CHAPTER SIX

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER SIX

NAG-UMPISA ng mag-ayos ang mga kasali sa kasal sa harap ng simbahan.  Punong abala si Tere sa pag-aasikaso sa bride na si Jennifer dahil siya ang maid-of-honor.  Simple lang ang gown ni Tere na puti na tube.  Nakalugay at nakaloose curl ang kanyang mahaba at itim na itim na buhok.  Simple lang din ang kanyang make-up na mas lalong nagpapatingkad ng kanyang kagandahan.

            “Atey, bawal umiyak ha.  Masisira ang make-up mo.”  Paalala ni Tere kay Jennifer na alam niyang iyakin.  Sinasabi din niya iyon para kumbinsihin ang sarili na huwag din umiyak.

            “Obkors noh!  Sayang ang make-up.  Ang mahal pa man din.  Oi bunso ang ganda ganda mo.  Sayang wala si Migoy ngayon.  Di bale, I’m sure hahabol yun mamaya sa reception.  Yun pa, takot lang niyang di masilayan ang iyong kagandahan.”

            “Atey!  Zipper na ang bibig at baka masira ang lipstick mo.”  Sambit ni Tere na nakangiti pero halata naman ang kilig niya.

            Nitong mga huling araw ay di sila laging nagkikita ni Migoy kasi sumabak na ito ulit sa practice dahil malapit na itong maglaro muli.  Pero gayun pa man ay lagi naman silang nagtetext.

            Naghahanda na si Tere para rumampa sa simbahan nung may biglang lumapit sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.

            “Mi…MIGOY!”  Nanlaking ang mata ni Tere sa kabiglaan.

            “Ang ganda ganda mo Kumander!  Pasayaw mamaya ha.”  Bulong ni Migoy sa kanya.

            “Hoy Migoy! Nakita ko yun ha!”  Sigaw ni Jennifer mula sa sasakyan na di nakatiis at binuksan nito ang bintana.

            Kunyari mukhang guilty si Migoy like a school boy na nakamot pa kunyari sa batok niya at nagpeace sign pa.

            “Tantanan mo muna ang dalaga namin Migoy at maya na kayo mag labing labing.  Kailangan ko ng ikasal noh.  Bunso, lakad na!”

            Kinawayan ni Migoy si Tere bago ito pumasok sa simbahan at si Tere naman ay di mawala ang ngiti sa labi at halata na talaga ang pagkakilig.  Huminga muna ito ng malalim bago nagsimulang maglakad.

            Habang naglalakad si Tere ay nakikita niya si Migoy na nakapwesto sa likod ng mga abay na lalaki at nasa aisle ito at nakaready na ang cellphone nito at pinipicturan siyang naglalakad.  Ang ganda ng ngiti ni Tere na naniningkit na ang kanyang mata sa kilig.

            “Tere, e enjoy mo ang araw na ito.  Kunyari lang supportive boyfriend mo si Migoy!” Bulong ng isip ni Tere sa kanya.

            Nung dumaan na siya sa harap ni Migoy ay kinindatan siya nito and she replied him with a wink.  Kilig na kilig na si Tere sa araw na ito.  Feeling niya talaga ang haba haba ng kanyang buhok.

            Masayang nairaos ang seremonya ng kasal.  Tinotoo nga ng iyaking si Jennifer ang hindi pag-iyak.  Pero nakakatawag pansin ang pag-iyak di ng groom kundi ang dalawang barakong kapatid nitong sina Jason at Josef kaya hindi ito tinantanan ng lahat nung magpictorial na. 

            Ang kulitan nilang lahat ay nadala pa hanggang reception.  Si Tere ay kay Migoy na sumabay papuntang reception kasama pa ng ilang batang mga pinsan nina Tere kaya parehong behave ang dalawa sa sasakyan.  Naitanong na rin ni Tere kung bakit naka-attend si Migoy sa kasal eh dapat may laro ang team nila at dapat manuod ito.

            “Nagpaalam ako kay Coach at pumayag naman.”

            “Anong rason mo?”

            “Basta sabi ko lang importante sa akin ang okasyon na ito.”

            “Ah ganun ba.  Buti pinayagan ka.”

            “Oo naman.  Mabait naman yun.  Pero maiba ako, bagay sayo ang hair mo ngayon.”  Muling pinuri ni Migoy si Tere.

            “Tsaka bagay din sayo ang naka dress.”  Dugtong nito.  Malimit kasing kundi man nakapantalon ay nakashort si Tere pagmagkasama sila ni Migoy.  Ngayon lang nito nakita ang dalaga na naka gown.

            Muling nag-init ang mga pisngi ni Tere at bigla na lang siyang nagulat nung maramdaman na dinama ni Migoy ang kanyang pisngi.

            “Sabi ko na nga ba uminit na naman pisngi mo.”  Sabay tawa nito ng malakas.

            Parang napahiya si Tere kaya bigla nitong pinalo ng malakas si Migoy.

            “Aray!  Tama na po Kumander Tere!  May mga batang nakakakita oh…  You’re not showing good example.”  Pang-asar pa rin nito.

            Biglang nanulis ang labi ni Tere.  Napahiya kasi siya kanina kaya nakadama tuloy siya ng inis.

            “Oyyy, tampururut si Kumandre.  Joke lang.  O sige palo na ulit.  Kahit ba masakit yan ay titiisin ko.”

            Pero di na umimik si Tere at tumingin na ito sa labas at di na pinapansin si Migoy.  Ang isa naman ay di nakakatiis at kinukulit siya.  Tinusok tusok ang kanyang tagiliran na alam nito na may kiliti siya sa parteng iyon ng katawan.

            “Tere… tere!!! Ngingiti na yan… ngingiti na…”

            Pero nagmamatigas pa din si Tere kay mas lalo pang kiniliti ito ni Migoy.  Di naman nakatiis si Tere at napabulaghit na ulit ng tawa at gaya ng nakagawian ay pinalo ulit nito ang braso ni Migoy.

            Napuno na naman ng halakhakan ang kotse hanggang makarating sila venue.  Bago sila bumaba ay humirit ang isang batang pinsan ni Tere na si Willow na muling ikinainit ng mukha ng huli.

            “Ate Tere, kayo na ba ni Kuya Migoy?”

            “Willow naman hinay hinay sa tanong.  Preno naman ang konti.”

            “Gusto mo ba maging kami Willow?  Di pa kasi ako sinasagot ng Ate Tere niyo.”

            “Hoy umayos na nga diyan Miguel Concepcion!  Tara baba na tayo at kung saan pa mapupunta itong usapang ito.” 

            At parang kwitis na siniliban si Tere sa bilis nitong pagbaba at walang lingon na dumiretso kung saan dadausin ang reception.  Ang bilis at ang lakas ng tambol kasi ng kanyang dibdib dahil sa sinabi ni Migoy.

            “Tere umayos ka.  Sumakay lang yun sa biro kaya humunus dili ka.  Huwag kang magmamaganda.”  Kastigo ni Tere sa sarili para humupa ang tambol ng kanyang dibdib at pang-iinit ng kanyang pisngi.

            Nung makarating si Migoy kasama ng mga pinsan niya eh di mawala ang mischievous smile nito na sinabayan pa ng kindat kindat.  Ikot mata ang sinagot ni Tere dito pero nakangiti naman.

            Magkatabi sina Migoy at Tere ng upuan pero di naman sila halos nagkausap kasi abala si Tere sa pag-iistima ng bisita at medyo iniiwasan din niya si Migoy.  Pero nung nagkayayaan ng magpapicture sa photobooth ay muli silang nagkasama.  Malimit na kasama nina Tere at Migoy sa pictures ang mga kapatid ni Tere at ang mga bagong kasal.  Marami ding gustong makipagpicture kay Migoy na di naman din nito tinatangihan.  Pero di pumayag ang binata na wala silang picture ni Tere.  Sa mga di alam ang estado ng kanilang relasyon ay mag-aakala talagang mag dyowa silang dalawa.

            Magulo na nung nag money dance ang bagong kasal.  Bigla kasi itong nilagyan na hilehilerang tig bebente peson na pinagdikit dikit nina Jason at Josef at inilagay pa talaga ng mga ito sa mga damit ng dalawa na halos bumalot na sa mga ito.  Sabay naman lumapit sina Migoy at Tere sa bagong kasal at matapos magdikit ng pera ay niyaya ang bagong kasal na isayaw na sila ang partner.  Si Tere at ang Kuya John niya tapos si Jennifer kay Migoy.

            “Migoy, ganda ni Bunso ngayon ano?”

            Ngiti sabay kindat ang isinagot ni Migoy sa tanong ni Jennifer.

            “Bakit kasi ayaw mong ligawan…”

            “Soon Atey!”

            Biglang napatili si Jennifer sa sagot ni Migoy kaya biglang napalingon din sina Tere at John.

            “O bakit Bee?”  Nag-aalalang tanong ni John sa asawa.

            “Atey?”

            “Ha wala!  Happy lang ako.  Change partner!  Change partner!  Namimiss ko na ang asawa ko!  Bilis!”

            Di na binigyan ng pagkakataong ni Jennifer na tumangi ang mga kausap at bitbit nito ang gown at lumapit sa asawa at tinulak muna si Tere papunta kay Migoy bago yumapos sa asawa.

            “Ano kaya yun?”

            “Wala!  Happy lang si Atey!”  Nakangiting sagot ni Migoy.

            “Atey!  Nakiki Atey ka na rin.  Pamilya lang ang peg?”

            “Malapit na!”

            “Ano?”

            “Wala!  Sayaw na tayo!”  At mabilis na niyapos ni Migoy si Tere at sinimulang sumayaw.

            “Ladies and Gentlemen, may we get your attention please.  Bilang regalo ni Migoy sa ating newly wed na sina John and Jennifer, please welcome the LMD Band!”  ani ng emcee.

            Nagpalakpakan ang mga naroon dahil sa guest band na pumunta.  Paboritong banda kasi nina Jennifer at Tere iyon kaya tuloy ang kanilang pagsayaw.  The band played both mellow and danceable songs at di na nakaalis sa dance floor sina Tere at Migoy.  Bigla pang tinawag si Migoy ng banda at pinakanta maging sina Tere at ang bagong kasal.  Maging si Jason at Josef ay di rin nagpaawat kahit nawawala sa tono.

            Habang sumasayaw sila sa masikip na dance floor ay napipirming naka-angkla ang mga bisig ni Migoy sa beywang ni Tere.  Kahit nahihiya ay di na rin tumangi si Tere sa ginagawa nito.  Sabi nga niya, isang araw lang na efifeel niyang kunyari eh boyfriend niya si Migoy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro