Chapter 4: Beast Encounter

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Judgement time has come upon us. Here I am with Train and my parents, seated around the dining table. Nakatingin lang kaming tatlo ng Mama at Papa ko kay Train. Kahit kasi sa upuan, hindi siya nakaupo nang maayos. Nakataas pa ang kaniyang dalawang paa at naka-squat siya sa upuan.

Hindi lang 'yon ang pumukaw sa atensyon namin. Kung lamunin niya ang pagkaing nakahanda sa harapan niya, para siyang asong hindi nakakain nang ilang buwan.

We're all fixated on how he bites, chomps, and swallows the feast before him. Pagkaubos ay ipinakita niya sa 'min ang plato niyang kaninang puno na ngayon ay malinis na.

"Yummy!" he exclaimed.

"Raven, sigurado ka bang hindi hayop ang bisita mo?" tanong sa 'kin ni Mama Olivia.

Masaya naman ang tatay ko. Natutuwa siya na may bago akong kaibigan, at panatag naman daw ang loob niya kay Train. "Natutuwa ako na sarap na sarap siya sa pagkaing niluto ko. Gusto ko na si Train!"

"Raven, just..." May pahabol na bilin ang nanay ko. "Just don't let him get near me, okay?"

"Y-Yes, Mama." I guess they don't like each other.

Simula noon, napadalas na ang pagbisita ni Train. Kahit saan ako magpunta ay panay buntot niya sa akin na parang aso. No'ng nagdilig ako ng halaman, naroon siya. No'ng nagsampay ako ng mga damit, naroon din siya. No'ng naligo ako sa banyo, kung hindi ko pa siya tinaboy ay baka sumama rin siya!

"What's your problem?" I confronted him after taking a bath.

"Sorry, Raven. But I can't resist your smell," he answered sheepishly.

I squinted my eyes and stared at him. "My smell? Bakit, ano'ng meron sa amoy ko?" Itinaas ko ang aking kilikili at inamoy ito. Mabango naman, siyempre bagong ligo ako eh.

Tumayo si Train at lumapit sa'kin. "It's addicting. Hella addicting." Ngumisi siya at hinawakan ng mga kamay niya ang aking magkabilang tagiliran.

Bigla akong nakaramdam ng spark na siyang nagpapula sa mukha ko. "B-Bahala ka na nga riyan! Aalis na 'ko, kailangan ko nang pumasok sa school," I said with a blushing face.

Paalis na sana ako sa kuwarto nang hatakin niya ang uniporme ko.

"What now, Train?" Lumingon ako sa kaniya. "Hindi kita puwedeng isama sa school!" Ano ba 'yan, para talaga akong may alagang hayop.

'Yong mukha niya, parang hindi mapakali at natatakot. Binuksan niya nang kaunti ang kaniyang bibig at may pinakiusap, "C-Can you leave something behind? Like... your handkerchief?"

Tinignan ko ang hawak kong panyo at itinaas ito. "Ito ba?"

Sa isang iglap, wala na ito sa kamay ko at nakita kong hawak-hawak na ni Train. Inaamoy niya ito na parang wala nang bukas. "Yep, this would be fine," he said while sniffing.

"So... Can I leave now?" I asked with a confused look.

"Yup, sure!"

Bago umalis ay sinalayan ko muna ang panyo ko na inaamoy ni Train. Nakakainggit. Sana ako rin ay hinahalikan at niyayapos niya tulad ng panyong iyon. Lihim akong napangiti at tuluyan nang lumisan papunta sa eskuwelahan.

***

"Hoy, Raven. Ano'ng nangyayari sa'yo? Nakatulala ka na naman?" tanong ng matalik kong kaibigan na si Jasmine. "Napuyat ka na naman ba sa K-Drama?"

"Ah! Meron na kasi akong..." Mahihirapan akong panatilihin ang pagsisinungaling kaya nagsabi na lang ako sa kaniya ng pinakamalapit sa katotohanan. "May bago kasi akong pet!"

"Wow! Ano'ng itsura niya?" biglang nagningning ang mga mata ni Jasmine at naintriga.

"Black hair—I mean fur... tapos golden yellow ang mga mata," pinagpapawisang sagot ko.

"Cute ba?" pahabol niyang tanong.

"Oo naman! Napakakisig niya pa. Hay, sigurado akong maganda ang magiging lahi niya," sagot ko habang nakatingin sa kisame at nakasalumbaba na tila nangangarap ng kinabukasan na may pamilya kasama si Train.

Medyo litong-lito na si Jasmine pero hinayaan niya na lang ako sa'king pag-iilusyon.

***

Natapos na ang huli naming klase at sabik na akong umuwi sa bahay. Naroon pa kaya si Train? Nagmadali agad ako kaya naman nakauwi agad ako sa loob ng isang oras.

Pagbukas ko ng pintuan sa kuwarto ko, napansin kong wala si Train. Saan kaya siya nagpunta? Kadalasan ay nasa kuwarto ko lang siya. Hinanap ko na siya sa buong bahay at sinilip na rin sa bubong kung saan ko siya naabutan no'ng gabi, pero wala talaga siya.

Bakit gano'n? Nalungkot tuloy ako bigla. "Train!" Hiniyaw ko na ang pangalan niya sa bawat sulok ngunit hindi pa rin siya lumalabas. "Train!"

Bumalik ako sa kuwarto para hanapin kung may naiwan ba siyang mensahe.

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang makarinig ng pamilyar na malalim na ungol. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at pinagpawisan ako. Tumingin ako sa paligid... ngunit mag-isa lang talaga ako sa kuwarto.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng presensya mula sa 'king likuran. May kamay na dahan-dahang humaplos sa buhok ko. "Raven..."

I heard myself gulp. Ayokong lumingon, paano kung mumu? Hinahaplos niya pa rin ang buhok ko. I could feel him inhaling my scent.

"T-Train?"

Lumingon ako at hindi ko inasahan ang nakita ng mga mata ko. Si Train—ngunit iba ang kaniyang anyo, may nakakatakot siyang awra. Kitang-kita ko ang kaniyang mga pangil kahit nakasara ang bibig niya. Kakaiba ang mga mata niya. There's a reddish violet hue surrounding the shape of his eyes. All I can say is, he looks really scary.

"Is there something wrong? Parang nanginginig ka yata?" aniya sa 'kin.

Nanginginig ang aking buong katawan habang hinihimas niya ang pisngi ko.

"You don't need to be afraid..." he smiled and I could see his freaky fangs. Nilapit niya ang kaniyang mukha at dinalaan ang pisngi ko. "Mmm, delicious."

Hindi siya si Train na nakilala ko. Ibang-iba siya.

"I wonder... what your lips taste like?" A taunting smirk appeared across his lips. "I have a feeling that it would be more delicious than your skin."

What the hell is he saying right now? Nilapit niya nang sobra ang kaniyang mukha hanggang sa magdikit ang noo naming dalawa.

"Can I have a taste?" he said in a soft yet sexy whisper.

He lifted up my chin and did what he just said. He kissed me very roughly. I was caught off-guard. I don't know how and when, but I caught my lips parting for him, letting him in.

Once inside, he suddenly became more passionate. That's when I started to answer back. Hindi ko na pinansin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. My heart wanted to blow up—and hell did I like it.

He was playing inside. He tasted every bit of my mouth, and that goes the same with me. I felt his fangs and they were amazingly sharp. Nauubusan na ako ng hininga pero ayaw ko pa ring tumigil. I like it—no—I love it so much. I love this feeling. I love how our lips felt together.

Ayoko pa sanang tumigil pero lumayo na si Train. I actually tried to close the gap but he pushed me away.

"Shit!" Nagulat ako nang marinig siyang magmura. Nababasa ko sa ekspresyon ng kaniyang mukha na galit na galit siya. Sa isang iglap ay bigla niya na lang kinagat nang malalim ang balikat ko.

"Aray!" I screamed in pain. Aray... ang sakit... Nakabaon pa rin ang mga pangil niya sa balat ko. It seems like he's sipping my blood. Masakit siya sa una, pero habang tumatagal, parang nakakaadik sa pakiramdam. There's a subtle hint of lust and it's making me feel aroused. Hindi ko maipaliwanag, pero nag-iinit ang buong katawan ko. "T-Train..." nakapikit kong sambit sa pangalan niya.

Naramdaman kong itinanggal na niya ang kaniyang mga ngipin. Pero bago niya inangat ang kaniyang ulo, dinilaan niya muna 'yong sugat na iniwan ng mga pangil niya sa balikat ko.

I just watched him as he quietly looked down in shame. Nakayuko lang siya at parang pikon ang kaniyang hitsura. He's mad—mad at himself. I could feel it.

"Damn it. That was so close. Hinayaan kong makontrol ako ng pagnanasa ko," he said under his breath. "Tsk!"

Iyon lang ang kaniyang sinabi at umalis na siya sa kuwarto, leaving me alone. Napaluhod na lang ako sa sahig, hawak-hawak ang balikat ko. At 'yong isa ko namang kamay ay nakahawak sa mga labi ko.

And I don't even know what the hell happened.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro