My Love, Trexia.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Maayos akong naka-upo sa 'king silyang tumba-tumba at tinitignan ang litrato namin ni Trexia mula sa gilid, kung saan ito'y naka-frame pa.

Malamig ang simoy ng hangin mula sa bintana ng aming bahay. Ito pa ang pinaka-una kong nai-pundar na bahay para sa 'ming dalawa noong kami'y bumukod sa 'ming kanya-kanyang pamilya.

Naalala ko pa ang masasaya naming alaala na magkasama ang bawat sayaw, haplos, ngiti sa bawat oras na magkasama kami at ang aming mainit na pagmamahalan sa isa't isa na walang makakahadlang at makakasira.

Sinasariwa ko ang mga panahon mga araw na kasama ko pa siya noong hindi pa siya pumanaw. Kahit na mahirap noong ako'y iwanan niya ay nasanay na din ako. Sa tuwing aalalahanin ko siya ay nai-iyak na lamang ako sa tuwa.

"Lolo!" Tawag sa 'kin ng mga apo ko't agad na lumapit sa 'kin ang mga ito at nagmano sa 'kin.

"Pagpalain kayo ng diyos." Nakangiti kong saad sa kanila.

"Magandang hapon Papa." Bati sa 'kin ng panganay naming anak na si Trisha saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Nasaan ang iyong mga kapatid?" Tanong ko naman sa kanya at tatayo sana ng ako'y kanyang pigilan. "Anak, hindi pa ako baldado. Kaya ko pang tumayo." Saad ko naman at umupo kami do'n sa sofa.

"Susunod daw po sila Troy at Robin. Maligayang pasko itay." Bati sa 'kin ng anak ko.

"Maligayang pasko din anak." Masaya kong bati sa kanya.

"Itay, magluluto muna kami para sa 'tong noche buena mamaya. Maiwan muna namin kayo kasama ang mga bata." Mahinahong sabi nito saka tumayo. "Mga anak, wag niyong pagudin si lolo." Bilin niya sa mga bata.

"Nako, mga teenager na ang mga anak mo, sinasabihan mo pa." Sita ko naman sa kanya.

"Kaya nga mom, go na ma! Cook na!" Masiglang sabi naman ng mga apo ko at umiling na lamang saka ngumiti ang kanilang ina.

"Lolo, pwede pong mag-request?" Tanong sa 'kin ni Shena at umupo sa 'king harap at sumunod naman ang kanyang kapatid na dalawang taon ang tanda sa kanya.

"Ano ba 'yon apo? Basta kaya ni lolo." Natawa ko pang bahagya na sagot sa kanila.

"Hmm, mag-kwento po kayo!" Masiglang pahayag nito sa 'kin at natutuwa ako dahil do'n. Nagmana silang dalawang magkapatid sa kanilang ina.

"Tungkol saan naman?" Tugon ko sa kanya.

"Ako, may naisip ako!" Biglang saad ni Shiela at itinigil ang pagce-cellphone. "Yung lovestory niyo na lang po ni lola!" Magiliw nito na suhestiyon at napangiti na lamang ako.

"Oh sige mga apo. Dito nagsimula ang kwento namin ng lola at lolo niyo.." Panimula ko at kitang-kita sa mata nila ang pagka-sabik na marinig ang aking kwento.

-

Isang magandang araw ang bumungad sa 'kin ng magising ako. Anak ako ng isang mayaman na haciendero at haciendera dito sa aming bayan.

Magkakaro'n ng sayawan mamayang gabi dahil nay fiesta dito sa 'ming bayan.

Maayos ang pagpapa-laki sa 'kin ng aking mga magulang, pinalaki ako ng magulang ko na mabait, may malasakit sa kapwa at isang mabuting anak ng diyos.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako upang maka-ikot naman sa 'ming rancho. Ugali kong pumunta do'n araw-araw upang kamustahin at tignan ang aming manggagawa.

Sa loob ng matagal na panahon ay sila pa din ang mga trabahador ng aming mga magulang, hindi daw nila kami magawang iwanan dahil sa mga naitulong namin sa kanila at ang magandang samahan ng bawat isa.

Tumingin ako sa bintana at may ibang mga kababaihan ang nakatingin sa 'kin, hindi man sa pagmamayabang ngunit karamihan sa kababaihan dito'y may gusto sa 'kin.

Ngunit maski isa sa kanila'y wala akong natipuhan, nasa isip ko kasi na ang yaman lamang ng aming pamilya ang nais nila kaya sila'y may pagtingin sa 'kin.

Napailing na lamang ako at inayos ang sarili ko saka bumaba. Wala naman ang aking ama dahil isa din siyang mayor sa aming bayan.

Pinuntahan ko naman ang aking ina sa aming kusina na kasalukuyang nagluluto.

"Magandang umaga mama." Bati ko sa kanya at hinalikan sa kanyang pisngi.

"Magandang umaga anak." Bati naman sa 'kin nito. "Pupunta ka ng Rancho?" Tanong nito.

"Opo. Maiwan ko muna kayo dito." Sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Mag-ingat ka anak." Bilin ni nanay at ngumiti na lamang ako saka kinuha ang aking sasakyan. Nasa tamang edad naman na ako para magkaro'n nito kaya pinayagan na din ako ng aking ina.

Habang binabaybay ko ang lugar ay tinitignan ko ang ibang mga tanawin, masarap ang hangin dito dahil marami pang puno at inaalagaan ng mga tao, maraming nagtatanim kaya kapag may bagyong dumadaan dito'y parang walang nasasalanta dahil nga sa dami ng taong nagtatanim.

Nang makadating ako sa rancho ay dumiretso ako sa taniman.

"Sir Jerick Santiago!" Biglang sabi ni Aling Mariana habang nakaupo mula do'n sa kubo. Lumapit ako sa kanya at magma-mano sana ng bigla niyang ilihis ang kanyang kamay. "Iho, madumi ang aking kamay."

"'Nay, ayos lamang 'yon." Sabi ko't kinuha ang kamay niya saka nagmano. "Hindi naman 'nay madumi oh. Saka po, 'wag niyo na po akong tawaging sir." Dagdag ko pa.

"Ikaw talagang bata ka. May bilin ba ang mga magulang mo? Kamusta na sila?"

"Wala po, gusto ko lamang po kayong bisitahin at kamustahin dito. Ayos lamang po sila, may pinagkaka-abalahan nga lang po si Papa sa barangay." Sagot ko naman sa kanya. "Nasaan na ho yung ibang manggagawa?"

"Papunta na 'yon, manananghalian na kami para dire-diretso na ang trabaho namin mamaya."

"Sir Jerick!" Biglang tawag sa 'kin kaya agad naman akong napalingon, nando'n na ang mga manggagawa.

"Magandang umaga po. Kamusta na po kayo? Pati ang sakahan?" Tanong ko sa kanila.

"Maganda ang ani ngayon iho." Sagot ng isang manggagawa.

Nagpatuloy kami sa mga kwentuhan at tawanan inaantay daw nila ang anak ni Aling Mariana para sa kanilang pagkain hanggang sa makita ko ang isang babae na papalapit sa 'min..

Napako ang tingin ko sa kanya na nakasuot ng bistida at nakapusod ang buhok. Maganda ang kanyang mukha na tila ba isang anghel, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat at maganda ang pangangatawan.

Napangiti ako sa kanya ng makalapit ito sa 'min at inilagay ang pagkain sa lamesa.

"Hi, magandang umaga. Sino ka?" Tanong niya sa 'kin at hindi ako agad nakasagot at nakatingin pa din ako sa kanya.

"Nako anak, jusko kang bata ka." Sita ni Aling Mariana sa kanyang anak. Madalas ko siyang makita ngunit nawawala siya agad na parang bula. "Jerick, pasensya kana dito sa anak ko." Baling naman niya sa 'kin.

"Ayos lamang 'yon Aling Mariana. Nakakatuwa nga po siya eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Ako nga pala si Jerick." Pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko sa kanya na agad naman siyang ngumiti.

Inilahad niya din ang kanyang kamay saka ikinapit sa kamay ko. "Ako naman si Trexia. Ngayon lang kita nakita dito, pasensya kana. Sino ka ba?" Tanong niyang muli sa 'kin.

"Ako yung anak ng may-ari ng Rancho." Pagpapahayag ko naman saka ngumiti ng bahagya.

"Ano?!" Gulat niyang sabi. "Nako, pasensya kana. Hindi kasi ako pala-alis dito maliban na lamang kapag papasok ako sa aking eskwelahan. Pasensya na." Sabi niya't napangiti naman ako sa kanya, ang ganda niya kasi at mukha pa siyang mabait.

"Ayos lang 'yon, ikinagagalak kong makilala ka." Sagot ko sa kanya.

"Eh, kung kumain na tayo mga bata?" Bigla namang singit ng isang manggagawa at ngumiti ng nakakapanloko sa 'ming dalawa kitang-kita ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi kaya agad akong napangiti ng palihim dahil do'n.

Kumain kami at umupo siya sa 'king tabi at nag-kamay siyang kumain. Masaya ang naging kainan namin, para kaming isang buong pamilya at nalaman ko nga na siya ang nagluto nito. Nakakatuwa na kahit na ngayon ko lamang siya nakilala ay ang bilis naming magkasundo.

Masaya siyang kausap at alam kong tunay 'yon, walang kahit anong bahid ng pakikipaglapit ng dahil lamang sa may kaya kami sa buhay.

Isa 'yon sa pinaka-masayang araw nang aking buhay. Na naipapakita ko ang totoong ako na walang bahid ng pagpapanggap.

"Pupunta kaba sa sayawan mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Nako, hindi. Walang kasama si Inay dito sa bahay namin eh." Sagot naman niya habang naghuhugas ng pinggan. Nadismaya naman ako do'n dahil hindi ko siya makikita mamaya.

"Gusto mo ipaalam kita?" Tanong ko sa kanya.

"Gustuhin ko mang pumunta pero mas gugustuhin ko din naman na samahan si nanay dito sa bahay." Sagot niya. Alam kong gusto din naman niya.

Matapos ko siyang samahan ay nagpaalam na ako, pinuntahan ko pa si Aling Mariana upang payagan siya at pumayag naman siya.

Masaya akong umuwi ng bahay at nang kingabihan ay nag-ayos ako ng sarili ko, naghanap ng magandang damit upang hindi naman madismaya sa 'kin si Trexia.

Nang makarating ako sa sayawan ay marami akong babaeng nakita ngunit hindi mahagilap ng mata ko ang babaeng gusto kong makasama at makita.

Hanggang sa may nakita akong babaeng nakaputi mula sa gilid at nakatingin sa parte ko, nakatingin lang siya at nakaupo do'n, nilapitan ko naman siya at ngumiti agad sa kanya.

"Bakit hindi ka nagsabi na nandito ka lang pala?" Tanong ko agad sa kanya.

"Nahihiya kasi ako. Hindi pa naman ako sanay sa ganito. Mabuti na lang nandyan ka."

"Pwede ba kitang mai-sayaw?" Nahiya ko pang tanong sa kanya, siya pa lang kasi ang kauna-unahang babae na isasayaw ko.

"Sige." Sagot niya't ipinatong niya ang kanya kamay sa 'kin at nagsayaw kami.

Nakangiti kami sa isa't isa at nakatitig na parang walang ibang tao, maganda ang kanyang labi, kumikislap na mata at matangos na ilong..

Ang saya sa pakiramdam na kasama ko siya ngayon, marahil ay siya talaga ang unang magiging kasintahan ko..

Matapos ang gabing 'yon ay nagbago na ang lahat, napapadalas ang pagkikita namin, masaya ako araw-araw na makasama siya..

Maraming nagbago, napapadalas na ang pag-ngiti ko at ang pagtawa. Madalas na din kaming umalis at masaya akong kasama siya.

Sa kanya ko naipakita ang tunay na ako, yung walang kahit anong bahid ng ka-plastikan na madalas kong ipakita sa ibang nakikilala kong babae, walang kahit na anong bahid ng pagpa-panggap sa tunay kong nararamdaman.

Masaya akong makausap siya kung pwede nga lang ay gusto ko buong araw na kaming magkasama kaso nga lang ay hindi naman maaari.

Hanggang sa tumatagal, lumala-lalim ang nararamdaman ko. Na mas lalo akong napapaibig sa kanya.

Nag-ipon pa talaga ako ng lakas ng loob ng araw na 'yon upang aminin ang totoong nararamdaman.. At nung araw na 'yon ay ang pinakamasayang araw nang aking buhay.

Natanggap ko ang matamis na oo sa kanya.

Nagkaro'n ng wakas ang matagal kong panliligaw. Mas lalo akong naging masaya ng araw na 'yon. Dahil sa 'kin na siya.

Tanggap siya ng magulang ko't natutuwa nga daw sila na mabait at magandang dilag ang nagustuhan ko. Botong-boto sila dito kaya nakakagaan ng loob na malaman 'yon noong ipakilala ko siya sa 'king magulang.

Tuwang-tuwa din si Aling Mariana ng malaman na ako ang kasintahan ng kanyang anak. Isa pa, nalaman ko din na ako ang kauna-unahang kasintahan niya.

Nai-isipan naming magpakasal ngunit alam naming masyado pa kaming bata. Kasalanan ko bang masyado ko siyang mahal na kahit pakasalan ko siya ngayon mismo ay gagawin ko?

Tumagal ang aming relasyon at ngayo'y nakapagtapos na kami ng kolehiyo. Hindi man kami parehas ng eskwelahan na pinasukan ay masaya pa din ako at sabay pa din kaming makakapagtapos ng paga-aral.

Konti na nga lang ang oras namin sa isa't isa simula nung matapos kami sa kolehiyo, naghahanap kasi siya ng trabaho upang ipangtustos din sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Lalo na't wala ang kanyang ama.

Ako naman ay naging abala din sa pamumuno at pagmimintina ng kalupaan namin, lalo na tuwing tag-init dahil madalas na natutuyot ang mga pananim.

Ang ama ko nama'y patuloy pa rin sa panunungkulan sa gobyerno bilang Mayor ng aming bayan.

Ngunit kasabay din nito ang madalas naming paga-away ni Trexia, hindi ko alam na kahit maliliit na bagay lang ay pinaga-awayan na namin. Mahal ko siya pero bakit hindi ko mapagsabay ang trabaho at ang oras ko para sa kanya?

Minsan naman kapag kami'y aalis na dalawa ay biglang hindi matutuloy dahil may problema akong kailangan ayusin noong una'y ayos lamang pero habang tumatagal napapadalas, ayaw ko man siyang iwan at sirain ang araw namin na magkasama ay sinasaalang alang ko para sa trabaho ko..

Nagagalit ako sa sarili ko na nahihirapan ako, maski siya sa sitwasyon namin na ganito. Minsan dahil din dito, nababalitaan kong may kasama siyang lalaki, nagse-selos ako ng sobra-sobra ng dahil sa may kasama siyang iba. Pero sa tuwing paga-awayan namin 'yon ay ipapaintindi niya sa 'kin na kaibigan niya lamang at kasamahan niya lamang 'yon sa trabaho at 'wag akong mag-selos ngunit hindi ko magawa.

Agad namang tumonog ang cellphone ko at ng kunin ko ito'y may mensahe galing kay Trexia.

'Magkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagsayaw. Aasahan kita. May importante lamang akong sasabihin. Mahal na mahal kita.'

Yan ang nakalagay sa kanyang mensahe, agad naman akong nag-ayos ng aking sarili ngunit kasabay no'n ang kaba na may halong saya. Kinakabahan na naman ako dahil baka biglang may tumawag sa 'kin at maudlot na naman ito.

Mas nangingibabaw naman ang saya na makikita ko na siyang muli.

Nang marating ko ang lugar na 'yon ay mas malawak na ito at mas maganda ngayon, maganda na ang pintura at estraktura nito.

Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa kanya. "Trexia, namiss kita." Sabi ko't agad ko siyang niyakap patalikod.

"N-namiss din kita." Utal niyang sagot, marahil ay nagulat siya. Hindi naman siya gumalaw sa kanyang pwesto. "Pwede ba kitang makausap?" Saad niya't humarap sa 'kin at parang kinakabahan.

"Oo naman." Nakangiti kong sambit naman sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita, "Alam mo namang mahal na mahal kita Jerick diba?" Panimula niya at agad akong kinabahan. Tumango naman bilang tugon dito. "Pero, ang dami ng nagbago, sa 'tin.. Wala ka nang oras para sa 'kin, lagi ka nang busy sa trabaho mo. Napapagod din ako, pakiramdam ko'y wala kanang oras para sa 'kin. Ayos lang naman 'yon pero napapadalas na.. Ayokong dumating sa punto na nahihirapan na tayong pareho at mawawalan na tayo ng oras para sa isa't isa." Garagal niyang sabi habang hindi nakatingin sa 'kin, para naman akong naging estatwa at nakatingin lang sa kanya habang hawak-hawak ng mahigpit ang kanyang kamay.

"A-anong gusto mong m-mangyari?" Utal kong saad sa kanya, na parang pakiramdam ko'y sa isang iglap magbabago ang lahat.

"M-maghiwalay na t-tayo. Sorry." Sabi niya't agad na bumitaw sa kamay ko saka tumakbo.

Agad na tumulo ang luha sa mata ko, nanghina at gulat na wala na siya. Hiniwalayan na niya ako.

"ARGH!" Sigaw ko at sinuntok ang pader ng ilang ulit! Ibinuhos ko ang galit ko!

Lumipas ang araw at para akong sinukluban ng langit at lupa, araw-araw akong umiinom ng dahil sa hiniwalayan niya ako. Nasasaktan pa din ako hanggang ngayon sa nangyari ng gabing 'yon..

"Anak." Tawag sa 'kin ni mama at pumasok sa kwarto ko. "Naiintindihan kita, masakit diyan sa puso mo na nawala si Trexia dahil siya ang unang babaeng minahal mo.." Pagpapagaan niya ng nararamdaman ko at nakinig naman ako.

"Nabalitaan ko na kukunin siya ng auntie niya sa amerika.." Putol niyang sabi at agad akong napatingin sa kanya agad. Ayokong umalis siya ayoko!

"Ma, alam mo ba kung anong oras ang alis ng eroplano niya?" Nagmamadali kong saad.

"Isang oras na lang anak." Sagot ni mama at agad akong tumayo at nagbihis ng damit!

Kailangan ko siyang maabutan!

"Anak, tandaan mo 'to. Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. 'Wag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa 'yo. Hilahin mo, hanggang kaya mo. Wag kang bibitaw." Sigaw ni mama habang palabas ako ng bahay at nginitian ko naman siya.

Nagmadali akong nagmaneho at nang malapit na ako sa paliparan ay umarangkada ang trapiko!

"Bwisit!" Sigaw ko! Lumabas ako sa kotse at tumakbo! Tinulak ko pa ang gwardiya dahil ayaw niya akong papasukin.

'Hindi pa siya nakaka-alis, hindi pa. Nandito pa siya.'

"Trexia! Trexia!" Sigaw ko ng paulit-ulit ngunit hindi ko siya makita! Kainis! Kainis!

"J-jerick?" Tawag sa 'kin ng pamilyar na boses at agad akong napalingon, agad ko siyang niyakap ng mahigpit!

"Trexia, huwag kang umalis. Nagmamaka-awa ako. Mahal na mahal kita, magbabago ako. Patawarin mo ako." Sabi ko habang may tumutulong luha sa 'king mga mata. Mahal na mahal ko ang babaeng 'to.

"P-pero, a-alis na ako." Sagot niya sa 'kin.

"Huwag kang umalis. Please? Hindi mo na ba ako mahal? Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa 'kin, hindi ko kayang wala ka." Desperado ko nang saad ng kumawala siya sa yakap. Ngumiti siya saka pinahid ang luha sa 'king pisngi.

"Mahal na mahal kita hanggang ngayon.." Nakangiti niyang saad at kitang-kita ko ang masayang mukha na lagi kong gustong makita sa kanya. "H-hindi na ako sasama kay Auntie. Hindi kita iiwan." Sabi niya at para akong nabuhayan muli!

-

"Tapos lolo?" Sabik na sabi ng apo ko at napangiti ako do'n.

"Ayon mga apo, sinuyo ko siya hanggang sa napagdesisyonnan ko siyang ayain sa kasal at nangyari nga 'yon. Masaya kaming magkasama sa hirap at ginhawa hanggang sa iluwal niya ang anak naming sila Robin, Troy at Trisha. Pero lumipas ang panahon namatay siya s isang malubhang sakit. Mahirap tanggapin mga apo pero parte ito ng buhay natin. Na mawala man ang taong mahal mo, mananatili pa din ang masasaya at mapapait na alaala sa puso mo at ang pagmamahalan niyong walang hangganan." Pagsa-salaysay ko sa kanila.

"Aw. Nakakaiyak naman yan lolo." Nakangiti pang saad ng apo ko.

"At do'n na nagtatapos ang aking kwento." Huli kong sabi at ngumiti sa kanilang dalawa at ipinagdiwang na maligaya ang pasko.

- THE END -

Thank you for reading this one-shot. :) Sana mabasa niyo din yung iba kong one-shots and long stories. :) 

Thank you pala sagumawa ng cover ko @_NerdyIly_Thank you bb! Gawan mo ko ulit sa susunod ha? Thank you very much! ;)

Please don't forget to vote and comment! :)

--Theinnocentskater

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro