CHAPTER 6.5: Blood Stain (Part II)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Isipin niyo na lang po nakaunifrom sila at nasa campus papuntang clinic wala talaga po akong mahanap na picture e. Enjoy reading guys! :)

Debbie's POV

  Shemay! Nakakahiya talaga! Pero infernes ang lambot ng kamay niya ah.  WHAAAAAT?! Ang landi ng utak na to! Magtigil ka nga Debbie Frey!

Papasok na kami ng classroon pero malas may teacher, 'di naman nila alam na may estudyanteng dadaan kasi nakasara yung bintana. Aircon kasi yung rooms dito. Yaman no? Ano kaya, alangan namang sabihin kong "Ma'am galing po kami ng rooftop." Psh. Abnormal kapag ganun mamaya magalit pa yung teacher. Buti na lang nakapag-aliby siya kanina kay Mrs. Ten ba yun? Tin? Ay Tan pala!

Di pa pala ako nakakapag-Thank you sa kanya no? Mamaya na lang. Back to reality! Kakatok ba ako? Nahihiya ako at natatakot. Pero nagulat ako nung siya ang kumatok.

  *TOK! TOK! TOK!*

  "Come in." Sabi nung teacher namin sa CLE/VALUES.

"Goodmorning Ma'am" Sabi ko.

Siniko ko naman ting si Seven at lumingon naman siya sa akin binigyan ko naman siya ng Bakit-Anong-problema-mo? look. Di naman siya slow no? -_-

"Tsk. Goodmorning." Walang emosyon niyang sabi, parang ka edad lang niya yung kausap niya no? Ewan ko ba diyan.

"Why are you late?!" Galit na sabi nung teacher namin.

Siya si Mrs. Sarosa biyuda na siya e. Pero may anak siyang dalawa. Yun yung sabi niya sa amin nung nakaraan. Balita ko terror siya. Yung mga kaklase namin sobrang tahimik yung iba nakanganga sa amin malamang nagtataka sila kung bakit ko kasama tong si Seven! Heartthrob e! Mainggit kayo.

"Ma'am I just come with her on the clinic on the clinic. She had an Headache a few hours ago. But she's fine now." Sabi ni Seven.

"Okay Mr. Swayze. What's your name iha?" Kalmado niyang sabi. HAY SALAMAT! Di na ako nanginginig ngayon.

"Ma'am Debbie Frey Enriquez po."

"Okay you may now take your seat, and next time don't be late to my class or else I'll send you to the prefect of discipline."

"Thank you ma'am." Sabi ko.

Dumiretso naman kaming dalawa sa upuan namin. Yung tropa naman namin puno ng katanungan ang mga mukha.

Si Chard nandyan na Yey! :)

"Chard?" Tawag ko sa kanya, pero 'di siya sumagot. Badtrip ba siya? Ba't ang lakas ng mga mood swings ng mga tao ngayon? Daig pa nila yung babaeng may regla e.

Tumahimik na lang ako. Baka gutom lang siya't nagklase na ulit si Ma'am Sarosa.

SHIT!

Ang sakit ng puson ko. -____- Di ba ako titigilan nito? Ano ba to! Hinawakan ko naman yung tiyan ko at nilagay ko ang ulo ko sa Desk.

After ilang hours nakatulog ata ako? Medyo maingay na ang klase. Anong nangyari?

"Wag kang mag-alala. Tinawag si Ma'am nung pagkatulog mo. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Chard.

"Buti na lang! Ang sakit kasi ng puson ko kanina e."

"Ganun ba? Masakit pa ba? Dalhin na kita sa clinic."

"Nako, salamat na lang. Di naman na masakit e."

"San ka galing kanina?" Hala! Anong sasabihin ko? Sabihin ko bang kasama ko sa rooftop si Seven? Magsinungaling ba ako? Shemay.

"A-ah e-eh sa clinic ako galing" Sagot ko. Hay nako debbie! Sana umubra ang pagsisinungaling mo.

"Kelan ka pa nagsinungaling sa akin debbie?" Seryoso na siya! Kinakabahan ako. Huhu!

"A-ah E-eh, Chardiee! Sorry na please? Di ko naman sinasadya e. Sorry na please?" Sabi ko't nagpout at in-intertwined ko yung kamay ko yung parang nagdadasal. Sana effective.

"Tsk. Di naman kita matiis e, cute ka na, wag ka nang mag-pout. Sige na. Hahaha. Saan ka ba talaga galing kanina? Umamin ka." Yes! Effective.

"Sa Rooftop. Nakatulog kasi ako kanina e. May nakita akong sofa. Tapos sumakit yung puson ko kanina. Inantay kaya kita 'di ka naman dumating sa canteen. Tas nakatulog ako nagulat ako nung nakita ko si Seven na yakap-yakap ko tas yun nag-usap kami tapos bumaba na." Pagpapaliwanag ko. Ganito talaga ako pag nagiging seryoso tong si Chard.

"I-inantay mo ako?"

"Oo. Putragis ka! 'Di ka naman dumating!"

"Niyakap mo siya? Ba't mo naman ginawa yun?"

"Ah kasi nakatulog ako diba? Akala ko siya si Mama, alam mo naman ang nangyari kay mama diba?"

"Wala na bang ibang reasons?"

"Wala na yun lang teka! Teka nga lang! Crush mo ako no? Joke lang! Ba't kasi nage-enterogate ka diyan?"

"W-wala lang. K-kase nagsinungaling ka! Alam ko namang wala ka sa clinic."

"Oo nga pala, paano mo nalaman?"

"Ang slow mo talaga kahit kelan no? Tsk. Paganahin mo nga yang utak mo. Nandun kasi ako kanina." Sabi niya, sakit naman nun.

"Chard, alam ko naman ang hard ah."

"Hahaha! Sorry, sabay tayo mamaya ah? Oh sige, alis na ako. May pinapautos pa sa akin e."

"Ano ba yung pinapautos sayo?"

"Yung background natin, tapos yung mga health papers basta! Ibibigay yun sa parents natin. By the way kilala mo yung Myca?"

"Ah wait narinig ko na yun e." Sabi ko't nag-isip, narinig ko na yan e! Ano ba yan! Ay! "AYUN! Siya yung babaeng lumapit sa akin nung first day." Sagot ko.

"Pinapakamusta ka niya. Pero asar ako sa kanya! She's so annoying. Oh sige ba-bye! See you! text na lang kita. Sasabay ka sa akin!" Sabi niya't nagpaalam. Ang kulit talaga nito.

"Opo text mo ako ah? Byeee!" Sabi ko at umalis na siya ng tuluan.

Nawalan na naman ako ng kausap. Haynako. Tumingin naman ako sa kabilang Arm chair, wala naman si Seven. Nasaan kaya yun? Mag-isa lang pala ako sa row. Ano to?! Loner ako?! Nasaan ba kasi sila?

"Pumunta siya ng CR." biglang sabi ni Kyle.

"H-ha? D-di ko naman siya hinahanap e." Sabi ko.

"Sino ba yung sinasabi mo Deb? Wala naman akong sinabing pangalan ah?" Sabi ulit ni Kyle at nanlaki ang mata ko! Ang tanga mo deb!

"Sus! Hindi daw pero kanina kapa nakatitig sa armchair niya?" Sabi ni Gab.

  "H-hindi kaya! Di naman eh. Wag nga kayo! Shoo! shoo!" Sabi ko't tinabot silab

"Indenial pa kasi e." Sagot naman ni Anne at Natasha.

Oo na! Psh. Hinahanap ko na siya, sino ba naman ang hindi? Wala kang seatmate oh!

Bumalik na siya! Sa wakas may katabi na ako. Si Seven po yun hindi si Chard.

"Hoy pre! Miss ka na niyang si debbie oh!" Sabi ni Gab. Grabe mang-asar?

Nakita ko naman siyang nag-smirk. Feeling neto. -__-

"Oo nga bro! Kanina ka pa hinahanahanap niya " Sabi ni Kyle.

Ugh Bwisit! -_-

"HOY! KAYONG DALAWA! TUMAHIMIK NGA KAYO DIYAN! KUNG HINDI SASAPAKIN KO KAYO." Sigaw ko. 'Di naman sila sumagot. At nagwhistle na lang. Psh.

"Namiss mo daw ako?" Sabi niya't kitang kita ko ang pag-smirk niya! "Wow ha, crush mo ako no?" Sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya.

 "WHAAAAAT?! Hoy! Ang kapal mo ah!" Sabi ko't binatukan siya, baka naalog yung utak neto. Kinabahan ako ah!

"Aray naman! Ang sadista mo! Masakit sa ulo deb. Joke lang naman e!" Sabi niya't hinimas-himas pa yung ulo niya.

  *Sigh*

Woooh! Nakahinga din nang malalim. Akala ko talaga alam niya! Shet.

"Wag ka ngang magbiro nang ganyan! Tsk, asa namang magka-crush ako sayo." Sabi ko't inirapan siya. Deny pa Debbie! Kaya mo yan!

"As if naman na magkagusto din ako sayo no. Tomboy." Sabi niya.

"Ano?! Tomboy?! Di ako tomboy no!"

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng laging nakapantalon tapos naka-tshirt at naka-converse na puro red, black at white ang kulay. At napaka SADISTA pa." Inemphasize niya talaga yung word na SADISTA. -.-

"Paki mo ba kung magpantalon ako?!" Bwisit talaga! Anong problena sa pananamit ko?!

"Uso mag-dress. tsk."

"Eh sa ayokong nagsusuot ng ganun! Ayoko nga. Mas gusto kong mag-rubber shoes no!"

"Bahala ka nga diyan, tomboy."

"Ewan ko sayo. Kabaklaan mo."

"A-ANONG SABI MO?! BAKLA AKO?!" Sigaw niya! Ba't ba ang hilig niyang sumigaw?!

"Oo. Kakasabi ko lang diba?!" Tugon ko't inirapan ko siya. Akala niya sila lang marunong mang-asar?

"Are you sure? I'm telling you, you'll regret on saying that." Napalunok na lang ako dahil ang sexy ng pagkasabi niya.

"And why? Psh. Do you think I'm scared of you?" Pagmamatigas ko.

Pero dahilang upuan namin ay malapit sa pader lumapit siya sa akin.

Okay? Wala naman siyang gagawin diba?

Lapit

Usog

Lapit

Usog

Okay nasa pader na yung upuan ko pati ulo ko.

LAPIT

*GULP!*

LAPIT

*GULP!*

Sobrang lapit na niya!

HUWAAAAAA!

Naso-soffocate ako!

Di ko na kayaaaa!

Ang bilis na nang tibok ng puso ko!

Parang nasa marathon!

WAAAAAAAAAAH!

Pumikit na lang ako para 'di ko makita ang mangyayari. Haynako, buhay. Shemay

Lord ba't ganun?

Wish ko pa namang magkaroon ng isang romantic na first kiss!

Yung Under the moon and stars,

Sabay ganun lang?

Sa classroom lang magaganap? Huhu.

Pero biglang..

  "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! SHIT! When you see your face a while ago! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Woooh! Debbie, ang sakit na ng tiyan ko! HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawang tawa niyang sabi! Ughhhhhh!

UGH! Nakakainis! SHIT! >.< Tawa pa din siya ng tawa. Nakakaasar talaga. Di ko nana lang siya pinansin at nanahimik na lang ako. Bwisit talaga! Leche!

  *KRIIIINGGGGGG!*

  Bell na for Lunch, pero 'di ko pinansin si Seven. By row kasi ang paglabas ng classroon since kami ang nasa last row kamingg dalawa ang huling lalabas. Ugh. Kami na ang susunod pero nung nakalabas na ako ng pinto biglang niya akong.. NIYAKAP SA LIKOD!

OMGGGGG! KYAAAAAH!

Yung kamay niya nasa waist ko!

Ano ba yan! Naiinis pa nga ako e!

Ba't ba siya nangyayakap?

Alam niyo yung feeling na nanlalambot ba yung tuhod ko?! Ganun yung nararamdaman ko ngayon!

Naso-soffocate na po ako.

"A-ah S-seven. Wag kang yumakap, ang awkward na nakatingin na sa atin yung mga lovers mo oh. Mamaya anong isipin nila." Sabi ko pero 'di ako lumingon. Namumula ako parang awa niyo na!

"Shh, don't mind them. You have a blood stain on your uniform. Just walk." Sabi niya't parang napako lang ako sa posisyon na 'yon.

"O-oh sige. Pero pagdating natin tanggalin mo na yang kamay mo ah?"

"Okay. Nang makakain na tayo. After this dismissal naman na e."

"S-sige "

Naglakad naman na ako. Dots lang naman daw pero mas maganda kung hindi makikita. Heaven!

Ano ba to! Lord, salamat! Kapalit ba to sa pagtawa niya kanina sa akin? Sobra sobra naman po 'to!

Pero ang saklap pa din kasi lahat na ng babae ata nakatitig sa akin. Ugh! Guato ko nang lamunin ng lupa.

Nakadating na kami dito sa clinic, shemay ayaw pa rin niyabg bumitaw nasa tapat na kami.

"S-seven. P-pwede mo nang tanggalin" Pagtawag ko sa atensyon niya, agad naman niya itong tinanggal.

"Ay sorry."

Pumasok na kami sa loob, nakita ko na naman yung teacher kanina si Mrs. Sarosa pati yung nurse.

"Oh, Mr. Swayze anong kailangan niyo?" Sabi ni Mrs. Sarosa.

"Ah Ma'am manghihingi po sana ako ng Agua Oxinada tsaka bulak." sabi ko. Dahil 'di naman alam ni Seven yung gagawin.

"Ah Here." Inabot naman sa akin nung nurse yung kailangan ko.

"Thank you po."

"Hoy bakla, diyan ka lang antayin mo ako." Sabi ko sa kanya.

Ay hala! Nakalimutan ko bumili ng Napkin nauwan ko pa sa bag ko. Ugh! No Choice.

"Seveeeeeen!" Sigaw ko

"Oh bakit?" Sagot niya, sabay lapit sa pinto.

"Naiwan koo yung napkin ko dun sa bag ko. Tanong mo nga kung may napkin sila dito sa clinic." Nahihiya kong sabi pero kinain ko na lang yung kahihiyan ko!

"Ano ba yan! Tsk! Lalaki kaya ako! Wait lang."

"Bilisan mo  na. Daig mo pa ako e!"

"Wait lang!"

After 5 minutes, bumalik na siya.

"Oh eto na!" "Salamat"

At ayun nanilinis ko aa yung uniform ko. Brown kasi e, parang ewan naman kapag nakita ng ibang tao! Nakakaasar naman. Pero okay lang, naaalala ko pa din yung yakap niya. Ano ba to. Makakatulog kaya ako mamayang gabi?

"Ano ba yan! Ang baho deb!" Sabi niya habang nakatakip ang ilong.

"Kapal mo, sungalngal ko 'to sa ilong mo e. 'Di lang ikaw ang nababahuan ako din!" Sagot ko't inirapan sita.

Tinapon ko na yun bulak at naghugas nang kamay tapos nag-sabon. Nag-uusap naman yung nurse, si Mrs. Tan tsaka si Seven. Peri konti lang ang naririnig ko.

"Girlfriend mo ba yun Mr. Swayze?" Tanong ni Ma'am

"Oo nga, bagay kayo. Akala ko nga mag-couple kayo kanina e." Sabi naman nung nurse.

"Hahahaha. Hindi po Ma'am magkaibigan lang kami pero asdfghjkl"

Biglang may nagtext kasi kaya 'di ko na masyado narinig. Si bessy lang naman.

From: Bessy ♥

Huy te! Nasaan kayo? Nandito kami sa canteen. Sunod na lang kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap.

Nag-excuse naman ako at kinuha na si Seven, nag-Thank you naman ako pero nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Sarosa.

"Nangyari na 'to. Pero, sige ingat sana maging maganda ang mangyari sa susunod pang mga bukas."

Ano namang ibig sabihin nun? Mukhang magiging close kami ah? Mabait pala talaga siya! Hihi. Pumunta naman kami sa canteen para kumain na. Nakatitig pa din sa akin yung mga estudyante. Ewan ko ba, sabagay bago pa man ako lumipat dito sikat na siya e. Binalewala ko na lang at naglakad na ako.

------

Chapter 6.5: Blood Stain (Part II)

Thank you so much guys! :*

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^___^v :*

-Theinnocentskater

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro