06

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ERIN

Sobrang na-bother talaga ako dahil sa paraan ng pagtitig ni Craig sa akin kanina kaya kinailangan kong umalis muna saglit para kalmahin ang sarili.

Iba kasi ang pakiramdam na hatid ng presence niya, hindi ko 'yon ma-explain.

Hindi ko makita 'yong galit na hinahanap ko noon pa bagkus ay puro tanong ang naglalaro sa isipan ko. Mga tanong na pitong taon ko nang kinikimkim na magpahanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

Muli kong tinignan ang repleksyon ko sa malaking salamin sa loob ng powder room matapos kong ialapat ang lipstick sa labi ko. Hindi pa ako sigurado kung makakayanan ko na harapan siya ulit kapag lumabas na ako dito pero bahala na.

Bahala na si Batman.

Wala na rin naman kasi akong magagawa e, ke lumabas ako o magtagal ay magkikita at magkikita pa rin kaming dalawa.

Bahala na talaga.

Pinasya ko na lumabas mula sa powder room, pinagmukha kong kalmado ang hitsura ko kahit hindi talaga.

Nang makalabas ako ay si Craig lang ang naabutan ko sa pwesto naming, wala ang asawa ko. Luminga-linga ako habang pabalik sa kinaroroonan ng ex ko para tignan kung nasaan si Jarell ngunit hindi ko talaga siya makita.

Baka gumamit siya ng banyo. Tama, gumamit lang ng banyo si Jarell. Malamang 'yon ay tinungga niya ang wine na in-order nila ni Craig kaya sumakit ang tiyan niya. Tama, gano'n na nga ang nangyari.

"Hey!" bati ni Craig nang magtagpo ang mga mata namin. Tumayo siya mula sa pagkakaupos at ipinaghila ako ng silya. "Have a seat, milady."

"Thank you, Craig." Mahinang usal ko. "S-Si Jarell... nasaan si Jarell?" tanong ko nang hindi tumitingin sa mga mata niya.

"He already left," tugon niya habang papa-upo.

"Umalis siya?" tanong kong muli.

"Yeah, ang sabi niya ay may mga aasikasuhin daw siya. You know? Business matters, mahirap i-explain." Impit pa siyang natawa. "Hayaan muna natin siya, let's just eat. What do you—"

"C-Craig... I think I should go, wala na naman si Jarell e. Kaya lang naman ako nagpunta rito ay dahil sa kagustuhan niya. Wala nang ibang rason kaya—" Tatayo na ako ngunit natigilan nang hawakan niya ang braso ko.

"Erin... stay... iiwan mo na naman ba ko ulit?" Mahina niyang sabi.

"Craig b-bitawan mo ako."

I almost stutter but I still manage to keep my voice thick.

"Mag-usap tayo, please. Pakinggan mo sana ako, please."

"Wala tayong dapat pag-usapan, matagal na tayong tapos." Pinilit kong agawin ang braso ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi ko magawa na makawala.

"Binili kita sa asawa mo, sa akin ka na ulit."

Did I hear it right?

Binili niya ako?

"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, Craig? Anong binili?" Hindi ko mapigilan ang sarili na pagtaasan siya ng boses.

Binili? Sinong niloko niya?

"Tatapatin na kita, walang patutunguhan ang pipityuging negosyo ng asawa mo, Erin. Kung hindi ko siya tutulungan, wala siyang mapapala." Maloko siya na ngumisi. "Pero hindi naman pupuwede na libre ang pagkakawang-gawa ko sa kaniya. Negosyante ako, mahalaga sa akin ang bawat sentimo. I know you knew it, Erin."

"Hindi totoo ang sinasabi mo, mahal ako ni Jarell. Hinding-hindi niya ako ibebenta lalo na't sa katulad mo na manloloko at hindi katiwa-tiwala. Ibahin mo siya, Craig. Oo, sabihin natin na hindi siya kasing yaman mo pero may prinsipyo siyang tao. Hindi siya kasing itim ng budhi mo!" Matigas kong sabi.

"Ouch naman," aniya sabay bitaw sa braso ko. "Hindi ka pa rin pala puwede na biruin, nagre-real talk ka e." Impit pa siyang natawa. "Mali pala na i-prank kita."

"E tangina mo pala kung gano'n!" Gusto ko siyang saktan pero may delikadesa pa naman ako kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"Sorry na," kakamot-kamot sa ulo niyang sabi. "Hindi ka naman mabiro e."

"Specialty mo pa rin talaga ang manloko 'no? Master na master mo na talaga." Pagtataray ko.

"Nagbago na ako, Erin. Simula noo—"

"Daddy? Daddy you're here!"

Magsisimula sana siya na magkuwento ngunit napahinto nang i-interrupt siya ng isang batang babae na nakasuot ng school uniform at may sukbit-sukbit na bag na may design na hello kitty. May suot din siyang medalya sa kaniyang leeg.

Patakbo siya na lumapit kay Craig at nagmamadali na yinakap ang ex ko.

Anak niya kaya ang batang 'yon?

"Frances? What are you doing here?" Namilog ang kaniyang mata, halatang-halatana hindi niya inaasahan ang pagdating ng bata.

"I'm here with Mommy, magla-lunch kami together with Tita Nat-Nat and Seohyun." Tugon niya. "Anyway, Daddy look. I won the quiz bee contest. Third place po ako." ani ng batang tinawag ni Craig na Frances.

Bago pa man makapagsalita si Craig ay muli siyang na-interrupt ng isang pamilyar na babae.

"Craig, you're here!"

Si Olivia...

Mabilis niyang nilapitan si Criag at saka niya ito hinalikan sa labi, halatang nagulat dahil hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya ang lalaki. Kukurap-kurap niyang tinignan ang sa tingin ko ay "mag-ina" niya na nasa kaniyang harapan.

"L-Live si..." Craig was about to speak when Olivia cut him off.

"I know, I've seen her." Olivia plastered a fake smile as she turned to face me. "Hi Erin, long time no see."

I breathe deeply before answering. "Hello..."

"Francesca, mag-bless ka sa Tita Erin mo, she is Mommy's best friend." Utos ni Olivia sa anak niya. She even emphasizes the term "best friend".

Yuck!

Kilabutan ko Olivia.

"Hello po Tita Erin, nice to meet you po."

Noong una ay nagdalawang-isip ako kung iaabot ko ba ang kamay ko na hinihingi ng bata, harmless naman siya at inosente sa kasalanan ng mga magulan niya kaya pinag-bless ko na lang siya.

Wala siyang alam, hindi dapat siya madamay sa galit ko sa nanay niya. Bagaman bunga siya ng kasalanan ng mga magulang niya sa akin ay labas pa rin siya, masasabi kong biktima lang din ang bata katulad ko.

"Her name is Francesca Lorraine, panganay namin ni Craig." Pagpapakilala ni Olivia sa anak niya.

I can see the resemblance, kamukhang-kamukha nga siya ni Liv noong bata pa sya. Kuhang-kuha nito ang hugas ng mata pati na labi ng nanay niya, even the mole placement. Here I am, silently praying n asana hindi makuha ni Francess ang ugaling ahas ng nanay niya.

"Hello Francesca, nice to meet you too." I gave her a half-smile.

"You're so pretty, Tita Erin. You look like a k-pop idol." Malapad ang ngiti ng bata habang sinasabi niya 'yon.

I can see her resemblance to her parent. Phycsically, she looks like Olivia but her personality? Mukhang mana siya sa kaniyang ama, parehong bolero.

Nasan na ba kasi si Jarell?

Parang ewan naman kasi ang asawa ko, iwanan ba naman ako rito kasama si Craig. Naabutan tuloy ako ng mini reunion niya with his family— nag-meet the family tuloy ako ng wala sa oras.

"Hon! Nandito ka na pala, kanina ka pa ba nakabalik?"

Speaking of the devil, he's finally here. Mukhang makakahinga na ako ng maluwag-luwag kahit papaano.

"Jarell! O.M.G! Ikaw na ba 'yan?"

"Olive? Olivia Serene Lopez, tama ba?" tugon ng asawa ko na may paturo-turo pa.

"Yes, ako nga! O.M.G! It's nice seeing you here."

Nang magyakapan ang mga asawa naming ni Craig sa harapan naming ay pareho kaming nagpalitan ng mga titig.

The feeling is mutual.

We are both clueless.

Sure ako na hindi niya rin alam na magkakilala ang asawa ko at asawa niya.

"Grabe, what a small world 'no? Sa dinami-dami ng place, dito pa tayo magkikita-kita." Malapd ang ngiti ni Olivia, kasing lapad ng noo niya.

"Actually, I'm here to meet your husband. We talked about business stuff, isinama ko na rin ang asawa ko. I won't introduce her anymore, alam ko naman na magkakilala kayong dalawa." sambit ng asawa ko habang ipinupulupot ang kaniyang braso sa beywang ko. He then pulls me closer to him.

I force myself to smile infront of them; Olivia did the same, she secretly shown a a bitchy smile.

"Of course I knew her. Right BFF?" She said then chuckle

"Thats was a long time ago Liv. Don't use that weird endearment on me, again." I raise an eyebrow.

Deserve niya naman siguro masungitan ano? Wala akong panahon na makipagplastikan.

"Wife..." Jarell glared on me. Lowkey telling me to stop.

"Hon? Maybe we should go. Ayoko ng ambiance dito" I said and attempted to step but Jarell grabs my arm. Medyo masakit ang paghila niya.

I mouthed "WHAT" at him, he mouthed "shut up" as answer.

"Pangit 'yong ambiance o ayaw mo lang ako na makita? Kasi hindi ka pa nakaka-move on? Minumulto ka pa rin ba ng nakaraan?" tanong ng bruhang 'to.

"Olivia, don't start." Pananaway ni Craig.

"What's going on?" usisa ni Jarell. "May dapat ba akong malaman?"

"Hon, mas mabuti pa siguro na umalis na tayo. Sa bahay ko na lang ipapaliwanag ang lahat." Padaskol kong inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Jarell.

Mabilis pa sa alas-kwatro kong nilisan ang lugar.

Naninikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro