HIS SIDE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Epilogue

LUIGI RANZ'S POV

Bumalik ako para sa kanya... Umayaw ako dahil sa kanya...Pero pagbalik ko naiba na pala ang sitwasyon...

Niyong babaeng mahal ko, may mahal na palang iba. Tanda ko pa ng nagsumpaan kami 'ikaw lang Ranz. Ikaw lang. Promise!' pero mukhang nagbago ang lahat...

Nalaman ko na lang nanliligaw na si Cedrick sa kanya. Matalik na kaibigan ko si Cedrick - solid pero biglang naglaho.

Nagwala ako. Nagrebelde ako. Lahat ng 'di ko ginagawa, ginagawa ko. Masakit. Sobrang sakit.

"K-kuya Ranz, Tama na! Kuya!" paulit-ulit na sabi ng kapatid kong bunso - si Stef. Hindi ko siya pinapakinggan. Wala na ako sa sarili ko.

Pati ang kakambal ko naririnig ko na rin umaawat sa akin. "Ano ba bro, babae lang niyan! Tumigil ka na!" napantig ang tenga ko sa sinabi ng kakambal ko.

Sinuntok ko siya ng sinuntok "bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!" paulit-ulit na sigaw ko sa kanya.

Ang bunso naming kapatid walang magawa. Umiiyak na lang habang pilit na inaawat kami.

"TUMIGIL KAYONG DALAWA! TUMIGIL KAYO!" isang sigaw na nagpabalikwas sa akin.

Si Mama - umiiyak na rin.

"RANZ! TUMIGIL KANA! Anak, alam ko kung gaano kasakit niyan. Pero tama na. Please!" umiiyak na pakiusap ni mama sa akin habang tinuturo ang puso ko.

Napaluhod na lang ako sa sakit. Hindi ko namalayan na yakap-yakap na ako ni Mama. Umiiyak na rin siya.

"Ma, payag na ako! Doon na ako mag-aaral. Sa Amerika na ako mag-aaral." isang maling desisyon ko.

"Are you sure? O, baka namang masakit pa rin?" turo ulit ni mama sa bandang puso ko.

Hindi ako magsisinungaling, masakit pa rin. Ito na lang ang kailangan kong gawin, ang lumayo para makalimutan siya.

"Yes,ma! Sigurado na ako."

Nang araw na niyon, niyon pala ang maling desisyon na ginawa ko...

Kinabukasan. Umalis ako. Dala ang lahat ng kailangan ko.

Sana sa pag-alis ko makalimutan ko na siya... alam kong hindi madali pero gagawin ko ang lahat.

Ilang buwan ang lumipas. Nagrebelde talaga ako. Madalas akong tumambay sa mga club at papalit palit ng babae.

Nakalimutan ko naman siya kahit papaano...

Pababa ako ng marinig ko si papa na may kausap sa laptop, siguro si mama lang niyan - nangangamusta.

"Sigurado ka ba dyan mahal? P-patay niyong dalawang anak ng mga Carlos sa aksidente?" rinig kong sabi ni papa.

Pamilyang Carlos? Si Ayessa?

"Sina Gabriel at Ayessa? P-paanong naaksidente sila?"

Doon na ako nawalan ng balanse.

H-hindi ito totoo. Baka panaginip lang ito. Kailangan kong magising.

Hindi ko namalayan, nakalapit na pala si papa sa akin.

"P-pa, hindi totoo niyon diba? Paaaa! Sabihin mong hindi totoo niyong mga narinig ko!!" pagmamakaawa ko kay papa pero iling lang ang tanging sagot niya. Bumuhos na  lalo ang luha ko. Ang sakit!  Ang sakit-sakit!

Gusto kong bumalik sa Pilipinas pero hindi maaari, may importante pa akong kailangan ayusin dito.

Sabi ni papa, nailibing na ang mga bangkay nila Ayessa at Kuya Gabriel. Nakulong na rin daw ang driver ng 10 wheeler truck.

Pabalik na ako ngayon sa Pilipinas...

Binabagtas ko ang bahay nila Ayessa, Gusto ko muna tanungin sila tita at tito kung ano ba ang nangyari pero mali yata ang timing. A-akala ko p-patay na si Ayessa? Pero ano 'tong nakikita ko? Si Ayessa at Cedrick magkasama? Anong kalokohan 'to?

Hindi na ako tumuloy dahil sa nakita ko. B-baka gusto lang nila pabalikin para ipakita sa akin na masaya na sila? T*rant*do! Bullsh*t!

Nandito ako ngayon sa bahay, may 1 week pa ako dito sa Pilipinas bago ulit ako bumalik sa America.

Bumaba ako para kumuha ng makakain nagutom ako sa kakalaro ng x-box.

Umigting ang panga ko ng makita ko siya...ang unang taong ayaw kong makita - Cedrick.

Tumakbo ako sa kanya papalapit na agad-agad na sinuntok. Nagulat siya sa ginawa ko, nagpatuloy pa rin ako sa panununtok sa kanya. Inaawat na kami ng kapatid ko pero t*ngina! Walang makakapigil sa akin.

"P*ta ka! Sabi mo walang talo-talo? Eh! Ano 'to? Alam mong mahal ko si Ayessa, pero bakit mo pinormahan ha. Bullsh*t ka!" nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

Gusto ko pa siyang suntukin pero hawak na ako ng kakambal ko.

"Ano ba pinagsasabi mo? Hindi kita tinalo! May kakambal si Ayessa! Ano ka ba!!"

"K-kambal? Paky*! Wag mo ako lokohin! Simula ngayon, wala na akong kaibigang Cedrick!" sigaw ko sa kanya sabay umakyat ulit.

* * * *

Two years ago. Hindi ko pa rin matanggap! Bumalik ako sa Pilipinas para ipakita sa kanila na okay na ako.

Papunta ako sa mall, para bumili ng mga kailangan kong gamit sa school.

Nang makita ko si Ayessa, wala parin siyang pinagbago. Napahawak ako sa bandang puso ko, bakit hindi tumibok ng mabilis ang puso ko? Gaya ng dati, pag nakikita ko si Ayessa, nagwawala na agad ang tibok ng puso ko. Naka-move on na ba ako?

Tinignan ko siya hanggang makaalis siya sa isang department na pinasukan niya pero ang tibok ng puso ko, walang pinagbago kanina.

Pumunta ako sa St. Angelica School, kung saan nag-aaral ang kakambal ko at ang bunso namin pati na rin sina Ayessa at Cedrick.

Papunta na sana ako sa registrar ng makita kong naglalakad sina Ayessa at Cedrick. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. P-paanong nangyari 'to? Lumilingon si Ayessa sa paligid kaya napatago ako sa likod ng isang puno habang hawak-hawak pa rin ang kaliwang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Baka naman nagseselos ako kaya ganito ang tibok ng puso ko dahil magkasama silang dalawa.

Lumipas ang mga araw, hindi ko namalayang lagi ko na pala siyang sinusundan. Ano ba itong nangyayari sa akin, na-hipnotismo na naman yata ako ni Ayessa gaya ng dati.

Ang mukhang niyan ang unang nagpatibok ng puso ko. Ang mukhang niyan ang una kong minahal.

Bakit bumabalik na naman ito?

* * * *

Lalo kong nakumpirma na siya ang Ayessang minahal ko ng makita ko siya sa parke, habang kausap ang sarili niya. Ang babae talaga ito gusto laging pinapahiya ang sarili.

Nagkausap kaming dalawa, ang cute niya. Mahal ko pa rin pala siya. Gusto ko siyang agawin kay Cedrick.

Nilapitan ko siya, sa paglapit ko sa kanya, bigla na naman tumibok ng mabilis ang puso. Shete! Mahal ko pa rin talaga siya.

Niyaya niya ako ng araw na n'yon sa bahay nila pero 'pag minalas ka nga naman nasa bahay nila si Cedrick. Imbis na tumagal ako sa kanila umuwi na rin agad ako.

Pagkalabas ko sa bahay nila Ayessa nakita ko si Cedrick. Mukhang hinihintay ako.

Lumapit sa akin si Cedrick "Ranz, nakiki-usap ako sayo layuan mo si Ayessa."

"Sabi ko sayo Cedrick, bantayan mo si Ayessa. Makuha at makukuha ko siya sayo." Maangas na sabi ko sa kanya.

"Ano bang problema mo ha?" Tanong ni Cedrick sa akin.

"Wala akong problema, Gusto ko lang makita kang umiyak at magmakaawa! Para maramdam mo ang nangyari sa akin." maanghang na sabi ni Ranz kay Cedrick.

"Bakit? Natatakot ka ba na mangyari sayo ang ginawa mo sa akin?" Bago pa siya magsalita, lumakad na ako. Ayoko siyang makita bumabalik na naman kasi ang ginawa niya sa akin. Traydor.

* * * * *

Naging kaklase ko si Ayessa sa marketing. Ginawa ko ang lahat para maging classmate kami. 

Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin at lumilingon ako sa gawi niya, lumilihis siya ng tingin o di kaya nagpapatay malisya.

Hahahaha ang cute niya talaga tignan.

Isang araw, napaaga ako ng dating sa school, eksaktong hindi pa ako nakakakain kaya dumaan muna ako sa cafeteria, kapag sinuswerte ka nga naman.

Nasa cafeteria rin pala sina Ayessa at Cedrick. Nagpatay malisya siya, kunwaring hindi niya alam na nandito rin sina Ayessa.

"Ranz!! Yuhooo!! Ranz!! Yuhooo!!" Tinatawag na niya ako. Umacting ako na lumilinga-linga at hinahanap kung nasaan ang boses kahit alam ko kung nasaan na sila.

Nang kunwaring nakita ko sila, napakamot ako sa batok ko at nahihiya ng lumapit.

Sa puntong iyon, alam kong panalo ako pero mukhang umayon agad ang ihip ng hangin kay Cedrick. Lintik.

Nang umalis si Cedrick ay sinundan agad siya ni Ayessa. Swerte.

Ito ako ngayon kumakain mag-isa. Nagulat ako ng may maglapag ng pagkain sa harapan ko akala ko binalikan ako ni Ayessa pero mali.

Nang inangat ko ang mukha ko para tignan kung sino ang nasa harapan ko - bumungad sa akin ang isang binibining maputi at mukhang mahiyain. Si Stella.

"H-hi. Pwede maki-upo?" Tanong niya sa akin.

Sasagot pa sana ako na hindi pwede pero umupo na agad siya. Kaya wala na akong nagawa.

Lumipas ang mga araw na lagi ko na siyang nakakausap at nakakasama. Hindi naman siya mahiyain, siguro noong una mahiyain siya pero habang tumatagal nakikita ko kung sino talaga siya. 

Nakilala ko rin lubusan si Stella. Ms. Prim sa school at volleyball team captain sa school. Shocks! Bakit parang mahiyain siya? Mga Babae nga naman.


Nandito kami ngayon sa Mt. Makiling. Dito gaganapin ang field trip namin.

Matapos ang announcement kung anong activity ang gagawin namin, nilapitan ako ni Stella. Kinausap niya ako kung pwede sa amin siya gugrupo incase na mag-groupings. Wala naman sa akin.

Hahatid ko na dapat siya sa tent nila ng makita ko si Ayessa na nakatingin sa akin. N'yong mga mata niya na parang nagseselos. Lumaki ang mga mata pero hindi ko ito pinahalata. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad pero biglang huminto si Stella.

"Teka! Sina Ayessa at Stef nyon diba? Puntahan natin." masabi ni Stella sa akin.

Papunta na sana kami sa pwesto nila ng biglang hilahin ni Ayessa ang kamay ni Stef at kinaladkad niya ito. Sa sobrang gulat ko, gusto ko na lang tumawa.

"Ayyy! Bakit sila tumakbo?" inosenteng tanong niya sa akin. Imbis na sumagot, nagkibit-balikat na lang ako sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

Nang sabihin sa amin ng nagbabantay na mag-groupings kami by 6 members kada grupo.

Kami-kami agad ang nagsama-sama: Ako, Stella, Ayessa, Stef, Drew at si Maru.

Napaghahalataan ko agad si Ayessa na ayaw niya kay Stella. Kapag tumitingin ako kay Ayessa nahuhuli ko siyang tinatarayan at iniikotan ng mata si Stella. Pustahan nagseselos ang isang ito.

Para makabawi sa kanya, sa conquer Makiling siya ang inalalayan ko. Sana naman wag na siya magsungit sa akin. Halatang-halata ko na siya eh. Haha.

Pauwi na kami after sa 3days naming pananatili sa Mt. Makiling. Hinintay ko si Ayessa para makapag-usap na kami. Gusto ko umamin sa kanya. Gusto kong umamin na mahal ko siya. Pero, pagminalas ka nga naman. Umeksena agad si Cedrick sa amin.

* * * * *

Nakita ko si Ayessa na papunta rito sa garden. Nandito ako sa taas ng puno at namamahinga. Wala akong ganang makinig ng lesson nila. Hindi ba nila na masakit pa mga katawan namin? Mga walang puso.

Anak ng... sa daming puno na pwede niyang upuan, bakit dito pa sa puno na ito kung saan ako nakaupo?

T-teka? Bakit parang balisa siya?

Bumaba ako sa sanga ng puno pero sa likod ako bumaba at humiga doon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga pa rin.

Hindi niya ako pinansin. Kaya inulit ko ang tanong ko sa kanya at umayos ng upo "Anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya sumagot sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at sa puntong iyon, alam kong may problema siya.

"Ayessa, bakit ka umiiyak? May problema ba?" Pero pilit niyang tinatanggi hanggang sumuko na rin siya at sinabi ang lahat sa akin.

"Nagsasabi ako ng totoo... Ranz, ang tunay kong pangalan ay Ayessa Mary Carlos. May kakambal ako na si Ayessa Marie Carlos. P-patay na ako Ranz. 2 years ago..." lalo pa itong nagpaguho sa akin ng may iabot siya sa akin. Larawan naming dalawa. Larawan naming nasa parke kami nung mga bata pa kami.

Niyakap ko siya ng mahigpit 'yung tipong ayoko siyang bitawan. Masakit. Sobrang sakit n'yong babaeng mahal mo patay na at kaya lang siya narito para sabihin sa akin na wala na siya...

* * * * *

Isang linggo na ang nakararaan. Isang linggo na 'yong huling nakausap ko si Ayessa bago ang aksidente at nakausap siya sa panaginip ko.

Hindi ko pa rin nakakalimutan Ayessa ang lahat-lahat. Kung alam ko lang na pinahiram ka lang ulit sa akin ng maykapal sana sinulit ko ang bakasyon mo rito sa lupa. Ang daya mo.

Nandito ako ngayon sa puntod ni Ayessa. Nilagay ko sa puntod niya ang sunflower at puting kandila. Nag-alay muna ako ng dalangin para sa babaeng una kong minahal. Naglagay rin ako ng bulaklak at kandila sa kuya niyang si Gabriel.

Nang matapos akong maghandog ng dalangin. Umupo ako sa tabi ng puntod niya. Kinuha ko ang selpon at tinext ang barkada kung nasaan na ba sila. Nauna ako rito kasi may sasabihin pa ako kay Ayessa. 

Nang makapagtext, binalik ko ulit ito sa school uniform ko.

"Hi sa babaeng una kong minahal. Hi Ayessa. Alam mo bang, kasali ako sa Mr&Ms St.Angelica School sa atin. Ako ang pambato sa section natin. Si Ayessa sana, I mean n'yong kakambal mo sana ang kapartner ko pero binigay ni Marie ang spot niya kay Stella. Sabi mo si Stella ang makakatuluyan ko sa future? Mukhang nagkakamali ka,Anghel ko. Kasi itong puso ko, sayo pa rin tumitibok... Oo nga pala, umamin sa akin si Stella na may gusto siya sa akin pero nireject ko siya. Sorry anghel ko, ikaw lang kasi gusto ko eh. Saka wag kang mag-alala sa kanya, nililigawan pala siya ni Maru ngayon... Ang kakambal mong si Marie, masayang-masaya ngayon sa piling ni Cedrick. 'Wag kang mag-aalala nakabantay ako kay Cedrick. Susuntukin ko siya pagniloko niya ang kakambal mo. Strong na kaya ako, anghel ko. May muscle na nga ko oh! Si Hillary mukhang nahuhulog na ang loob kay Raegan, naku! pagsabihan mo ang kaibigan mong anghel. Tsk! Alam mo bang may pagtingin na rin si Raegan kay Hillary. Baka magaya sa akin  si Raegan. Kawawa naman siya haha! Jk! Alam kong naririnig mo ko. Mahal na mahal pa rin kita, pilya kong anghel..." sabi ko sa kanya. Hindi ko pala namamalayan umiiyak na pala ako.

Bago ko pa mapunasan ang mga luha ko. Dumating na ang barkada.

"Lover boy! Umiiyak ka na naman!" Pang-aasar sa akin ni Drew.

"Ano ba Drew! 'Wag mo nga asarin si kuya!" saway sa kanya ng kapatid ko.

Bumulong ako sa hangin, "Oo nga pala pilyang anghel ko, si Stef at si Drew sila na ulit...nagkabalikan sila kahapon."

"Oh! Tama na niyan guys, baka magkapikunan na naman kayo." Awat ni Marie sa dalawa. Naka-akbay si Cedrick kay Marie. Napatingin sa akin si kupal. Nagtanguhan na lang kaming dalawa. Buti pa to eh, mukhang road to forever eh.

Maya-maya dumating din ang lima: Hillary, Raegan, Maru, Stella at ang kakambal kong si Franz.

"Oy kambal! Hindi ka pwede sumama sa mga niyan. Nagmumukha kang third wheel." Asar na sabi ko sa kakambal ko.

Imbis na sumagot, tinaasan niya ko ng kanyang middle finger. Napahalakhak na lang ako. Bilib ako sa kakambal ko, kahit ilang beses na reject ni Shanti, hindi pa rin tumitigil sa panliligaw. Pagtinamaan ka nga naman oh!

Hindi ko namalayan, umupo na pala sa tabi ko si Hillary. Tinignan ko siya at nakita kong nakapikit siya. Mukhang nananalangin ang isang 'to.

"Masaya na siya ngayon Ranz..." sabi niya sa akin.

"Alam ko. Alam kong masaya na siya. Pakisabi sa kanya, mahal na mahal ko pa rin siya." sabi ko kay Hillary habang nakatingin sa puntod ng Anghel kong si Ayessa. Sa Pilyang anghel ko.

Umihip ang malakas na hangin. Tumawa si Hillary dahil sa naging reaksyon ko. "Naririnig ka niya. 'Wag mong kalimutan anghel kami." sa pagkasabi niya n'yon tumayo siya at tumulong sa mga kaibigan namin.

Lumingon ako sa kaliwa ko nakita ko si Marie na nakapikit at mukhang nagdadasal sa puntod ng kuya nila. Kamukha niya talaga ni Ayessa Mary. Ang Ayessa ko. 'Yon nga lang hindi niya ito napapatibok ng mabilis. Hawak ko sa bandang puso ko.

Tumingin ako sa kalangitan, kay gandang pagmasdan  kasing ganda ng Pilyang anghel ko. Ang AYESSA MARY CARLOS ko.

"Mahal na mahal kita, Ayessa Mary Carlos. My Mischievous Guardian Angel."

- END -

Date finished: March 21, 2018

A/N:
Waaaaaah! Natapos ko na ang unang babies ko. My first story sa watty. Sana nagustuhan niyo. Sana naibigay ko hinahanap niyo. Pasensya sa ending, magiging ganito talaga ending nito dahil WALANG FOREVER. Chaaaaar!

PLEASE... VOTE. COMMENT. SHARE.
Thank you!❤ *finger heart* 🎉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro