this tournament?" Sabi nung MC at inanyayahan ako mula sa kaniyang kinatatayuan.

"Hello." Sabi ko't natawa pa sila, maski sila Mr. Andromeda ay tumawa din. "I just want to say thank you for this award. I didn't expect to get this award and I'm so happy that I can't explain the feeling of getting this kind of award. Thank for our Coach.." Huminto ako at tinignan si Coach. "Coach, Maria Fe, soon to be a wife. Haha!" Pagbabanggit ko't tumawa siya ng bahagya. "Thank you po, thank you very much sa time na binigay niyo sa amin, sa pag-gabay sa amin sa tuwing may training tayo coach, thank you very much sa pagtitiis sa amin sa mga panahon na minsan late kami at sa attitudes namin minsan. Thank you talaga coach sa lahat ng itinuro niyo po sa amin! I love you coach!" Dagdag ko't rinig ko ang pagtawa ng bawat isa.

"Specially to my Friends, and to my special someone there!" Sabi ko't tinignan ko pa si Seven sa mata, ngumiti naman siya ng matamis at nagpatuloy na 'ko. "Thank you for the happy times, and unforgettable memories! Haha! Thank you to Mr. Andromeda and Mr. Schidmt. Thank you also God for giving me this kind of talent. Para namang graduation 'to. But to make it short, for those incoming seniors, like me.. Enjoy your life and live your life to the fullest. Have a great day thank you very much." Pagtatapos ko at nagpalakpakan naman sila't bumalik na ako sa aking kinauupuan.

"Thank you for that, and congratulations Ms. Enriquez!"

Inapiran naman ako nila Natasha at kinongratulate ako. Haha!

"And for the Basketball, our champion again, Schidmt University! For the second placer we have, Xavier University! And for the third placer we have Cavalier University!" at ganun muli ang naging rotation. "For the Mythical Five we have.. John Kyle Schidmt, James Copper, Gabriel Osborne, Brandon Miguel Sarrosa and John Steven Swayze!"

Nag-palakpakan kami isa isa silang kinuhanan at sinabitan ng medalya, masaya ako para sa kanila, pero sana makuha ni Seven ang MVP. Natutuwa din ako kay Brandon, atleast diba? Nakasali siya sa Mythical Five. Naghandshake naman silang lahat at nag-bro fist miski sila Brandon at Seven sana naman magkaayos na silang dalawa.

"And for this years MVP! We have.. John Steven Swayze! And now, he is the 4 consecutive years MVP! Congratulations!" Sabi ng MC at nagtilian yung mga babae mula sa ibang schools, nagpalakpakan naman kami.

Gaya ng ginawa sa 'kin ay gano'n din sa kanya, kinausap niya naman si Mr. Andromeda ngunit saglit lamang at dumiretso siya sa MC at may sinabi.

"Ms. Enriquez, Debbie Frey. Please come up on stage, for the picture taking of MVP's." Tawag nung MC at nagtilian naman sila Roxanne.

Ngumiti na lang ako at saka tumayo at pumunta ng stage. Sinalubong ako ng isang ngiti ni Seven na madalas ko ng nakikita araw-araw.

"Ikaw may pakana nito no?" Bulong ko sa kanya.

"Syempre naman babe, meant to be kaya tayo parehas tayong MVP." Saad niya at inakbayan ako at ginulo ang buhok ko, nagtilian naman ang mga kababaihan sa nakita nila at pakiramdam ko'y namumula na ako dahil do'n.

"We will left you here, para makapag-picture kayo pareho. Naintindihan naman namin ni Mr. Andromeda 'yon. Okay?" Sabi ni Mr. Schidmt at nagpasalamat kami pareho ni Seven.

Ngumiti kami ng malapad ni Seven at miski ako, at nag-flashang camera. Bumaba naman na ako dahil may MVP speech pa siya.

"Kayo na! Lahat kami kinilig dito oh!" Sabi ni Roxanne at pulang pula siya, kinilig daw eh.

"Oo nga! Sabagay, mamaya na lang kami pagkatapos, hindi kaya nagawa sa amin 'yon ni Gab at Kyle tapos sayo.. Grabe! Ang lakas ng fighting spirit niya ah? Haha!" Sabi ni Natasha.

Humarap na ko at sakto namang magsisimula pa lamang si Seven ng kanyang speech.

"Thank you to all of you who believe that I will be going to be the MVP for this year, Thank you to Mr. Andromeda, Mr. Schidmt and to our coach Sir Arvine who's going to be a HUSBAND soon." Pagbibigay diin niya sa husband at natawa na lang kami, napagusapan na kasi nilang magpakasal ni Coach Fe. Nakakatuwa nga eh, sila pala ang magkakatuluyan. "And also to my friends, specially to you Debbie Frey Enriquez, you a----"

"KYAAAAAAAAAAAH! YIEEEEEEE!" Sigawan ng mga babae sa court at mas lalo akong kinilig, ngiting ngiti ako na parang wala ng bukas, mabilis na tumibok ang puso ko at hindi ko talaga mapigilang ngumiti kahit anong gawin ko, sobrang pula ko na siguro, ang sweet niya pa at pinangangalandakan pa niya sa ibang tao.

"Haha! And to you babe." Pagdidiin niya sa 'kin kaya mas lalo akong kinilig, ano ba naman 'to! "Thank you for coming into my life, I hope you'll not leave me even we are still not committed to each other, I will cherish every moment that we have and trust me on what I say, and believe in every actions I made. You're one of the special person who came in my life." Sabi niya't nagtilian lalo ang mga babae na kilig na kilig sa sinasabi niya. "Thank you also to my Family, who supports and love me. Thank you, once again." Sabi niya't bumaba ng stage at bumalik sa kaniyang kinuupuan.

"We would like also to give certificates for our Coaches, referees and to our Nurses." Sabi nung MC.

Isa-isang tinawag ang mga nurses, coaches at nurses ng bawat school at binigyan ng certificates.

-

Matapos ay nagpicture taking at nagsi-uwian ang bawat estudyante ng ibang schools. Natira na lamang kami kung saan kasama namin sina Chard.

"Papakain daw ang dad ni Kyle! Haha! Tara na! Naka-reserve daw ang isang buong restaurant sa 'tin!" Sabi ni Gab at sumunod na kami sa kanya, naghiwa-hiwalay kami't sinabi kung saan restaurant pupunta.

"Gusto mo bang sumama dun? Pwede naman tayong umatras?" Sabi ni Seven sa 'kin habang nasa loob kami ng kotse.

"Hindi. Mas masaya mag-celebrate kapag buo ang tropa. Tara na!" Sabi ko't pinaandar naman niya 'to papunta do'n sa restaurant.

-

Nang makadating kami sa sinabing restaurant ay isa itong Korean restaurant, buti na lamang ay marunong kaming mag-chop stick ni Roxanne. Haha!

"Congratulations to the both of you!" Bungad sa 'min ni Mr. Schidmt ng makapasok kami sa loob.

"Thank you sir." Sabi naman namin ni Seven.

"So are you courting her? Haha. I've just heard it a while ago." Saad ni Mr. Schidmt.

"Yes sir. I am." Sagot naman ni Seven.

"Good to know. Go inside already, you're the one who are already waiting." Dumiretso naman na kami sa loob at isa 'yong mahabang table na nakahilera.

"Oh nandyan na kayo!" Sabi ni Kyle.

"Saan daw tayo uupo?" Tanong sa kanya ni Seven.

"Dun tayo sa pangatlong row, syempre alam mo naman si Dad. Nandito din pala si Mom."

"Hindi ko nakita, dad mo lang ang nakita namin dahil sinalubong niya kami."

"So tara na? Kain na tayo! Nagugutom.na kami eh! Haha!" Yaya ni Kyle at pumunta na kami dun sa upuan namin.

Maingay man ngunit masaya dahil buo kaming nando'n para kaming close lahat, pinakilala din sa aming lahat ang ibang mga ka co-players. Nakausap din namin ang daddy ni Kyle, mabait ito at parang teenager makipag-usap kaya madali itong kausapin.

Matapos naming kumain ay nagpaalamanan kami sa isa't isa. Ihahatid daw sila ng mga boyfriends nila maliban sa amin ni Myca. Kapag naguusap kaming lahat ay natataw na lang kami kapag napapansin naming kaming dalawa na lang ni Myca ang single. Haha. Minsan nakakailang din sagutin ang mga tanong nila kapag nagtatanong sila tungkol sa amin.

Dumiretso kami ng car park, nvunit magkakasabay kaming lahat maski sila Brandon ay kasabay din namin ngunit gano'n pa din hindi sila nagpapansinan ni Seven.

"Sabay na lang kami nila Deb, kung ayos lang sayo." Pagpapaalam sa 'kin ni Zach.

"Ayos lang naman, marami pa namang oras eh, may bukas pa naman. Basta sayo sasabay." Sagot naman sa kaniya ni Seven.

"Oh sige, tara Deb?" baling niya sa 'kin.

"Sige. Susunod na lang ako sa kotse mo, alam ko naman 'yon eh." Saad ko. Tumango naman siya't dumiretso sa kaniyang kotse.

"Ingat ka ah?" Sabi niya sa 'kin.

"Bakit ako ang mag-iingat diba dapat ikaw?" Sagot ko naman sa kaniya.

"Syempre, nando'n si Brandon ma----"

"Napa-praning ka na naman. Don't worry okay? Walang gusto sa 'kin yun."

"Hindi ka naman sigurado dun. Bukas susunduin kita babe ah?"

"Okay. Ingat ka." Paalam ko sa kaniya't aalis na sana ako ng higitin niya ang kamay ko't niyakap ako.

Dinig ko ang mabilis na pintig ng kanyang puso na nagbigay ng kung anong pakiramdam sa puso ko, niyakap ko siya pabalik at ngumiti ng palihim. "I want to spend this night with you need to go already. Please, let me hug you for a little while." Saad niya't hinayaan ko lang siya na yakapin ako.

Hinahaplos niya ang aking buhok, at kinilig ako do'n nakagat ko na lang ang labi ko upang mapigilan ang ngiti ko.

"Sige na, baka 'di kita payagan gabi na kita maihatid kanila Brandon." Sabi niya't kumawala sa yakap saka ginulo aag buhok ko. Inirapan ko naman siya saka inayos ang buhok kong kanyang ginulo. Kahit kelan talaga 'to. Agad naman niya akong hinalikan sa noo ng matagal at nginitian ako. "Good night, bye. Call me when you got home already okay?"

"Okay. Bye." Sabi ko't naglakad papunta dun sa sasakyan ni Zach.

Sumakay naman na si Seven at pinaandar ang kanyang kotse atsaka umalis.

"Tara na?" Tanong sa 'kin ni Zach sa 'kin. Tumango naman siya sa 'kin.

Habang nasa byahe kami ay nabuo ang katahimikan ngunit binasag niya 'to ng magtanong siya.

"Deb, nakwento lang sa 'kin ni Brandon, may bumabalik daw na alaala sayo?" Tanong nito sa 'kin.

"Oo, sabi kasi ni tito nagka-amnesia daw ako dati." Sagot ko sa kaniya.

"Alam na ba ni tito yan?"

"Hindi pa, hindi pa nga siya umuuwi eh. Pero bukas uuwi na 'ko dadaanan ko na lang yung damit ko kanila Brandon."

"So kailangan pala i-enjoy na natin 'tong gabi dahil last day mo na kanila? Haha!"

"Oo naman, gusto niyo wala pang tulugan eh!"

"Oh tara?"

Bigla naman nag-ring ang phone niya at ng makita ko 'yon, Babe2 ang nakalagay. Napailing na lang ako at napatawa ng bahagya.

"Kahit kelan ka talaga, kelan kapa bumalik sa pagiging ganito?"

"Simula nung humiwalay kami nila Liam sa inyo.."

"Tss, magbago kana nga!" Sabi ko't binatukan siya.

"Aray naman! Tss! Sinusubukan ko naman eh! Lapit naman kasi sila ng lapit!"

"Edi layuan mo!"

"Hindi ko kaya!"

"Kaya mo!" Sabi ko't binatukan siyang muli.

"Nakakadalawa kana ah!"

"Hindi! Tanga! Pangatlo na! Grabe!" Pamimilosopo ko sa kanya.

Tawanan naman ang nabuo sa aming byahe, nang marating namin ang bahay nila Brandon ay walang ilaw dito at nakapatay lahat, nandito na sila Brandon, dahil ang sasakyan nila'y nakaparada na.

"Wala ba silang kuryente at nakapatay ng ilaw nila?" Tanong ko kay Zach.

"Mukha nga, bukas yung pinto oh. Hindi kaya.."

"Wag naman sana.."

Dahan-dahan kaming pumasok at madilim ang loob no'n at wala ka talagang makikita miski isang liwanag, lalo na't madilim sa labas makikita mo lamang ang buwan na tumatagos ang liwanag mula sa kurtina..

Anong nangyari?

TO BE CONTINUED..

Hi everyone! Here's the update! Dapat kahapon ko iu-update eh, kaso nga lang hindi ko natapos.

Happy 13k reads! Waaaaah! Haha! Ang saya-saya! :))))))

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^_____^v

THANK YOU VERY MUCH! ^____^v :*

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro