Chapter 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGIMBAL ang lahat ng estudyante nang mabalitaan na may natagpuan na naman na isang bangkay, at mas lalong nagpakaba sa lahat ay  nakita ang bangkay sa restroom ng mga babae sa unang palapag kung saan  madalas puntahan ng mga estudyante.

Nasa cafeteria siya nang marinig ang usapan. Wala siyang kasama no'n hanggang dumating sa harapan niya sina Leah at Slate.

Hindi pa siya nakaka recover kagabi sa nangyari sa kanilang pack tapos may  panibago na naman. Hindi siya pinayagan ni Primo na pumasok ngayon kung  hindi lang siya nag pumilit dito.

Naabutan siya ng mga ito na gulat na gulat at nangingig sa takot. Mabilis na dinaluhan siya ng mga ito.

Ang suot na makapal na jacket ni Slate ay pinasuot sa kaniya ng  binata. Hawak-hawak niya rin ng mahigpit ang kamay ni Leah dahil sa  takot.

Maraming estudyante ang nagkakagulo. Lahat din sila ay pinapapunta sa loob ng gymnasium para roon mag sama-sama.

Nakatayo sila sa gitna ng dagat ng mga estudyante. Maririnig ang mga boses at yapak ng mga ito.

Mas lalo nanginig ang kamay niya nang bumukas ang lahat ng ilaw sa loob ng gymnasium. Tumama ito sa kaniyang mga mata.

"You okay?"

Minulat niya ang mata nang kinuha ni Slate ang kamay niya na nakahawak kay Leah.

Tinitigan niya si Slate na halatang nag aalala sa kaniya pagkatapos ay bumaling siya kay Leah na binitawan ang kamay niya habang tinititigan  ang kasamang binata.

"Are you okay, Nyebe?" tanong ulit ni Slate sa kaniya. Napalunok siya sa kaba na binalingan ulit ito. Umiling siya dahil hindi siya ayos.

Naramdaman na lang niya na pinaikot ni Slate ang braso nito sa maliit niyang katawan at hinapit ito palapit sa binata.

"Andito lang ako," ani pa nito sa kaniya habang siya ay nakatingala rito at titig na titig sa nag alala nitong mukha.

"Slate?" tawag niya rito.

"Hm?" Dumako ang paningin niya sa kamay nilang dalawa na magkahawak. Marahan na hinihimas ito ni Slate na nag papabigay sa kaniya ng ginhawa.

"Thank you." mahinang bulong niya rito. Hindi na siya nanginginig sa  takot pero halata pa rin sa kaniya ang pangamba at pagaalala.

"Shh," sagot nito sa kaniya na kinagulat niya dahil hinalikan siya nito sa bunbunan.

Naistatwa siya sa kinakatayuan.

Rinig na rinig niya ang mabilis niyang puso na patuloy na tumitibok na para bang tumakbo siya nang malayo at kay haba.

Pilit niya pina-process ang ginawa ni Slate dahil pagkatapos nang paghalik nito sa kaniya ay umakto ito na parang walang nangyari.

Mabilis siyang lumingon kay Leah nasa gilid nila na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.

Mag sasalita na sana siya nang may tumawag sa kaniya.

Seryosong pinagmasdan siya ni Echo na nasa harapan na niya ngayon.

"Prince Slate." Pag-galang ni Echo sa kasama niya pagkatapos ay dumako ang mata nito sa kamay ni Slate na nakahawak sa kaniya at sa braso nitong nakapaikot sa kaniyang katawan.

"E-echo!"

"If you will excuse us, I am taking Nyebe to pack house."

Umayos siya nang tayo at umalis sa hawak ni Slate pero ang kamay nito ay nakadakop pa rin sa kaliwa niyang kamay.

Binalik niya ang tingin kay Echo na seryoso pa rin ang tingin sa kanila. Napansin niya rin na gano'n si Slate.

"Who are you?" may pagkamasungit na tanong ni Slate kay Echo. Kahit siya ay hindi mahanap ang sasabihin sa prinsipe.

"Echo, beta of Redwood pack." Nag bigay galang pa ito.

Sa totoo lang, gulong-gulo siya sa nangyayari. Marami siyang tanong kay Slate.

Kung bakit bigla na lang ito humahawak sa kaniya?

Kung bakit bigla na lang ito nag aalala sa kaniya?

Kung bakit hindi si Leah ang ginagapayan nito na alam niyang gulat din sa nangyayari?

Kung bakit sa tuwing hinahawakan ni Slate ang kamay niya ay grabe ang bultahe ng kuryente na dumadaloy sa kaniya?

At kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa bisig nito?

"A-ano?! Don't worry guys, kilala 'ko siya," paniniguro niya kala Slate at Leah na kanina pang tahimik.

Naurong ang dila niya nang balingan siya ni Slate nang tingin.

Bibitaw na sana siya ng hawak dito nang mas hinigpitan ni Slate ang  kapit sa kaniya. Nakita naman niya na mariin na tinitigan ni Echo ang  kamay nila pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa kanilang mukha.

"Slate, sa kaniya na lang ako sasam—"

"No!" tutol na saad ni Slate sa kanila. Nakita niya ang pag clicked ng jawline ni Echo sa inasta nang prinsipe.

Napansin niya rin na nakakakuha na sila ng ilang estudyante.

"If you're afraid na papabayaan ko si Nyebe, paniniguro 'ko sayo na hindi mangyayari 'yon," saad ni Echo rito. Humawak na rin ito sa kabila niyang kamay.

Pabalik-balik niya tinitigan ang dalawa. Alam niyang hindi na  natutuwa si Echo pero pinipigilan nito ang sarili dahil gumagalang ito sa nakakataas sa binata.

Habang hindi naman niya maintindihan kung bakit ayaw siya bitawan ni Slate.

Lumipat si Leah sa gilid ni Slate at hinawakan ito sa braso. "Hey,  Slate. Nyebe's fine. Hayaan mo na si Beta Echo—" ani Leah pero hindi nito natuloy.

"No," mariin na saad pa rin ni Slate habang titig na titig kay Echo.

"B-bakit?" Kinakabahan niyang tanong dito. Naramdaman niya na humigpit ang kapit ng dalawa sa kamay niya.

"Sasama ako. I'm taking you home."

"Teka! Bakit? Echo's my friend. Hindi niya ako pababayaan."

"Are you hearing yourself? There's someone out there killing our people. Baka nga hindi lang isa 'yan."

Gulat na gulat sila nina Leah at Echo sa sinabi ni Slate. Hindi siya makapaniwala sa inaasta nito.

"Prince Slate, importante si Nyebe sa'min at never in my vocabulary na ipapahamak 'ko siya."

Slate chuckled sarcastically.

"Kaya pala napahamak siya dati."

"Slate!" sita ni Leah dito.

Nanlalaki ang mata na binalingan niya sina Slate at Leah. Naalala na naman niya ang nangyari sa kaniya three years ago na pilit niya kinakalimutan.

"H-how do you know?"

"I'm sorry, Nyebe. I told him," paumanhin ni Leah sa kaniya.

Humigpit ang kapit ni Echo sa kamay niya. Pinatitigan niya ito at namumula na ang kamay niya sa hawak nito.

Mag sasalita pa sana si Echo nang pigilan na niya ito at binalingan si Slate. She glared at him sa inis.

"Then, come with us!" Pagkatapos ay parehas na bumitaw sa hawak ng dalawa.

Binalingan niya si Leah at kinuha ang kamay nito at nauna silang dalawa mag lakad.

PASAKAY na siya sa sasakyan ni Echo kanina kung hindi lang siya hinila ni Slate papasok sa sasakyan nito.

Wala siyang nagawa nang pinasok siya nito sa passenger seat at ini-locked ang pinto. Inis na inis siya nang balingan ito.

Maski si Leah ay walang nagawa at nag kusa na lang sumabay sa sasakyan ni Echo na kanina pa masama ang tingin kay Slate.

Tahimik lang silang dalawa ni Slate sa buong biyahe pauwi sa pack nila. Panigurado na wala pa sila sa border ay malalaman na sa packhouse na kasama nila ang prinsipe lalo na may dalawang sasakyan ang nakasunod  sa kanila.

Katulad nga nang sinabi niya ay may ilan ng guards ang nakabantay sa border kung saan inaantay sila.

Huminto sila nang hininto ni Echo ang sasakyan sa harapan nila. Pinagmasdan niya na lumabas si Echo at kinausap ang mga nag babantay sa  kanilang border.

Pagkatapos ay tumingin ang mga ito sa gawi ng sasakyan ni Slate. Tumango ang mga ito kay Echo bago bumalik sa loob ng sasakyan.

Umandar ang sasakyan nito na sinundan nila. Napatingin siya sa  kalangitan, nag sisimula nang dumilim na mas lalong magiging mapanganib sa labas.

"I'm going to stay here with you," ani Slate sa kaniya na kinagulat niya. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang inaantay ang susunod nitong  sasabihin.

Umaasa siya na idudugtong nito na 'biro lang' pero nasa tapat na sila ng pack house ay walang sinabi si Slate.

Bumaba siya nang sasakyan na gulat pa rin sa sinabi nito sa kaniya.  Namalayan niya na lang na hinawakan nito ang kamay niya habang  sinasalubong nila ang magulang niya at ang kanilang bagong Alpha na si Primo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro