CHAPTER 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Rustom Kile Imperial's P.O.V

Naramdaman kong siniko ako ng katabi ko, si Kyle. Nginuso niya yung baba kung saan andun ang mga sasali sa palaro.

Tingnan mo nga naman oh.

Ano naman kayang pumasok sa isip nito.

"Astig tingnan mo lakas ng loob ng kapit-bahay mo Rustom," napaungol lang ako bilang sagot kay Kyle.

Umayos ako sa pagkakaupo at seryosong pinagmasdan yung babaeng yun na parang walang pake sa paligid niya. Di nag-iisip kung anong maaaring maging resulta.

Tingnan niya nga, puro lalaki ang mga kasama niya. Papatol siya dyan?

Psh.

Ang di ko inaasahan ay yung lilingonin niya ako.

"Watch me, Rustom Kile Imperial!"

Psh.

Lakas ng loob sabihin yun ng malakas.

Psh.

Ang hambog ng babaeng 'to.

Tingnan lang natin kung makakatagal siya dyan sa desisyon niya ngayon.

"Yati, crush na crush ka talaga ni Blacky pre. Watch me daw? Ho ho ho ho," napailing ako sa pagtutunog santa ng tawa niya.

"Di yan. Mali yang sinasabi mo. Di ako crush nyan, sadyang hambog lang talaga yang babaeng yan. Nagpapapansin sa'kin."

"Kaya nga nagpapapansin kasi may gusto sa'yo. Di mo ba alam yun? Ganyan yan. Diba, naalala mo simula't sapul ikaw lang palaging nililingon niyan o nilalapitan maliban kila Kyla. Di mo alam, may gusto yang ganyan. Kahit tanungin pa natin yung iba—" di na niya natapos dahil pinitik ko na tenga niya.

"Tumigil ka, Kyle. Di ka naman expert sa mga ganyan. Shhhh!"

Ibinaling ko ulit tingin ko sa kanila kasi narinig ko nang nag-count ang halos ng nandito.

"Ho ho ho ho. Merry Christmas and goodluck sa kapit-bahay mo Rustom."

Di ko na siya nilingon pa sa sinabi niya dahil nakatutok na masyado ang mata ko sa babaeng palagi kong nakikita oras-oras, walang mintis. Sa likot ba naman niyan—

Nakita kong nagtunggaan sila ng sabay-sabay. Napailing ako ng konti ng mapansin kong napahinto siya. Naaanghangan?

Psh.

Yan kasi—

Nag-ingayan ang paligid, nagsisimulang magsigawan para i-cheer ang mga nandun sa baba.

Ang section namin tahimik lang at nanatiling nanonood.

Nagbibilang ako sa utak kung kelan niya malalapag yung bote na hawak niya para sumuko. Pero nagulat na lang ako dahil di nagtagal ibinagsak niya ito una ng malakas, nagtalsikan ang ibang naiwan pero ang bote talaga ay tuluyan ng walang laman. Naubos niya talaga?

Napailing ako ng konti sa ginawa niya. Psh, di naman siya sanay sa maaanghang. Buti nakaya niya?

Lakas din ng apog nitong babaeng ito.

"Panalo na ang lover na'tin—"

Di niya ulit natapos ang sasabihin niya sana dahil tumayo na ako ng mabilisan at naglakad pababa. Pero di pa ako tuluyang nakakatapak sa court ng may lumapit na sa kanyang lalaki.

Kinapa pa pulso niya sa leegan tsaka kinarga.

Magkaano-anu ba sila?

Psh.

Pero kahit ganun, na nakarga na niya yung babaeng yun sumunod pa rin ako at walang pake sa mga taong nasa paligid ko, kahit na anong sabihin at isipin nila dyan isa lang ang isasagot ko,

Psh.

Malay ko.

Dinala niya siya sa clinic. Ilang saglit pa bago ulit lumabas yung lalaki. Nagkatinginan kami tsaka bago niya 'ko nilagpasan naramdaman ko pang tinapik niya balikat ko at sabi,"..ikaw na dyan."

Hindi naman sa nag-aalala ako sa kanya o ano dyan. May isang tao lang talaga akong pinapainggit dahil alam kong nakasunod rin siya sa'min sa may kalayuan.

Di siya tipikal na tao lang.

Psh.

Blacky's P.O.V

Diretso akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nilingon ko ang kinahihigaan ko.

May puting sapin?

Parang katre?

May parang railings na alloy sa gilid? Hawakan?

May kumot ding nakatakip sa'kin?

Pero di pa naman ako nakapagbihis. Ibig sabihin nito di pa ako tuluyang nakakauwi.

Weyt? Baka nasa purenaria ako?

Ka creepy ba~!

Teka? Ano nga ulit nangyari kanina? Nawalan ba ako ng malay? Ha? Totoo? Weh? Pero totoo nga? Sinong nagdala sa'kin dito?

B-Baka si Rustom? Ahahahaha, baka baka!

Bumaba na ako sa kama tsaka hinanap sapatos ko tapos sinuot. Wala namang tao nung sandaling ilibot ko mata ko.

Pinihit ko na seradura. Sumalubong sa'kin ang malamig na hangin. Unang napansin ko ay ang madilim na kalangitan. Patay na gabi na~! Pa'no na ako uuwi nito? Masyado ng late patay na talaga.

Tuluyan ko nang sinarado ang pinto at lalakad na sana ng may gumalaw sa gilid ko.

"Buti di ka natuluyan. Magkakape na sana ako sa inyo mamaya bukas at sa mga susunod pa," napangiti ako ng makita ko siya.

"Nakikinig ka?" Ulit niyang pagsasalita. Umiling lang ako.

"Ba't ka andito?" Madalian ko ding tanong.

"Diba halata? Hinihintay kita para isabay na lang. Kawawa ka naman kung di kita isasabay—"

"Ahihihihihihi, gagshii nag-alala siya sa'kin." Sinundot-sundot ko pa tagiliran niya. Tinampal niya naman, minsan natatamaan niya kamay ko. Di naman mashakit it really hurts
langs.

"Wala akong sinabi."

Nagsimula na siyang maglakad papalampas sa'kin. Kaya sinundan ko din siya sa pagharap ng katawan ko.

"Teka—? Tapos na ba yung laro? Pa'no na yung premyo ko? Lika samahan mo muna ako saglit kunin na'tin!"

"Natapos na kanina pa—"

"Pero pa'no yung prize ko? Marami akong napanalunan ahhhh—"

"Pwede ba tumahimik ka muna. Patapusin mo muna ako di yung sigaw ka ng sigaw dyan. Tayo-tayo na lang dito baka marinig ka ng mga multo ng eskwelahan nah iiwan talaga kita."

"Pa'no na yung mga premyo ko?" Mahina ko ng tanong.

"Andito sa bag. Wag kang mag-alala. Sila Kyla ang nag-claim kanina, binigay naman nila sa'kin para daw ako na magbigay sa'yo. Panigurado naman ding hahanapin mo daw agad ang mga premyo paggising mo. Nauna na sila...psh yan kasi ang hambog. Sasali sali di naman pala kaya, magco-collapse lang pala. Di ka nahiya?"

Di ko na pinansin yung ibang sinabi niya dahil nagkakalkal na ako sa bag ko na inagaw ko mula sa kanya. Andun nga ahaha yung mga prizes~! May mga metropolitan(yung chocolate na cuts bars) chukie's, oishi na sobrang laki at iba't ibang chocolates na candies.

Napabungisngis ako ng tawa pagkaharap ko sa kanya.

"Saya mo ano?" Napatango tango ako sa kanya,"..hay sarap lang sa pakiramdam na marami kang pagkain sa bag mula sa laro kanina. Di ako nagsisi na sumali ako." Sabi ko.

"Kahit nahimatay ka dahil sa pagka-hambog mo? May pa-watch me watch me ka pa ah tapos mahihimatay rin pala dahil di kinaya ang anghang."

"Oii, di ah!" Pagtanggi ko.

"Tara na nga, hanapin muna na'tin si Ms. Esguerra para magpaalam na uuwi na tayo." Tumango lang ako at sumunod na sa kanya.

Si Ms. Esguerra ang main nurse ng clinic namin. Weyt? Ano ulit si Ms. Esguerra? Yung nurse ng clinic? Nilingon ko ang itaas ng pinto at dun ko nakumpirma nga galing nga ako sa clinic.

Dinala pa talaga nila ako dito. Nag-abala pa sila.

"Ngapala Rustom?" Pagtawag ko sa kanya, sumagot lang siya ng mmmm?

"Salamat nga pala sa pagdala sa'kin sa clinic pero sana di ka na nag-abala. Nabuhat mo pa tuloy ako ng maaga, nakareserve lang sana yun after ng kasal—"

"Di ako ang nagdala sa'yo sa clinic." Napahiya naman ako sa sinabi niya. Buti di niya ako nililingon kasi baka makita niya mukha kong napahiya.

"Eh kung ganun sino?"

Nanatili pa rin akong nakasunod sa kanya. Sa bawat pathway may mga poste na nakatayo na may ilaw kaya medyo maliwanag pa ang paligid.

"Malay ko."

Sa paglalakad namin, nakasalubong na namin ang hinahanap namin.

"Mabuti gising ka na Blacky."

"Opo ma'am eh. Pasensya na," dala peace sign na sabi ko.

"Uuwi na kayo?"

"Oo, sana ma'am Esguerra magpapaalam lang sana kami at buti nakasalubong ka namin." Ani Rustom.

"Oh sige. Gabi na rin baka hinahanap na kayo sa inyo. Sige na," si Ma'am.

Sabay lang kaming nagpasalamat ni Rustom at pumunta na kami kung saan nakalagay ang bike niya.

"Rustom, anong oras na ba?" Pagbasag ko sa katahimikan. Nung sandali ding yun nakaangakas na siya sa bike.

Tiningnan niya muna kwintas niya na orasan, color red siya na cute masyado. Regalo yun ng papa niya mula ibang bansa. Nice lang talaga. Ayaw niya kasi ng relo kaya yun na lang binigay ng papa niya. Oh diba alam ko? Maalam na kasi ako sa kanya, ako pa!

"7:05 na."

"Patay na ako nito kay Mama." Tsaka nagsimula na rin akong sumakay sa may likuran niya.

Sa byahe, napadaan kami sa dilim. Napapatahimik lang ako ng sobra dahil liblib 'tong dinadaanan namin. Nakayakap ang kanang kamay ko sa bewangan niya habang yakap naman sa kabila ang bag niya kasi sa'kin naka-back pack ko.

Diniretso niya sa harapan ng bahay namin ang bike at dun na rin huminto. Ilang block lang naman pagitan ng bahay namin. Bumaba na ako tsaka sumunod na rin siya. Inabot ko bag niya kinuha niya naman tsaka isinukbit sa likuran niya.

Hinila niya ko sa damit sa medyo may ilaw na banda.

"Kaya mo basahin 'to?" Pinanliitan ko ng mata para makita ng maayos ang nakasulat sa palad niya.

"WOLF WARP ROOF RUFF RAFT WORK WART WORTH WRATH WHARF!"

"NICE ONE! GOOD DOG!" Unti unting nanlaki mata ko sa sinabi niya at pag-pat niya sa ulo ko. Dun ko tuluyang na-gets yung binasa ko.

"Buang!" Natatawa kong atras ng konti.

Tumawa na rin siya at nag-feeling inosente.

"Sige na pasok ka na dun. Uuwi na rin ako. Sabihin mo natagalan lang kasi may pinagawa, pakisabi kasama mo naman ako."

Umangkas na ulit siya sa bike niya at lumiko na para umikot.

"Teka?!" Pigil ko. Napahinto naman siya at muling lumingon. Lumapit ako habang binubuksan ng madalian yung bag.

"Oh!" Sabay abot ko sa ibang candies na natanggap ko.

"Wag na! Sa'yo na yan. Di ko gusto yan masyadong matamis mas prefer ko pa ang noodles sa bahay," pagtukoy niya sa peyborit niya na lucky me na chicken.

Lumarga na siya ng biglaan.

"Salamat!" Pahabol ko.


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro