|°EPILOGUE°|

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Zephyrines's Pov

Sa ngayon ay papunta akong faculty room upang makapaglunch narin since katatapos ko lang magklase sa grade 10 students, at habang naglalakad ay may mga iilang estudyante ang bumabati saakin kaya't agad ko din silang nginingitian.

Maingay ang paligid dahil sa mga estudyanteng nagchichismisan ngunit di ko din naman sila masisisii dahil normal lang naman yun kung kaya't napailing iling nalang ako.

Nang makarating ako sa harap ng faculty ay agad kong hinawakan ang doorknob ng pinto at pinihit ito papasok, pagbukas ko ay sumalubong sakin ang hagikgikan ng mga co-teachers ko ngunit natahimik ang mga ito ng makita nila akong pumasok.

"Cher Zeph di mo naman sinabi na may manliligaw ka na pala" aniya ng co teacher ko

"Share naman dyan" kantyaw pa ng isa

Napailing nalamang ako sa sinasabi ng mga ito na syang ikinatawa nalang nila. "Ano bang sinasabi nyo?" natatawang aniya ko.

Iniabot nito sakin ang isang luchbox at tumbler na agad ko ring kinuha at inilagay sa table ko, matapos nyon ay agad ko itong pinasalamatan atsaka ako naupo. Maya maya pa'y biglang nagring yung phone ko kaya naman agad ko itong kinuha at sinagot yung tawag.

"Hello!,kamusta? did you receive the lunchbox?" aniya ng nasa kabilang linya

"Scot, sinabi ko naman sayo na di mo kailangan pang gawin yon"

"But I just did" pabirong aniya nito

"Ewan ko talaga sayo" inis na aniya ko

"Calm down okay, ikaw kase ehh lagi mong nakakalimutan yung baon mo" pangaral nito sa malumanay na tono

"Ok fine its my fault, oh sya sige na I hang up kakain pa ako"

"Bye, eatwell!" he cheerfully said bago ibabaa ang tawag

Me and Scot are okay now and we became friends naman, dati he keep insisting na ligawan ako ulit pero hindi na ako pumayag alam ko kase na may iba na syang gusto ayaw nya lang talagang aminin sa sarili nya napakaindenial kase tss.

Medyo naging mahirap para sakin na ipagpatuloy ang pagaaral ko nung umalis si cameron muntik na nga akong di makagraduate dahil sa pagiinarte ko, pero buti nalang nandyan lagi si alia para iassist ako kaya nagawa kong makagraduate sayang nga lang at wala sya ngayon dito para makabonding ko, nagout of town kase sila ni kaspar para magbakasyon.

Habang sila ate michelle naman at kuya joshua ay namamasyal ngayon ayoko naman makaistorbo kaya hindi ko muna sila tinatawagan, sino nga ba naman ang maniniwala na naging sila na ehh dati rati madalas silang mabangayan nakakatuwa lang na makita silang masaya.

Sanaol nalang talaga ehh noh, hindi naman sa hindi ako masaya ngayon masaya naman ako dahil laging nandyan si mom at nicole para sakin pero feeling ko laging may kulang and I think its because of cameron kase bago ito umalis ay hindi man lang kami nagkaroon ng closure, pero aaminin ko na kahit pa iniwan ako nito ng di man lang sinasabi kung ano yung rason nya ay di ako galit dito, siguro may konting tampo pero wala na yon but now I miss him so much kahit na hindi ko alam kung babalik pa sya. Maya maya'y nabalik ako sa realidad ng muling magring yung phone ko.

"Couz!" Masiglang pagbati ng nasa kabilang linya

"Oh couz, ba't ka napatawag?"

"Can we meet?"

"Sure, pero bakit biglaan ata?"

"Basta, I'll tell you nalang later. Ok lang ba na ngayon na agad?"

"Ok lang naman tutal pagkatapos kong kumain free naman ako, I'll see you byee"

"Bye, eatwell!"

Nang matapos ang tawag ay agad ko itong ibinaba at nagpatuloy na sa pagkain na agad ko rin namang natapos kaya't mabilis ko itong iniligpit at nagsimula nang magpaaalam sa mga kasama ko. Dumiretso ako sa starbucks na katapat lang ng university na pinapasukan ko at duon ay naupo ako sa upuan na katabi ng salamin, maya't maya sa wakas ay dumating narin si nicole.

"Oh bakit bigla kang napatawag ?,parang di naman tayo magkikita mamaya sa bahay" bungad ko dito nang maupo ito

"Umorder ka na ba?,order muna tayo"

"Nakaorder na ako maya maya nandyan na yon wait nalang natin"

"Sorry kung biglaan yung pagtawag ko, bale bukas na kase yung flight ko papuntang canada kaya gusto ko munang makausap ka"

"Bakit naman bukas agad?"

"Kakailanganin kase ako ng company dun ihh"

"Ahh okay, alam na ba ni mom?"

"Yup, bale sakanya ako nagpaalam"

"Eh si scot?"

"Ba't naman nasama yon sa usapan?"

"Eh syempre close naman na kayo diba"

"No, were not and hindi ko narin pa kailangang sabihin sakanya"

"Why?, may pinagawayan ba kayo?"

"Wala"

"Sus, umamin ka nga sakin gusto mo noh"

"No, why would I like him"

"Are you sure?, final na yan?"

"Fine!, oo na. I like him"

"Finally edi umamin ka rin"

"Oo na but please don't say it to him"

"Ba't mo ba iniiwasan?, nagseselos ka ba?"

"No I'm not, anong pinagsasabi mo"

"Deny pa nako, basta I assure you he's just my friend kaya don't be jealous na noh"

"Whatever you said btw did scot told you na susunduin nya mamaya si cameron?"

"Hindi pa nya nasabi"

"Maybe mamaya nya sasabihin sayo, we need to go na pala kailangan ko pang ayusin yung mga gamit ko"

"Okie, lets go na "

Matapos ang mahabang kwentuhan namin ni nicole ay dumiretso na kami sa mansion at syempre sumabay na ako since wala naman na akong klase saka para matulungan ko din sya sa pagiimpake.

Ilang oras pa ang lumipas at natapos nadin kami ni nicole sa pagaayos ng mga gamit nya, matapos nyon ay nagpalit na muna ako ng damit dahil maya maya rin ay susunduin ako ni scot para daw samahan ko siya sa pagsundo kay cameron.

Bawat segundo o minuto ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko, hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Halo halo ang nararamdaman ko at hindi ko maipaliwanag ito.

"Hey, di naman halata na sobrang kaba mo noh" maya maya'y niya ni scot

"Ewan ko sayo"

he chuckled first "Oh wag gagalet"

"Eh anong gusto mong reaction ko maging masaya ganon" Inis na aniya nito

"Di ka pa nakamove on noh" gatong pa nito

"Ewan ko sayo, nako kung di ka lang talga nagdridrive nasapok na kita"

"Eto naman masyadong pikunin. he chuckled. Kalma lang"

"Ikaw kase ihh, alam mo na nga na kinajabahan ako tas pangaasar ka pa"

"Pero eto seryoso na, mahal mo noh?"

"Siguro?, basta"

"Btw si nicole pala?, ayaw sagutin yung tawag ko"

"Hayaan mo na muna baka busy"

Matapos ang mahabang byahe ay sa wakas nakarating nadin kami ni scot sa airport, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang papalapit sa kinaroroonan ni cameron. Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ito, siguro ay napansin ito ni scot kaya naman pinakalma ako nito sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat ko kay medyo kumalma natin ako.

Maya maya pa'y may lalaking lumapit samin na mala koreano kung pumorma ngunit hindi ko ito mamukhaan dahil narin sa suit nitong face mask hanggang sa tinanggal nito iyon, halos hindi na makita ang mga mata nito sa sobrang pagka singkit dahil nakangiti ito ngayon na parang bata.

"Hi!" nakangiting aniya nito, malamig ang boses nito ngunit may halong itong lambing ngayon

"Pasalubong ko?" Pabirong aniya ni scot dito

"I'll bring it to you later, dont worry"

"Yown!, oh sya maiwan ko na si zephyrine sayo. Ako nang magdadala ng mga gamit mo saka yung sasakyan pala nakapark na sa parking lot"

"Thanks"

"Welcome, here's the key. Bye usap well!" ngingiti ngiting aniya nito paalis

Kainis talaga yun!!

Ilang oras siguro kaming nakatayo lamang don, at kung hindi pa ako kinalabit ni cameron ay malamang hanggang mamaya ay mananatili parin kaming nakatayo don, at dahil nga lutang ako ay nagpadala nalang ako ng hilahin ako ni cameron at dalhin sa parking lot kung saan naroon yung kotse nya.

Hindi naging matagal yung byahe dahil malapit lng sa airport yung pinuntahan namin, para syang isang mini garden dahil may mga bulaklak at halaman ang nakapalibot dito, nakakatuwa nga na ang fresh ng hangin pagkapasok palang dahil narin siguro sa napapalibutan ito ng puno.

"Hey, you okay?" pagtawag ng pansin sakin ni cameron at nakuha naman nito ang atensyon ko, kanina pa kase ako naaaliw sa interior nitong mini garden dahil ang modern nito ngunit may vibes ng pagkaprovince.

"I'm fine, ano ang ganda kase dito" nahihiyang aniya ko dito

"No, Its fine actually I enjoy the view...which is you" nakangiting aniya nito na ikinasingkit ng mga mata nito na syempre nagpakilig sa buong sistema ko ngunit pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na ngumiti

"E-ewan ko sayo, order na pala tayo"

"Ok as you said"

Hinayaan ko lang sya na magorder kagaya ng dati dahil nga di ko din alam yung lugar nato, maya maya'y nabasag ang katahimikan ng magsalita ito.

"How are you?"

"I'm doing fine" kaswal na sagot ko

"I'm relieve to hear that. Btw I know that you have many question to ask, let me here it"

Sa dami ng tanong ko sayo dati hindi ko alam kung bakit tila nabablangko ako, ngayong kaharap na kita

"Honestly...marami akong tanong sayo pero ewan ko ba ba't wala akong maisip ngayon"

"I undertsand," Nakangiting aniya nito na para bang inaasure ako na okay lang. " I'll start it nung araw na nalaman kong si dad ang dahilan nung aksidenteng nangyari satin nung mga bata pa tayo, he got jealous kaya pinasundan nya tayo sa mga tauhan nya na dapat ay tatakutin lng tayo,"

He stop dahil narin siguro nahihirapan itong ikuwento ang mga susunod na detalye lalo na sangkot ang ama nito

"Nung nabalitaan nya yung nangyari ay sobrang nagsisi sya kaya't sya ng bansa at iniwan nua ako dito kasama sila scot dahil hindi nya ako kayang harapin lalo na't alam nya na sya ang dahilan kaya nawala sakin si mom. I'm sorry kung hindi ko nagaang sabihin sayo kase natatakot ako, natatakot ako na baka pag nalaman mo ay kamuhian mo ako kaya't nagdesisyon akong bitawan ka.

Masakit. Oo, sobra ... ngunit kinailanggan kong gawin kase ayoko na kamuhian mo ako at niintindihan ko kung magagalit ka sakin kase yun din yung nararamdaman ko nung malaman ko yon. Umalis ako ng bansa hindi dahil gusto ko kundi dahil kailangan...

My Father is sick pero damn! wala man akong kaalam alam he paused for a second to breathe before he continue. saka ko lang nalaman kung kailan malalaa na at hindi na kaya pang daanin sa gamot, bago sya mamaalam ay may ibinigay syang tatlong sulat. Yung isa ay para sakin at yung dalawa ay para sainyo ni tita, gustuhin ko mang sisihin sya ngayon at ilabas ang galit na matagal ko nang kinikimkim ay hindi ko magawa dahil alam kong tulad ko ay biktima lang din sya at dala narin siguro ng emosyon nya"

He looks vulnerable infront of me right now , hindi sya umiiyak ngunit ramdam ko na nasasaktan din sya ngunit ayaw nya lang na makita ko syang ganon. Kusa akong tumayo at lumapit kay Cameron, niyakap ko ito at inalo.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginawa, ngunit ang alam ko lang ngayon ay kailangan nya ng karamay na handang makinig sakanya.

"Are you crying?" maya maya'y aniya ko nang maramdaman Kong may tila may tubig na tumitulo sa kamay ko

"No, ofcourse not" pagtanggi nito ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagsinghot nito

"You know, it's ok to cry sometimes" aniya ko tapos ay pumunta ako sa harap nito at yumuko upang punasan ang mga luha nito at ang ulo nito na nakayuko ay ipinaharap ko sakin upang punasan ito

"Let's eat na" naiilang na ani nito ng nakabalik na ako sa kinauupuan ko

"Sure" nakangiting pagsangayon ko dito

Ngayon na alam ko na yung naging dahilan nya ay mas naging panatag na ako at yung kulang sa puso ko ay napunan na, di ako galit sa dad ni Cameron.

Let's just say na dahil nagmature na ako ay mas ngaing malawak na ang pagkaintindi ko sa mga bagay bagay ngayon kaya naintindihan ko na yung side nung dad ni cam, nakakalungkot nga lang na hindi na sya nabigyan ng chance para makabawi kay cam.

Cameron said na gusto nya ulit akong ligawan pero alam namin pareho na
malabo nang maibalik pa yung dati naming samahan, idagdag pa yung quotation nya na hindi sya bumabalik sa mga ex nya dahil daw kahit na isang pagkakamali lang ang nagawa ay pagkakamali parin yon at kung talagang mahal mo yung taong yon eh di ka makakagawa ng pagkakamali sakanya kahit kailan. saka minsan daw kase kapag paulit ulit mong bibigyan ng chanceeh mas lalo lang magloloko.

I know na nagmature din si Cam pero gusto ko munang unahin ang sarili ko ngayon atgusto ko din na iprioritize nya din muna yung sarili nya dahil alam ko na ang pagpili sa sarili ay hindi pagiging selfish dahil minsan ginagawa natin ito upang magpahinga at para maiwasan na makasakit din ng iba , hindi man kami nagkabalikan ang mahalaga nandito parin yung friendship namin at alam namin pareho na lagi kaming nasa tabi ng isa't isa throught ups and down at yun ang importante ngayon .

lahat tayo ay may pagpipilian sa buhay natin pero nakadepende sa atin ang magiging kahihinatnan nito kayat sa huli wala dapat taong sisihin dahil tayo mismo ang pumili nito. I'm happy that this time I choose myself at alam kong hindi ko ito pagsisisihan because this is my choice .

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro