Chapter 23 ~ Save You For The Last Time

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng





“Nawawala si Launcelle!” sigaw ni Joeres pagkabukas ni Loudon ng pinto sa condo niya. Napasugod si Joeres dahil may-usapan silang magkapatid na pupuntahan ang kanilang ama para pauwiin na ito sa Pilipinas pero hindi sumipot si Launcelle sa tagpuan nila. Hindi alam ni Joeres kung galit si Launcelle at ayaw lang makita ang biological father niya o may nangyari ng masama.


“What happen?!” Taranta na rin si Loudon.


“Help me.” Joeres begged. Hindi pa umaalis si Joeres ng bansa dahil sa kaguluhang nagaganap. Hindi niya hahayaang mag-isa lang si Cyla na haharap kay Magenta.



“Wala siya sa Penthouse? Sabi niya doon lang muna siya.” Pilit kinakalma ni Loudon ang sarili.



“Kanina pa raw umaga umalis si Cyla, nakausap ko ang assistant niya.” Joeres replied.


“Damn it! It’s almost seven o'clock! Bakit ngayon ka lang pumunta dito kung kailan gabi na? Dapat kanina pa! At bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin na may usapan kayo?! I warned her na dapat alam ko lahat ng kilos niya! Shit!” giit ni Loudon na hindi alam kung anong kukuhanin dahil pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.


“Is there something wr--”


“Trace her now!” putol ni Loudon sa sasabihin ni Morsel, sakto naman ang paglabas ni Morsel dahil may naririnig siyang tension sa katabing condo. She’s with Norleigh pero tulog na ito.


“Okay!” Morsel agreed. Bumalik siya sa bahay niya para kunin ang laptop niya at ilang gadgets para matrace si Launcelle. Tahimik naman si Joeres at Loudon sa living room habang naghihintay sa pagbalik ni Morsel.


Sobrang populated ang Macau kaya hindi sila agad-agad pweding lumabas para hanapin si Launcelle. Mabuti na lang at naisipan ni Loudon na mag-install ng GPS sa cellphone ni Launcelle na konektado sa kanya. Sana lang ay dala ni Launcelle ang phone niya.


“Her phone is in Vyralen building.” Morsel worriedly muttered.


“Fuck!” sigaw ni Loudon.


“Call our agency to issue a warrant-of-arrest!” FBI Loudon Riege Rosco ordered Morsel Gibson.


“Okay, Sir!” Morsel agreed.


“Dumating na ang witness?” Loudon ask.


“Yes, sir. She’s in our custody.”


“Okay! We need to move!” utos ni Loudon na ikinatulala lang ni Joeres. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari pero hindi naman siya tanga para hindi niya agad mahulaan ang nangyayari ngayong gabi. Launcelle was become safe with this strong man in front of him. Yes, kaya niya rin ipagtanggol si Launcelle, kaya nga Lawyer ang kinuha niya para maipagtanggol niya ang mga taong iniingatan niya pero sa ngayong pagkakataon ay wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang magtiwala kay Loudon Riege Rosco.


“Where’s Ignacio Quintos?” Baling ni Loudon kay Joeres.


“He is in my friend house.” Joeres replied. “He is waiting for ticket to go back in the Philippines.” Joeres added.


“Tell him that her daughter need him just this once. I can send him to the Philippines after this chaos. Tell him to hide for the meantime. He is the star witness,” utos ni Loudon kay Joeres..

“Yes, Sir!” sagot ni Joeres.


“Idiot! Why you called me that? I’m not your boss. I’m your bro!” Natatawang saad ni Loudon na tila nahiya naman si Joeres ng konte dahil nadadala lang siya sa sitwasyon. Tawanan tuloy silang tatlo nila Morsel pero agad silang natahimik dahil may tumawag kay Morsel para ipaalam na kumikilos na ang mga Interpol na tutulong sa paghahanap kila Magenta at Dermot.


**

Kumikirot ang noo ni Launcelle ng bumalik ang diwa niya. Kunot-noo niyang inaalala kung bakit siya napadad sa madilim na kwarto na ito, nakaupo at nakagapos ang kanyang paa at kamay, ang huling naalala niya ay umiinom siya ng coffee latte na binigay sa kanya ng assistant niya. Nasa Penthouse siya kaninang umaga at nasa harapan dapat siya ng laptop pero bakit nagising siya sa lugar na hindi niya kilala. Magkikita rin dapat sila ni Joeres kaninang tanghali pero bakit gabi na?


Isang ubo ng lalaki ang tuluyang pumukaw sa pag-iisip niya. “How are you, honey?” malambing pero may pang-iinis ang boses ni Dermot. His eyes were blank, his expression were unreadable. Nanginig si Launcelle ng marealize niya na may hawak pala itong baril. Isang makulimlim lang na flashlight ang nagbibigay liwanag sa kanila. Nakapatong ito sa upuan sa di-kalayuan.


“You are getting in our way, Launcelle Vyralen.” Dermot whispered while he leaned and pressed the gun to her forehead. Cyla was scared to death but she didn't react, she didn't move and didn't even blink her eyes. ‘If it's my time then so be it’ iyon ang nasa utak niya. She’s not afraid to this man infront of him because she knows that Dermot was coward.


Cyla stay calm and staring Dermot eyes, she’s trying to read his mind but he is blocking her. No expression at all. Dermot was empty. She was alone and defenseless. Hindi niya rin magamit ang kaunting martial arts na napag-aralan niya during school days dahil baril ang nasa harapan niya. Pinagmamasdan lang siya ni Dermot na parang naghihintay na may mag-utos sa kanya para kalabitin ang baril.


Then an old woman approaching from the dark side, hindi namalayan ni Launcelle na may tao pala sa part na iyon. “You don't have to be afraid.” Magenta smile, Launcelle saw her eyes darken, as if she really want to take Cyla’s life now. She’s not a Magenta who took care of her since kids, she’s very different person tonight and it made Cyla cry in silent.


They killed my father Nicolo and now they want to kill me. Well, isn’t surprising because that's their natures. To kill a person who get in their way.


“Who told you that I’m afraid?” Nanlilisik at nag-aapoy sa galit si Launcelle kay Magenta and she didn't know where she get the urge to speak that words in this very moment of her life. She need to be quiet and calm or else sa kanal siya pupulutin bukas.


Dermot said nothing, just stared to Launcelle.


“Put the gun down. She need to signs a document before we kill her.” Magenta act normal, as if that’s her true colors and character since then. How come she speak a words to Cyla? Her daughter, her baby, her precious one. Hindi malaman ni Launcelle kung gigisingin ba ang sarili o pipikit na lang para hindi niya makita si Magenta--ang kinagisnan niyang ina na nagpalaki at nagbihis sa kanya ay ibang tao na.


“Let me go! Ano ba kailangan niyo sa akin?!” sigaw ni Launcelle sa dalawa, magkatabi na ito ngayon at nagbubulungan.


“Shut up! Bitch!” sigaw rin ni Dermot. Masakit pero kailangang tanggapin na hindi na sila ang mga kilala ni Launcelle na Dermot at Magenta. Now, they are demons.

“You know that I’m not a bitch! But you are a killer! Both of you are a killer! You killed my father!” Nanginginig ang bibig ni Launcelle habang sinasabi ang katagang iyon. Hindi agad nakapagsalita ang dalawa at lumapit sa kanya ang mga ito.

“So, you know everything? Gaano na karami ang nalalaman mo? Is it because of that fucking man? Huh? Loudon Rosco was next! Wala ng dahilan para mabuhay ka pa!” Itinutok ulit ni Dermot sa kanya ang baril pero tinabig ni Magenta iyon kaya nahulog at aksidenteng pumutok.


Nakakatakot, nakakabingi. Isang segundong katahimikan, talaga palang papatayin siya ni Dermot. Pinulot ni Magenta ang baril at siya ang humawak noon at hinablot si Dermot paalis.



“Go outside! May pag-uusapan tayo!” Baling ni Magenta kay Dermot na hawak pa rin ang baril. Kinuha ang flashlight at dinala ng dalawa palabas ng kwartong iyon. Hindi makapaniwala si Launcelle sa kilos ng kanyang ina at kahit kay Dermot ay hindi niya lubos maisip na ito pala ang totoong pagkatao niya. Her savior, her cousin and her people ever since but now they are an enemy.


“Wala sa plano ang patayin si Launcelle!” Magenta yelled.


“Why darling? Is it because of Ignacio?” tanong ni Dermot na may sumilay pang nakakalokong ngisi sa tuyong mga labi.


“We need her. Halos 80 porsyento ng pera ni Nicolo ay nasa pangalan ni Launcelle.” Pagkainggit at galit ang nararamdaman ni Magenta sa mga oras na iyon. Nicolo trusted their adopted daughter more than his wife. More than her.


“Hindi ka ba nag-iisip? Kapag nawala sa landas si Launcelle Vyralen ay mapapasaiyo lahat ang perang tinutukoy mo!” Dermot was not in the right mind. Naging drug user na rin ito dahil sa spoiled siya ni Magenta, she gave her everything since the day when Dermot begged her. A sixteen years old, Dermot Dejarlo promised Magenta that he’ll do everything what she wants and what she desires. He promised to make her happy in exchange of money and power. Nag-umpisa ang lahat sa kanila nang hindi na mahagilap ni Magenta si Ignacio at Eight years old si Launcelle nang mga panahon na iyon at gumawa ng paraan si Magenta para pumayag si Nicolo na ampunin nila si Launcelle.


“But I love my daughter!” Magenta angrily shouted.


“Really? Nababaliw kana? Kahit pa marinig ’yan ni Launcelle ay hindi na siya maniniwala saiyo! At huwag mo ako tatarantaduhin dahil kilala kita, Magenta! Ako ang mas nakakakilala sa’yo! You still love your ex! I can see it in your fucking eyes!” galit na sigaw ni Dermot habang palakad-lakad sa harapan ni Magenta, pero maya-maya ay ngingiti itong nakakaloko habang titg na titig kay Magenta.


“That was in the past, baby.” Sinusubukan patahanin ni Magenta ang kalaguyo pero mukhang hindi na rin nito makontrol ang sarili, tinutulak siya palayo tapos biglang tatahimik at ngingiti.


Alam ni Dermot na obsessed si Magenta kay Ignacio Quintos because he is a pretty man and appealing. Matagal na silang magkakilala ni Magenta, dalaga pa lang siya at nagtatrabaho sa club as a stripper ay may relasyon na sila ni Ignacio.


Sekretong relasyon dahil ang girlfriend ni Ignacio Quintos ay bestfriend ni Magenta. She fell in love with him at mas lumala pa ang nararamdaman ni Magenta nang magkaanak ang bestfriend niya at si Ignacio Quintos. Magenta was selfish and obsessed with him kaya hindi ito bumitaw hanggat sa dumating din si Joeres. That’s her goal ang magkaanak sila ni Ignacio at gusto niya wasakin ang pamilya nito hanggang sa nakilala ni Magenta si Nicolo Vyralen at pinakasalan siya. Pero patuloy pa rin ang relasyon nila ni Ignacio at doon na nilason ni Magenta si Ignacio na pati ang sarili nitong anak ay sinubukang sirain din ang buhay.


Nang tuluyan ng mawala si Ignacio Quintos ay si Dermot na qng pumalit at doon na nag-umpisa ang mga masamang plano nila until Nicolo Vyralen decided to legally adopted Launcelle. Alam ni Nicolo na kinasusuklaman ni Magenta ang plano niya pero wala itong nagawa kundi ang magkunwaring masaya dahil sa simula pa lang ay siya na ang may gusto na ampunin nila si Cyla pero wala sa plano ni Magenta na totohanin ang pag-ampon sa bata. Nicolo gave her everything kaya tinanggap niya na rin si Launcelle at hindi nagtagal ay totoong napamahal na rin siya sa bata. She loves her, she loves to manipulate her life until the end.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro