Chapter 51: Let's Get This Party Started

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Master, do you know what a Seraph looks like?" tanong sa'kin ng makisig kong alaga habang nakasakay kami sa tren pauwi. Nanghihinayang ako dahil hindi ko yata nasulit ang bakasyon. Buong huling araw namin ay nasa kama lang ako at nangingisay sa sakit. Train is such a monster.

"Nabasa ko lang isang beses habang nasa library ni Kuya," magiliw na kuwento nito habang idinadantay ang ulo ko sa kaniyang balikat. "A Seraph has six wings—two wings to fly, an extra pair to cover its face, and another pair to cover its legs. Six wings! Imagine that, Raven?"

"Your wings are more beautiful, I bet." Pinisil ko ang kaniyang pisngi. He's acting like a kid once again and I find it cute. One moment, he's a sexy beast—next thing, he's like a child. Napapailing na lamang ako sa pagkamangha sa guwapong halimaw na ito.

Nang makauwi sa bahay, namigay na kami ng mga pasalubong. Bumisita rin kami kina Yuie dahil may uwi rin kami sa kanila. Nag-bonding ang magkapatid at naiwan ako kasama ni Yuie sa kaniyang silid.

"May pasalubong akong espasol!" wika ko habang inilalantad ang supot nito. "Tiyak na magugustuhan mo ito—"

"Hindi 'yan ang gusto kong pasalubong," diretsahang sabi ni Yuie. "Kuwento ang gusto kong pasalubong." Ngumisi siya at alam ko na ang ibig sabihin no'n.

"Y-Yuie, subukan mo muna 'tong espasol!" I chuckled nervously.

"Gaano kahaba ang espasol ni Train?" Itinaas ni Yuie ang kaniyang mga kamay sa tapat ng dibdib niya, magkaharap ang dalawang palad na tila ba may sinusukat. "Ganito ba?"

"Yuie!" I cried her name out while blushing.

Inatras niya ang kaniyang mga palad palayo sa isa't isa. "Ganito?"

"Yuie, tara, kainin na lang natin 'tong mga espasol!" Pilit kong iniiba ang usapan.

"Ibang espasol ang gusto ko." Nilakihan niya ulit ang agwat sa pagitan ng kaniyang mga palad. "Ganito?" she gasped. "'Di nga, Raven? Ganito si Drey. Hindi ako papayag kung mas mahaba ang kay Train."

"Yuie!" Pinalo ko ang mga kamay niya. "Sige na, hindi ko na ipipilit 'tong mga espasol kung ayaw niyo." Bumuntong-hininga na lamang ako. "Ako na lang ang kakain." Binuksan ko ang isang rolyo at kumagat.

"May nagbago ba kay Train after niyong mag-sex?"

Bigla akong nasamid sa kinakain kong espasol. Nauubo-ubo pa ako dahil sa pulbos nito. "Y-Yuie! Paano mo nalaman?"

"Obvious naman na nagtalik na kayo. I can tell the signs." Tinuro niya ang mga hita ko. "May limang pasa ka sa magkabilang hita, at base sa distansya nila sa isa't isa, dahil 'yan sa higpit ng kapit ng mga daliri ni Train. Hindi ka rin makalakad nang maayos kanina no'ng pumasok ka sa kuwarto."

"M-Malay mo, nag-extreme sports lang kami? Kaya ako maraming pasa at hirap maglakad?" Sinubukan kong magpalusot.

"Ang tanging extreme na ginawa niyo ay sex." Yuie sighed. "Kung ayaw mo ng sex, eh 'di yugyugan, kad*yotan, sibakan, kant*tan—"

Tinakpan ko agad ang makalat niyang bibig. "Oo na! Oo na! Fine!" Pinagpapawisan na ako sa mga naririnig kong salita. Hindi ako makapaniwalang nagkakasundo sina Drey at Yuie, sobrang total opposites nila.

"Anyway, it's good news. Ibig sabihin ay mas malakas na ngayon si Train at mas handa na tayong makipaglaban kay Diavlo."

"Mas malakas? What do you mean?"

Ngumiti lamang si Yuie at nagsabing, "You'll see soon enough."

***

Kinagabihan, nakarinig ako ng mahinang kaluskos. Pagdilat ko ay nahuli ko si Train na naglalakad paalis ng kuwarto. "Train? Saan ka pupunta?"

"Master, I have to take care of Diavlo. I made a promise to your mom."

Bumaba ako mula sa kama at hinabol siya. "Take me with you!"

"But it's too dangerous, master." Hinaplos niya ang pisngi ko at inilagay ang ilang ligaw na hibla ng buhok sa likod ng aking tainga. "Ayokong mapahamak ka."

"I'm your master, and I command you to take me with you!" I stated firmly.

Bumukas bigla ang pintuan ng kuwarto at nakaabang na pala roon si Olivia. "If she wants to come, then let her come."

Naka-nightgown pa ako nang pumunta kami sa gubat. Nakipagkita kami sa ilang mga miyembro ng Alab-Lawin. May napansin akong lumilipad paikot galing sa himpapawid. Nang lumapag na sa harapan namin ay saka ko lang nakilala na si Drey pala ito at dala niya rin si Yuie. Hindi ko namukhaan agad dahil kakaiba ang hitsura ni Drey—he has a pair of horns, wings, and a long tail.

"Drey! Iba ang hitsura mo," banggit ko.

"Oh, you can see it too? I guess you and Yuie are special masters now," sagot niya sa'kin. "I'm more powerful now. I'm ready to defeat Diavlo."

"Excuse me, Kuya. Ako ang tatalo kay Diavlo," hirit ni Train na umakbay sa'kin. Nakangisi ito na tila ba kumpiyansang lumakas na rin siya.

"Grrr!"

Nagliparan ang mga ibon nang makarinig kami ng isang malakas na ungol. "Si Diavlo na ito! Papunta na siya rito mula sa kuweba niya!" hiyaw ni Olivia.

Hinanda na ng mga Alab-Lawin ang mga armas nila, at pumosisyon na rin sina Drey at Train. Palingon pa lamang ako sa pinanggagalingan ng ingay nang biglang may humagip sa'kin.

A pair of rough arms took my body and lifted me up in the air. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. My eyes were too wide open, and they're starting to get dry in fear. Nanunuyot na rin ang mga labi ko. The one carrying me up here in the sky is none other than the devil himself.

"D-Diavlo..." My hoarse voice managed to croak his name.

"Long time no see." Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ang kaniyang nakakapangilabot na boses.

"Bitawan mo siya!" galit na sigaw ni Train na lumipad na rin papunta sa'min. Kasunod niya sa kaniyang likuran ay ang kapatid niyang si Drey. All four of us are now floating on top of the forest.

My eyes opened even wider when I saw Train. He looks very different, and it's the first time that I saw him in this celestial form. 

'Master, do you know what a Seraph looks like?' I remembered his words this morning. 'A Seraph has six wings—two wings to fly, an extra pair to cover its face, and another pair to cover its legs.'

Train looked like what he just described, a terrifying angel from another heaven. May mahaba siyang buntot na kaniyang iwinawagayway sa hangin. May mga sungay rin siyang pahaba at paikot. Hindi tulad nina Drey at Diavlo na dalawa lamang ang pakpak, si Train ay may anim na naglalakihang mga pakpak na nakapalibot sa kaniyang katawan—dalawa mula sa kaniyang likuran, dalawa mula sa tadyang, at dalawa na nanggangaling sa talim ng kaniyang mga balikat. From the looks of it, I know that he could use those extra wings to attack when fighting.

"Let's get this party started," bungad na bati ni Diavlo. Suddenly, he did something that made Train go wild in frenzy. Binitawan niya ako sa ere.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro