KABANATA 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Meet them.

Debbie’s POV

Break namin ngayon at sa katunayan ang tagal bumaba ni Chard. Mga ilang minuto pa lang naman kami pero para sa akin ay napakatagal na.

“Bessy, tawagan mo na nga si Chard.  Nagugutom na ako.” Sabi ko kay Roxanne habang hawak hawak pa ang tiyan ko.

“Akala mo ikaw lang ang nagugutom? Psh. Wait.”

Tinawagan na nga ni Bessy si Chard, baba na daw sila. May sinabi lang importante sa kanila kaya natagalan daw bumaba.

“Guys! Sorry late ah? By the way kamusta sa classroom?” Saad na ni Chard ng makalapit sa amin.

“Ayang bestfriend natin may crush agad!” Pagsusumbong ni Roxanne.

“Ano?! May Crush ka?! Sino?! Gwapo ba?! Mas gwapo sa akin?!” Sabi ni Chard na tarantang taranta na nagtatanong at 'di cawari ang mukha.

“Kalma! Para kayong nanay at tatay ko e. Tsk! Uhm, crush ko ba yun? Siguro? Gwapo siya e. Tapos may killer smile at mukhang mabait naman.” Sabi ko na kinikilig pa.

“A-ah. G-ganun?” Ilang na sabi ni Richard.

“Hay nako, bessy napaka-manhid mo talaga. Magpaparada nga pala dun sa lugar natin, ikaw yung maghahawak ng Flag sa sobrang pagkamanhid mo. Psh!” Sabi ni Roxanne.

“What?! Ewan ko sayo bessy. Tsk! Manhid ka diyan! Hindi no!” Sagot ko naman sa kanya.

“Anong hindi? Ang tagal nang may gusto----- “ 'Di natuloy yung sinabi ni Bessy dahil tinakpan ni Chard ang bibig niya.

“Ano ulit bessy? Anong gusto? Huh?” Clueless kong tanong. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?

“Ah! S-sabi niya! M-matagal na niyang gustong kumain kanina pa tayo d-dito! Tama yun nga!” Tarantang sabi ni Chard at ngumiti siya na parang ewan.

“Sabagay gutom na ako, tara na!” Paanyaya ko sa kanila.

Pumunta naman na kami ng Canteen, sinabi na lang namin kay Chard yung bibilhin. Nasanay kasi siya na siya ang bumibili ng pagkain namin ni Bessy, pero binabayaran naman namin.

Nauna akong bumili kaya naghanap na ako ng upuan naming tatlo at may nakita ako dun sa dulo na may siyam na bakanteng upuan. Andami kasing estudyante e. Bumalik naman si Chard at binili niya ang paborito kong ulam na  Pinakbet. Mahilig ako sa gulay, si Chard naman mahilig sa sinigang yan, si Roxanne naman mahilig sa Adobong Manok.

Nagsimula na kaming kumain atbinigay naman ni Chard yung Softdrinks niyang binili sa akin. Dalawa pala yung binili niya 'di ko napansin.

“Thanks!” Pagpapasalamat ko.

“You’re always welcome.” Sabi ni Chard.

Maingay naman sa canteen at akala mo nga ngayon lang nagkita kita ulit after 10 years. Pero yung kaninang maingay, biglang nanahimik at napansin ko yung iba kinikilig na, nagsisigawan sa kabilang gilid. Yung iba naman yumuko na parang 'di mapigilang mamula ng mukha.

“Ano bang meron at bakit na nahimik yung mga tao?” Nagtatakang tankng ni Roxanne.

“Ewan ko? Kumain na lang tayo.” Walang kainteres-interes na sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain, pero may napansin akong papalapit na papalapit sa aming apat na lalaki at yung dalawang lalaki may kasamang dalawang babae, baka girlfriends nila? Okay? Anong meron? Pero nakita ko namang may nakaupo sa likod kaya baka sila. Di ko naman maaninag ang mukha dahil, bahagyang malabo ang mata ko.

Ngunit habang papalapit sila napansin ko na ang isa do'n ay si Seven. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at nakatitig lang talaga ako sa kanya. Parang lumalabo ang paligid at siya lamang ang nakikita ko.

Kumalma ka Debbie. Magpa-demure ka naman!

“Hello! Pwede ba kaming sumabay sa inyo?” Nakangiting sabi ni Seven at hindi ko na talaga maintindihan yung nararamdaman kong kilig.

“O-okay. S-sure!” Sabi ko't huminga ng malalim saka umiwas ng tingin.

Debbie! Magtigil ka!

Tumingin naman sa akin si Roxanne at binigyan ako ng isang makahulugang tingim. Si Chard naman na kaninang nakangiti ay medyo hindi na gaya ng kanina.

“Thanks! Anyway, bro. Sorry kanina ah?” Paghihingi ng despensa ni Seven kay Chard.

“Okay lang, nakapagsorry ka naman na kay Deb e.” Sagot naman ni Chard. Nakwento ko kasi sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen ang mga nangyari.

“Seven, bro.” Saad niya't inilahad ang kamay para makipag-shake hands.

“Chard bro.” Nakipag-shakehands naman siya pero 'di yung normal niyang ngiti.

Ano bang nangyari sa kanya?

“Tsk tsk.” Sabi ni Roxannr at umiling-iling.

“Oh bakit ka nang-tsk diyan?” Sabi ko.

“Wala, manhid ka talaga.” Pagrereklamo niya sa akin at kumunot naman ang noo ko.

“Ewan ko sayo, kanina ka pa manhid ng manhid.” Sagot ko naman sa kanya.

“Wala. Bahala ka nga.”

Umupo naman sila Seven at nagulat na lamang ako ng tumabi sa akin at nagbigay na naman sa akin 'yon ng nakakailang na pakiramdam. Bakit ba ako nagkaganito?

Gusto ko na ba siya?

Gwapo siya, maputi at matangkad mga 5’9 siguro ang tangkad neto. May matangos ang ilong at ang ganda pa ng labi.

Sa kabilang side ko naman si Chard. Sakto namang kakatapos lang naming kumaing tatlo nila Chard at bessy, nilagay muna ni Chard yung pinagkainan namin sa gilid at nagpresintang siya na daw ang magbabalik ng mga pinagkainan.

“Nga pala 'di pa kami nagpapakilala. I'm James Cooper.” Sabi nung lalaki at masasabi kong gwapo siya at may kasingkitan ang mata. Nakita ko naman si Roxanne na malawak ang ngiti at para bang kinikilig pa.

“Ako naman si Gabriel Osborne. Call me Gab at eto naman ang girlfriend kong si Natasha Williams-Obsorne. She is my future wife.” Sabi naman ni Gab at may malawak na ngiti sa kanyang labi ng ipakilala niya ito. Mahal na mahal niya siguro ito.

“'Di ka ba nagsasawa sa pagmumukha ni Gab ha Natasha? Halos 'di na kayo maghiwalay buong araw e.” Sabi ni James.

“Actually ayaw ko talaga kasama lagi yan.” Naka ngiting sabi ni Natasha habang naka-akbay sa kanya si Gab at sumimangot ang mukha nito.

“What?! Nakangiti ka pa diyan. Psh.” Pagtatampong saad naman ni Gab na nakanguso.

“Wait lang kasi 'di pa ako tapos diba? Ayaw kong kasama ka lagi kasi gusto ko oras oras, minu-minuto at sigundo kasama kita.” Sabi ni Natasha at ngumiti naman si Gab.

“Corny.” Sabi ni James at napatango din ako. "Napaka-corny at nakakadiri."

“Hadlang ka ba talaga sa amin? Tsk! Ganun talaga pag nagmamahal. Uso kasi mag-girlfriend. Inggit ka lang!” Sabi naman ni Gab.

Nagtawanan naman kaming lahat maliban kay James na nagpout. Cute din naman siya, pero mas gwapo si Seven.

“Ilang years na ba kayo?” Tanong ni Roxanne.

“3 years na kami.”

“Wow! Ang tagal.” Manghang sabi ko at masasabi kong marami na akong nakikita ngayon na monthsary na lang ang inaabot.

Narinig ko naman tumawa sila at nagtaka namang ako. “Anong nakakatawa?” Tanong ko sa kanila.

“Yung mukha mo kasi amaze na amaze alam mo yung parang nagspark pa yung mata mo kanina. Tapos may pag palakpak ka pang nalalaman diyan.” Sabi naman ni James at tumango naman ang iba. Weird na ba ako no'n?

“Psh.” Singhal ko.

Nagtawanan na silang ulit. Napatawa na lang din ako.

“Ako naman si John Kyle Schidmt.” Sabi niya. Napanganga naman ako.

“Ibig m-mong s-sabihin, a-anak ka nang may-ari ng school na to?” Ma-utal-utal kong sabi.

“Oo, wag ka nang magtaka. Siya naman ang girlfriend ko si Anne Adams.” Pagpapakilala niya sa girlfriend niya.

“Hi! Nice to meet you all.” Nakangiting sabi naman ni Anne.

“Sila ang mas matagal nang magkarelasyon sa tropa. Ewan ko ba diyan sa mga yan! 'Di pa din nagbe-break.” Singit naman ni James.

“Eh sa mahal namin ang isa’t isa e. Paki mo ba?” Reklamo naman ni Kyle.

“Ilang years na ba kayo?” Tanong ko naman.

“5 years na kami.” Sabay na sagot nila Anne and Kyle.

“So Elementary pa lang kayo na?” Tanong ko.

“Oo.” Sabi naman ni Anne.

“Diba?! Kabata-bata pa lang. Ang lalandi na.” Sabi ni James. Binato naman ni Kyle ng wallet si James.

“Matanong ko lang bro, ba’t wala kang girlfriend?” Tanong ni Chard kay James.

“Kasi wala pa naman di pa siya dumadating e, pero nagka-girlfriend na ako dati pero isa pa lang.” Sagot nito.

“Goodboy to! Ang swerte naman ng magiging girlfriend mo.” Sabi naman ni Roxanne. Tuwang tuwa naman nung nalamang walang Girlfriend.

“Nakita ko na nga ata siya e.” Sabi ni James.

Parang sinukluban ng langit at lupa. Ang mukhc ni bessy dahi sa babaeng tinutukoy ni James. Bagay pa naman sila ni bessy e.

“Kilala niyo na ako kaya di na ako magpapakilala pa.” Sabi ni Seven.

“Tangina mo naman bro! Ang KJ mo ah! Magpakilala kana.” Sabi ni James.

“Okay. Fine. I’m  John Steven Swayze. Call me, Seven.”

“Yan ang pinaka-matino sa lahat! Sa sobrang tino niyan, puro MU lang ang alam sa mundo! Isa lang naman yung naging girlfriend niyan” Sabi ni James.

“What?! Isa lang naging girlfriend neto?! Mukha ngang babaero yan e.” Di ko makapaniwalang saad sabay turo ko kay Seven.

Tinitigan naman ako ng masama ni Seven. Okay? Di naman siya galit sa akin niyan.

“Sorry." Paghingi ko nga pasensya.

“Fine.” Nakangiti niyang sabi. May pa-fine fine pa di naman kami nagtatalo.

“Di naman talaga babaero yan, Nakakailang MU na ata yan e. Broken kasi yan, mahal na mahal niya kasi yun. Kasi simula nung nagbreak sila ni Pa------ “ Putol na sabi ni James.

"Shut up.” Sabi naman ni Seven.

Tumahimik naman ang lahat. Okay? Sino kaya yun? Minahal niya? MU? Ano bang nararamdaman pag MU? Ang alam ko, landian lang yan e. Oh kaya naman, nasa state na ng panliligaw.

“Kayo naman ang magpakilala!” Sabay nilang lahat na sabi.

“I’m Roxanne Marie Santana.” Sabi ni Roxanne.

“Ganda ng pangalan ah.” Sabi ni James.

“Bola mo! Wag ka nga.” Sabi ni Roxanne. Pero halatang kinikilig naman siya. 'Di lang mahahalata ng iba dahil pag kinikilig namumula ang tenga niya. Laging nakalugay kaya 'di halata. Siya na ang pinagpala!

“Totoo naman, kasing ganda mo.” Saad ni James at ngumiti.

Ba't parang lahat sila kapag ngumitinparang nakakatunaw?

“Yie!” Asar naming lahat sa kanila.

'Di na sumagot si bessy, dahil nakaramdam na naman marahil siya ng kilig. Habang si James naman nakangiti lang.

Mukhang tama nga ang hula ko na si Bessy yung nahanap niya, sana nga siya.

“Bry Richard Smith here.” Pagpapakilala ni Chard sa sarili niya. Ayoko siyang tawaging Bry, mukhang tanga e.

“Siya ang soon to be boyfriend ni Bessy.” Sabi naman ni Roxanne.

“What?! Di nga?!” Sabi naman nilang lahat maliban kay Seven na napalaki lang ang mata.

“Anong pinagsasabi mo diyang soon to be girlfriend ako? Hindi nga kami talo niyan e! Tsaka mukhang may Crush yan oh! Inspired laging pumasok e.” Sabi kong nakangiti.

Tumango naman sila at di na nagsalita. Sa totoo lang gwapo naman si Chard, maraming nagkaka-crush diyan pero hindi niya pinapansin. Ewan ko diyan. Kung tutuusin nga Ideal boyfriend na nang lahat yan e. Mabait, gwapo, mapagmahal, ma-alalahanin, masipag, matalino, gentleman. San ka pa diba?

“Last but not the least, ako naman si Debbie Frey Enriquez.” Sabi ko.

“Hmm, To be serious, maganda ka. Promise!” Sabi ni Natasha yung girlfriend ni Gab.

“Ako? Nako hindi ah. Pero salamat sa compliment.” Nahiya ko pang sabi.

“Pa-humble ka pala. Buti 'di ka kagaya nung ibang girls dito. Pero promise, maganda ka talaga.” Pamumuri ni Anne.

“Nako, salamat.” Nahiyang sabi ko.

“Kaya pala nagandahan---Aray!” Sigaw ni James.

“Oh bakit anyare?” Nagtatakang tanong ko.

“A-ah E-eh w-wala! May nangangagat kasing langgam oh. Psh.” Sabi naman ni James at 'di ko na pinansin 'yon.

Nagbell na nagpaalam na kami sa isa’t isa. Pero bago pa kami magpaalam may announcement daw.

“To all the students, Half day lang ang class niyo. So go to your room. Just wait for your ID that your adviser will give to you and you may go home. Thank you and have a nice day!” Sabi nung babae. Siguro Principal namin siya.

Gaya ng sabi ay umakyat na kami. Kaklase din pala namin sila Gab, Kyle at James. Tapos yung mga girlfriends nila sa kabilang section. Base naman sa kwento kanina ni Chard sa akin kanina okay lang naman daw siya dun.

“Okay class before you go home, may nilipat sa Section natin so 30 lang tayo, magiging 33 na tayo. They are Mr. Smith, Ms. Williams and Ms. Adams.”

Binago na din ang seatplan namin at naging katabi ko si Richard at Seven. Di ko alam pero naiilang ako.

Pagkatapos naman ayusin ang seatplan namin, binigay na ang ID namin.

“Guys! Ano pa lang number niyo?” Tanong ni Anne.

Nagbigayan naman kaming lahat ng number at tuwang tuwa pa ako ng makuha ko ang number ni Seven.

“Oh, pano ba yan uwian na. Gala tayo some other time!” Paalam ni James. Mukhang 'di siya nauubusan ng energy.

“Oo nga! Set na lang tayo ng Date and place.” Sabi naman ni Kyle.

“Oh sige, magtawagan na lang tayo. Bye! Ihahatid ko pa tong si Natasha e.” Sabi naman ni Gab habang magka-holding hands sila.

Umalis na kaming lahat, Sabay sabay silang umalis. May dalang kotse silang lahat maliban sa Girls, hatid sundo naman ata sila ng boyfriends nila e.

Nagpaalam na kami sa kanila at naglakad na. May kotse naman talaga si Chard, ayaw niya lang gamitin mas gusto niya daw na naglalakad at nagco-commute.

“Ayos yung Second day natin no?” Sabi ni Roxanne.

“Oo nga e, new friends!” Tuwang tuwa ko pang saad.

“Medyo lang. Di naman ganun kaganda. Psh.” Wala sa mood na sabi ni Chard. Ba’t badtrip ata to?

Inakbayan naman niya ako at naglakad kami. Hinayhayaan ko lang siya pag umaakbay. Wala namang malisya e, pero minsan pinagkakamalan kaming couple.

“Hoy! Ililibre mo pa kami ah! Ikaw diyan, 'di mo kami nilibre kanina.” Sabi ko sa kanya at kiniliti siya sa tagilirian.

“Oo na, basta may kapalit.” Sabi niya na nakatingin sa mata ko. Medyo nanlumo naman ako nun.

“A-ano na--Araaay chard! Wag na! Tama na! Pano ba naman kiniliti ako sa tigiliran, alam niya kasing doon ang pinakamalakasnna kiliti ko. Nung tinigilan niya ng konti tumakbo ako.

Bigla naman akong natisod dahilan para matumba ako at medyo nagdugo ang tuhod ko. Kamalas-malasan naman, tsk.

“Halika na. Bubuhatin na kita.” Sabi ni Chard sa akin at napatingin ako sa kanya.

“H-ha?” Nautal ko pang saaf.

“Tsk. Dapat kasi 'di na kita kiniliti e, nadapa ka pa tuloy. Sorry. Tara na buhatin na kita, lilinisin ko yang sugat mo.” Sabi ni Chard.

“Tara na! Wag ka nang mahiya diyan.” Saad niya't binuhat na niya ako gaya ng bridestyle, ang lapit ng mukha niya sa akin. Pero ba’t natutuwa ako di gaya ng dati?

“O-osige. S-salamat." Nahihiya ko pang sabi.

“Roxanne! Tara na! may sugat si Deb!” Sigaw niya naman.

Nagtatakbo naman si Chard habang buhat buhat niya ako dahilan para sumakit naman ang ulo ko. Pagkauwi namin ay nilinis na niya ang sugat ko at alalang alala siya. Pagkatapos nun ay umuwi na din siya. Mga 7pm na siya umuwi dahil dito na siya nagmeryenda at nag-dinner. Pagkauwi niya ay sumabay na din si bes, Malapit lang din naman yung bahay ni Roxanne sa kanila. Nagready na akong matulog dahil maaga pa kami bukas at mahaba-habang araw na naman ito.

To be continued..

Bae Suzy as Debbie Frey Enriquez
Kim Soo Hyun as John Steven Swayze.

(Picture at the top)

Kathree_

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro