CHAPTER 7.5: Lunch (Part II)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Damit po ni Debbie papunta kanila chard <3 Isipin niyo na lang ho na naka-heels siya na black. ^_^

Chard's POV

At Smith's Residence

"Good morning tita!" Bati ni Debbie kay mama't hinalikan niya ito sa pisngi't niyakap, si mama naman makatingin sa akin, wagas. Alam niya din kasi niya na gusto ko si Deb, madaldal kasi 'tong si Ate kaya nalaman ni Mama.

"Goodmorning din. Tagal mo nang hindi nakakabisita dito ah?" Sagot ni mama.

"Oo nga po tita e, sorry po. Pero namiss ko po kayo! Hihi."

"It's okay. I miss you also. Dun muna kayo sa couch ni Chard. The food is not yet prepared. I will just call your sister."

"Thank you Ma."

Pagkalipas ng ilang minuto'y nagmamadaling bumaba ng hagdan si Ate. Agad ko ng tinakpan ang tenga ko pero rinig ko pa rin sila.

"DEBBIE! I miss youuuu! Bagay sayo oh! mag-dress ka na lang kasi araw-araw!" Sabi ni ate't nag-beso sila ni Deb.

"ATE ANDY! I miss you too! Ayoko nga, ang sakit nga sa paa neto oh, Stilettos pa yung iniwan mo na sapatos pati dress salamat kasya pa."

Umupo naman na sila, pinagitnaan pa nila ako. Pero ayos lang makikita ko naman ng malapitan yung mukha ni Deb.

"How's school?" Tanong ni Ate Andy.

"Nage-english kana! Iba talaga kapag galing New york. Haha! Anyways, It's okay. I had fun but 3 weeks has passed, and it so UGH! It is a very hell week for me. Like what the?! He is very irritating. He's making my everyday life very bad." Inis na sabi ni deb.

Oh talaga? Parang 'di naman ata halata sa kanya? Pero paguwi talaga parang iritada yung mukha.

"Sino naman yun?"

"He's name is Steven Swayze, para siyang langaw bwisit talaga! Sa araw araw na ginawa ng diyos araw araw niya din akong niyayamot." Sabi niya na may halong inis sa boses niya. Si Seven? Ba't 'di ko man lang napapansin? Naiba kasi yung sitting arrangement.

"How about your lovelife?" Tanong niya, tinignan ko siya ng masama pero 'di naman e-effect yun sa kanya.

"Ayun actually may crush ako e. Hihihi. Alam mo masaya ako kapag nakikita ko siya." Sagot niya, sino naman kaya yun?

"And who's that one?"

"It's a secret. Hihihi. Sorry, nahihiya akong sabihin e."

Sana AKO na lang.

Tinawag naman na kami ni Mama kaya kumain na kami. Napag-usapan namin kung saan kami mag-aaral ng college at anong course ang kukunin namin. Umakyat naman kami sa kwarto pagkatapos.

"Chard, may tsinelas ka ba diyan? Ang sakit na ng paa ko." Sabi niya't pagkatingin ko sa paa niya'y namumula na ito.

"Meron diyan sa gilid sa baba ng cabinet buksan mo yung drawer nandyan." Sagot ko.

"Salamat!"

"Deb, gusto mo mag-Xbox?"

"Ano naman yun? Pagkain ba yun?" Takang tanong niya, 'di kasi siya mahilig sa mga gadgets.

"Baliw! Laruan yun! Come here I'll teach you how to play. Parang video games lang to."

"Oh talaga?! TARA! Sorry ignorante."

Tinuruan ko naman siya, at mabilis naman siyang matuto tekken lang naman to actually. Pero wala naman kasi siyang hilig sa ganitong laro. Puro panglabas alam na laro neto e.

"Oh ano gets mo?" Tanong ko.

"Oo naman. Matalino ata tong kaibigan mo!" Sabi niya't itinapat pa niya ang pointing finger niya sa kanyang sentido.

Naglaro naman na kami, ba't ang galing nito? Mukhang matatalo pa ata ako.

"YES! NANALO AKO! WOOOH!" Tuwang tuwa niyang sabi.

"First timers are always lucky." Sabi ko nama't inismeran siya.

"Duh! Di kaya sadyang talo ka lang." Sabi niya't inirapan ako.

"Tss, round 2?" Pag-aaya kong muli.

"TARA!"

Naglaro naman kami ulit, this time naman nakatayo na kami. Gusto niya talaga akong matalo. Malapit na siyang matalo!

"Waaaah! Chard!" Sigaw niya.

"Matatalo na kita! malapit na!" Sigaw ko din.

Pero bigla siyang nadulas at natabig ng paa niya yung bote ng tubig pero..

  *Lub! Dub! Lub! Dub!*

Nalaglag siya sa akin, natumba din ako pero 'di naman ganun kasakit. Macho ata to! BACK TO REALITY! Nakatingin siya sa akin pati ako.

Hawak hawak ko siya sa likod at ang naging posisyon nami'y magkapatong kami. Parehas na nanlaki ang nata namin pero parang walang makagalaw.

'Richard! Pigilan mo, pigilan mo, gumalaw ka!' <-- Yan ang sinasabi ng utak ko, parang guto ko siyang halikan dahil sa pagtitig ko sa kanyang mukha'y kasabay nun ang pagtingin ko sa kanyang labi.

Paano ba naman kasi 3 inches na lang ata ang mukha namin sa isa't isa. Nasa State of shock naman ata siya.' Di nga kami kumukurap. Sana 'di mo marinig debbie yung heartbeat ko.

"Cha------ Ow! Sorry? Hehe. Nasira ko ba yung moment niyo? Hehe. Baba na lang kayo for dinner sige ipagpatuloy niyo yan. Hihi." Sabi ni ate't tumawa ng nakakaloko!

Natauhan naman kaming dalawa tumayo naman ako pati siya. Medyo awkward inayos ko yung damit ko't niligpit ko na yung Xbox siya naman nakaupo lang dun dahil nalinis nna niya yung natapon na tubig. Ano ka ba naman Chard! Ba't kasi di ka gumalaw kanina!

"Sorry." Sabay naming sabi sa isa't isa.

"Chardie! Sorry talagaaa! 'Di ko sinasadya. Mabigat ba ako? Huhuhu." Sabi niya't pulang pula na yung mukha niya.

"Okay lang yun, di ka naman mabigat. Sorry din nakita ka pa tayo ni Ate na ganun ang pwesto natin." Tugon ko sa kanya, alam kong nakaramdam din siya ng hiya ng makita kami ni ate sa posisyon namin kanina.

"O-okay lang yun. Ipaliwanag na lang natin later. Nahihiya ako sa kanila." Sabi niya't nagpalit naman na siya nung Stilettos niya ulit.

"Don't worry ako bahala sayo. Lets go?"

Bumaba naman na kami ng hagdan at nakita ko naman sila mama na yung mga mata nagtwi-twinkle. -.-

 *SIGH!*

"Anong nangyari?" Tanong ni Ate sa amin.
"Ah eh, kasi si Deb nadu-----"

 "Nag-kiss ba kayo?" Sabi naman ni mama na ikinagulat ko! Si Debbie nakayuko na lang sa sobrang hiya.

"Anong nagkiss, hindi kam------"

"Ano magdadahilan ka pa? Nakita ko kayo magkapatong ni Deb! Tapos nakalagay pa yung kamay mo sa likod niya! Pero sabagay Teenagers naman na kayo!" Sabi ni ate't kinikilig pa siya habang sinasabi ito! Yari ka talaga sa'kin ate!

"Wag kasi kayong sumingit! 'Di naman talaga kami nagkiss ni Deb at kung ano man yang iniisip niyo burahin niyo yan. Grabe kayo, natumba lang siya sa'kin kasi natabig ng paa niya yung bote nadulas siya tapos kaya naging ganun ang pwesto namin kanina. Okay?" Pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Ah-eh ganun ba? Sorry. Hehehe! Wag ka nang magalit kapatid! Sorry Deb!" Sabi ni Ate't nag-peace side pa.

"Okay lang Ate andy, sorry din." Sabi naman ni Deb.

Natapos na kami pero 'di na awkward. 7:30 na kaya pinaalam ko na si Debbie kanila mama at ate. Sumakay kami ng kotse mga 7:45 nandun na lami, 'di naman kasi ganun kalayo ang bahay nila.

"Thanks Debbie." Sabi ko't ngumiti ng malapad.

Ang saya ng weekend ko! Na-break na ang record ko.

"Thanks Chard." Nakangiti niya 'ding sabi

  *Dug! Dug! Dug! Dug!*

Bigla niya akong niyakap at hanggang chest ko lang siya. SHIT! Wag niya sanang marinig! Sana! Please!

"D-debbie b-bat mo ko n-niyakap?" Ma-utal utal kong tanong. Ikaw kaya yakapin ng taong mahal mo?

"Ah wala lang. Nagpapasalamat lang. Eh kasi naman 'di sapat yung thank you and 'di rin naman nakauwi yung dad mo. Iyakap mo na lang ako ha?"

"Ah ganun ba? Salamat sa yakap. Pwedeng isa pa?" Request ko, kumalas na kasi siya sa e. Ang sarap kaya sa feeling!

"May bayad to ah! Haha. Joke lang!" Then She hug me and I hug her back.

"Chard 'di na ako makahinga. Sige uwi na ako! Bye! Ingat!" Sabi niya't kumalas na din ako.

"Ay sorry. Oh sige. Goodnight, sweetdreams debbie."

"Sige. Sayo din." Pumasok naman na siya ng gate nila. Pero hinubad na niya yung heels niya, napakataas naman kasi. Pero cute pa din.

Nandun pa din ako't nakatayo sa labas at napaisip. Hay. Sana ganito na lang tayo palagi Debbie. Salamat po, binigay niyo siya sa akin. 'Di man kami, mahal ko naman siya. Umuwi na ako at nagbihis at dumiretso na ng kama at natulog pero 'di mawala sa isip ko yung mukha ni Debbie. Kabaklaan ba? Ganun talaga pag nagmamahal.

------

Here's Chapter 7.5!

CHAPTER 7.5: Lunch (PART II)

Thank you sa mga nagbabasa't sumusuporta sa story ko! :) Sana po patuloy niyong suportahan! Hihi!

PLEASE DO VOTE AND COMMENT! ^____^v  :*

Thank you so much! :*

-Theinnocentskater

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro