CHAPTER 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 1

His P.O.V

"Hello! Good morning!!!" May bumati sa likod ko habang nag-aayos ako ng bike ko. Papunta na akong eskwelahan kay nire-ready ko na 'to.

Nilingon ko iyon saglit pero ibinalik ko rin ang tingin ko sa ginagawa ko. Nagkakalas ako ng lock nito.

"Sakto! Buti naisip ko na baka maaga kang magising at pumuntang school kaya gumising na din ako ng maaga, hihihi." Patuloy niya pa.

Nang matapos ko nang makalas ang lock nito umangkas na kaagad ako dito tsaka inayos ang bag ko sa harapan ng bike. Ayaw kong isuot mabigat kaya inilagay ko sa harap.

"Yay! Buti natapos na noh? Pasabay ah?" Tapos lumapit siya sa tabi ko.

"Ayyy! Bakit walang pwedeng sakyan ng pasahero?" Nagtataka siyang tumingin sa'kin.

Pasahero?

Aba! Ewan ko!

"Aha!" Nagulat naman ako. Bigla biglang sumigaw,"..alam ko na. Diba walang mauupuan diyan sa bike mo? Selfish na madamot kasi yang bike mo. Wala akong maupuan mas mabuti pang maglakad na lang ako at ikaw nakasakay dyan?" Nakatingin siya ng diretso sa mata ko.

"Oo yun nga!" Tatango-tango pang aniya kala niya naman  tumango ako,"..ikaw nakasakay sa bike mo tapos ako maglalakad! Hinaan mo lang pagpapatakbo mo para masabayan mo ako. Edi ang kalalabasan para pa ring nagkasabay tayo." sabi niya. Tumatawa-tawa pa siya at pumalakpak. Baliw!

"Genius ko talaga!" Kinikilig pang aniya sa sarili niya,".. Ano? Tara na?" Yaya niya.

Sa halip na sagutin pinaandar ko na ang bike ko ng mabilis. Baka kung 'di pa ako aalis dun makaangkas pa yun ng biglaan. Baliw 'ata yung babaeng yun. Feeling close!

Her P.O.V

"Naman eh! Si friend talaga ang daya. Iwan daw ba ako? Sabing sabay kami. Maganda naman yung suggestion ko diba, self?" tanong ko sa kanang kamay ko.

"Opo madam!" sagot niya.

"Good!"

Meet my kanang kamay. She's breynnnnnnn! Rawr! Haha. She is she babae ang boss eh kaya babae din siya. Mana-mana nga lang yan. Bobo!

Ayp! Bad pala yun! Sowwy pow.

Balik tayo kay friend. Tama ba talagang iwan ako? 'Di ko talaga matanggap-tanggap. Pinaharurot niya yung service niya. Sabing sabay kami hinaan niya lang yung pagpaandar niya then magkakasabay na kami. Bobo niya talaga!

Ayp! Ayan na naman! Sabi nang baddddd! Sowwy pow ulit.

'Ok ako na lang mag-isa ulit. Walang gustong makipag-sabay sayo! Mabaho ka kasi daw.'

Nakakalungkot isipin na ang isang katukad ko ay pinagkaitan ng makasama kahit sa pagpasok lang sa medyo malayong distance kong school. Yes, malayong distance.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Wala akong bahay na nakikita ni kahit isa dito. Madamo masyado at nakakatakot. Alam niyo kasi 4:00 am palang ngayon 3:00 am pa sana ako nakaalis kanina. Kaya lang nasayang ang isang oras ko sa pakikipag-usap kay friend eh wala rin naman akong napala. Waley!:-(

Niyakap ko ang sarili ko may dumadampi kasing malamig na hangin. Baka may 'white lady' na dito o kaya ' black lady' nakuuuuu! Keteket...

Isa pa nakalimutan kong mag-jacket ang harsh ko kasi kanina.

Inilibot ko ang paningin ko baka may matyambahan akong paniki ba? Tapos sasabihin ko na 'hey bat mag-transform ka bilang si batman at ako'y iyong dalhin sa aking paroroonan ng 'di na mapagod ang prinsesa'. Oh diba?

"Haluuuuuu! May paniki ba dito o kung wala man mumu nalang oh? Meron baaaaa?!" Sigaw ko.

'Haluuuuuu! May paniki ba dito o kung wala man mumu nalang oh? Meron baaaaa?'

Nagulat ako sa boses din na iyon. Ginaya ang sinabi ko pero panget yun. Hala! Nakakatakot mama!

Ampanget ng boses na iyon ginaya pa talaga ako. Kapal!

Joke lang alam ko namang boses ko yun eh. Nag-echo sobrang ganda. Kaya lang ako natakot dahil nanibago ako sa boses ko. Ganun pala kaganda yun! Nakababasag ng eardrums.

Sa paglalakad ko may biglang humarang na isang lalaki. Naamoy ko pa ang maasim niyang pawis at nangangalingasaw sa alak. Napangiwi ako.

Ambahooooo!

"Hello po!" Kumaway ako sa kanya.

"Heh!" singhal niya,"..hi mo mukha mo! Wag kang mag-hi sa'kin baka 'di mo alam na gagahasain kita?" Patuloy niya parang 'di makapaniwala.

"Po? 'Di po 'hi' sinabi ko 'hello' po yun." Koreksyon ko.

"Heh! Ah basta kahit ano pa yun. I don ker!" Sininghalan niya ako ulit. Pero char ah english si 'kuya'.

"Gagahasain kita!" Ulit niya.

"Wehhhh?"

"Oo nga! Ayaw maniwala nito!"

"Wehhhh nga?!!!" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Lalapit na akoooooooo!" Humakbang nga siya. Lalapit nga!

"Noooooooooo!" Sigaw ko. Nag-echo na naman yung nakakatakot na boses.

Bago pa siya makalapit tumakbo na ako ng walang humpay. Takbo lang you need to save your dignity, self. Para akong nakasakay ng motor at 100 kph ang takbo yung magkaluha-luha ka at maiiwan luha mo dahil sa sobrang bilis nito.

Yun nga! Na-experience ko na sa wakas. Wala na din akong pake sa buhok ko. Kahit mabuhaghag man ito na parang mumu na nasabit sa puno.

Takbo. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro