28. Awkward

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HANNAH'S POV

Magmula nung umamin sakin si Mark, medyo iniiwasan ko na siya sa office. Ano nga bang nireply ko sakanya pagkatapos niyang magsabi ng i like you?

Flashback

Mark: then Hannah, i like you, i finally realized it when we got closer this school year.

Me: huh? Para kang ewan kung ano ano sinasabi mo jan

Mark: im serious Hannah

Me: hahaha nakakaloko ka ha di nakakatuwa

Mark: di ako nagbibiro, and isa pa, manliligaw mo palang naman si Nathan right?

Me: oo nga pero di mo kasi naiintindihan

Mark: ano bang di ko maintindihan? Tell me

Me: basta, mahal ko si Nathan, alam mo naman yun diba?

Mark: but hindi pa naman kayo diba?

Me: ughh you wont understand kaya please wag ako Mark

Mark: sorry, i hope this wont make things awkward between us

Me: di ko alam Mark, di ko alam

***

Nandito ako ngayon sa workplace ko, katabi ko si Mark but hindi ko siya kinakausap. Hindi ko narin sinabi kay Nathan yung nangyari kasi for sure magagalit na naman yun. Itatago ko nalang to hangga't di naman kailangang sabihin.

"Hannah lunch na tara na"

"Huh ah una ka na may gagawin pa ako."

"Sure?"

"Yeah."

"Hannah?"

"Hmm?"

"You can't keep on avoiding me."

"Huh? Sino may sabing iniiwasan kita?"

"As if namang kelangan pang may magsabi pa nun. I know you. Naiilang ka sakin right?"

"Hindi mo naman maiaalis sakin yun"

"Sorry. I just wanted to take that chance to tell you how i feel. Ikaw narin naman ang nagsabi sakin to man-up right?"

"Hindi ko naman alam na ako pala."

"Dont tell me hindi mo napapansin yun pag tinititigan kita. Ever since you came to support me on that pageant, i started to have feelings for you. Kapag magkausap tayo, i keep on asking you things just to make you stay in our classroom. And then this July, nagkataon pa na naging close kita because of this ojt. I just cant keep my feelings to myself anymore even though i might risk our friendship. Alam kong dapat ko nang igrab yung chance habang di pa kayo ni Nathan. "

"I dont know what to say to that sorry"

"Can we go back to how we were before? Yung walang awkward air between us?"

"Hays. Fine. Lets just forget what happened, okay?"

Di ko rin naman pwedeng iwasan to si Mark dahil nasa iisang office kami kaya pumayag nalang ako. Okay na kami, pero medyo naiilang parin ako sa kanya. Sabay parin kaming umuuwi after OJT. Ewan ko ba bakit di siya sinusundo ng driver niya eh may sasakyan naman pala siya, tinitiis pang magcommute.

One time nagulat ako naghihintay sakin sa labas ng office si Nathan. Omg namiss ko siya! Pero nako baka uminit na naman ulo niya kaya nagpaalam na kaagad ako kay Mark tapos bumiyahe na kami pauwi.

"Hey bakit mo nga pala ako sinundo ngayon? Kamusta yung raket niyo?"

"Namiss ko baby ko eh, bawal ba?"

"Hindi naman haha first time mo kaya akong sunduin"

"Baka second time, hindi kasi natuloy nung first time na pinuntahan kita"

"Ohhh. Ahhh sorry hehe i love you baby"

"Tsaka baka mamaya nagiging close na kayo nung kumag na yun."

"Mabait naman si Mark eh, bakit di mo try makipagclose sakanya?"

"Okay ka lang? Nah never."

"Tss fine."

"Anyway magiging busy kami this week. Minamadali na kami dun sa raket namin eh. Baka ilang araw din kitang hindi na mahintay after school or ojt mo"

"Ah sige okay lang basta chat mo padin ako ah"

"Oo naman, mahal kita eh. Basta mag iingat ka sa kumag na yun ah."

"Tss hahaha opo"

Hays naglilihim na naman ako kay Nathan, hindi ko masabi sakanya na may gusto na sakin si Mark. Baka kung ano gawin nito eh. Trashtalker pa naman to. Ang hirap naman. Hays ang awkward pag pinag uusapan namin si Mark.

Ilang araw nading hindi nagcchat si Mark sakin buti naman, ayoko na masyado maging close sakanya. Sabi ko nga, madali akong mafall. Lalo na sakanya pa? Eh crush ko lang naman siya dati. Ayokong magkasala kay Nathan.

Nagkita kita kami ng tropa netong Friday, at syempre kasama ko si Mark. Inaasar kami ng tropa ano daw ba meron samin. Pansin ko naman yung tingin ni Angela kay Mark parang mangangain, sabi lang niya kay Mark na taken na daw ako kaya wag daw siyang gagawa ng move sakin. Natahimik naman si Mark dun.

"Anoba Charles wag ka ngang magulo akin na yang cellphone ko!", sigaw bigla ni Rian. At naghabulan na nga yung dalawa. Ganyan sila palagi parang laging may lq pag magkakasama ang tropa. Ewan ko kung may gusto na din si Charles kay Rian pero simula nung naging si Carla at Lucas, si Rian na ang laging kinukulit nito.

"Bakit parang ang sama ng aura ni Angela pag anjan ako", tanong sakin ni Mark. Pauwi na kaming tatlo nila Carla, sa iba kasi ang daan ng ibang tropa.

"Ganun lang talaga yun si Angela masungit sa gwapo hahaha", si Carla na ang sumagot.

Pagkauwi ko nagulat ako may unknown number na nagtext sakin.

Hi miss 

Reply naman jan

Dont worry im not a stranger.

Aba sino naman to?! Nireplyan ko nga ng who you. Maya maya si Mark pala. Tinanong daw niya kay Carla yung number ko, aba at binigay naman ni bhezzie? Sumbong ko siya kay Nathan eh!

Mark: gawa mo?

Me: naglalaro bakit?

Mark: anong laro?

Me: mobile legends haha lols

Mark: sali ako dali buhatin kita

Me: lol kapal sige add mo ko fujimiya03

Naglaro na kami ng mobile legends at aba magaling nga ang loko hahaha. Nakatext ko siya buong magdamag pagkatapos maglaro. Syempre si Nathan kachat ko din naman. Hindi alam ni Nathan na katext ko si Mark. Awkward.

Nathan: Baby kelangan na namin tapusin tong plano para sa sideline namin. Baka sa bahay na namin tapusin ni Ally overnight siya

Me: ha? Bahay? Eh wala dun sila mama mo sa inyo diba sinong kasama niyo dun

Nathan: uuwi naman si kuya ko mamaya eh may kasama kami

Me: eh? Okay.

Bakit ganun, bakit parang masama kutob ko? Nung isang araw lang sabi niya nanonood lang sila ng movie kasi madali lang yung gagawin nila tapos ngayon kelangan na nila tapusin yung raket nila ni Ally, overnight pa. Tsss. Babae din ako nagseselos lang. Tsaka silang dalawa lang pupunta sa bahay nila, mamaya pa uuwi kuya niya galing work. Syempre lalaki siya, babae yung Ally, malamang magseselos ako. Bakit di pa nila tinapos agad nung nakaraang mga araw yung ginagawa nila? Bakit nanonood lang sila ng movie imbis na tapusin agad tapos ngayon nagagahol sila?

Mark: hey di ka na nagreply

Me: kung babae ka, papayag ka bang may babaeng mag overnight sa bahay ng boyfriend mo para gumawa ng project? Yung silang dalawa lang?

Mark: kung project lang naman ang gagawin, why not, pero syempre magseselos ako kasi di natin alam kung anong pwedeng mangyari

Me: aish!!

Mark: why? Kayo na ba ni Nathan?

Me: nah, hypothetical question lang

Mark: so may pinagseselosan ka?

Me: i dunno ughh naiinis ako!!! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro