Parable #2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ang kwentong ito ay hindi sa akin at muli ito ay napulot ko sa aming Pastor na walang sawang magbigay ng mensahe, alang-alang sa mga taong tumanggap at kumilala kay Jesus na siyang Diyos.

Isang pagsubok ang inilatag ni Jesus sa isang taong gustong mapalapit dito at upang subukin ang paniniwala nito sa kanya.

Diyos: Itulak mo ang malaking bato na iyan. ( Ika nito, habang ang mga kamay ay nakaturo sa isang napakalaking bato sa may tabi.)

Tao: (Napangiwi ito sa napaka-imposibleng hiling ng Diyos,  pero ginawa pa din niya. Itinulak nito ang bato pero pawis2× na siya ay hindi pa din nito napapagalaw.)  Diyos na aking pinaniniwalaan, napakahirap naman ng inyong kahilingan,  napakalaking bato ito para aking mapagalaw man lang. Wala akong kapangyarihan na kagaya niyo. Maari bang iba na lang.

Diyos: (Napangiti ito at napa-iling.) Ang sinabi ko anak,  ay itulak mo lang hindi ko naman sinabing pagalawin mo o di kaya'y ilipat mo.

*******

Nakakatuwa nga naman minsan ang buhay ng isang tao. Nauuna ang reklamo sa buhay kahit na sa napakasimpleng bagay ay ginagawa nating kumplikado.

Ang mga bagay na akala natin ay mahirap pero sa totoo pala tayo ang nagpapakahirap. Akala natin mahirap pero ang dali lang pala. Ang dali lang pero hindi natin magawa ng matino.

Ngayon ako naman ang hahamon sa mga nagbabasa nito.

Maari bang magdasal ka at pumikit. Ilabas ang mga bagay at saloobin na matagal mo ng inaalagaan. Maari ba?

Salamat sa mga nagbabasa nito.

Praise God.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro