Chapter 1 - MULTO

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Naniniwala ka ba sa multo?"

"Hindi?"

"Edi wag mong basahin to, nonesense lang to! Pero bahala ka sinabi ko na ah, sisimulan ko na.."

--

Blake's Pov

Madilim ang paligid pero maraming taong nagkukumpulan sa loob ng gymnasium namin, Christmas party namin ngayong gabi pero biglang sumabay naman ang black out dahilan para mabahala ang mga tao.

"Blake kahit anong mangyari, wag mo akong iiwan ah. Takot ako sa dilim at ikaw lang ang maaasahan ko ngayong hindi ko alam kung nasaan sila Roan." bulong sakin ni Marian habang mahigpit na nakayakap sa braso ko, okay lang yan Blake dagdag pogi points din yan hehehe.

"Sige pangako, hindi kita iiwan basta andito lang ako para sayo." sabi ko dahilan para yakapin nya ako ng tuluyan.

O_O'

at kasabay ng pagbukas ng ilaw sa gymnasium at kitang kita ng lahat ng tao ang pagyayakapan namin. Ah paktay!

Bakit nyo binuksan yung ilaw?!

"BLAKE FAULKERSON! SABIHIN MONG MAY MAGANDA KANG PALIWANAG ANG LAHAT NG NAKIKITA KO NGAYON." at yun naman po ang girlfriend ko, si Raine, at hindi mo gugustuhin na makita kung anong expression ng muka nya ngayong namumula na siya sa selos. Omo.

Wapak!!!

.O_O.

*Flashback*

"Hey Erp, ready ka na ba sa party mamaya?" sabi sakin ni Andy, ang disco man sa tropa, habang nagaayos ito ng kwelyo sa harapan ng salamin.

"Yeah men, you should be ready dahil maraming chix ang nagaabang para sa atin." sabi naman ni Ronnie, ang playboy, habang naggegel. pormahang 90's lang?

--

So yun na nga after naming gumayak ay dumiretso na kami sa campus para makipag celebrate ng Christmas night party and omaygams andaming tao! As is super dami dami, nandito yung mga prof namin, yung classmate namin, pati si crush. teka? Si crush?!!!

Laking gulat ko nalang ng biglang may kumalabit sa likuran ko. yung jowa ko!

"Oh hi babe, you look nice tonight, I mean everyday naman pero iba ang tingin ko sayo. You look elegant, you're beautiful." sabi ko kay Raine na dahilan para mapangiti sya, she really looks stunning right now in her red shirt na tinernuhan nya ng navy blue jeans at yellow cap for additional, maybe as I describe her, she looks like boyish but I damn love it wag nga lang siyang totopakin hehehe.

"You too babe, you are so handsome as always." sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Nang biglang lumapit sa amin ang magjowang sina Eljie at Ramcy, ang mga kaibigan ni Raine at hinihiram ang gf ko, pinagbigyan ko naman at dali dali silang pumunta sa kung saan at naiwan akong magisa.

--

"AAAAHHHHH!!!!!!"

Isang malakas na sigaw ng isang babae ang nagmula sa Electrical kasabay ng pagkawala ng ilaw sa buong campus. fuck?! ano yun?

Hanggang sa nagkaroon ng takot sa bawat isa, laking gulat ko nalang nang bigla may bumangga saking isang babae at hinawakan ako sa dibdib. Agad ko itong inilawan gamit ang cellphone ko at mas lalo akong nagulat ng malaman kung sino yun. Si..Si M..Marian!

--

Andy's Pov

Kitang kita namin mula dito sa kinaroroonan namin yung pagsampal ni Marian kay Blake dahilan para mapatakbo kami palapit sa kanila, bilang kaibigan nya kailangan namin siyang asarin este tulungan siya, kahit sabihin nating may kalakihan si Blake nakakaawa parin kasi napakamartir niya. But as I said, bilang kaibigan kailangan namin siyang damayan. hahahaha. Oops sore.

"Hey lovers chill lang, kaaga aga eh." sabi ni Ronnie na kasama din namin ngayon.

--

"I g..getting the attention of all students and f..faculty staffs of this campus. Uhm.." pamutol na sabi ni Sir Jam habang nasa taas ng stage at hawak ang mic na parang may gustong sabihin.

"Mr. Vicente, our p..principal is, dead!" dugtong pa nito na ikinagulat naming lahat. paanong nangyare yun?! parang kanina kasama pa namin siya na nakikisalamuha sa mga estudyante, wearing Santa Claus custome and now.. Fuck!

"Our admin, Mr. De Leon  said to me earlier. N..nakita daw ang katawan ni Mr. Vicente na dilat ang mata, at hatalang nakuryente ang kanyang buong katawan." dagdag niya pa ulit bago bumaba at binitawan ang mic sa table. kaya pala nawalan ng kuryente kanina. but is that all? parang kaduda duda namang mamamatay siya ng dahil sa aksidente, lalo na sa isang taong hindi naman nagpupunta sa lugar na yun dahil delikado.

--

Nagkatinginan kami nila Blake at alam naming may foul play na nangyari at kailangan naming hanapin ang salarin sa pagkamatay ng principal namin. Ng biglang..

Nagblack out ulit.

"This must be something wrong here guys, maaaring isa sa mga kasama natin ang pumatay kay Mr. Vicente." bulong ni Blake samin kasama sina Ronnie, Raine, Eljie at Ramcielio. At kasama na din si Marian.

"Everyone got have there phone?! Sumama sakin yung ilang sa mga estudyante para ayusin yung ilaw, yung iba mag stay dito. I command all boys na hanggat maaari bantayan nyo ang mga kaklase nyo, kung totoo mang may mali mang nangyayari dito kailangan magsama sama lang kayo para hindi kayo mapahamak." suhestiyon ni Joseph Magno, ang President ng SSG, at nagpunta sila sa Electrical kasama ang ilan sa mga estudyante.

"Guys hindi din tayo dapat tumunganga lang dito, kailangan din nating kumilos para sa sarili natin. Totally in locked ang mga gate kaya malabo tayong makalabas, so I suggest na maghanap tayo ng pagkain natin sa Cafeteria at mga gamot sa Clinic para in case of emergency ay may magagamit tayo, sinong sasama sakin?" tanong naman ni Migz, ang kilabot na varsity, at sinangayunan din ng iba maliban sa sipsip na Vice President ni Joseph na si Patricia.

"Guys ano ba, sabi ni Mr. President walang maghihiwalay diba? Dapat tayong magstay dito ng sama sama dahil delikado! Guys makinig naman kayo!" sabi nya in a higher pitch voice na sobrang masakit sa tenga pakinggan. But just I expected walang nakinig sa kanya and most of the students goes through Migz at pumunta sila sa Cafeteria. Almost kalahati din ang natira dito sa gymnasium pero kahit na ganun ay kailangan din namin umalis para magmasid, may foul play na nangyari at yun ang hahanapan namin ng solusyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro