Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Naranasan mo na bang ma-Inlove?

Siguro Oo, Lahat naman na ata ng tao sa mundo e.

Yung iba nga sinasabing "Forever na kami, di ko siya papakawalan"

Pero sa totoo lang, 'di naman nagtatagal.

Ano nga ba ang feeling ng inlove at ano nga ba ang mararamdaman mo kapag inlove ka?

Yun ba yung hinahanap-hanap mo siya palagi?

Yung napapangiti ka niya kahit sa simpleng paraan lang?

Yung magseselos ka kapag may kasama siyang iba?

Yung hindi ka makapag-react ng maayos kapag nandyan siya?

Yung nalulungkot ka kapag hindi mo siya makakausap?

Yung may ginawa siyang simpleng bagay pero big deal na para sayo?

PAG-IBIG.

Isang salita, pitong letra, ngunit napakaraming natutuwa, nasasaktan, luhaan, nababaliw, kinikilig, nagha-hanggad na magkaroon pero napaka-laking epekto sa isang tao.

M.U

Dalawang letra, kadalasan laging talo at walang kasiguraduhan, mas maraming nasasaktan kesa natutuwa.

Komplikado.

Sobrang komplikado.

Kung saan pumapasok ang salitang, PAG-IBIG.

Walang commitment pero mahal mo, isang stage na nagpapagulo ng madaming isipan ng mga kabataan.

Mahal mo siya, pero MU lang kayo... Mahal ka niya pero MU lang kayo...

Pero paano kung dumating ang isang araw na dumating lahat ng magpapagulo sa inyong pag-iibigan?

Ipaglalaban mo ba?

O

Susuko ka na lang?

Paano kung dumating ang isang taong babago ng lahat ng nararamdaman niyo?

I'm Debbie Frey Enriquez. And this is my story.

-

© All rights reserved. May 23, 2014.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro