CHAPTER 5: The Walis Tambo and Dustpan FIGHT!

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Debbie’s POV

Nandito nga kami sa Classroom dahil walang teacher. Sila ang mga sweet, nakaka-inggit. Huhu! Paano ba naman wala dito si Chard! Tinawag siya nung babae kanina. Eto namang katabi ko, Tsk! Wala nang ginawa kung 'di matulog. Makulit nga siya, pero mukhang badtrip. Bahala na!

Actually nakatalikod siya. Psh! Ayaw talaga ata ako neto kausap e. Mapapanis na ang laway ko! Nagsoundtrip na ako nagsulat ng kung ano ano. Wala. Nabo-bored na ako.

“Uy! Seven, gising.” Inalog alog ko pa yan pero walang epekto.

 “Seveeeen. Gising na. Wala akong kausap e. Gumising kana please?” Ulit ko't kinalabit siya.

“Seveeeeeen! Bilis na!” Mas lumapit ako sa tenga niya nagulat naman ata.

Lumingon siya sa akin, at! HUWAAAAAAAAAAAAAA! Ang lapit ng mukha niya sa akiiin! Umalis ka! Ang gwapo pa rin nya kahit na bagong gising!

“Bakit ba, natutulog ako eh?!” Sabi niya. Ayaw pa din niya dumistansya yung totoo.

“A-ah k-kasi a-ano, w-wala akong kausap e, tignan mo sila. 'Di ka ba naaawa sa seatmate mo?” Sabi ko.

“Psh. Whatever. Ma-inggit ka. Bahala ka diyan. Badtrip ako.” at nagtakip na naman siya ng mukha.

“Seven naman e. >3< Andaya mo. Di ba napapanis yang laway mo?” Sabi ko't nag-pout malay niyo effective! Kay Chard ng umeepekto e!

“Wag kang mag-pout 'di ka cute. Oo na! Ano bang gagawin?” Seven. Papayag din pala mang-lalait pa e no? Psh.

“YEY! Thankyouuuuu seven! Mag-isip ka ng laro.”

“BATA KA BA?! Anong laro ka diyan?!” Sigaw niya, sumasakit na ang tenga ko sa kakasigaw niya.

“Eh, wala naman akong magawa e. Bilisan mo na!” Pagpupumilit ko.

“Uhmm... Shit. Let’s play Ketchup!” Sabi niya't nag-gulo ng buhok.

“What’s that?! We don’t have ketchup here helloooo!” Sabi ko. Aba malay ko ba ngayon ko lang narinig yun 'di niyo ako masisisi!

“Psh. Ganito * EXPLAINING * Ayan ganun. Gets mo?”

“YEA! Let’s play it. Yari ka sa akin.”

*BATO! BATO! PIK!*

Ako – Papel

Siya – Bato.

“TALO KA! WOOH! ANG GALING KO TALAGA. Ay sorry guys.” Napatingin kasi silang lahat sa akin. Ansaya kaya! First time ko to e.

Ngumiti naman ko ng nakaloloko. Ngu-mgumiti siya?! Yes!

“Uy alam mo mas maganda kapag ngumingiti ka. Swear!” Sabi ko. Balik na naman siya sa normal niyng mukha. Pakshet naman to. -_-

Sabi niya papaluin daw yung sa taas ng elbow. Basta yun na yun, ang hirap naman i-explain e.

*PAAAAAAKKKKK!*

“Di ka man lang aaray?!” Tanong ko.

“Di naman kasi masakit. Ba’t naman ako aaray?” Walang emosyong sabi nya.

“Ano ba naman yan! Da’t umarte ka man lang! Sayang efforts ko dun! Psh.” Sabi ko.

*Bato! Bato! PIK!*

Ako - Gunting

Siya – Papel

YES! Nanalo ako ulit! Woooooh!” Oo ako na ang OA. Ang saya kaya!

“Araaaaay!” Siya. Okay alam ko naman 'di totoo yun.

“Psh. Naga-aray ka diyan 'di naman totoo!” Sabi ko. Nakapamewang pa.

“Ikaw na nga nagsabi kanina na mag-aray tas ngayon ayaw mo? Ang gulo mo din e!” Sabi niya. Nangi-inis ba to? Nagsmirk pa e.

“Ewan ko sayo. Psh.” Sabi ko. Ayaw ko na.

“Isa pa, last na.” Sabi niya.

“Okaaaay. Last na yan ah! Wala ka naman kasi kaemo-emosyon kalaro e.” Sabi ko.

Ngumiti naman siya! Ang gwapo! Omoooo!

*BATO! BATO! PIK!*

Ako – Bato

Siya – Papel

“It’s my turn. Hahaha!” Sabi niya't..  Tumawa siya? Tama ba?!

“S-seven t-tumawa ka ba?” Tanong ni James.

“O-oo n-nga, tama ba yung rinig ko o sa earphones lang yun ni Natasha?” Sabi naman ni Gab.

“O b-baka n-naman si Anne lang yung tumawa?” Sabat naman ni Kyle.

Binatukan naman siya ni Anne. Ang cute talaga nila.

“Oo. Bakit? Normal pa akong tao no! Di gaya niyo mga abnormal. Maglaro na nga tayo Debbie.” Sabi niya. Ang saya sa feeling na tumawasiya tas ngumiti.

Sila naman, Ngumiti naman at naka-thumbs up yung mga babae maliban kay Bessy tas yung mga lalaki naman. Ngumiti na lang. Yung 'di normal na ngiti yung parang may na-achieve sila ng 'di mo alam.

“Okay! Sige gawin mo na.” Sabi ko.

“Okay eto na, masakit 'to kaya pumikit ka nalang.” Pagbabanta niya.

*PAAAAAAAAKKKKK!*

"Araaaaaaay! Ang sakit namaaaaaan!” Sabi ko't hinawakan yun! Eh ang sakit naman talaga kasi!

“Sabi ko kasi sayo pumikit ka diba ng 'di ganun kasakit 'di ka sumunod e.” Sabi niya't umiling iling pa.

“Di naman ganun kasakit yung akin pakshet ka talaga! Sasapakin kita e.” Sabi ko't tinignan ito, ang pula pula tuloy.

“HAHAHA! Parang kaya mo naman diba?” Sabi niya. Nakuha pang tumawa ah? Psh.

May nakita naman akong walis tambo sa gilid. Yari ka sa akin. Kinuha ko siya tapos ay pinalo ito sa kanya!

“ARAAAAAAY!” Sabi niya. Tumayo naman siya at tumakbo.

“Hoy kutong lupa! Wag kang tumakbo ang sakit nun ah!” Sabi ko.

“Bleeeeeh! Hahaha! Bahala ka diyan. Maghabol ka.” Sabi niya.

Hinabol ko naman siya. Okay? Sa Classroom namin, malawak naman siya. Sila naman tawa ng tawa, hanggang sa nakuha naman niya yung Dustpan.

“Oh ano lalaban ka pa? May Dustpan ako!” Sabi niya, Para siyang bata.

“Hoy kutong lupa! Wala yang laban sa walis tambo ko no!" Sabi ko't pinalo siya.

Nasalag naman niya yung tira ko. Okay. Magaling na siya. Pero nasira yung dustpan.

“O ano? Laban pa?” Sabi ko.

“SHEEEET! HAHAHA.” Sabi niya sabay takbo, napapagod na ako actually, hampas dito hampas dun.

“Araaaay! Tam--- Aaraaaay! Tama na Deb! Haha! Masakit na.” Sabi niya. Ang saya. Parang nabuo yung araw ko nung nakikita ko siyang tumawa at nakangiti.

Pero 'di ko napansin naapakan ko yung dustpan kaya nadulas ako pero bakit...

Bakit?

Bakit?

Parang 'di ko naman naramdaman na nahulog ako?

Ano may magic powers ako?

Ano to? Nagtakip kasi ako ng mukha e. Ayoko nga Makita na malaglag ako.

Pero...

PERO...

PERO...

Huwaaaaaaaaaaaaa! SHEEEEEEETTTTTTTT!

Si.. si.. si..

SEVEN! Hawak hawak ako sa may bewang!

Mukha siyang alalang-alala sa'kin! Okay assumera lang.

Ang lapit ng...

MUKHA NIYA SA AKIN! Shemaaaaay! Di po ako makahinga! Parang awa niyo na, nakatitig lang ako sa mukha niya.

Ano ba yaaaan! Di ko magawang magsalita, kahit gustuhin ko man pero walang lumalabas na words sa bibig ko.

“Okay ka lang ba Deb?” Sabi niya.

“A-ah O-okay L-lang ako.” Utal utal kong sabi.

“Mabuti naman, walang masakit?” Sabi niya.

“W-wala naman. Okay lang ako.”

Para kaming sumayaw alam niyo yung nakaliyad yung katawan ko? Basta ganun yung sa mga fairytales lagi meron niyan e.

Tumayo naman ako ng maayos. At sila yung expression nila Priceless!

“WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Tawa ko.

“O bakit ka naman tumatawa diyan, muntik ka na ngang madulas kanina e.” Sabi ni Seven.

“Eh kasi.. Pfffft--HAHAHAHA! Wait, K-kasi priceless yung mukha nila oh! Tignan mo!” Sabi ko.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Oo ngaaaa! Wooooooh! The best” Sabi niya, tawa lang kami ng tawa ang sakit na ng tyan ko.

Si bessy kasi, nakanganga. XD Ewan ko diyan, si James naman ganun din. Si Anne naman Nashock taposs nakalagay yung kamay niya sa bibig niya basta tinakip niya ganun si Natasha naman, gusto na neto magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig niya.

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!” Nagsitili yung tatlo. Ang sakit sa tenga.

“Girls! Alam na” Sabi ni Anne.

“Yea girl.” Sabi naman Natasha.

“I feel it to!" Sabi naman ni Bessy.

Malamang yung nangyaring scene na naman yung iniisip nila. Shemay nakakahiya. >/////<

“O ba’t ka namumula diyan?” Sabi ni Seven.

“W-wala. K-kase basta nahihiya ako!” Sabi ko.

“Ba’t ka naman nahihiya?” Sabi niya.

“B-basta” Sabi ko.

Umupo na kami. Medyo nabawasan na yung pagkahiya ko. Malapit na din magbell half day na naman kami today. Buong week naman half day.

Nagkwentuhan na lang kaming dalawa about sa buhay niya at sa buhay ko. Nalaman kong mahilig kami ng Favorite.

MAHILIG DIN SIYA SA COOKIES AND CREAM!

Antagal ah. 9:30 yung bell 9:25 na. Tapos 10:30 matatapos na ang recess, one hour yung break namin. Oh diba! Ang haba! Tapos hanggang 12 na kami.

*KRIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGG!*

Kami na lang naman ang nasa classroom. Nagpadala naman ng pagkain si Kyle kaya sabi niya dadaanan na daw niya tapos diretso canteen na kami.

“Tara na Deb?” Sabi ni Seven.

“Sige tara na. Gutom na din ako e.” Sabi ko.

Bumaba naman na kami para kumain, kaso wala si Chard. Di pa rin kaya kakain yun? Bell na oh.

“Bessy, nakita mo ba si Chard?” Tanong ko

“Hindi malamang magkakasama tayo sa classroom diba?”

“Barado ako dun ah. Yari ka sa akin mamaya. Psh.”

“Tawagan mo na siya malamang gutom na yun. Di pa naman kumakain yun ng 'di tayo kasabay.” Sabi niya.

“Sige wait. Uy Seven wait lang ah. Stop ka muna diyan tatawagan ko si Chard.”

“Okay. Sige lang.” Sagot niya pero 'di na siya nakangiti. Ano na namang nangyari dito? Lakas ng moodswing.

Calling.. .
Richard

“Chard! Nasaan kana?”

“Akala ko nakalimutan mo na ako. Nandito pa din sa Faculty. Mamaya baba na din ako.”

“Oh sige, punta ka na lang ng canteen ah?”

“Sige. Antayin niyo na lang ako. Sige punta kana, I love you!”

“Sige. Iloveyoutoo Chard! Landi mo. Wag ka nga. Sige Psh.”

“HAHAHA”

At binaba ko na, nagbago na naman ang expression niya BLANK Expression na!

“Seven tara na? Tayo na lang nandito sunod na tayo sa kanila.” Sabi ko.

“Okay.” Sabi niya one word lang. -__-

Habang naglalakad kami nagtanong siya ulit.

“Naga-iloveyouhan talaga kayo nun?” Sabi niya.

“Sinong nun?” Tanong ko.

“Si Richard?” Sabi niya.

“Ah oo. Wala namang malisya bilang kaibigan lang naman yun para sa amin e. bakit?”

“Ah. Okay. Wala lang. Nanliligaw naman sayo yun?”

“Hindi ah! Di kami talo nun, ewan ko ba dun! Ataw mag girlfriend pero may crush naman ata. Inspired ata yun e.” Sagot ko.

“Ah okay. Woooh. Hahaha! Good!” Bumuntong hininga tas tumawa? Anong problema ng lalaking to.

Pagpasok naman ng canteen ay kumain na kami, pero di naman dumating si Chard. Nakakatampo naman. Psh. Pero baka busy lang kaya ganun.

------

Chapter 5: The Walis Tambo and Dustpan FIGHT! :) - Edited.

Natanggal ko na yung mali, tapos na-edit ko na rin! :)

PLEASE DO VOTE AND COMMENT! :*

THANK YOU VERY MUCH! :*

-Theinnocentskater

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro