Kabanata 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 3: He's Back


"Ha? Ba't bukas 'to?"

Eve Henderson Point Of View

Natitigilang tanong ko sa sarili ko nang umuwi ako sa tinutuluyan ko. Break time kasi namin at naisipan kong kamustahin 'tong little house ko.

Tuluyan na 'kong pumasok sa loob at hinanda ang sarili ko sa kung sinumang nanloob sa pamamahay ko. Sinuyod ko ng tingin ang paligid pero wala naman, malinis ang bawat sulok. 'Di kaya nakalimutan kong isara ang pinto?

"Hay! Ang ulyanin mo talaga Eve!"

Nagtungo na 'ko sa kwarto ko at napansin kong parang may humiga sa kama ko nang mapansing hindi ito naka-ayos? Eh? 'Wag mo sabihing nakalimutan ko na naman itong ayusin? Tsk! Nag-beep ang cellphone ko at nakita ang mga text nila Aki na bumalik na daw ako. Hay!

Lumabas na ko at ni-lock ang pinto. Dinobol check ko talaga ng bongga at pasakay na sana ako nang mapansing may naka-park na itim na sasakyan sa 'di kalayuan. Feeling ko may tao do'n at nakatingin sa'kin. Ay, ewan!

Nag-beep na naman ang phone ko.
From: Aki
Dude walang klase! Bar tayo mwehehe!

Umarko ang kilay ko sa text niya at maya-maya ay napangisi. Isang buwan na rin ako sa lugar na 'to pero puro bar ang pinupuntahan namin, nakakasawa. Pinaandar ko na ang kotse ko at napagpasyahang umikot. Maraming napapatingin sa kotse ko. Agaw-pansin talaga. Hay! Nasa highway na 'ko at walang masyadong sasakyan, napasilip ako sa side mirror nang makitang nakasunod sa likuran yung itim na kotseng nakaparada sa labas ng bahay ko.

Baka naman nagkataon lang.

Maya-maya'y laking gulat ko nang mapansing napapagitnaan ako ng dalawang kotse! Shit! mukhang may nagbabalak man-trip na loko-loko sa'kin.

Binilisan ko ang takbo ng kotse ko na siyang pinapantayan nila hanggang sa humarang ang nasa kaliwang kotseng nasa gilid ko sa harapan ko kaya napapreno ako bigla. Ugh! Pinapainit nila ang ulo ko!

Nagbabaan ang mga nakasakay sa dalawang kotse at base sa mga itsura ng mga ito ay mga walang magawang gangster ang mga ito. Psh...

Kinatok ng isa mga ito ang window kaya ibinaba ko.

"Hoy! Ibigay mo sa'min 'tong kotse mo!"

Ano daw? Koblagan ko kaya 'to! Pabiglang binuksan ko ang kotse ko na naging dahilan para tamaan ang nasa labas kanina.

"Uno!"

Dinaluhan nila ang leader ata nilang natamaan ko.

"Magsi-alis kayo sa dadaanan ko."

"Lumpuhin niyo yan!" Utos ng leader nila. Susugurin na sana nila ako nang may biglang humaharutot na sasakyan ang narinig namin. Yung itim na kotse kanina! Wag mo sabihing kasama rin nila 'yan?

Pero mukhang hindi, base na rin sa reaksyon ng mga ito na nakakunot ang noo. Parang slow motion na bumaba ang sakay ng kotseng 'yon, pakiramdam ko tumigil ang oras nang magtama ang mga mata namin. Ang lakas ng pintig ng puso ko at parang may kung ano sa tiyan ko na nagliliparang paru-paro. Sa buong buhay ko wala pa akong nakitang ganitong adonis.

Nanatiling naka glue ang mga mata ko dito. Ano bang nangyayari sa'kin?

"What do you think you're doing?" Pati ang boses nito ang sarap sa tainga, bakas ang otoridad at pagiging kalmado.

"At sino ka namang pakialamero ka?" Sagot ng isa sa mga nakapalibot sa'kin.

"Just do what I say, leave my person alone," tumalon ang puso ko at feeling ko nalaglag na sa semento nang marinig ko ang sinabi nito at higit-higit ko na pala ang hininga ko.

OMG! Emeged.

Pero halos lumuwa ang mga mata ko nang maglabas ito ng... baril?

WHOAAA! Pulis ba siya? Ang coooool!

"B-baril boss! Atras na tayo!"

"Pabayaan na na’tin yan!"

Mabilis na nag atrasan ang mga ito at nag unahan sa pag alis. Dahan-dahan akong lumapit kay gwapong pulis na pinanonood ang paglapit ko sa kanya. Nakakunot ang noo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang nakatagilid ang ulo.

"What happened to you?" Takhang tanong nito na kinataka ko.

"Ha?"

Di ko alam kung guni-guni ko lang yon pero tumingin ba siya sa dibdib ko?

"Totoong baril ba yan?" Amaze na tanong ko at tinuro yung hawak niya. Tumango naman siya at tipid na ngumiti. Titig na titig siya sa mukha ko, bakit kaya?

"May problema ka ba sa mukha ko?"

"Wala naman..."

Pakingteyp. Ang hot niya magtagalog.

"Pilipino ka? Ayos! Akala ko spokening dollars ka eh! Hahahahaha! Pwede mahiram ng baril mo?"

Halos magtatalon ako sa tuwa nang ilahad niya ito sa'kin.

"Ang bilis mo magpahiram sa'kin paano na lang kung itutok ko 'to sayo? Sayang kung matotodas ka gwapo mo pa naman."

"Nagagwapuhan ka sa'kin?" Umangat ang tingin ko dito at saglit akong natulala nang makita ang ngiti nito. Ayan na naman ang puso ko. Ipinilig ko ang ulo ko. Mygosh!

"O-oo naman!" Iniwas ko ang tingin dito at napanguso.

"Sayo na 'yan."

"Ha! Se-seryoso? Bakit?"

"Mukhang gusto mo kaya ibibigay ko na sa'yo"

Dahil gusto ko? Ibibigay niya? Weh? Seryoso?

"Pero paano ka makakapagtrabaho ng wala ito?"

"What?"

"Di'ba pulis ka?"

"Hindi.ako.pulis," nakangiting sabi niya. Napaiwas ako ng tingin. Killer smile taena! Nasaan inidoro?

"Kung gano'n ano ka?"

Hindi ito sumagot at tumalikod na at humakbang patungo sa kotse niya.

"Sumunod ka sa'kin,”

Sumakay ito sa kotse niya, kaya sumakay na rin ako sa kotse ko. Nilagay ko sa tabi ko yung baril hihihi.

Sinundan ko ang kotse nito at laking pagtataka ko nang... ba't patungo ito ng THURSTON UNIVERSITY?

Bumaba ito sa kotse niya at nakapamulsang naglakad sa gate na agad siyang pinagbuksan. Binulsa ko muna yung baril at humabol dito. Hindi ko inaasahan ang bumungad sa'kin.

Ba't nakayuko ang lahat?

"Master!"

M—Master? Siya? Pero paanong?

"Clark, show some respect," sabi ng isa sa mga senior ko.

"Ah..." gumaya rin ako sa mga ito at yumuko. Ay kent belib dis! Trouble ba this? May humintong isang pares ng sapatos sa harap ko at paniguradong si Master ang nagmamay-ari nito.

"Face me."

Tumingin ako dito.

"Hehehe! Master ikaw, Master," parang sirang sabi ko. Para itong nagpipigil ng ngiti sa harapan ko at natutuwa pa sa reaksyon ko.

Bad si Master!

"Master? Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong nila. Hindi sumagot si Master.

"Niligtas niya ako kanina. At kanina ko lang siya nakita," sagot ko sa mga ito.

"Yung kotse mo na naman 'no? Takaw talaga 'yon sa gulo," pagsingit ni Rage.

"'Wag mong inaaway ang kotse ko, wala siyang kasalanan!" Inis na sagot ko dito. Inaaway niya na naman ang baby ko!

Napailing naman silang lahat pwera nalang kay Master na nakangiti sa'kin. Napanguso ako. Pinagkakaisahan ba nila ako?

~*~

Nasa kitchen ako at naghahanda ng breakfast naming apat.

"Depende sa kanya..." sagot ni Yuan sa kung anuman'g pinag uusapan nila.

"Hay!"

Maya-maya pa'y nagsibangon na rin yung dalawa. Naka-amoy lang ng pagkain babangon talaga sila.

Tch.

"Salamat sa pagkain!"

Kumain na kami ng sabay-sabay. Nag-eespadahan pa sila parang mga mauubusan.

Minsan nawawala na sa isip ko na hindi pangkaraniwan 'tong niluluguran ko. Kailangan kong mag-ingat! Sana tumagal ako ng mga anim buwan siguro pwede na? Pero pwede ding dito na lang ako. Mas prefer ko pa! Hehehe!

Naka-uniform na rin naman na 'ko kaya gogora na ko.

"Una na ko! Mabulunan sana kayoooo!"

Narinig kong nabulunan sila ng sabay-sabay na kinahalakhak ko at natigil lang ako ng mabangga ako sa pader?

"M-Master!" gulat na sabi ko nang makita ito sa harapan ko. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa'kin.

"What's funny?"

"Good Morning! Hehehe!"

Napabuntong hininga ito at tinalikuran ako. Bumuntot naman ako dito nang bigla ulit itong humarap na kinaatras ko.

"Gaano ka na katagal dito?" seryosong tanong nito.

Eh?

"Isang buwan? Ba't po Master?"

"Lumipat ka sa dorm ko."

Nanlaki ang mga mata ko. Teka? Tama ba ang narinig ko?

"HA?"

Hinabol ko ulit ito nang maglakad na naman palayo! Ba't ang laki ng hakbang ng mga lalake?

"Te-teka Master! Seryoso ka? Pero bakit?"

"Sumunod ka na lang."

Natameme nalang ako sa isang tabi at pakiramdam ko napasunod ako nito at mapapasunod sa lahat ng gugustuhin nito. I'm doom!

Lahat ng madaanan namin ay masayang binabati siya.

"Clark!" tawag ng isa sa mga senior ko sa'kin kaya lumapit ako dito pero hindi ito nakatingin sa'kin kun'di sa likuran ko, pagtingin ko sa likuran ko nakatayo si Master don.

"Master!" tanging tango lang ang naging sagot niya dito kaya binaling ko na sa kaharap ko ang atensyon ko.

"Nakalimutan ko na ang sasabihin ko, sa susunod nalang!"

"Ha?"

"Say it," alangang tumingin siya kay Master.

"Ano ba yon?" takang tanong ko.

"Pinapatawag ka sa Disciplinary Office"

"Ha? Bakit naman?"

"Hindi ko din alam..."

Napalunok ako. Ano naman kaya 'yon?

"Let's go," nagulat ako nang hawakan ni Master ang braso ko at hinila. Hindi ko alam kung saan 'yon kaya nagpatianod nalang ako. Kumatok ng tatlong beses si Master nang huminto kami sa isang pinto.

"Come in."

May nakita akong naka-upong lalake na mga nasa mid 30's nakasuot ito ng salamin at halata dito ang pagiging istrikto. Gulat ang nakikita kong ekspresyon nito at ilang segundo pa ay yumuko.

"Master!"

"Gusto kong malaman ang kasalanan niya," seryosong pahayag ni Master na kinanguso ko dahil wala talaga akong ideya.

"Nang mag-inspekyon kami sa bawat silid ay may nakita kami sa gamit ng estudyanteng si Clark Diaz,”

Sinalakay ako ng kaba. 'Di kaya nalaman na nilang babae ako?

Maya-maya ay may inilapag itong baril. Yung baril ni Master na ibinigay niya sa'kin!

"Nakita namin itong nasa ilalim ng unan niya."

Nabunutan ako ng tinik. Jusko akala ko kung ano na!

"Sa kanya ang bagay na 'yan, ako ang nagbigay niya'n sa kanya!" madiing pahayag ni Master! Shivers!

Namutla ang taong kaharap namin at bakas dito ang pagkagulat at pagtataka. Kinuha ni Master ang baril at nilagay sa kamay ko. Namamangha parin talaga ako sa baril na 'to hanggang ngayon kaya nga hanggang sa pagtulog kasa-kasama ko~

"Bakit gano'n nalang yung reaksyon ng Head?" Tanong ko kay Master nang makalabas na kami.

"Ang baril na 'yan ay pag-aari ko."

Tumango nalang ako kahit hindi ko gets.

"Ba't binigay mo ang baril mo sa'kin, Master?"

"Dahil gusto mo."

Mapagbigay si Master.

"Saan ang klase mo?" Napahinto ako sa tanong nito. Shit!

"Patay! Kailangan ko ng umalis Master!"

Kumaripas ako ng takbo at saglit na nilingon si Master na nakatanaw sa'kin kaya kumaway ako dito ng nakangiti. Ang bait ni Master hihihi!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro