Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PROLOGUE

ERIN

December 18, 2010

Isa sanang masayang araw ang petsang 'yon dahil fifth anniversarry namin ng boyfriend ko na si Craig, limang taon na pala kami ng boyfriend ko at soon-to-be-husband.

Excited akong umalis ng opisina, nag-early out na ako para bumili ng cake at makauwi sa bahay para maipagluto ko siya. Craig really love everything that I cooked. I am planning to surprise him kaya naman isinakto ko na nasa opisina siya ng mga oras na 'yon para makapag-decorate ako sa bahay. Chief Operating Officer si Craig sa Evergreen Super Mall. Isang high-end na mall na pagmamay-ari ng pamilya niya, he is third in line. After his father and his Lolo's retirement, sure ako na siya na ang susunod na may-ari ng Evergreen.

Matapos ko na iluto ang garlic butter shrimp at lasagna na paborito niya ay isinunod ko na ang pagde-decorate sa salas namin. Craig loves surprises, even the simplest one.

"Happy 5th anniversary, my Love!" mahinang sambit ko habang nakatitig sa tarpaulin na pina-imprenta ko kahapon. Naka-imprenta rin doon ang mga litrato naming dalawa. Mula first date at monthsarry hanggang sa fourth anniversary namin nitong nakaraang taon.

Agad ko na tinawagan si Craig matapos ko na maiayos at maihanda ang lahat. Nakailang missed call ako pero hindi niya ito sinasagot. Kaya naman dahil super excited ako ay napagpasyahan ko na sunduin na lamang siya mula sa kaniyang opisina.

Miss na miss ko na siya, halos tatlong araw din kasi kaming hindi nagkita dahil lumuwas siya pa-Davao para um-attend sa isang seminar na inorganisa ng pinsan niyang si Eula.

Nagmamadali ako na sumakay ng taxi patungo sa Evergreen Mall para salubungin ang nobyo ko. Nang dumating ako sa opisina niya ay ang sekretarya niya na si Kyla ang sumalubong sa akin.

"Si Craig, nasaan? Umuwi na ba siya?" tanong ko.

Matagal bago nakasagot si Kira, matagal-tagal rin niya akong tinitigan. Natural na malalaki ang kaniyang bilog na mga mata ngunit kakaibang ang pamimilog ng mga ito ngayon. Tila siya ay nagulat nang magtagpo ang aming mga mata.

"M-Ma'am Erin..." aniya.

"Ako nga, anong nangyari sa'yo at gulat na gulat ka? Para kang nakakita ng multo." Natatawa ko pang wika sa kaniya. "Ano nga? Nasaan si Craig? Umuwi na ba siya?"

"M-Mary Ville, n-naroon po siya." tugon ni Kyla. Nahalata ko ang pangangatal ng pang-ibabang labi niya.

"Mary Ville?" takang tanong ko. "Sa dating condo unit niya?"

Tumango siya. "M-Ma'am, bilisan po ninyo. P-Pakiusap..."

"Bakit?"

"Please po, Ma'am Erin. Umalis na po kaya bago pa mahuli ang lahat." Tumaas ang tono ng kaniyang boses.

Hindi na ako nagtanong pang muli, sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Mabilis kong nilisan ang gusali saka muling pumara ng taxi at sumakay.

Habang lulan ng sasakyan ay muli kong sinubukan na tawagan ang kaniyang cellphone.

He did answer this time.

"H-Hello..." ito ang ibinungad ni Craig nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hello love, nasaan ka? Pauwi ka na ba?" Pigil ang aking pagngiti, casual lang ang pagsasalita ko para hindi siya makahalata.

"E-Erin?" Bakas sa boses niya ang labis na pagkagulat. Tila ba may kakaiba sa kaniya.

Nagtaka ako sa itinawag niya sa akin. Mula kasi noong naging kami ay ito palang ang unang beses na tinawag niya ako sa first name ko.

Sobrang nakakapanibago.

"Nasaan ka ngayon, love?" tanong ko, this time ay sa normal na boses na.

"B-Bakit napatawag ka?" tanong niya. He was stuttered... for a reason.

"Bawal ba?" My throat thickens as my heart beats rapidly. Busy ka pa ba? If yes, --ibaba ko na la—" napatigil akong bigla nang may magsalita mula sa kabilang linya.

"Babe? Sino yan?"

Boses 'yon ng isang babae, hindi ako maaari na magkamali. Bakit niya tinawag na babe si Craig? May dapat ba akong malaman?

Tahimik akong nag-antay ng sagot Mahigpit kong hinawakan ang telepono ko. Pigil ang mga luhang nangigilid sa aking mga mata. Malakas ang kabog ng dibdib ko ngunit hindi ko ito iniinda. Pinanatili kong kalmado ang sarili kahit pa tila sasabog na ang dibdib ko.

Mula sa kabilang linya ay may naulanigan akong nagsasalita. Muffled ang tunog kaya mistulang inaudible ito na para bang sinadyang takpan ang speaker ng cellphone niya.

"E-Erin... n-nasa bahay ka ba?" Muli niyang tanong.

He called me by my first name... again.

"O-Oo..."

"L-Love, mag-usap tayo mamaya ah. H-Hintayin mo ako, u-uuwi ako." Bakas sa boses niya na tila nahihirapan siya na magsalita. Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay may tila mga kakaibang tunog akong naririnig mula roon.

Hindi ako maari na magkamali, ang mga kakaibang tunog na nanggagaling sa kabilang linya ay mga ungol mula sa babaeng kasama niya.

Unti-unting tumulo ang nag-uunahang mga luha sa mga pisngi ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko at pagbagsak ng cellphone ko patungo sa sahig ng taxi.

"Miss? Okay ka lang po ba?"

Napatingin ako sa driver. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil hindi naman niya ako nilingon pero mula sa pigura niya ay malaking tao ngunit may edad na dahil sa mangilan-ngilan na puting buhok niya.

"Mary Ville po tayo manong." Sisinghot-singhot kong sabi. Hindi ko na kasi mapigilan ang bugso ng damdamin ko.

I'm sure anytime, I'll breakdown.

"Sige po, Ma'am." tugon naman niya.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala mula sa aking mga mata. Nagkalat iyon sa aking pisngi. Maraming mga tanong at what ifs na pumapasok sa isipan ko pero pinili kong hindi sagutin iyon.

I want to hear Craig's side first, aayusin namnig dalawa ito. Anniversarry namin, hindi maari na matapos ang araw na ito na hindi kami nagkakaintindihan.

Nang makarating sa Mary Ville ay mabilis pa sa alas-kwatrong sumakay ako sa elevator para maabot ang unit niya matapos ako na makababa sa taxi at makapagbayad. Unit 405, fourth floor.

Huminga ako ng malalim pagtapat ko sa pintuan ng unit niya. Idinial ko ang passcode ng pinto para makapasok ako

121806

Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang napakaruming sala. Maraming nakakalat na bote ng beer sa paligid, mga kahon at upos ng sigarilyo, ultimo coat at sinturon niya ay naroon sa sahig at tila ahas siya na nag-hunos.

Sa pagpasok ko ay otomatikong pinagpupulot ko ang mga iyon at inilagay sa plastic na napulot ko. Marahan ang pagkilos ko hanggang sa unti unti akong makarating sa kwarto.

"Go away, Olivia ! Isang pagkakamali ito!" sigaw ni Craig mula sa kwarto. "I don't love you!"

"I know Craig! I know! Huwag mo nang ipamukha sa akin! Last night while moaning and screaming from the pleasure that I'm giving you, pangalan ng best friend ko ang sinasabi mo.You are moaning Erin's name!"

Si Olivia... hindi ako maaari na magkamali. Boses ni Olivia 'yon, boses ng best friend ko 'yon.

"Ofcourse I will, fiancée ko siya! What are you expecting?"

"Yeah, I know but admit it Craig. Nag-enjoy ka n having sex with me, right?"

"NEVER I, NEVER WILL! BALIW KA!" Craig shouted angrily.

"Don't you dare deny it!" Olivia yelled too.

Napatakip ako sa bibig gamit ang mga kamay ko. I never expect this in my entire life. Hearing those words from them makes me feel sick.

"You are sick, Liv! Bawiin mo ang sinabi mo! Lasing lang ako!"

"Yes, were drunk but it doesn't mean that you forgot everything, Craig."

"Shut up! Shut up, Olivia!"

"We had sex, huwag mo akong gaguhin. We cheated more than two times, Craig. Huwag kang umasta na parang santo ngayon."

"More than two? So pang-ilang beses na pala ito." Sa mga oras na iyon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumitaw ako mula sa pinagtataguan ko at hinarap sila.

Olivia is on the bed, she's naked. Craig is on the other side, putting back his polo on. Kung akala ko ay magulo na ang sala na nadatnan ko, mas marumi pala ang bedroom niya. Nagkalat ultimo condom na ginamit nila kagabi, ni hindi nila nailagay sa

"E-Erin..." they said in unison.

"Happy anniversary." Mapait akong ngumiti kasabay ng muling pagbagsak ng mga luha sa pisngi ko. "Is this your gift for me, Craig?"

"L-Love, l-let me explain—" I cut him off.

"Explain what? Your infidelity? Hindi na kailangan, narinig ko na naman"

"Erin please...." He tried to step towards my direction. "Mag-usap tayo, Love."

"Don't come near me. Nakakadiri ka, nakakadiri kayong dalawa!" Bulalas ko.

Hindi ko na ala, kung ano ang sumunod na nangyari sa akin after it. I was shaking terribly. That was one of the most frustrating times of my life, I never imagine myself breaking into pieces because of him, because of Craig.

Craig is the first person that makes me feel what love is yet he is also the person who hurt me from skin to bone.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro