CHAPTER 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"MA, anong ulam?" Tanong ko agad sa kanya pagkapasok ko mismo sa kusina.

Kakauwi ko lang galing eskwelahan. 6:50 pm na ako mismo nakauwi dahil sinarado ko pa ang 'SH'.

"Natagalan ka?" Tanong niya.

"Well, alam mo na. Mabait 'tong anak niyo at pinagkatiwalaan ng mga nasa school kaya natatagalan." Pagha-hambog ko.

"So, ano nga ulam?!" Dugtong ko din agad kaya nabigla siya.

"Veggies con Carne."

"Ano yan? Ambango ah," lumapit ako at inamoy-amoy ang usok na nagtataasan galing sa niluto ni Mama.

Wala pa sila Ate at Kuya. Pero ang mga bata andun sa sala nanonood ng tv at kumakain ng watermelon. Ako ang nag-slice, share ko lang.

"Malamang gulay na may karne. Veggies con Carne nga diba?!" Pamimilosopo niya sa'kin.

Inirapan ko lang siya at tinalikuran.

Pasayaw-sayaw ako ng budots habang naglalakad patungong sala kung saan ang mga bata.

Bigay na bigay ako sa pagsayaw. Grabe, ang sarap sayawin ng budots kahit walang mismong sounds ay keri pa rin pinapatugtog ko yung utak ko eh.

"Ate, halika look si Annabelle diba hindi nakakatakot?" Napahinto ako sa pagsasayaw ng budots at hinila na ako ni Jesrel. Ang lalaki sa dalawa.

Tiningnan ko naman si Annabelle na mukhang sirang nakaupo dun sa isang upuan. Yung scene na nag-flash na ngayon dito sa pinapanood nila. Di naman nakakatakot tsaka smile lang ng smile di naman cute, nagli-lipstick na din siya kahit sobrang bata pa haaaay.

"Oo," Tango ko.

"See? Ketie si ate Blacky na ang nagsabi?!"

Tango pa rin ako,"..why Ketie? Are you scared?"

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Muntik na akong mapatakbo sa sigaw niyang sobrang uwaaaah nakakagulat.

Ngayon namalayan ko na lang na nasa likuran ko na siya nagsusumiksik. Takot na takot.

"T-Takot ako, Ateeee! Tingnan mo," turo niya sa tv. Papaiyak na siya kaya napatawa ako.

"Hahahahahahahahahahaha," mataas na tawa ko. Sinabayan din ako ng maasaring si Jesrel.

"Namumutla na si Ketie!" Asar ni Jesrel sa kapatid niya.

"Ikaw natakot dun? Whuuuut?" Mangha kong tanong kuno.

Buset na Anabelle yan nananakot ng bata. Napasigaw siya nung may scene na biglang nanggulat si Annabelle.

"Anong ganap? Ba't may sumigaw?" Napalingon kami sa kakalabas na tao galing kusina may dala pa siyang sandok.

"Walaaaaaaaa." Sabi ko at kumuha ng maraming watermelon at sinubo.

"Natakot po si Ketie—" hiniritan ko si Jesrel.

"Ma, luto na ba ang vegetable mo na may karne?"

"Hindi pa!" Sighal niya at tumalikod,"..wag kayong sisigaw-sigaw dyan. Para kayong na-rape. Mga bata talaga oh!" bubulong-bulong niya eh rinig naman naming tatlo.

Nagtawanan kami ng walang tunog dahil sa sinabing yun ni Mama.

"Ililipat ko para di ka na matakot, Ketie."

Kinuha ko ang remote at tumingin na din sa tv ng...

"Aaaaaaaaaaaaaahh!" Sabay-sabay kaming tatlong napasigaw ng gumulat sa'min ang nakakatakot na mukha ni Annabelle.

Whole screen sinakop niya kaya sino bang di magugulat dyan.
Nabakla na din 'tong si Jesrel kasi sumali na sa pakikipagsiksikan sa likuran ko.

Dali-dali kong nilipat at pumalit ang The Little Mermaid na cartoon. Shyt!

"Hoooo!" Nakahinga ako ng maluwag matapos kong punasan ang pawis na namuo sa noo ko.

Humarap ako sa dalawa at ngumiti ng matindi.

"Gusto niyo ilipat ko pa?" Lingid sa kaalaman nila na unti-unti ko nang hinawakan ang remote.

Sa mismong pagtango nila ay dun ko din pinindot ang remote para lumipat at tumakbo na agad.

'Hahaha, binalik ko yun sa movie na Annabelle eh'

Napatakip ako sa tenga ng nagsusumigaw sila dun.

"Ano naman yun dun, ha?!" Napa-aray ako ng may pumalo sa ulo ko gamit ang sandok.

"RUSTOM!" Pigil ko sa pag-alis niya.

Lumingon siya sa'kin at dali-dali naman akong lumapit.

"Pupunta ka nang eskwelahan?"

"Di ba obvious?" Tanong niya din. Ayyy!

"Hihi, obvious naman." Nahihiya kong ani.

"Una na ako," at pinaandar na niya bike niya.

"Teka—? Wait—!" Napatigil siya at lumingon muli.

"Pasabay naman oh?" Tango ko sa kanya.

"Hindi pwede. Isa pa flat na ang gulong kailangan ko pang ipa-vulcanizing dun," tiningnan ko naman ang gulong. Tsh, di naman ah?

"Ayy, ganun? Mukhang di naman 'ata flat?"

"Ah basta flat yan," at ng magpe-pedal na siya umalis ay hinawakan ko agad ang balikat niya.

Uniform ang nahila ko kaya muntik na siyang tumihaya sa kalsada.

"Bakit ba ayaw mo'kong isabay?"

"Hindi naman sa ganun. Sadyang ano lang—"

"Ano?" Inakbayan ko na siya.

Medyo pumantay naman ako sa kanya. Nakaupo kasi siya sa bike.

"Ano nga?" Dinikit ko pa pisngi ko sa pisngi niya.

"Alis nga." Pinalayo niya ako.

"Ba't ba gustong-gusto mong sumabay sa'kin?" Napaisip ako sa tanong niyang yun.

"Wala. Gusto ko lang makipag-close dahil tayo-tayo lang naman ang magkapit-bahay. Ano ba?" Sapak ko sa balikat niya.

"Sige na nga. Mauna ka na. Magpapa-vulcanizing ka pa diba?" Sabi ko sa kanya.

Matagal pa siyang tumitig sa mukha ko na para bang pinakiramdaman kung okay lang ako.

"Ok."

"Oi, pero mamayang hapon. Sabay tayo, Rustom."

As usual wala pa rin siyang sagot.

NAGLALAKAD kami nila Kyla ngayon papuntang gate. Hapon na at uwian na.

"Rinig kong may group project ang section A mamaya," sabi ni Kyla.

"Eh? Sinong nagsabi?" Ako.

"Dumaan yung kaklase ni Kyle. Itatanong ko pa nga mamaya kung ano yun dahil panigurado tayong section B na naman ang next na bibigyan ng project."

"Oo nga noh? Natatandaan niyo pa noon na bago tayo nabigyan ng project sa 2nd grading tapos na kila Kyle?" Sabat ni Erika.

"Unfair!" Hirit ni Arjohn. Bago lang sila tumabi sa'min ngayon sa paglalakad. Mga kaibigan niya ding lalaki na classmate namin ang kasama niya. Natawa kaming tatlo.

"Mmm..." Kyla.

Nakinig na lang din ako sa kanila. May iba na kasi akong iniisip about sa section A na magkakaroon ng group project.

Kung ganun ay may group project ngayon si Rustom? Aaaah...

"San kaya nila gagawin?" Baling ko sa kanila.

"Ewan! Sa bahay siguro ng isa sa kanila. Sa mapag-desisyonan na lang. Ganun naman ang group project." Sagot ni Erika.

"Mas maganda kung may clue tayo sa project na yan para kapag binigyan na tayo ay may alam na tayo kung tungkol saan? Oh diba?"

Natawa si Kyla sa sinabi ko.

"Ie-explain rin naman yan nila Ma'am. Bibigyan tayo ng instruction kung pano." Mahinang saad niya.

"Hoy, guys bye na. Andyan na si Papa." Paalam ni Erika.

Sanaol na lang. Palagi kasi siyang sinusundo ng Papa niya.

Nagpaalam na rin sila Arjhon. Maglalakad lang sila pero sa ibang daan. Iba din kasi ang daan ko. Kila Arjohn ay pa-lungsod.

"Ikaw Kyla. Di ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya. Kami na lang dalawa ang naiwan.

"Di pa! Hinihintay ko pa si Kyle. Magsasabay daw kami sabi ni Mama."

"Ayy, first time!" Asar ko sa kanya.

First time nga talaga. Di sila gaanong close ni Kyle kahit mag-kambal sila. Di nga nagpapansinan kung magkakasalubong. Parang di magka-dugo ang mga sira.

"May inutos kasi si Mama sa bayan. Wag kang DM," sabay kami natawa.

"DM ka dyan—" di ko na natapos ang pagsasalita dahil biglang may tumulak sa'kin na medyo may kalakasan.

"Padaan nga dyan! Wag nga kayong paharang-harang dyan, Badjao!"

"Aba!"

Yung mukha nga naman ni Harold oh sarap sapakin!

"Kung nag-excuse ka kaya? Di yung basta-basta ka na lang nanunulak dyan. Pano kung nasubsob ako at nasira kagandahan ko? Crush mo pa naman ako diba, Harold."

Napa-ayieee agad si Kyla sa tabi ko at ang iba pang mga kasama ni Harold.

"Oh? Diba totoo?"

"Asa ka! Badjao na nga feelingon pa!" Galit niyang sabi.

"Eh ayieee si Harold tumatanggi..." Asar ni Kyla.

"Tumigil ka Kyla ah suntukin kita dyan." Banta niya.

"Sige ka pay sinuntok mo si Kyla di na kita lab." Nag-pout pa ako. Nagpapa-cute haha.

Mas lalo pa nilang inasar siya sa sinabi ko. Alam ng lahat na biro kaya walang seryosohan hanggang sa mamatay. Ganito ako eh mapang-asar. Ewan ko ba bakit gustong-gusto ko siyang asarin at biruin haha.

"Sige, na uwi ka na Harold my labs. Ingat ka lang ah papakasalan mo pa ako eh," tatawa-tawa akong nakatingin sa kanya.

Galit na galit siyang tumalikod at pinagsisipa ang bato. Problema niya haha. Buti di ako pinakyuhan. Himala!

"Di mo alam baka seryosohin niya yung sinabi mo?"

Tatawa-tawa pa rib akong humarap kay Kyla,"..well, alam na'tin na joke lang ang lahat. Bahala na siya dun, di na ako involve haha!"

"Ikaw."

"Tssssh! Wag ka nga mabahala dyan, Kyla. Hayaan mo siya," kindat ko.

"Oh, andyan na sila." Pagtukoy ko sa paparating na magka-kaibigan.

"Sige na. Kay Rustom lang ako," tinanguan niya lang ako.

Alam niya ang about sa paglapit ko kay Rustom. Alam din naman niya na medyo mag-kaibigan kami dagdagan pa na magkapit-bahay pa kami kaya normal na sa kanya ang lahat ng mgaa galaw ko.

Bumuwag na kami ni Rustom. Pupuntahan niya na kasi bike niya.

"Natatandaan mo yung sinabi ko kaninang umaga?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa'kin,"..ang alin?"

Napa-face palm ako. Hayyy!

"Blacky!!!!" Sumigaw si Kyla sa likod ko. Nilingon ko at nakita kong papaalis na sila ng kakambal niya.

Nagba-bye siya. Nagba-bye na rin ako at tinanaw ko pa sila paalis ng kapatid niya.

Nakaangkas na siya sa bike niya.

"Di mo talaga matandaan sinabi ko?" Maka-ilang ulit ko na ata yang tinanong sa kanya. Mga pang-sampu na. Di kasi ako mapalagay gusto kong maalala niya.

"Di mo talaga—"

"Sakay na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

As in?

"Sabi na eh! Naalala mo haha," tatawa-tawa akong pumwesto sa likuran niya.

"Ikaw talaga Rustom!" Kinurot-kurot ko siya sa gilid niya. Sinaway naman niya ako.

"Masakit ah!"

Hindi ko alam kung hahawak ba ako sa bewang niya o ano? Baka mayakap ko siya.

"Ano hindi ka ba hahawak dyan? Uuwi na tayo, baka gusto mong mahulog? Anong akala mo sa bike ko jeep na pwede ka lang mag-relax?" Napatawa ako sa sinabi niya.

Ewan ko ba ba't di mawala-wala ang ngiti ko sa buong byahe. Siguro dahil sa masayang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam na masarap isipin pero mahirap makuha. Minsanan lang kung nasa mood ang Rustom ko.

"May group project daw kayo mamaya?" Basag ko sa katahimikan.

"Oo."

"San niyo gagawin?"

"Sa bahay namin," napa-'0' ang bibig ko at palihim na tumawa.

"Punta ako ah? Gusto ko malaman kung ano gagawin niyo para may clue naman ako sa project na yan."

"Ikaw bahala. Basta asahan mo lang na para ka lang hangin dun," saad niya.

"Ikaw! Ambad mo!" Sinapak ko siya sa likod.

"Di biro lang," bawi niya. Rinig kong tumawa siya at ang sarap sa tenga pakinggan.

Tumahimik ulit. Wala nang nagsalita. Aaaa-ah?

"Buti pumayag ka na dun gawin?" Basag ko ulit sa katahimikan.

"Syempre, importante yun."

"Gaano ka-importante? Mas importane pa sa'kin?"

"Sino ka ba?" Parang nag-lag utak ko sa tanong niyang yun.

Naramdaman ko na lang na nahinto na pala kami dito sa mismong harap ng bahay namin. Nilingon ko ang sa kanila na una pa lang sana madaanan eh di niya dun hininto sa halip dito niya diniretso.

Bumaba ako ng mahina. Walang imik dahil feeling ko napahiya ako.

Nakayuko akong umayos ng tayo paharap sa kanya,"..s-salamat." Sobrang hinang saad ko.

Para akong nawalan ng lakas at gana sa lahat. Ang masiyahin kong kaluluwa ay lumungkot dahil sa apektado ako sa tanong niyang yun. Na ang parang pinararating sa'kin at wala akong halaga dito sa mundo.



"Bakit mo ba ipinagsiksikan sarili mo sa'kin, Blacky?"









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro