Kabanata 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 1

Problems

Pagkatapos kong gumraduate ng high school ay pumasok na ako sa Enderun. Hindi naman sa nagmamalaki pero mabilis akong napasok dahil kaya ng pamilya naming itaguyod ang pag aaral ko doon at kaya rin ng utak ko. My whole life was perfect! With my happy family and good friends, wala na akong mahihiling pang iba.

Galing sa isang sikat na pamilya sa Cebu ang mommy ko samantalang si Daddy naman ay isang abogado sa Manila. Nong nag asawa ang dalawa ay nag desisyon silang sa Cebu na manirahan. Although my dad was originally from Cavite, mas pinili niyang sumama kay mommy sa Cebu at doon na rin manirahan. For the past 19 years, our life was good. Hindi ko maiwasan ang pagpuri sa pamilya ko sa pagiging matatag nito. But then we are not a huge family, I am an only daughter. Naging masaya ang buhay hanggang sa birthday 19th birthday ko.

The week after my birthday, my dad was summoned by the Court of Appeals to review a case in Manila. Malaking kaso iyon kaya madalas ang punta niya don. I didn't mind, though. May kinuha kaming condo unit para sa pag cocollege ko at doon siya tumitira. Madalas din ang punta niyang Cavite to visit his relatives.

Sa Cebu ko na celebrate ang birthday ko kaya sa sumunod na linggo ko pa naicelebrate ang birthday ko sa taong iyon. We went to a bar with my friends and the drinks was all on me kaya heto at lasing kaming tatlo. I was so drunk and happy nang biglang tumawag si mommy sa condo.

"You guys are awesome!" Tawa ni Adrian nang sumalampak siya sa sofa at naghubad naman ng sapatos si Jessica para mahiga na roon sa tabi niya.

Natatawa ang dalawa dahil sa nangyari sa bar. I hushed them so I can answer the phone properly. I didn't even bother to look at the watch above but I'm sure it's dawn!

"Hello, mom?" Inayos ko ang napapaos kong boses.

Narinig ko ang hagulhol ni mommy sa kabilang linya. Kinabahan agad ako at napadilat ng maayos. What can make my strong mother cry, I don't know.

"What's wrong?"

Nanlalamig na ang mukha ko sa kaba at nawala yata ang alcohol sa aking sistema dahil sa naririnig kong mga hikbi galing sa kanya.

"It's your dad," narinig ko ang pag aalinlangan sa kanyang boses.

"What's wrong with dad? Nakarating ba siya diyan ng maayos, mom?"

Kakaalis lang ni daddy dito kanina. Kakauwi niyang Cebu ngayon. Napuno ng kung anu anong kababalaghan ang imahinasyon ko. From plane crash down to car accident. Whatever happened, I need my mom to spill it right now and spare me from a frigging heart attack!

"Mom! What? Stop crying! What? Tell me!" Sabi ko ng pasigaw.

"Umuwi siya dito at sinabi niyang babalik siya diyan at magtatagal muna."

Natigilan ako at napasinghap. What the fuck? I can't believe I almost had a heart attack for that. Mom was sure over reacting! The case probably needs attention.

"Okay..." Kumalma ako at pumikit.

"What is it, Av?" Nilingon ako ni Jessica na namumungay ang mga mata habang nakahiga sa hita ni Adrian.

Umiling ako at tumalikod sa kanila.

"I think your dad is hiding something." Seryoso at medyo kalmadong sinabi ni mommy.

"Hiding what, mom? You're probably over reacting." Sinabi ko.

"No. Ikaw ang nariyan, dapat ay may nararamdaman ka na. I think he's hiding something. A mistress or what..."

Halos matawa ako. Hindi naman ganito ka OA si mommy pero hindi ko alam kung anong pinag dadrama niya ngayon.

"He's just always out for the case. Mom, you know this is big. Kaya nga tinanggap niya, diba? Just let him. Pagkatapos naman siguro ng kasong ito babalik na siya diyan. Baka may titingnan ding ebidensya."

"No, I can sense it, Aurora. I know." Siguradong sigurado siya sa kanyang sinabi at nagsimula ulit siyang humagulgol.

"Bakit mo nasabi? Sige nga."

Ginulo ko ang buhok ko at nag simulang mag lakad patungo sa kitchen para mag salin ng tubig. Is she drunk or something? And where is dad? Nag away kaya silang dalawa? Probably, I would get pissed if I were dad.

"Basta, alam ko!" Giit ni mommy.

Umirap na lang ako at nakinig pa sa mga walang batayan ng eksplenasyon na puro nakakasiguro siyang may tinatago ito sa kanya.

Bumalik si daddy dito sa Maynila after three days. Naging abala siya sa kaso at madalas din siyang wala sa condo ko. Nasa opisina siguro o sa korte, hindi ko alam. Nagpupunta din siya ng Cavite madalas pero nag papaalam naman siya sa akin.

Dad is not exactly the playboy type. He's 45 and always kind of serious at hindi ko mahanap ang mga basehan ni mommy kung bakit niya naisipang may tinatago ito tulad na lang ng kabit.

Niyakap ko siya galing sa likod pagkatapos niyang mag impake para umalis at pumuntang Cavite.

"I'm gonna miss you, dad." Sabi ko at hinawakan niya ang braso kong nakapulupot sa kanyang tiyan.

"I'm gonna miss you, too. May sakit ang tito Lucas mo kaya tutulong na rin ako don habang inaayos ang mga dokumento sa kaso." Seryoso niyang sinabi habang nakatingin sa kawalan.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Nasabi mo na ba 'to kay mommy?"

Nilingon niya ako bago tumango. Ngumuso ako. Halata sa kanyang ekspresyon na hindi sila maayos ni mommy.

"Don't worry, dad. Ipapaliwanag ko ng maayos kay mommy."

Umiling siya. "Hindi mo na kailangang gawin 'yon." ngumiti siya. "But thank you."

Kaya iyon ang ginawa ko kahit na iritado na ako sa paulit ulit na pagpapaliwanag kay mommy. Halos gabi gabi na siyang tumatawag at umiinom sa Cebu, nagbabanta na lilipad pa Maynila. My titos are also concerned and I don't know what to do with her.

Isang buwang hindi umuwi si dad sa condo. Isang buwan ding hindi siya umuwi ng Cebu. I didn't mind. What with my mom drunk and over reacting, he probably didn't know what to do. That was a lie, though. I was worried.

"Tumatawag parin ang mommy mo gabi gabi?" Nilapag ni tita Corazon ang isang bowl ng french fries sa harap ko.

Nakapangalumbaba ako sa kanilang dining table habang tinitingnan ang cellphone ko. Nag dadalawang isip akong tawagan si dad. Araw araw naman siyang tumatawag sa akin pero hindi ko siya nasasabihan na umuwi dahil miss ko na siya o at least umuwi ng Cebu para mapanatag man lang si mommy.

"Oo, tita. I honestly don't know what to say to her everytime." sabi ko habang pinapanood si Jessica na nakikipag landian siguro sa boyfriend niyang si Anton sa text dahil malaki ang ngisi nito sa harap ko.

"Naku, ang mabuti pa ay tawagan mo na lang ang daddy mo. Naiipit ka sa dalawa, A. Let them deal with their problems.

"Ang naiisip ko lang kasi tita, wala namang basehan si mommy para mag isip ng masama kay dad. Dad is a good man. He's just working. For the past nineteen years ay sa Cebu siya nanirahan with no history of cheating. Dapat ay iyon ang pang hawakan ni mommy." Sa kalagitnaan pa lang ng eksplenasyon ko ay umiiling na si tita Corazon.

"Women and their intuition, A. One day, pag nag kaboyfriend ka, you'll know." Tumango siya.

Napatitig lang ako kay tita at nag kibit balikat siya sa akin. As if that was my cue, nag paalam ako na tatawagan ko lang muna si daddy para man lang yayain siyang umuwi na lang muna ng Cebu this weekend. I can help them fix this problem. At least it would calm my mom too. And if it helps, I want my dad to take a leave from work and be with mom. Baka ako ang mabaliw sa gabi gabi niyang tawag at pang iistorbo niya sa akin.

I dialed dad's phone number. Hinahawakan ko isa isa ang muwebles nina Jessica sa kanilang altar na puno ng mga chinese gods at incense. Nang narinig ko ang hininga sa kabilang linya ay agad akong napatalon.

"Hello, dad."

"Hello..." Babae ang sumagot.

Bahagya akong natigilan. His assistant or secretary?

"Hello! This is Aurora Veronica Pascual, Mr. Pascual's daughter. May I speak to him?" Pormal kong sinabi.

"Wala siya, naliligo." Iyon lang ang simpleng sinabi ng babae at binabaan niya pa ako ng cellphone.

My eyes widened. That... that was not possible. Naliligo si daddy? Nasaan siyang lugar kung ganon? More importantly who was that girl?

Nanlalamig ako at hindi makapag salita habang nakaupo sa sofa nina Jessica. Lumipat ang aking kaibigan doon na malaki ang ngiti.

"Labas tayo sa Friday, nag yaya si Anton! Asan na ba 'yong Adrian na iyon? Kanina pa 'yon papunta dito? Ano isang oras siyang na traffic?" Umirap si Jessica habang ako naman ay hindi makapagsalita sa pagkakatunganga kaya nanliit ang mga mata niya sa pagtataka. "You okay? Para kang nakakita ng multo."

Inilipat ko ang tingin ko kay Jessica at unti unting napawi ang ngiti niya.

"What happened, Av?" Pormal niyang sinabi at tumayo para lumapit.

"I called dad. May sumagot na babae at sinabing naliligo pa siya."

Mangiyak ngiyak ako nang sinabi ko iyon. I was over reacting too. Pero hindi ko kayang hindi maramdaman ang takot at frustration sa aking sistema! This is killing me!

I waited for an hour. Akala ko ay tatawag si dad pero hindi niya ginawa. At dahil sa frustration ko ay ako na mismo ang tumawag sa kanya ulit. Si Jessica at tita Corazon ay nasa harap ko, nakikisimpatya at nag aalala sa akin.

"Hello..." si dad ang sumagot nito.

"Dad..." Hindi ko maiwasan ang sakit sa tono ng pag sagot ko.

"Hi! Napatawag ka? Is there a problem, hija?" Pormal na tanong ni daddy sa tonong nag mamadali.

"Tumawag rin po ako kanina, hindi ba nabanggit sa inyo nong sumagot ng cellphone niyo?" Napatingin ako kay tita Corazon at Jessica.

Kita ko sa mga mata nila ang panlalaki dahil sa tanong ko.

"H-Hindi. What? You called? Hindi ko alam. Aurora, I got to go. I have to run some errands. I'm gonna call you back later."

"Dad-" Bago ko pa madugtungan ay pinutol niya na ang linya.

Tiningnan ko ang cellphone ko na may display kung ilang minuto lang kaming nagkausap. Tumikhim ako at nilapitan na ni Jessica tsaka niyakap. Kahit wala pa akong sinasabi ay alam kong alam niyang nag aalala na ako ng husto para kay mommy at daddy.

Sa araw na iyon ay hinintay ko ang tawag ulit ni daddy pero walang dumating. Kahit na sa sumunod na araw. Ayaw kong tumawag ulit dahil naduduwag ako. Natatakot ako na baka may sumagot ulit sa kanyang cellphone na hindi ko magustuhan kaya imbis na ganon ang gawin ko ay nag text ako.

Ako:

Good morning, dad! Hindi ka pa tumatawag sa loob ng dalawang araw. Nag aalala na po ako. I hope you're calling mom man lang kahit na huwag na ako. I miss you. Take care.

He replied right away.

Daddy:

I'm sorry, Aurora. I'm just really quite busy. Your tito is undergoing chemo at naka receive ako ng death threats nitong mga nakaraang araw. I didn't want to go back to Manila dahil baka madamay ka pa. As for your mom, I call her everyday but she's always mad at me. You take care also. I'll call you tomorrow.

Medyo nawala ang kaba ko sa sinabi niyang tinatawagan niya naman si mommy. That was a good thing, I'm sure. Kahit na ba laging galit si mommy ay importante parin iyon.

Ako:

I also hope na kahit sa Cebu ka na lang muna umuwi. Or pwede ring sabay tayong umuwi, dad. I'm worried kay mommy. She's calling me every night. She's worried about you. Hope you understand, dad. Hindi kasi siguro sanay si mommy na malayo kayo sa isa't-isa. And also, I wish to visit Cavite and help you out with tito. Mom would be glad to help too if you just let her.

Hindi niya na ako nireplyan sa text na iyon. Kahit na hindi niya na ako nireplyan ay medyo nakalmante ako. Naisip ko rin na siguro ay ayaw niya muna kaming masali sa death threats na natatanggap niya.

Binalewala ko iyong babaeng nakasagot. Inisip kong assistant o secretary niya lang siguro iyon kaya hindi ko na inusyoso. But deep inside me, I know I'm worried. Hindi ko matanggal iyon sa isip ko at ang tanging ginagawa ko na lang para pigilan ang sarili kong isipin iyon ay ang pagpaparty.

"You are not going to find a boyfriend because of that, believe me." Ngiti ni Adrian habang nasa bar kami.

Uuwi ako bukas ng Cebu. Nangako si daddy na uuwi rin siya. After 3 months, sa wakas ay uuwi siya!

"I'm not here to find a boyfriend, Adrian."

Umiling ang kaibigan kong sobrang gwapo. Matangos na ilong at halos banyagang mga features sa mukha ang bumabalot sa imahe ni Adrian. Sayang lang talaga siya. Sa dami ng nag hahabol sa kanya ay ilang beses na akong napagkakamalang girlfriend niya, natatarayan pa ako ng iba. Jess is close to Adrian but then she's got Anton. While I'm here with no boyfriend and always with Adrian, natural lang na maisipan ng lahat na ako nga ang babaeng mahal nitong mala Adonis na lalaking ito.

"And besides, the main reason why I can't get one is you. Iniisip ng lahat na ikaw ang boyfriend-"

"Shhh!" Lumaki ang mata niya. "Hayaan mo sila sa iniisip nila." Nagtaas siya ng kilay at lumapit ng husto sa akin. Like he's flirting or what. Nakita ko pa ang pag pirmi ng mata sa amin ng mga babaeng naroon sa bar.

"Oh... great." iling ko at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari.

Masaya ang gabing iyon kaya kinaumagahan, nang sabay kami sa eroplano ni dad ay masaya rin ako. Dad looked nervous so I talked to him a lot, telling him some of my funny stories at school. Sinabi ko rin sa kanya na may mga nanliligaw sa akin. Natatawa naman siya at sinabi niya rin na nalulungkot siya sa nalalapit kong internship sa Singapore at Vietnam sa susunod na anim na buwan. Masaya rin daw siya dahil malapit na akong gumraduate.

It was some bonding there. Mas lalo lang akong naging panatag. Nang nakauwi na kami sa aming bahay sa Mandaue at nagkita na sina mommy at daddy ay naging kaswal naman ang batian. My mom wouldn't look at dad but at least she didn't shout at him or what.

Nag pahinga ako sa aking kwarto at natulog dahil sa pagod sa byahe at sa nagdaang gabi nang nagising ako sa isang malakas na pagkakabasag ng kung anong babasagin. Kahit na hindi ko masyadong marinig ay nakakasiguro ako sa sigaw ni mommy sa kabilang kwarto. Nag aaway ang dalawa!

Kinagat ko ang labi ko at agad bumangon. God damn it! What's happening?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro