Chapter 6 ~ Mission

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



“Joeres,” tawag ni Cyla sa kanya, may bigla kasing pumasok sa isip niya, siguro naman posible rin 'to. “What if malaman mo na masama ang ugali ng Dad mo, worth it parin ba na hinanap mo siya?” Naramdaman ni Cyla ang mahina niyang tawa, “Oo naman. Hindi ko naman inaasahan na mabuti siyang tao,” sagot ni Joeres.

Napabuntong hininga siya, “Kasi kung mabuti siyang tao, hindi niya sana kami iniwan ni Mama.”

Napayakap naman ng mahigpit ang dalaga sa kanya, mali yata na tinanong niya pa ang bagay na ’yon. She just ruined their moment. Stupid, Cyla! “Siguro tama nga sila, kahit gaano pa kasama ’yong tao, basta parte siya ng buhay mo, matatanggap mo parin siya.” Parang may kumurot naman sa puso ni Cyla, bakit siya, hindi niya kayang tanggapin pa ang kanyang ama na lumapastangan sa kanya?

“Matatanggap mo parin siya kasi alam mong siya lang ang m-makakabuo sa p-pagkatao mo.” Nabasag ang boses ni Cyla, ilang sandali pa humikbi na siya.


“Kasi simula nang magkaisip ako, parang may kulang sa buhay ko dahil wala akong kinilalang Ama. Atleast, kapag nakilala ko na siya, masasagot lahat ng tanong sa isip ko. Mabubuo na ng tuluyan ang pagkatao ko.”

Sa tagal na nilang magkasama ni Joeres, ito ang unang pagkakataong nakita siyang umiyak ng dalaga. Real mean do cries.


“Gumaganti ka baby, a.” bigla siyang tumawa, hindi naman napipilitan, sinusubukan yatang magbiro. It is her turn now to wipe his tears. “I'm sorry for asking that I shouldn't.” Tumitig si Joeres sa kanya.


Isang malalim na titig na pwede niyang ikalunod. “It's ok.” Patuloy pa rin ang pagtitig niya. She can’t read his thoughts through his eyes. She can't find any words to say. He’s always a mystery to her, kahit matagal na silang magkasama, he's really good in hiding his feelings. Her heart started to pound hard when he become closer to her face. Is he going to kiss her? Pumikit nalang si Cyla nang lumapit pa s’ya lalo. She can feel his breath in her lips. He never kiss on her lips before kaya kinakabahan ang dalaga. Ilang sandali pa naramdaman niya na ang labi ni Joeres sa gilid ng labi niya. Shit sayang naman!


Dumilat si Cyla nang humiwalay na siya. “You looked disappointed, baby.” Natauhan naman si Cyla sa sinabi niya, napasimangot pala siya. “H-hindi a!” nahiya naman siya bigla, umasa kasi talaga siya, e! Tinawanan siya ni Joeres at bigla naman itong  umibabaw sa kanya. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa itaas ng mga balikat ni Cyla.

“You want me to kiss you on your lips?” Mapang asar niyang tanong. Umiwas na lang ng tingin ang dalaga sa kanya. ‘Nakakainis naman, napapahiya ako.’


“Don't worry, I’ll do that on our wedding." Hindi na naibalik ang tingin ni Cyla kay Joeres dahil sa halik niya sa leeg ng dalaga at binaon pa ang mukha niya sa leeg nito, ‘damn!’ Mariin siyang napapikit, bibitinin lang siya. ‘Cyla kailangan mo magpagil!’


“J-Joeres.” Do'n niya lang inalis ang mukha niya at tumabi na ng maayos sa dalaga. “I'll mark you mine after our changing of vows.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at marahan itong pinisil.

“I respect you as sign of loving you so much.” Na speechless talaga si Cyla. Ganoon siya kamahal ni Joeres. Kahit aware naman ito sa nakaraan niya ay baliwala sa binata ang sitwasyon niya.


“Thank you, I love you so much.” For the last time, he kissed her on the forehead as they said their goodnight to each other. He never fail to make her feel treasure. It is really had a problem. She’s gonna preserved herself from now on, She can’t hurt this man who gave her too much love and respect.

**

“Of course, I miss you too.” Naalimpungatan si Cyla sa boses ng pamilyar na lalaki. Nasa kwarto na sila, paano nangyari ’yon? Ang alam niya magkasama sila ni Joeres, magkatabing natulog. “C’mon, Ashley, nabusy lang talaga.” Napalingon si Cyla sa pinto ng kwarto at nakita niya ang likod ng isang lalaki na nakadungaw sa half-opened na pinto, may kausap.

“Joeres?” tawag niya. Ngunit hindi siya lumingon sa gawi ng dalaga tila walang narinig kaya nilakasan pa niya ang pag tawag sa binata, “JOERES!” Lumingon naman siya nang may galit ang ekspresyon, kinabahan naman bigla si Cyla.

“SHUT UP!” sigaw ni Joeres kay Cyla. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.

“AKALA MO BA HINDI KO PA ALAM?” Palapit na siya ng palapit kay Cyla. Hindi niya magawang magtanong dahil nahuhulaan niya na kung ano'ng sinsabi niya. Paano niya nalaman 'yon. “AKALA MO BA HINDI KO PA ALAM NA MAY RELASYON KAYO NI DERMOT!”

“J-Joeres?--” Hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil bigla siyang sinakal ni Joeres. ‘Papatayin niya ba talaga ako? Akala ko ba mahal niya ako?’ Sa isip ni Cyla.

“AKALA KO BA MAHAL MO 'KO? BAKIT NAKIPAGRELASYON KA SA IBA! NAPAKALANDI MO!” Tumulo na ang luha ng dalaga dahil sa hirap na paghinga, gusto niyang magsorry pero wala na siyang lakas at pagkakataon dahil malapit na siyang maubusan ng hangin. Napapikit na lang at handa na siyang harapin ang katapusan.

“Cyla...Cyla!” Nagising siya na naghahabol ng hininga. Bullsh*t bangungot na naman. “Cyla, you’re having a bad dream again.” Napatingin si Cyla kay Joeres at bakas sa mukha niya ang pag aalala. "Wait here, I'll bring you water.” Mabilis na tumayo si Joeres para pumunta ng kusina at kumuha ng maiinom.

‘Is it my conscience that hunts me because of hiding everything to Joeres? Should I tell him the truth? Pero paano kung magalit siya sa akin katulad ng bangungot na 'yon? Paano kung hindi niya na ako matanggap? Paano kung hindi niya na ako pakasalan? Oh gosh! No way!’ Napasabunot si Cyla sa  sariling buhok habang umiiyak dahil sa frustration. She don't know what to do.

Walang alam si Joeres na medyo tagilid na ang negosyo nila rito sa Macau, hindi nila mahanap kung saan ba sila nagkakamali sa paghandle ng lahat-lahat especially sa financial matters. Tally naman lahat ng pumapasok at lumalabas na pera ngunit may hindi tamang nangyayari. Ayaw nila ipaalam kay Joeres ang nangyayari dahil nagrereview pa ito for bar exam, baka maapektuhan lang. Kahit ang wedding ay may posibilidad na hindi matuloy kapag hindi kinagat ng mahigit sampung clients ang offer nextweek.

Tanging si Magenta at Cyla lang ang nakakaalam ng totoong kalagayan ng business nila. Kahit kay Dermot ay hindi nila sinasabi. Stress tuloy si Cyla, what if malaman pa ni Joeres na tinanggap niya ang offer noong isang client nila na siya ang gustong makasama 24 hours kapalit ang limang million na dolyar.

Kahit nakakapagtaka man ay kinagat pa rin ni Cyla dahil alam naman ito ni Magenta. Kailangan nila ng pandagdag gastusin. At kahit hindi niya aminin ay attracted siya sa Loudon Riege na iyon. Sa kalahating isip niya ay excited siya ngunit natatakot dahil hindi niya alam kung okay na ba siya when it comes to intercourse dahil hindi niya pa naranasan ito ngayong malaki na siya.

What if, magbreakdown na naman siya? Just like the old times nang dalhin siya ni Dermot sa isang Motel, kahit lasing na lasing siya noon ay hindi niya magawang ipaubaya ang sarili kay Dermot. Hindi pa nawawala ang trauma na nararamdaman niya.

She’s worried about him. Paano kung magalit ito sa kanya? Babawiin nito ang pera na nadiposit sa account niya. Ibinigay niya pa naman kay Magenta noong paalis ito.

Pumasok na si Joeres at inabot kay Cyla ang isang baso ng tubig. Kahit tulala man ang dalaga ay inabot 'yon at ininom. “Is it the same dream?” tanong nito. Napaisip naman si Cyla kung sasabihin niya ba, “Y-yes.” Pagsisinungaling niya.  She still can't tell the truth, not now, hindi niya pa kaya.

Niyakap siya ni Joeres at inalo, “Forget it, I'm just here, everything will be alright.” -- ‘What if malaman niya na ang katotohanan? Masasabi mo pa kaya 'yan, Joeres.’

**

“H’wag mo na lang kaya ituloy, Cyla--anak,” suhestiyon ni Magenta. Kinabukasan, maagang umalis si Joeres para puntahan si Dermot, may usapan sila na maglalaro ng golf somewhere in Macau.

“Mommy, wala na ’yong 3 million dollar na deposit niya sa account ko. Nagtransfer na po ako sa tatlong bahay-ampunan sa Pilipinas,” she explained.

Napabuntong-hininga si Magenta, “Joeres was so in love with you, Cyla.”

“Opo, mommy. Ramdam ko naman po iyon. Pero para rin po sa kanya ang gagawin ko. Don’t worry mom. ’To ang business natin diba? Hindi pweding ihinto kase madami ang umaasa sa atin. I promise mom. Just this once. He is from the most richest family here in Macau and Philippines. Itutuloy ko po ito alang-alang sa maraming tao.” Mahabang saysay ni Cyla.

“You are so kind, Cyla. Very considerate princess. Pangako, gagawin ko ang lahat para hindi na dumating sa punto na talagang pabagsak na. Magagawan pa natin ito ng paraan” It’s Magenta.

“But this is between you and me. Okay? Baka anong gawin ni Joeres kapag nalaman niya ang plano natin. Well, on-process na pala.” Magenta added.

“Sa atin lang ito mommy. We'll keep this until our last breath, until in our grave.ñ,” saad ni Launcelle sa ina.


“Basta mag-iingat ka, ingatan mo ’yang sarili mo, anak. If ever man na hindi mo kaya--don’t hesitate to run and ask for my help. I’ll respect every decision you make because you are the luckycharm of our business.” Pinapakalma niya si Cyla.


“Rest assured mom. I can handle it.” She also calm herself and her mom as well.


“I’m so proud of you, my princess. Hindi ako nagkamali na ampunin kita. Thank you for coming into my life, Launcelle.” Magenta was emotional dahil hindi niya naman talaga kakayanin ang business nila kung wala sa tabi niya si Cyla. Wala siyang alam sa mga pasikot-sikot ng negosyo dahil hindi siya nakapagtapos ng sekondarya. Tanging experiences lang ang pinagkukuhanan niya nang lakas ng loob. She’s from squatters, working as a prostitute in a famous bar in Olongapo. Nicolo Vyralen fell in love with her and he drastically made her a queen. Magenta Quinto was a beautiful woman with good heart that’s why he caught Nicolo’s heart. An instant queen of a genuine king.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro