CHAPTER 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MAAGA akong ginising ni Mama dahil magpapatulong daw siya sa gagawing pagluluto para sa paghahanda sa kaarawan ni Jesrel.

Birthday ng anak na lalaki nila Kuya. Si Jesrel at 11 years old na siya ngayong taon. Tutulong din naman daw si Ate.

"Ayieeee, happy birthday Jesrel!" Asar ko sa kanya ng makasalubong ko siya 'ulit' dito sa sala. Sinundot-sundot ko pa tagiliran niya, nag-blush naman ang bruhong batang 'to.

"Ayieee, happy birthday Jesrel." Asar ko sa kanya ng makasalubong ko na naman siya 'ulit'.

"Ano ba ate Blacky. Makailang beses mo na ba yang pinaulit-ulit? Kanina mo pa ako binabati eh," Aniya ng magsawa na rin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Syempre, birthday mo ngayon kaya susulitin ko na. Ayieeee, kinikilig ka lang talaga dahil birthday mo na naman awuhhhh." Di naman maipaliwanag ang mukha niya.

"Ate naman nakakahiya na, haha." At sabay na naman kaming nagtawanan.

"Ayieeee, birthday niya ngayon!" Ayan, isa pa. Si Ketie isa din, inaasar kuya niya.

"Isa ka pa, Ketie. Tumigil ka!" Tinawanan lang siya nito,"..ayieeee, birthday niya ngayon." Pang-uulit ni Ketie.

Naglakad na siya pero di pa rin nawala ang asar niya.

"Ayieeee, birthday niya ngayon!"

"Ayieeee, birthday niya ngayon!"

"Ayieeee, birthday niya ngayon!"

At panay ang ulit niya hanggang sa mawala siya sa paningin namin dahil umakyat na.

"Ayieeee, birthday niya ngayon!" Pero yun lang ang akala namin dahil inulit pa niya kahit nasa taas na siya.

Nagsusumigaw dun. Sabay na lang kaming nagkatinginan ni Jesrel at sabay ring napailing.

MARAMING handa. Syempre, parehong may trabaho sila Kuya at Ate tsaka sila lang din ang anak kaya para san pa ang 'simpleng' paghahandang yan, kung kaya namang medyo 'ipabongga' HAHA.

Maraming bisita gaya ng mga friends and etc nila Kuya. Andito din ang iilan naming mga kapit-bahay, sila Rustom lang tsaka ng Mama niya ang wala eh.

Medyo maraming tao pero di naman problem yun. Medyo may kalakihan din 'tong bahay at grabe ang saya lang. Minsanan lang kasi magkaroon ng ganitong pagtitipon kasi pareho lahat 'busy' sa mga ginagawa.

Inimbitahan ko kanina si Rustom eh,

"Rustom, sabi nila Ate punta daw kayo ni Mama mo sa bahay. May konting handaan, birthday kasi ni Jesrel."

Naalala ko pa sinabi ko kanina sa kanya. Nung pinapuntahan sila nila Mama para sabihan daw na pumunta dun.

Wala siyang sagot dun kaya inulit ko pa mismo kay Ante,

"Ante, punta daw kayo dun sabi nila Ate, Kuya at Mama." Sabi ko nun ng makita ko siyang nagdidilig sa halamanan niya.

"Titingnan lang namin Blacky. Pakisabi salamat," yun lang ang naging sagot niya sa'kin.

PERO mapasa-hanggang ngayon wala pa rin akong makitang kahit anino lang nilang dalawa na pumunta.

Tumungo akong kusina kung nasan si Mama at ang iba pang tumutulong sa pagluluto,"..ma? Di siguro pupunta sila Rustom eh."

Napalingon naman ang iilang nandun.

"Intindihin na lang natin sila Mira." Pagsagot ng isa sa mga kapit-bahay namin na tumutulong dito sa kusina. Pagtukoy niya din sa Mama ni Rustom

"Oo nga. Hindi talaga yun mahilig sa mga ganitong handaan lalo na kapag marami-raming bisita sila Claudine," ani Mama.

"Oo, kahit nga sa'min hindi pumupunta eh tayo-tayo lang naman sana ang magka-kapitbahay ang magtitipon-tipon."

"Oh, dito pa kaya na tatlong bahay lang ang pagitan haha. Si Mira talaga, hayaan na." Dagdag pa nila.

"Kahit nga yung mismong anak niya nahawa na din sa pagka-mabait."

"Ah oo si Rustom ba? Naku—napakabait talaga ng batang yun. Bilib ako dun at boto." Mama.

"Oo, napakabait nga talaga at di maitatangging may itsura pa. Swerte nga naman ni Rubin sa asawa't anak niya dito."

Ako, andito sa tabi kinikilig sa mga pinag-uusapan nila Mama patungkol kila Rustom. Awieeee, tama nga naman. Sige, puriin niyo pa Rustom Kile Imperial ko. Hihihi! Haaaaay!

"Blacky!"

"Bakit?!" Dali-dali akong napasagot sa pagtawag ni Mama sa pangalan ko.

"Mas mabuti pang hatiran mo na lang sila Ante Mira mo. Alam naman nating di talaga sila pupunta dito, tayo na lang ang iintindi," napatango agad ako bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ni Mama.

Tumayo na ako ng maayos at kumuha ng mga plato para paglagyan ng mga pagkain na ihahatid ko na lang sa kanila dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo di talaga sila pupunta dito. Medyo mahiyain kasi sila. At thankful ako dahil tinuruan ni Ante Mira si Rustom ng ganung asal.

"Tao po! Tao po! Tao po—" di pa ako nakakatatlong 'tao po' ng bumukas na ang pinaka-main door nila.

"Oh? Ikaw pala yan Blacky haha," tawa niya at dali-daling naglakad para buksan ang kaharap kong gate.

"Si Ante Mira ba't di ka po pumunta dun?" May tonong biro na tanong ko.

"Ayy, haha nakakahiya kaya."

"Ayt, oo nga pala. Pinahatiran na lang kayo ni Mama nito Ante. Alam niya kasing di ka pupunta, kayo ni Rustom."

"Aaaah hehe nag-abala pa tuloy kayo," inabot ko na sa kanya ang echo bag na malaki na may lamang iba't ibang pagkain na pinadala ni Mama.

"Sus! Wala lang po yun. Siyanga po pala, si Rustom po? San po, Ante?" Curious kong tanong with may pasilip-silip pa si ako sa loob kuno ng bahay nila.

"Andun sa loob. Lika pasok ka muna saglit," binuksan niya pa ng maigi ang gate para makapasok ako.

Feeling feel at home kaya umuna na ako sa paglalakad habang sinasarado pa ni Ante ng tuluyan ang gate.

Paharap-harap ako sa kanya ng tawagin niya ako,"..siya nga pala Blacky. Pakibanggit sa Mama at Ate mo na pasensya na hindi na ako nakatulong—"

"Nakuuuu—! Okay lang po yun. No problem, marami namang tumulong dun gaya nila Ante Sina, Ante Rose, Ante Maria and etc," napahalakhak naman siya sa sinabi ko.

Ako na ang nagbukas ng pintuan nila. Dalawa eh, ang una dito sa pinakalabas ay yung stainless pa na door na parang screen lang bago yung pangalawang door na kahoy, maganda.

Bumungad sa'kin ang sala nilang napakagandang tingnan dahil di naman maitatangging malinis talaga si Ante at mahilig mag-arrange ng kung ano-anu. Kaya nga idol ko siya sa pagkamalinis, napakagaling niya.

Hihi, makailang beses na din kaya akong nakapasok dito. Sabi pa ni Ante sa'kin, "Isipin mong bahay mo na rin 'to Blacky. Wag kang mahiya, ah?"

"Rustom?!" Kaagad na tawag ni Ante sa hanap ko.

"O?"

Sakto kalalabas lang din niya galing sa kusina nila. May dala pa siyang bowl na may lamang kung anong umuusok. Mukhang bagong luto ah?

Nilapag niya sa lamesa ng sala ang dala niya at dun ko nakita kung ano yun. Wala namang iba eh kundi ang paborito niyang 'Lucky Me' haaaaay! Di na bago sa'kin yan. Paborito na niya talaga yan nung bata pa lang. Kaya nga marami ding ini-stock si Ante na noodles dahil yan lang favorite niya. Wala namang problem dahil may financer naman sila. Well, papa niya abroad, diba?!

"Hanap ka ni Blacky," saad ni Ante tsaka nagpaalam na muna sa'ming dalawa.

"Bakit?! Mmmm...me' kelangan ka?" Sabi niya tsaka hinipan ang noodles niya para lumamig.

Natuwa naman ako kaya agad ako lumapit. Mas naklaro ko pa ang mga nagtataasang usok galing sa pagkain niya.

"Wala, gusto lang kita makita."
Kibit-balikat na sagot ko.

Magkatabi na kaming nakaupo dito sa upuan nila na foam.

"Big deal ba yun? Tsaka ano namang rason yan, tch..."

Napakibit-balikat na lang ulit ako. Napailing-iling naman siya matapos akong sulyapan.

Kumakain na siya sa harap ko,"..gusto mo?" Tanong niya.

Umiling lang ako.

"Meron pa sana dun sa kaldero," aniya.

"Wag na. Alam ko namang paborito mo yun kaya sa'yo na yun lalo na't chicken pa flavor oh!"

Favorite niya kasi ang chicken na flavor sa Lucky Me na noodles. Ewan ko ba kung bakit kasi sa tuwing tatanungin naman siya walang sapat na sagot. Sabi, "ewan din."

"Ba't nandito ka pa nakaupo? Baka hinahanap ka na dun sa inyo—"

"Hala! Oo nga pala haha. Sige, sige. Wait, paalam lang ako kay Ante," nag-'mmmmm' lang siya dahil kumakain pa rin.

Tumayo na ako at agad tumungo sa kusina. Naabutan ko si Ante na may niluluto na kung ano.

Agad naman siyang napalingon ng maramdaman siguro ako,"..ah? Ante mauuna na po ako."

"Oh, sige Blacky. Baka hinahanap ka na dun. Pakisabi sa kanila na salamat 'dun' haha nag-abala pa kayo."

"Sige po makakarating uwu~" biro ko pa,"..sige Ante Mira."

Paalis na sana ako ng may maalala ako,"..ah? Ante Mira, narinig ko kasi kanina na maliligo kami ng dagat saglit. Sama naman po kayo oh? Oh kung pwede din si Rustom po? Pwede po ba siyang i-isama?"

Narinig ko kasi kanina na pupunta kami saglit sa dagat kasi di na yun magagawa kung ipagpabukas dahil lunes na at may mga pasok na kami lalo na sila Ate may trabaho na. Kaya ngayon kahit medyo pahapon na ay sisilip daw kami kahit papano sa dagat. Kahit balik agad, at yun ay kagustuhan ni Kuya. Gusto niya daw maalatan katawan niya haha.



KAINAN muna ng tanghalian tsaka pupunta sa dagat. Medyo gipit ang schedule kaya medyo afakeiiii sa time.

Tumutulong ako sa pag-aasikaso sa mga bisita nila Kuya.

Sa isang banda may nakita akong pamilyar na bulto. Nang makumpirma ay napangisi ako ng malaki. Kaagad akong lumapit sa kanya at tumabi. Nakatayo siya habang nagti-tingin-tingin sa paligid na animo may parang hinahanap. Nasa loob kami ng bahay, ok?

"Andito na akoooo~" gulat naman siyang napalingon sa'kin.

"P*ta! Badjao ka, a-ano bang sinasabi mo dyan?"

"Ako hanap mo diba? So, ngayon I'm here na. Ayieeeee, patay na patay ka talaga sa'kin, Harold ba?"

"Napaka-hangin mo!" Singhal niya.

Mas lalo ko pa siyang inasar sa pamamagitan ng pagdikit-dikit ko sa kanya. Lumayo-layo naman siya. Parang sira!

"Nga pala ba't ka andito? Sinong nag-imbita sa'yo, gatecrusher!" Seryoso kuno ang boses ko dyan pero sa loob-loob ay biro lang ang lahat.

"Gatecrusher mo mukha mo! Sinama lang ako ni Ate dito, di ko alam na dito din pala ang pupuntahan niya. Kung alam ko lang na dito sa inyo ay baka di na ako sumama—"

"Weyt—? Saan ate mo dyan?" Hirit ko.

"Yun oh! Yung blonde na kausap ni Ate Claudine," aniya.

Napa-ooooo naman ako at napatango-tango.

Di ko akalain na yun yung ate niya. Alam ko namang may Ate siyang teacher pero never ko nga lang nakita kaya ayan ng ituro niya wow kakabilib. Angganda aaaaah!

"Totoo bang Ate mo yan?"

"Oo naman, buang ka!"

"Weh? Totoong mag-kapatid talaga kayo? Ate mo yan? Ba't di kayo magkamukha? Ba't masyado 'ata siyang maganda? Ikaw pangit HAHAHAHAHAHAHAHAHA," para na akong mawawalan ng hininga sa kakatawa.

Naiiyak akong napatingin sa kanya.

"Sobra ka na ah badjao ka! Porke't ba di lang kami magkamukha lalaitin mo na ako. Grabe ka na ah," akma na niya akong susuntukin ng mapalayo agad ako.

Ngayon lang ako kinabahan sa kanya ah? Seryoso mga talaga siya, galit na siya at naiinis.
Perstaym to badi! Baka nasuntok na nga niya ako kung di lang agad ako nakalayo. Hoh!

"B-Biro lang." Utal kong sabi at tumalikod na,"..bwisit, bwisit, bwisit, di marunong makisabay!" Bubulong-bulong ko.

"Pa'no kung susuntukin nga niya talaga ako kanina?"










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro