34. Arianna

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MARK'S POV

Hah! Ang lakas ng suntok niya sakin ah. Ano bang pake niya kung gusto ko ring ligawan si Hannah? Ang alam ko hangga't di pa sila ni Hannah may pag-asa pa ako. Diba pwede namang mag-entertain ng multiple suitors ang girls? Bahala siya sa buhay niya basta ako gagawin ko ang gusto ko. Masama na kung masama, basta gusto ko si Hannah, tapos.

Anyway I'm Mark. Mark Reynolds C. Alonzo. 20 years old. Violinist player. Sabi nila famous daw ako pero sakto lang naman, hindi naman masyado. Maraming babae na nag-aadd sakin sa facebook pero di ko pinapansin dahil mula nung nagbreak kami ni Mara, naging close kami ni Hannah. Nagbreak kami ni Mara dahil ayaw niya akong ipakilala sa parents nya, hindi pa daw siya ready. Tsss. Anong klaseng dahilan naman yun. Pagkatapos kong ipagpalit yung nililigawan ko dati para kay Mara, ganun nalang natapos yung relasyon namin, may bago na kaagad siya.

Naglalakad lakad ako ngayon dito sa Marikina nang may maalala ako. Lagi din akong nagpupunta dito dati 4 years ago. I still remember the girl i used to court before.

Flashback

"Mark tara dun tayo sa tabing-ilog."

"Sige ba, paunahan tayo ano?"

"Game!"

Tumakbo na kami at as expected panalo ako. Naupo kami sa may ampitheather sa Riverbanks at pinagmasdan ang paligid. Puro lovers ang nakapalibot sa amin. Kailan kaya ako sasagutin ng babaeng to? 1 month ko na siyang nililigawan, medyo naiinip na ako.

"Hey, kailan mo ba ko balak sagutin?"

"Huh? Bakit naman bigla mong natanong yan?"

"Wala baka kasi wala naman akong pag-asa sayo."

"Mark alam mo ba yung kasabihan na patience is a virtue?"

"Tss wag mo nga kong gamitan ng mga kasabihan na yan."

"Bahala ka basta ikaw nasa sayo naman kung gusto mo nang tumigil sa panliligaw."

Magmula nung sinabi nya yun, nadiscourage na ko sa panliligaw sa kanya. Parang masyado nang pabebe, sabihin lang niya kung ayaw niya talaga sakin di yung pinapahirapan pa kong maghintay. Hanggang sa nakilala ko si Mara, unang kita palang namin nagclick na agad kami. Dun kami sa school for music nagkakilala, magaling siyang singer kaya nainlove kaagad ako sakanya. Hindi na ko nakapagpamdam sa nililigawan ko at pinursue ko na agad si Mara. Wala na kong balita dito pagkatapos ko siyang iwan sa ere. I know im a douchebag. But stop judging me its just that I'm not used to waiting.

***

Kakalakad ko at kakaisip sa mga naging past ko, may nakabungguan akong babae.

"Aww! It hurts!"

Nalaglag ang mga bitbit nyang libro kaya tinulungan ko siya hanggang sa mabasa ko yung pangalan sa libro. Arianna Victoria Mercado. Sh*t siya nga?! Sa dinami dami ba naman ng makakabunggo siya pa?

"M-mark? I-ikaw ba y-yan?," pautal utal niyang tanong.

"A-arianna? Kamusta na?"

"Ah. Im fine. Better than when you left me."

"Jeez I'm sorry okay? How can i make it up to you? You know i don't like waiting. Can we atleast go back to being friends?"

"Pagkatapos mo kong iwan sa ere at biglang di magparamdam sa kalagitnaan ng panliligaw?"

"Im sorry okay? It's just that at that time i thought Mara would be the one for me."

"Oh so you two broke up huh?"

"Yeah, ganun na nga. Anyway how are you really? Any suitors?"

Niyaya ko siyang kumain sa Mcdo dahil eto lang yung pinakamalapit na nakita kong kainan. Mabuti naman at pumayag siya.

"Actually there was one. But I was afraid to be left alone again so i didn't show him that i liked him too. In the end, someone else came along and he realized he wanted to stop his feelings for me. Just like what you did to me. Parang naulit lang sakin yung ginawa mo alam mo ba yun?"

"Oh. I'm sorry Arianna. Hindi ko alam."

"Of course hindi mo alam, bigla kang nawala eh. Yung nag-iisa kong childhood friend iniwan ako sa ere."

"Sorry na Arianna. From now on let's be friends again. Babawi ako sayo."

"Wala ka bang girlfriend? Sa pagkafamous mo ngayon baka kuyugin nalang ako ng mga fans mo."

"Wala but i want to court someone. Kaso may manliligaw na sya at mahal daw niya yun. Taga-Marikina din sila kagaya mo kaya ako nandito ngayon at kaya ako may pasa sa mukha sinapak lang ako ng nagffeeling boyfriend niya"

"So you want me to help you?"

"Only if you're okay with it."

"Hmm then let's make her jealous. Tingin mo ba may pag-asa ka sakanya?"

"I think so. Crush niya raw ako dati eh."

ARIANNA'S POV

Ang lakas parin talaga ng loob netong lalaking to, matapos niya kong iwan sa ere dati. Ngayon magpapatulong siya manligaw. Kung hindi ko lang siya kababata hindi ko siya tutulungan eh. Aaminin ko, may nararamdaman parin ako sakanya kahit na iniwan niya ko noon. Childhood friend eh. Gusto ko naman na talaga siya noon pa kaya lang gusto ko namang patunayan niya yung sarili niya sakin. Masyado siyang spoiled sa mga magulang nya, na akala niya makukuha niya agad lahat ng gusto niya. Kaya gusto kong patagalin yung panliligaw nya sana noon kasi alam kong madali siyang mainip. Hindi ko naman alam na makakahanap pala siya ng iba.

Naalala ko naman si Nathan na nag-give up din sakin. I liked him. Natutuwa ako kasi masaya siyang kausap, siya palagi ang nag-oopen ng topic dati kapag tahimik ako. Kaya lang dahil nga nasaktan na ako ni Mark noon, ayoko na maulit yun kaya hindi ko pinakita sakanya na may gusto na din ako sakanya noon. Hanggang sa narealize niya na wala siyang patutunguhan sakin. Hanggang ngayon siguro hindi clear sakanya kung nagustuhan ko ba talaga siya kasi nagmukhang pinaasa ko lang siya dati.

Ako nga pala si Arianna Victoria Mercado. Childhood friend ni Mark. Masyado akong takot masaktan kaya gusto kong patagalin ang panliligaw ng lalaki sakin. Mula nung nagtapat si Mark sakin dati siya na talaga ang tinitibok ng puso ko. Kaya ngayon siguro destiny na na nagkita ulit kami. Gagawin ko lahat para mahalin niya uli ako.

"Fine i'll help you. But on one condition..."

"Ano naman yan Arianna?"

"Date me every month."

Hahahaha! Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Mark. Hindi niya siguro ineexpect to. Hindi ko rin ineexpect na magagawa ko to. Pero well, iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa bawat tao. Game on. Tutulungan kita sa panliligaw mo but be ready coz I'll make you fall for me again Mark.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro