Special Chapter: III

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

INDIGO
• • •

LUMABAS siya sa balkonahe na bitbit ang kinuhang makapal na puting kumot. Pagbukas niya ng sliding door ay tumama agad sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang balat.

Lumawak ang ngiti niya nang makita niya ang nakatalikod na babae nakatanaw sa ibaba ng balkonahe. Lumilipad ang mahaba nitong itim na buhok. Kinuha niya ang rubber band nasa pulsuhan niya.

Lumapit siya rito at marahan niyang kinumpol ang buhok nito at tinali patagilid pagkatapos ay pinatong niya ang hawak na makapal na kumot sa balikat nito at marahan na niyakap ito patalikod.

Ang dalawa niyang kamay ay yumakap sa malaking umbok sa tiyan nito pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi. "Good morning, Riley," bulong niya sa tainga nito.

Marahan niya itong hinapit at pinakiramdam ang tiyan nito. Mainit ito sa pakiramdam at hindi mag maliw ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.

Anim na buwan nang buntis si Riley sa pangalawa nilang anak.

Bumaba ang paningin niya sa harapan ng balkonahe sa kanilang bahay kung saan naglalaro ang panganay nilang anak na lalaki kasama ang mga kaibigan nito.

"Pollo!"

Bigla niya inalayan si Riley nang bigla ito natataranta na sumigaw. Binalik niya ang paningin sa anak nasa ibaba.

Bumagsak ito sa lupa kung saan maraming mantsya ng lupa ang balat at damit nito. Natatawa si Pollo na tumayo habang may bitbit na kahoy na espada.

Naalala niya kung paano nila pinangalanan ang anak sa uncle Apollo nito.

Gusto ni Nyebe na ipangalan kay Apollo ang magiging anak nitong lalaki ngunit babae ang naging unang panganay ng mga ito.

Walang nagawa si Nyebe kung hindi ipaubaya ito sa kanila ni Riley kung saan pinangalan ni Nyebe sa anak na babae ay Jackie Jane para sa pangalan ni Beta Jack.

Binalik niya ang tingin sa mga kaibigan ni Pollo. Dalawang babae at dalawang lalaki. Masayang nagtatawanan ang mga ito.

"He's fine," bulong niya kay Riley pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi ulit at niyakap ulit ito ng mahigpit pero marahan. "I love you, mahal."

"I love you, too, Indigo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro