KABANATA LIMA

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata Lima

CEDRICK'S POV

Kahahatid ko lang kay Ayessa sa bahay nila. Nakikita ko pa rin sa kanya ang trauma kanina. Kaya wala akong sinayang na oras para humingi ng update kay Luigi kung ano na ang nangyayari sa ginagawa niya.

'Mata sa mata. Ngipin sa Ngipin. Ika nga nila. Kaya yari ka sa akin Aubrey." Napangisi na lang ako sa naiisip ko.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Luigi. Para sumagap ng balita.

Wala pang ilang minuto nakita ko na siyang bumababa sa staircase nila.

Hindi mo talaga mapapansin ang pagkakaiba nila. Parehas silang kumilos.

"Bro!" Bungad ko sa kanya sabay tapik sa kanyang braso. "Anong balita?" pagtatapos ko.

"Ang tigas nila Aubrey. Ayaw magsalita kahit sila yung tinuturo ng mga nakakita." pagpapaliwanag ni Luigi.

Tsk. Ang kakapal ng mga mukha! Huli na nga sila. Nagmamaanga-maangan pa. Tsk!

"B*llsh*t!! What happen to them? What punishment did you do?" Gigil kong sabi.

Nanggigigil na ako sa sobrang init at galit. Gusto ko sila saktan. Kung paano nila saktan si Ayessa.

"Chill Bro! Actually..."

Hindi ko na siya pinatapos "The fck!Chill Bro? Are you insane? Do you want to me to Chill. To relax? Fck! Girlfriend ko yung napuruhan. Tapos Chill!"

Naiinis na ako. Gusto ko ng sumabog. Gusto ko ng makaganti. I don't care, kung lalaki ako at Babae sila. Pero da fck, si Ayessa ang pinag-uusapan dito.

"Easy Bro.  I know, kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Si Stef na bahala kina Aubrey."

"Nasaan sila? Anong ginawa ni Stef sa kanila?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong makakuha ng lead, kung anong pinaggagawa ni Stef kila Aubrey.  Gusto ko sila pahirapan din.

"Nasa school gym sila. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Stef sa kanila. Halos lahat ng schoolmates natin nandoon lalo na yung may mga galit din sa grupo nila Aubrey."

Mahabang pagpapaliwanag niya. Pero hindi pa rin ako kuntento. Gusto ko sila paalisin sa school.

"Come on, Bro! Alam kong hindi ka mapakali."

Pagkasabi niya dire-diretso siyang lumabas ng bahay nila. Si ako naman, hinabol ko siya at nakita ko siyang papunta sa kotse niya.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko. At sinundan ang kotse ni Luigi.

Patungo kami ngayon sa St.Angelica School. O, tamang sabihin sa gym ng school kung nasaan ang grupo nila Aubrey.

Pagkarating namin sa loob ng gym. Rinig na rinig namin ang mga payahaw at sigaw ng grupo ni Aubrey. Mukhang pinahirapan sila.

Nakita namin ang mga ka-schoolmates namin na hinahagisan sila ng Aubrey ng mga itlog, lobo na may lamang tubig at harina, mga basahan na marurumi at iba ay hindi na nakapagpigil dahil sinasabunutan na nila ang grupo nila Aubrey.

Maski mga lalaki nandito. Siguro ito yung mga lalaking pinaasa nila. Tsk!

Nang makita kami nila Aubrey. Agad na tumayo si Aubrey at balak lumapit kay Luigi pero pinigilan siya ni Stef.

"Btch! Where you going? Balak mo pa puntahan ang kuya ko. Tsk! Hindi ka niya tutulungan!" Gigil na sabi ni Stef kay Aubrey sabay hinila ng buhok at binalik sa dati niyang pwesto.

Kung sasabihin niyong lagot kami pag nalaman ng mga head ang ginagawa namin? Hindi kami takot, hawak namin ang mga cctv camera at ang mga estudyanteng naririto ay may iisang layunin. Layunin na saktan ang grupo nila Aubrey.

Ilang years na naghaharian si Aubrey sa school na 'to. Siya lang naman ang sinasabing Campus Queen. Self-proclaim. Tsss...

Hindi na kami sumali ni Luigi sa pagpapahirap sa kanila. Ang gusto lang namin ay tumanda sila. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang nangyari doon sa bar tas ngayon. Tsk! Hindi ko na ito palalagpasin.

Narrator's POV

Habang nagsisiyahan ang mga estudyante sa school gym. Hindi nila alam na may nanonood sa kanila.

Naka-upo siya sa isa sa mga sanga ng puno malapit sa school gym.

Ang kaniyang itsura ay galit na galit din. Gusto niya rin sumugod pero nagpipigil siya. Hindi pa ngayon ang tamang panahon na magpakita siya.

Gusto niya muna magpakita sa babaeng mahalaga sa kanya.

Napababa siya sa puno ng makita ang lalaki. Sinundan na naman niya ito.

Bago siya makaalis ng tuluyan may sinabi pa siya "Humanda kayo. Ako naman makakalaban niyo." Sabay takbo ng napaka-inosente.

UNKNOWN'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila. Nagmamasid sa kanya sa malayo. Ganito lang ang kaya kong gawin. Hindi ko po kaya magpakita sa kanya.

Buti na lang, Okay na siya. Buti nalang, hindi siya gaanong napuruhan. Kundi, hindi lang niyon ang ginawa ko sa kanila.

CEDRICK'S POV

Katatapos ko lang mag-shower.

Hindi rin ako nagtagal sa school gym at umalis na ako. 

Tama na n'yong nakita ko kung paano sila pahirapan.

Dahil simula bukas paniguradong magiging Hell na ang pagpasok nila sa school.

Nakahiga na ako ngayon, at pilit kino-contact si Ayessa. Kumusta na kaya siya? Sana okay na siya. Dapat pala hindi ko na siya iniwan kanina eh.

Ilang beses akong nag-try na kontackin siya pero walang nangyari. Baka tulog na siya dahil sa pagod.

Bukas kailangan kong dalawin siya. Alam kong magpupumilit yung pumasok bukas...

Tinext ko na lang ng "Goodnight, Ayessa. Sleep well!"






Ipagpapatuloy...

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro